CARCEL
She signed the divorce paper. "Pak! Bagay na bagay sa iyo, Madam! This wedding gown is the one for you! Bongga! Ikaw na yata ang pinakamagandang bride sa history ng mga brides!" "Echos ka, bakla! I know this suits me, but no need to exaggerate it. Just say I'm gorgeous, and that's enough." "Madam bride, dapat si Mister groom ang magsasabi sa inyo niya, pero mukhang absent-minded ang peg!" "Huh? Carcel?" Nung araw na nakita ko silang dalawa ni Kuya sa mansyon ay ang huling araw na nakita ko siya. Ipinadala lamang ang divorce paper ni Tita Grace, at ibinalik sa aking may pirma na ni Jett. Ilang weeks na ang lumipas, pero ginagambala parin ni Jett ang isipan ko. Dahil hanggang sa dulo, kahit nabunyag ko na ang sikreto nila ni Kuya Callisto, sinubukan parin niya iyong itanggi. Kakatawa na nagawa pa niyang magbitiw ng mga salita sa akin. Hindi na lang niya ipasalamat, na hindi ko siya pinahiya o ipinalandakan ang pagloloko niya kahit matagal ko na iyong alam. "Carcel, ano ba?" para akong nagising nang humarang si Gia sa paningin ko. "Kanina ka pa tulala, ano bang iniisip mo?" Napatuwid ako ng likod sa pagkakaupo sa malambot na kutson. Suminghap ako ng hangin at may pilit na ngiting tumugon. "It’s nothing. Just business." "Business parin? Ano ba naman iyan! Pumayag ka ngang samahan ako na magsukat ng wedding gown ko, pero 'yung kaluluwa mo naman naiwan sa business mo! Edi parang wala rin. Parang wala ka rin dito." nagkrus ang dalawang braso niya, umaktong nagtatampo akong tiningnan. "Sorry," was all I could say. "Argh!" sumuko agad siya. "Anyway! Do you like my gown? Mas bagay ito sa akin kumpara sa kaninang sinukat ko hindi ba? Ano sa tingin mo?" "Maganda." "Aaannddd?" "It suits you." Muli siyang bumusangot. "Ang tipid naman ng compliment mo para sa future bride mo! Dahil diyan, ayaw ko na neto. Magsusukat ako ulit!" Muli siyang pumasok sa loob ng fitting room kasama ang mga nag-aayos sa kanya. Napabuntong-hininga ako at nilabas ang aking cellphone. Ini-scroll ko ang contacts at huminto sa number ni Jett. Binasa ko muli ang huling message niya sa akin nung araw na nalaman niya ang tungkol sa amin ni Gia. [Mag-iingat ka sa pag-uwi bukas, love! Kailangan pa kitang makita ng buo dahil may importante akong sasabihin sa'yo ^^ I'm sure matutuwa ka, love! Bibigyan kita ng clue; nagke-crave ako ngayon ng foods na hindi ko naman pangkaraniwang kinakain! Hihihi, love you! ^o^ I miss you so much!] Kahit anong pag-intindi ko, nangangamote parin ako. At ang kuryosidad ko na malaman iyon ay hindi humuhupa kahit halos dalawang buwan na ang nakalipas. Lahat naman ng pwedeng kainin ay kinakain ni Jett, kaya ano itong cravings niya? Hindi ko maintindihan ang clue na binigay niya. May gusto ba siyang ipasalubong ko na pagkain? Importante yata iyon para sa kanya. After all, she’s always been this weird. "Tada! Carcel, ano sa tingin mo kung itong klase ng wedding gown ang isuot ko para sa kasal nating dalawa?" lumabas si Gia sa fitting room para ipakita sa akin ang sarili niya suot ang napili niyang puting gown. Pinilit kong ngumiti. "Maganda." Ngumuso naman siya. "Eh lahat naman ng sinukat ko puro maganda lang sinasabi mo! Wala na ba talagang iba? Hindi tuloy ako nasa-satisfied! Gusto ko 'yung mapapanganga ka sa itsura ko!" "You're already gorgeous, no need to be overly dressed." "But this is my first time getting married! Hmp! Palibhasa ikaw pangalawa mo na kaya wala kang pakialam!" umasta siyang nagtampo. "Whatever! Magsusukat pa ako. Bakla! Paki-tulungan nga ako tanggalin itong gown, may isa pa akong pinatahi 'di ba? Iyon naman ang susukatin ko..." "On it, madam! For sure magugustuhan mo ang isa! Actually all the twelve wedding gowns na pinatahi mo ay magaganda! Kaya wala ng masabi si Mister kundi iyon! Hahaha~" Napatingin ako sa orasan ng aking relo. Dalawang oras ko nang pinapanood si Gia na magsukat ng mga gown pero hindi parin siya natatapos. Naiinip akong lumabas ng building habang inaayusan pa siya sa loob para tawagan ang aking sekretarya. "How's the meeting with Misis Lombardi? Did she accept our company's proposal?" kuryoso kong tanong nang masagot ng sekretarya ko ang tawag sa cellphone. "That, Mister Rossi, she's having a second thought whether to accept or not. She finds it insulting that the CEO of the company wasn't the one she's having a meeting with although she said she understands that you had an emergency kaya kayo hindi nakapunta sa meeting." nangangamba ang boses nito. "Pasensya na po, Mister Rossi, I tried my best para kausapin si Misis Lombardi, sinabi niya pag-iisipan pa niya at tatawag na lamang siya para sa desisyon, but it's highly unlikely that she will accept the proposal due to the fact that she was insulted by your absence." "Damn it." nahilot ko ang aking sentido. "Set a schedule for us to meet, and I'll personally visit her for the business proposal." "Yes, sir!" Binaba ko ang tawag. Kung bakit ba kasi nataon pa ang pinangako kong pagsama kay Gia sa pagsusukat niya ng dress sa aming meeting kanina. It's just so hard to turn her down at paniguradong pag-aawayan lang namin ito kung hindi pa ako sumipot. But then again, ang kumpanya ko naman ang makaka-missed ng malaking opportunity. "Oh wow, Carcel!" Naibaba ko ang kamay ko nang may babaeng tumayo sa harapan ko. Sandali ko pa itong pinakatitigan bago ko mapagtanto kung sino ito. “Kaye. Unexpectedly seeing you here.” Isa si Kaye sa mga kaibigan ni Jett. Paniguradong alam na nito ang nangyaring divorce namin ng kaibigan nito. Kaya kakataka na binati pa ako nito ng may magandang ngiti sa mukha. “Anong ginagawa mo rito, Carcel?” nagliwanag pa lalo ang mukha niya. “Kasama mo ba si Jett?” Nagkunot-noo ako. Hindi ba niya alam? “HIndi ko siya kasama. You?” “Ah! Ikakasal na kasi ako kaya titingin sana ako ng wedding gown. Huwag ka munang maingay kay Jett tungkol dito, ah? Balak ko sana siyang surpresahin! Hindi ko muna siya iistorbuhin dahil paniguradong busy pa siya sa baby niyo!” mas lumaki ang ngiti niya. “Kumusta na nga pala? Tini-take ba niya ang sinabi kong vitamins na makakatulong sa pagbubuntis niya? Palagi mo rin siyang alalayan sa tuwing may dinaramdam siya, ah? Alam mo na ba ang dapat mong gawin bilang asawa? Nako, kakailanganin mo ng mahabang pasensya, Carcel!” “W-What…” naiwan akong nakatulala sa mahaba niyang sinabi. Bumilis ang pagtibok ng puso ko. “Anong sinasabi mo? B-Buntis…. Buntis si Jett?” “Huh?” natigilan siya at nagtaka. “Hindi mo alam? Ha? Hindi pa ba niya sinasabi? Oh my gosh, did I spoil it? But no! Ilang buwan na ah? She’s three months pregnant by now! Imposibleng hindi pa niya sinasabi sa’yo…. Excited pa nga siya…” Natataranta kong nilabas ang cellphone ko para tingnan muli ang huling message ni Jett. “She said she’s craving foods she’s not usually eating. Dahil ba ‘yon sa pagbubuntis niya?” Ilang beses na kumurap-kurap si Kaye, inuusisa ang kasalukuyang nangyayari. “Answer me!!” walang pasensya kong sigaw. “Y-Yes, yes! Of course! Jett is pregnant… bakit hindi mo pa alam?” “Fuck!” nagmamadali akong umalis sa lugar. Sumakay ako sa sasakyan at pinaharurot iyon. Pinigilan ko ang panginginig ng kamay kong nakahawak sa manibela. “S-She’s pregnant… is she carrying my child? O kay Kuya?” Damn it, Jett! Damn it!!CALLISTO“Pambihira ang nangyari sa pamilyang Rossi, ano?”“Sinabi mo pa! Pero ang sabi-sabi ng mga maids nila, kinarma raw kasi mga cheater sila.”“Huy! Totoo ba?”“Hindi lang iyon, may mga nakapagsabi rin na marami silang kalokohaan behind closed doors.”“Gaya ng?”“Actually, mahaba ang kuwento, pero simulan natin sa padre de pamilya… balita ko ay may dalawa siyang asawa noon na pareho niyang pinakasalan sa magkaibang bansa tapos isang araw nasa iisa na silang mansyon—”“Wow. Interesting.” ngisi kong komento sa dalawang nagtsi-tsismisang nurses habang nakatayo sa likod nila.Pareho silang natigilan at sabay na napalingon sa akin. Sa mga itsura nilang nanlalaking mga mata ay halatang nakilala agad nila kung sino ako.“Oh tapos? Ano nang nangyari ng dinala ng Dad ko ang dalawa niyang asawa sa mansyon?” sarkastiko ko pang tanong.“S-S-Sir Callisto!” ang babaeng nurse na siyang nagkuwento ay parang nakakita ng multo, ganoon din ang mukha ng kanyang kasama.Bumaba ang paningin ko sa name
GIA“The patient is suffering from retrograde amnesia.” pagdedeklara ng doktor.“A-Amnesia?” kahit pa batid ko na iyon dahil sa mga inaakto ni Carcel, ang makumpirma ito ng doktor ay nagpabagsak parin sa akin sa gilid ng kama na kinahihigaan ngayon ni Carcel dala ng panlalambot.“D-Doc, ano pong ibig sabihin no'n? Ano ba iyang nangyayari sa anak ko?” rumehistro ang matinding pag-aalala sa mukha ni tita Malou.“In simpler terms, retrograde amnesia in simpler terms, is when a person has difficulty recalling memories or information from their past before a specific event, injury, or illness. This memory loss can vary in severity and can affect different periods of a person's life.” pagpapaliwanag ng doktor saka nagpatuloy. “Sa aking nakikita, dahil sa insidente five years ago at sa tagal ng pagkaka-comatose ni Mr. Carcel Rossi, maaaring nakalimutan niya ang mga pangyayari nitong nakalipas na mga taon. Importanteng malaman natin ang espisipikong taon at kaganapan na kanyang naaalala nang
GRACE Isang linggo na ang nagdaan simula nang magising ang aking son-in-law. Subalit imbes na kagalakan at selebrasyon ang mamayani sa aming mga pamilya, napuno ng kaguluhan at pagkabahala. Wala ni isa ang makapaniwala sa kasalukuyang nangyayari at halos wala lahat sa kontrol. “Carcel, pleaseee! Pakinggan mo muna ako!” humahagulgol na nagmamakaawa ang aking anak na si Gianna kay Carcel, pinipilit niyang pinapatigil ang kasintahan sa pagwawala at paghahalughog sa buong mansyon namin. “Carcel, nakikiusap ako!!” “Tumabi ka!!” walang pusong binalibag ni Carcel si Gianna sa pader nang harangin nito ang dinaraanan niya. “Gianna!” “Hala! Si ma'am si Gianna!” “Gia!” Puno ng taranta at aligaga akong tumakbo patungo kay Gia sa second floor nang makita siyang namimilipit sa sakit. Subalit hindi ko pa man siya naaalalayan ay nagmamadali na siyang kumilos upang habulin muli si Carcel. “Carcel!! Please, stop! Listen to me! I'm begging you, Carcel!!” halos magkandarapa si Gia sa paghahabol sa
JETT“Anjettie, ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba niya?” nag-aalalang tanong sa akin ni Hugo pagkalabas na pagkalabas nila Callisto.Nanlalambot ang ang mga tuhod ko habang inaalalayan niya ako paupo sa couch. Unti-unting sumingaw ang labis na panlalamig mula sa aking katawan, ramdam ko parin ang pagkaputla ko. “Ate Jett, tubig po!” inabutan ako ni Yuna ng tubig na may pag-aalala habang si Vicky ay pinapaypayan ako.“Sissy, anong nangyari ba't ganon'n naman pala ang mga taong ‘yon?”Nilaghok ko ang tubig, naghabol ng hininga pagkatapos. Bahagya akong napreskuhan saka ako huminga ng malalim nang tatlong beses. “A-Ayos na ako.”“Boss, sino ba ang mga taong iyon?” kuryosong tanong ni Nisha.Umiling ako. “Simula sa araw na ito bawal niyo na silang papasukin sa shop. Walang dulot na maganda ang mga taong iyon. Naiintindihan niyo?”Nagkakatinginan silang napatango.Bahagya akong sumeryoso. “Kalimutan niyo na ang nangyari at ituloy niyo na ang pagtatrabaho ngayon din.”Nakikita ko ang pag-aat
JETT “Pambihira! Isa ka na palang negosyante, Jett. Akala ko maliit na shop lang ‘to, pero mukhang bibigatin din, ano?” nasisiyahang sabi ni Callisto. Ang malaki niyang boses ay umaalingawngaw sa buong lugar. Kahit kailan ay hindi ko nagustuhan ang paraan niya ng pagsasalita, ang bawat tono na binibigkas niya dahil puno iyon ng kayabangan o ‘di naman kaya'y pagiging sarkastiko. Kung kaya't hindi ko alam kung talaga bang natutuwa siya sa papuring iyon sa akin. Lihim kong naiyukom ang dalawa kong kamao upang humugot ng lakas ng loob. Binura ko ang aking emosyon. He's a stranger to me now no matter what. “Anong kailangan mo't sinadya mo pa ako sa aming shop, Sir?” “Oh,” tinaasan niya ako ng isang kilay, kasabay no'n ay tumaas ang sulok ng labi niya. “Would you look at that?” Napaigtad ako sa kinatatayuan subalit hindi na ako umatras pa nang ilang hakbang siyang lumapit sa akin. Halos limang pulgada na lamang ang layo namin sa isa't-isa. Walang takot ko siyang tiningala. Matagal kami
JETT“Malayo ang tingin~ Wala namang tinatanaw~”Unati-unti akong bumalik sa reyalidad nang marinig ang pagpaparinig na kanta nila Vicky at Nisha habang sila'y nagpaplantsa ng mga damit. Napapailing naman akong napaikot ng mga mata.“Ewan ko sa inyo.” naiusal ko. Natanto kong may ginagawa nga pala ako sa aking kinauupuan at tinuloy na lamang ang pagdrawing ng mga maliliit na dresses para kay Jelly.“Eh kasi naman sissy, parang ang dami-dami mong nakikita na hindi namin nakikita. Sino ba, este ano bang iniisip mo diyan?” Usyosong tanong sa akin ni Vicky.“Wala!” tanggi ko agad. “Echos mo, sissy! Panigurado namang si Poging Hugo lang iyang laman ng isipan mo!”“Ayiiieee~ Nagdadalaga na si Boss!” panunukso pa ni Nisha.Nasapo ko ang aking noo, pinipigilan na mapatawa sa pang-aasar nila. “Nababaliw na kayo. Puwede bang mag-focus na lang kayo sa ginagawa niyo at huwag niyo na akong abalahin pa?”“Hmp! Ayaw man lang mag-share ni Boss.”“Sa true~”“Tsk! Gusto niyo lang ng chismis eh. Bahal