로그인A marriage that should be shared by the two person who love each other become an responsibility to fulfill. Does love will be developed or it will be just a pure pleasure.
더 보기“Hindi ka ba talaga titigil Kiva?” Naiinis na wika ko habang pinipilit na binabasa ang nakalagay sa flyer.
“Bakit ba?” wika nito at inagaw ang flyer na hawak ko “Racing club? Really Talayah, kailan kapa nagkaroon ng hilig sa-
Hindi natuloy ang sasabihin niya sana ng bigla siyang bumangga sa isang bully na kaklase namin, walang iba kundi ni Mark.
“What the!” singhal nito at akmang mambubulyaw ngunit ng napansin nito kung sino ang bumangga sa kaniya ay napalitan ito ng pang-aasar. “Woah, Mr. Nerd” Pang-aasar nito kay Kiva na siyang kinayuko ni Kiva.
“Oh shut the fuck up Mark” Inis na wika ko hinila si Kiva papalayo roon ngunit inisang hakbang lamang niya ang aming distansya at muli na siyang humarang sa harapan ko na siyang kinairita ko pa lalo.
“Kalma ka lang, wala pa nga akong ginagawa eh, and can’t you see I’m soaking wet, Talayah. Would you mind?” Wika nito at may pakagat labi pa, dahil sa kaniyang sinabi ay naging agaw kami ng pansin
“Hindi ka ba titigil?” Matapang na wika ko at tinignan ko siya diretso sa kaniyang mata.
“Matapang ka nga talaga, but this one-
Alam kong walang kuwenta rin lang ang lalabas sa kaniyang bibig kung kaya’t agad ko siyang sinuntok sa mukha dahil sa subrang irita ko sa kaniya, dahilan para mapahiya ito. Ang kaninang mapang-asar nitong mukha ay napalitan ng pagkagulat kalauanan ay galit ang namutawi roon.
“Ohh, payag ka noon Mark?”
“Wala ka pala eh”
“Babae lang pala ang katapat mo e”
Samo’t saring comment ang naririnig ko sa mga nakapaligid samin dahilan para mas lalong gusto ko pa siyang asarin.
“Remember this, No one have any right to insult Kiva. That’s a warning Mark. You really know what can a Kaplan can fucking do.” banta ko, akmang sasagot pa ito ngunit pinakyuhan ko lamang siya at hinila si Kiva paalis sa lugar na iyon.
Mula pagkabata ay talagang sanggang dikit kami ni Kiva, hindi kami nagkakalayo dahil ang aming pamilya ay masyadong magkalapit na magkaibigan. Bukod pa doon ay aware kami parehas na kami ay pinagkasundo ng aming mga magulang ngunit hindi nila kami minamadali. Madalas na nabubully si Kiva dahil sa kaniyang kasuotan, lagi itong nakasuot ng salamin, malaking damit at maluwag na pantalon. Hindi ko naman maipagkakaila na gwapo ito at bagay ito sa kaniya ngunit hindi lamang ito tanggap ng mga taong nakapaligid sa kaniya, lalo na sa aming paaralaan. Ngayong high school kami ay ganoon parin.
Ng makalayo-layo kami sa lugar ay agad kaming nagtungo sa likod ng gymnasium kung saan madalas kaming tumambay. Malayo sa ingay ng school, malayo sa mga bully na laging pinagtitripan si Kiva, malayo sa mapanghusgang mundo.
Naupo agad kami sa upuan na ginawa namin. Gawa ito sa pinagpatong-patong na kahoy upang maging komportableng upuan.Tahimik kaming naupo roon, at pinakiramdaman ko na lang ang bawat ihip ng hangin upang kumalma ang aking pakiramdam.
"Pasensya na" Napatingin ako kay Kiva ng bigla itong magsalita habang nakayuko. Ang unti-unting pagkalma ko ay napalitan muli ng matinding galit at inis dahil sa kaniyang sinabi. "Pasensya na at napaaway ka ulit dahil sakin" dagdag pa nito.
Dahil sa subrang inis ko at bigla ko siyang kwinelyuhan.
"Ito ang i*****k mo dyan sa kukute mo, Kiva. Wala kang kasalanan kung palagi akong napapaaway. Choice ko yun. Choice kong pinagtanggol ka sa mga walang hiyang iyon." Naiinis na wika ko nanatili itong nakayuko dahilan para mas lalong mag-init ang aking ulo.
"Itaas mo iyang ulo mo, Kiva." Madiin na wika ko ngunit nanatili parin itong nakayuko.
"Kailangan ko pa bang ulitin ang sinabi ko, Kiva?" May bahid na ng pagbabanta ang aking boses, dahil doon ay paunti-unti nitong inangat ang kaniyang ulo at doon ko nakita na may namumuong luha sa kaniyang mga mata.
Ang galit sa puso ko ay napalitan ng lungkot dahil sa kaniya. Ang kamay kong nasa kaniyang kwelyo kanina ngayon ay dumapo sa kaniyang mukha at pinunasan ang mga luhang namumuo sa kaniyang mga magagandang mata.
"I'm sorry for being mad at you, Kiva. Your a Blaundrua, you shouldn't bow your heads to anyone." Wika ko habang nakangiti sa kaniya.
Dahil sa sinabi ko ay nagumpisang tumulo ang kaniyang mga luha. Kaya agad ko siyang hinila papalapit sakin at niyakap.
He didn't deserve it.
Nanatiling nasa ganoon kami ng posisyon hanggang sa siya ay kumalma. Basang basa ang balikat ko dahil sa kaniyang mga luha. Ng tuluyan na siyang kumalma ay kumalas na ito sa aking pagkakayakap. Ng tignan ko siya ay parehas kaming natawa sa kaniyang hitsura.
"Para kang adik" Natatawang wika ko na siyang kinanguso niya.
"Loko" wika nito
Nakangiti akong bahagyang pinat ang kaniyang buhok. Nanatili pa kami ng ilang minuto sa aming tambayan hanggang sa tumunog na ang bell hudyat na oras na para umuwi.
"Cuting classes na naman tayo" Wika nito na siyang kinatawa ko
Marahan kong pinagpag ang aking suot na mini skirt na uniform namin tyaka naglahad ng kamay upang alalayan siyang tumayo na siyang tinanggap niya. Nagulat ako ng kinuha niya ang aking bag at siya nagdala doon. Akmang babawiin ko ang aking bag ng bigla na lamang ito tumakbo papalayo.
"Ang mahuli siya ang magluluto ng hapunan!" sigaw nito habang karipas ang pagtakbo. Dahil sa kaniyang sinabi ay agad din akong tumakbo.
Ng mapagod na ako ay mas pinili ko na lamang maglakad. Ng lumingon ito sakin at ng mapansin ako nitong naglalakad ay binagalan nito ang kaniyang pagtakbo hanggang sa naging lakad lamang ito. Mabagal ang bawat hakbang nito upang maabutan ko siya kung kayat hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil doon.
Agad akong nakaisip na kalokohan kaya imbis na pumantay ako sa kaniya ay mas lalo kong binagalan ang aking paglalakad. Napansin ko ang pagkainis nito dahil sa tagal ko maglakad. Kung kayat siya na mismo ang bumalik sa tabi ko.
"May problema ba?' bungad nito ng makalapit ito sakin.
"Masakit lang itong gilid ko. Alam mo namang hindi ako fan ng running eh" wika ko at pekeng hinawakan ang aking gilid.
Nagulat na lamang ako ng bigla itong lumuhod sa harap ko.
"Hop in"
Hindi ko makakalimutan ang araw ng aking panalo sa karera—hindi lamang dahil nanalo ako, kundi dahil sa ngiting nakita ko sa mukha ni Kiva nang tumawid ako sa finish line. Mula noong araw na iyon, alam kong hindi na muling magiging pareho ang pananaw niya sa karera ng sasakyan. Ang dating pagkawalang-interes na nakikita ko sa kanya tuwing pinag-uusapan namin ang mga makina at bilis ay unti-unting napalitan ng kakaibang kuryusidad at malinaw na paghanga.Nakita ko pa nga siya noong gabi ng aking panalo, na tahimik na nagmamasid sa aking kotse habang inaayos ko ang ilang piyesa. “Talayah, ang lakas pala ng makina nito,” bulong niya, at naramdaman ko na iba na ang tono ng kanyang boses—hindi na ito puno ng pag-aalinlangan, kundi ng tunay na pagkamausisa. Binigyan ko siya ng pagkakataong hawakan ang manibela, at nakita ko kung paano kumurap ang kanyang mga mata nang maramdaman niya ang tibok ng makina na tumutugma sa ritmo ng kanyang puso.Sa mga sumunod na araw, hindi na ako nag-iisa sa
Simula ng araw na iyon ng makatanggap ako ng isang mensahe galing sa isang meyembro ng club. Hindi ko siya gaanong kilala dahil sa bihira lang itong pumasok sabi ng mga kasama ko, palagi daw itong nasa guild at nakikipag karera. Naging usap-usapan din sa aming paaralan ang pagsali ko sa car racing dahil ako lamang ang nag-iisang babaeng sumali doon. Isang araw ay habang naglalakad ako sa hallway papunta sa classroom nina Kiva ay bigla akong hinarangan ng isang lalaki. Guwapo ito, magulo ang kaniyang buhok ngunit bagay naman ito sa kaniya. Matangos ang kaniyang ilong, mapupula ang labi at maganda ang hugis ng mukha. Para siyang perpektong tao sa aking paningin. Siya na yata ang lalaking binayayaan ng ganito kagandang mukha. “Did you receive my message?” Tanong nito na siyang kinakunot ng aking noo. Gwapo nga mukhang wala namang modo. Anong silbi non. “Anong pinagsasabi mo?” Mataray na tanong ko “I sent you a mess-“Stalker ka siguro no?!” wika ko at akmang sisigaw upang maagaw a
Pagkababa ko mula sa likod ni Kiva, agad niyang iniabot ang aking bag. “Salamat,” wika ko, sabay ngiti. Hindi naman kalayuan ang bahay namin mula sa eskwelahan, ganoon din ang bahay nina Kiva. Habang naglalakad kami, naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking pisngi. Tahimik ang paligid, tanging tunog ng aming mga yapak ang maririnig sa sementadong daan. “Para namang bago sa’yo ang buhatin pauwi, a,” biro niya, sabay kindat. Napairap ako, ngunit hindi ko maitago ang bahagyang ngiti. “Anyways,” dagdag niya, biglang seryoso ang tono, “seryoso ka ba sa pagsali ng car racing?” May halong pag-aalala ang kanyang boses, at doon ako biglang napatigil. “Yeah,” sagot ko, bahagyang tumawa. “Alam mo naman, bata pa lang ako mas lamang ang mga kotse kaysa sa mga barbie doll.” Napatawa siya, ngunit hindi nawala ang bakas ng pag-aalala sa kanyang mga mata. “Oo nga naman,” sagot niya, bago tuluyang nagpaalam. “Oh siya, una na ako at gabi na.” “Good night, Kiva. Inga
"Hop in," wika nito, na siyang kinatigil ko. Anong trip nito? Hindi ko mapigilang mamula ang aking mga pisngi dahil sa kanya. Bahagya ko siyang tinulak, dahilan para mapaubos ito sa sahig."Aray! Bakit ba?" naiinis na wika nito at masama akong tinignan."Aba, lalaki! Ano bang trip mo at may pa-'hop in, hop in' ka pang nalalaman? Ano ka bang kotse?" wika ko, umiiwas ng tingin upang hindi niya mapansin ang pamumula ng aking pisngi, dahil alam kong aasarin niya ako."Hindi ba't masakit 'yang gilid mo? Piggy back ride na lang kita para makauwi tayo agad," wika nito at muling umayos ng pagkakaluhod. "Ikaw na nga itong tinutulungan, dami pang reklamo." Bahagya akong umirap, saka ako sumampa sa kanyang likod.Inayos niya muna ang aking pagkakasampa bago siya nagsimulang maglakad. Agad na umukilkil sa aking ilong ang kanyang pabango, na siyang paborito kong amuyin. Hindi na talaga ito nagpalit ng pabango kahit kailan. Tahimik lamang kami habang pauwi kami. Bigla na lamang bumalik sa aking isi
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.