Share

Kabanata 6: Impostor

Penulis: M.A.B. Writes
last update Terakhir Diperbarui: 2024-05-07 17:23:04

ALLYS POV

Napahagulhol ako, gusto kong magprotesta. Gusto kong isigaw na hindi ako ito. Gusto kong magreklamo pero alam kong hindi iyon makakadulot nang mabuti.

Alam kong magagalit ang mag-asawang Cuevas kapag nagsabi ako ngayon nang totoo sa kanila. At may posibilidad pa na ipakulong nila ako dahil sa pagiging impostor ko.

Napahikbi ako sa naiisip ko ngayon. Tama! Isa akong impostor sa kanila. Napakasama ko!

Tiningnan ko muli ang aking mukha sa salamin.

Maayos ang pagkakaporma ng aking mukha. Nakahulma nang mabuti ang aking mga kilay at sobrang tangos ng aking may kaliitang ilong. Mapupulang labi na halos sobrang perpekto. Napansin ko ring medyo may pagka kulot ang aking buhok na kulay brown hanggang beywang. Tinitigan ko ang aking mga mata.

Tanging ang mga mata ko lang ang naiwan sa pagiging normal. Tanging ang mga mata ko lang ang naiwang bakas na ako talaga si Allys at hindi ang anak nilang si Mariel.

"Pwede na tayong bumalik sa Pilipinas Mariel," sabi ng ginang sabay haplos nang marahan sa aking buhok.

Napatitig ako sa kanyang mukha na nakangiti. Magkamukhang magkamukha sila ng anak niya. Hindi ko maiwasang kabahan ulit.

Handa na ba ako sa mga maaaring mangyayari?

Handa na ba akong talikuran ang pagiging Allysa Florencia ko at maging si Mariel Evangeline Cuevas na anak nila?

(Few days later)

Makalipas ang ilang araw ay nakalabas na ako sa ospital at nandidito na ako ngayon sa bahay ng mga Cuevas sa America. Dito ko lang napagtanto na sobrang yaman pala ng nasabing mag-asawa.

Hindi lingid sa akin ang plano nilang pagbabalik sa Pilipinas. Sobrang kinakabahan ako dahil hindi naman talaga ako si Mariel.

Napalingon ako sa pinto nang makarinig ako ng isang marahang katok mula sa labas ng aking silid. Bumukas iyon at pumasok si Madame.

"Hija gising ka na pala. Ayos ka lang ba? May masakit ba sa iyo?" tanong niya habang bakas pa rin sa boses niya ang pag-aalala.

Marahan akong umiling sa kanya at ngumite.

"Wala po mommy, ok lang po ako," mahinang sagot ko at napayuko.

Unti-unti kong nilaro laro ang mga kuko ko. Bakas doon ang bagong kulay nude na nail polish.

Umupo siya sa tabi ko at iniangat ang aking mukha upang makita ko siya nang mabuti.

"Everything will be fine now Mariel you don't need to worry anything," sabi niya nang marahan.

"M-mommy?"

"Hmm what is it?" sagot niya sa pagitan nang paghaplos sa aking buhok.

"I'm scared. Paano po kung may mga tao akong nakalimutan sa manila. Paano kung may mga bagay na hindi ko na po maalala."

Natatakot ako dahil hindi ko alam kung paano mamuhay bilang si Mariel. Hindi ko alam ang mga nakagawian niyang gawin at kung ano ang ugali niya.

"It's ok darling sinabi na sa amin ng doctor na may posibilidad nga na will you lost some parts of your memories because of the explosion." Nakangite niyang saad saka siya tumayo.

Kung iisipin ay pabor sa akin ang lahat ng mga nangyayari pero hindi ko maiwasang mag-alala.

Paano kung may makaalam sa lahat nang ito? Hindi ko lubos maisip ang posibilidad na maaaring mangyari sa akin kapag nagkataon.

"Be ready darling mamayang tanghali ang alis natin," sabi niya at tumayo.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

"Pero akala ko po this saturday pa po ang alis natin?"

Kinakabahan na talaga ako.

"Yes, but something came up. It's about business dear and your father really need to attend to that meeting for the upcoming project."

"Business?"

Hindi ko alam na may business sila.

"Alam ko Mariel na kagagaling mo lang sa operasyon but this is very important. Marami nang dues na naiwan ang daddy mo. He really needs to cope up."

Napayuko ako at hindi na umangal pa. Ano pa ba ang mga bagay na hindi ko alam sa kanila.

"I'll send some maids to prepare your stuffs out. Ok? Huwag kang magpapagod. Let the maids do the packing," sabi pa niya at hinalikan ako sa noo bago siya lumabas ng silid.

"Mom." Tawag ko sa kanya.

Nilingon niya ako.

"T-thanks."

Namutawi sa mga labi niya ang isang matamis na ngite. Bago siya tuluyang lumabas ng silid.

Madali lang ang naging byahe namin pabalik ng manila. Hindi ko lubos maisip na dalawang beses ako makakasakay ng eroplano.

Pa San Vicente lang naman sana ang punta ko noong una pero hindi ko lubos maisip na makakarating ako ng america nang wala manlang kahirap-hirap.

Nang makalapag na kami sa airport ay mabilis kaming sinalubong ng kanilang mga tauhan.

Nasa sasakyan ako at kitang-kita ko mula sa labas ng bintana ng sasakyan ang mga naglalakihang gusali sa paligid. Pansin ko rin kung papano umusad ang mga sasakyan sa trapiko. Noong una ay pawang mga naglalakihang bundok lang naman ang mga nakikita ko at ang mga matatayog na puno ng niyog sa probinsya.

Ngunit tingnan mo nga naman ibang iba na ang kapaligiran ko. Malayong malayo ito sa lugar na nakagisnan ko.

Pumasok kami sa isang exclusive subdivision at makaraan ang ilang minutong pag-iikot ay napansin kong pumasok ang sinasakyan namin sa isang malaki at magarang itim na gate.

Tumambad sa harapan ko ang napakalaking mansyon.

Nilibot ko ang aking tingin sa buong lugar. Kita ko ang napakagandang hardin na napupuno sa mga ibat-ibang klase ng mga magagandang bulaklak.

Umikot kami sa may kaliitang fountain na makikita sa gitna saka kami tuluyang huminto sa mismong bukana ng mansyon. Kitang-kita ko mula sa labas ng sasakyan ang mga nakahilerang mga katulong. Sa nakikita ko ay anim silang mga babae at meron ring apat na lalaki na sa tingin ko ay mga hardinero.

"Welcome home hija."

Ngite ni Madame sa akin at nauna nang bumaba ng sasakyan.

Dahan-dahan akong bumaba habang inaalalayan ako ni Sir Roderick.

"Thanks dad," sabi ko nang nakangite.

Nasanay na akong tawagin sila ng daddy at mommy sa kadahilanang ayaw at takot akong mabuking.

Nginitian niya ako at iginiya papasok. Hindi pa nga ako nakakapasok nang tuluyan ay nakita ko ang isang matandang babae na lumuluhang naglalakad papalapit sa akin.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • 'Replacement Love' (El fuego Series 1)   Wakas

    ( After Ten Years )ALLYS POVNandito ako ngayon sa kusina at abala sa paglalagay ng icing sa mga cupcakes na binake ko. Nasa kalagitnaan na ako ng paglalagay ng mga sprinkles at chocolate on top nang marinig ko ang malakas na padabog na pagbukas ng double doors sa sala.Agan na kumunot ang noo ko dahil doon. Ano kaya iyon? Manilis kong hinubad ang suot kong cellophane gloves at iniwan ang aking ginagawa."Pakitapos nang ginagawa ko, Rina," utos ko sa isa sa mga housemaids na kasama ko ngayon dito sa kusina.Hinubad ko ang apron na suot at tsaka ko tinahak ang daan papunta sa sala namin. At hindi pa nga ako tuluyang nakakalapit sa sala ay narinig ko na agad ang mga boses.Nakita ko si Leo kasama ang matalik na kaibigan niyang panganay na anak nila Zackeriel at Bella na si Zamiel. At base sa mga nakikita ko ngayon ay nagtatalo ang dalawa."Don't turn your back on me, Mondragon!" Zamiel sneered and grab Leo's hand.Mabilis naman iyong iwinakli ni Leo."What the heck, Zamiel?! Your makin

  • 'Replacement Love' (El fuego Series 1)   Kabanata 139: Happy Family

    ALLYS POV"What are you doing here? Hmm?" He whispered in my ear together with his sweet voice of him."Nothing. I'm just watching the sunset," sagot ko sa kanya at itinagilid ang aking ulo."It was so beautiful," bulong pa niya habang mahigpit na nakayakap sa akin."Yes it was. I love you Leon. And I always will," mahinang anas ko at nilingon siya. Nakita kong mataman siyang tumitig sa akin.I'm so in love with this man."Mommy! Daddy! What are you two doing?"Sabay pa kaming napalingon sa aming anak na tumawag sa amin. Nakatingala itong nakatingin sa aming dalawa ni Leon habang hawak-hawak nito ang isang kulay pulang laruan na sasakyan.Napangiti ako at marahang inilahad ang aking kaliwang kamay para sa kanya."Come baby, we are watching the sunset," aya ko kay baby Leo.Lumapit naman ito sa akin at kaagad ko itong kinarga at pinaupo sa espasyo ng teresa. Niyakap ko ito nang mahigpit kagaya nang pagyakap ni Leon sa aking likuran."Wow! So beautiful mommy, daddy," sabi pa niya habang

  • 'Replacement Love' (El fuego Series 1)   Kabanata 138: Married

    ALLYS POV"MABUHAY ANG BAGONG KASAL!!!" masayang sigaw ng mga kaibigan ni Leon at ng mga tauhan nila sa aming dalawa kasabay nang paghagis nila ng mga bulaklak sa amin."Salamat," ngiti ko sa kanilang lahat at ganoon rin naman si Leon.Nilingon ko si baby Leo na nasa mesa nila kuya Zamrick. Pumapalakpak ito habang may bahid pa ng cake sa kanyang mga labi.Matapos naming inanunsyo ang kasal namin ng gabing iyon ay naging abala na kami sa lahat ng mga preparasyon para sa magiging kasal namin. Halos abutin pa kami ng isang buwan sa paghahanda ng mga dokumento namin at sa binyag na rin ni baby Leon. Isinabay na lang din namin kasi ang binyag ng anak namin sa kasal. At habang pinaghahandaan namin iyon ay nakuha pa naming puntahan ang Tatay Arsing ko sa Santa Monica. Doon ko lang napag-alaman na may kalapitan lang pala ang tinitirhan ko dito sa El fuego. Halos isang oras lang din naman kasi ang inabot namin sa pagbabyhae.Napag-alaman namin na matagal na pa lang nakakulong si Tatay Arsing d

  • 'Replacement Love' (El fuego Series 1)   Kabanata 137: I Love You

    ALLYS POV"Goodness, hija! Hindi nga talaga ako nagkamali sa pagpili ng dress na ito. Sobrang bagay na bagay sa iyo! Alam ko noong una pa lang talaga na babagay talaga ito sa iyo," natutuwang pakli ni Senyora sa akin."Maraming salamat po," medyo nahihiya ko pang sabi sa kanya at sinulyapan si Leon na tahimik lang sa isang tabi.Nagulat pa ako nang pumalakpak si Senyora na para bang may naisip siyang magandang bagay. Nakangiti pa siyang lumingon sa gawi ni Leon."We will announce your upcoming wedding this evening and kung kelan ang tamang petsa.""PO?!" gulat na utal ko na ikinalingon niya sa akin."Abay bakit, hija? Kinakailangan na kayong maikasal ni Leon at nang mabinyagan na rin itong pangalawang apo ko sa tuhod," pakli niya sa akin na ikinakurap-kurap ko.Binalingan ko ng tingin si Leon na ngayon ay papalapit na sa tabi ko. At nang tuluyan na siyang nakalapit ay agad niyang ibinigay sa tagapagsilbing naririto si baby Leo. Humapit ang kamay niya sa baywang ko at tsaka ako binulun

  • 'Replacement Love' (El fuego Series 1)   Kabanata 136: Gathering

    ALLYS POVNandito ako ngayon sa veranda dito sa ikalawang palapag ng mansyon nila at nakatingin sa mga taong nasa ibaba na abala sa pag-aayos ng mga lamesa sa hardin. May iilang ipwenepwesto ang mga round table at mga upuan habang ang iba naman ay nilalagyan ang mga ito ng mga puting tela. May iilan ring nag-aayos ng mga dekorasyon sa paligid ng nasabing hardin.Kung gaano ka engrande ang nasa labas ay mas lalo na rito sa loob ng bulwagan. Halos kuminang ng kulay ginto rito sa loob idagdag mo pa ang napakaganda at napakamamahalin nilang chandelier ay nagmistulang isang magarbong handaan na ito na para lamang sa mga mayayamang tao.Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko ngayon. Ang sabi ni Senyora kanina na isang salo-salo lamang ang magaganap mamayang gabi. Pero bakit pakiramdam ko ay higit pa ito sa isang salo-salo ang mga mangyayari mamaya."Excuse me po, Señorita. Pero kinakailangan niyo na pong mag-ayos," lapit ng isang tagapagsilbi sa akin."H-ha? Ahh...eh...s-sige," nagdadala

  • 'Replacement Love' (El fuego Series 1)   Kabanata 135: Mondragon Mansion

    ALLYS POVTinanggap ko ang nakalahad na mga kamay ng tatlo pang lalaki."That's enough pleasantries. Si Lola?" si Leon tsaka ako muling hinawakan sa aking kamay at hinila papasok sa nakasarang double doors.Nang binuksan niya ito ay tumambad sa akin ang napakalaki nilang bulwagan. Habang kumikinang naman sa ibabaw ang nakasabit na mamahaling chandelier. Sa tapat namin ay may isang napakaengrandeng hagdan na nalalatagan ng red carpet. May dalawang porselanang hugis lion sa bawat gilid ng hagdan na nagsisilbing bantay habang ang bannisters nito at may gintong tela na nakasabit sa paalon-alon na paraan.Nagmistula itong isang napakalaking bulwagan sa isang palasyo na sa t.v. ko lang noon nakikita. Hindi ko inaakalang makakakita ako nang ganito sa totoong buhay.Mula dito ay nakita ko kung anong meron sa itaas nang napakaengrandeng hagdan. May iilang upuan sa ibabaw na nagmumukhang sala habang sa malagintong kulay na pader ay naroroon ang painting ng mga taong maaaring may-ari nito. Some

  • 'Replacement Love' (El fuego Series 1)   Kabanata 134: El fuego

    ALLYS POV "Whats wrong baby?" tanong ko habang iniinspeksyon ang buong katawan niya. Baka kasi ay may kumagat sa kanya na insekto o ano man. "I....I just peed on the bed mommy, waaaaahhhh!" iyak niya. Nagkatinginan kaming dalawa ni Leon at pagkatapos ay agad niyang tinungo ang telepono na nakadikit sa pader. "I'll call for a housekeeper," sabi niya na ikinatango ko. Mabilis ang naging takbo ng mga oras. Matapos naming makakain ay nag check out na kami sa resort na iyon. Sumakay kami sa isang chopper kaya ang buong akala ko talaga ay sa Manila kami pupunta pero nagkamali ako. Lumapag ang chopper naming sinasakyan sa isang lugar na hindi ko alam kung saan. At nang makababa na kami ay agad kong nakita ang isang itim na sasakyan na naghihintay sa amin. May matandang driver pa sa gilid nito na halatang kanina pa naghihintay sa amin. "Pasensya na at natagalan kami Mang Cardo. Ito nga pala si Allys ang fiancee ko at si Leo ang anak namin," pakilala ni Leon sa amin sa matanda. "Allys

  • 'Replacement Love' (El fuego Series 1)   Kabanata 133: Together

    ALLYS POV"Leon!" matigas na tawag ko sa kanya nang pumasok ang malikot niyang kamay sa loob ng suot kong damit.Wala akong suot na bra kaya naging madali para sa kanya na hawakan ang dalawang dibdib ko. Impit akong napaungol nang paglaruan niya ang dalawang utong ko.Shit!Bakit napaka agresibo niya pa rin?"Ugh..." kumawala sa akin ang isang ungol ng ipinasok niya sa aking suot na panty ang kanyang isang kamay.Nakahiga na kami ngayon at nasa likuran ko siya kaya malaya niyang nagagawa ang mga ninanais niya ngayon. Napalunok ako nang mariin at tsaka napatitig sa anak namin na mahimbing nang natutulog sa aking tabi."Ughhhh....ughhh.." muling ungol ko at mahigpit na napahawak sa unan na nasa gilid ng anak namin."Leon, ano ba? Baka magising si Leo," sita ko sa ginagawa niya.Sinilip naman niya si Leo mula sa aking leeg at nang makita niya na tulog naman ito ay tsaka niya ako hinalikan sa aking leeg. Nakaramdam ako ng kiliti sa ginawa niyang iyon."I just can't get enough of you," mah

  • 'Replacement Love' (El fuego Series 1)   Kabanata 132: A Night With You

    ALLYS POVNaghubad ako ng damit at binuksan ko ang shower. Agad akong naligo at nang maramdaman ko ang malamig na tubig sa aking katawan ay hindi ko mapigilang makaramdam ng ginhawa."This feels so nice," mahinang bulong ko sa sarili habang nakapikit na nakatingala sa shower.Nasa ganoon akong ayos nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Agad akong napahilamos at nilingon ang direksyon non at halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko si Leon na naririto sa loob.Wala siyang suot na damit at tanging ang puting tuwalya lamang ang nakatapis sa pang ibabang parte ng kanyang katawan.Mabilis pa sa alas kwarto kong hinila ang shower curtain na naririto para matakpan ang kahubdan ko ngayon. Naramdaman ko ang pamumula ng aking magkabilang pisngi dahil sa biglaang kahihiyan."A-anong ginagawa mo? Bakit naririto ka sa loob ng banyo? Hindi bat sinabi ko sa iyo na bantayan mo si Leo sa-" Naputol ang mga sinasabi ko nang marahas na hinawi ni Leon ang shower curtain. Mabilis akong napatakip sa

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status