Share

Kabanata 5: Second  Life

ALLYS POV

"You hear that Mariel? Hindi magtatagal ay babalik ka na sa dati anak. Once you fully heal all of your wounds, ay agad kitang ipapaundergo ng plastic surgery. To bring your beautiful face back. I know you want that my dear. Please fight this one. I know you can do it. You are not my daughter for nothing."

Kinabahan ako bigla sa sinabi niyang iyon. Halos hindi na mapakali ang aking isipan. Gusto kong magsaya dahil sa wakas magiging ok na ang kalagayan ko pero mas nanaig pa rin sa akin ang takot. Takot na malaman nila ang totoo na hindi ako ang anak nila.

Kahit hindi ko sila nakakausap ay naging magaan na rin ang pakiramdam ko sa kanila. Pero hindi ako ang anak nila. Anong gagawin nila kapag nalaman nilang hindi ako si Mariel?

Gusto kong aminin ang totoo sa kanya. Gusto kong sabihin na hindi ako si Mariel. Na hindi  ako ang anak nila at hindi ko rin kilala ang anak niya.

Pero walang kahit isang salita ang lumalabas sa bibig ko. Pinilit kong maibuka ang mga mata ko at sa unang pagkakataon ay nagawa ko nga!

Kahit maliit lang na buka sa aking mga mata ay muli kong naaninag ang liwanag sa paligid ko. Malabo man ay unti-unti naman itong lumilinaw sa paningin ko. At nang tingnan ko ang gilid ko ay doon ko nakita sa hindi kalayuan ang isang napakagandang ginang.

Sobrang ganda niya na kahit may kaedaran na siya ay makikita mo pa rin sa kanyang mukha ang kagandahan niya. Gusto kong mamangha sa kanya dahil para na siyang anghel sa mga paningin ko.

Malungkot ang kanyang mga mata. Habang marahan niyang hinahaplos ang aking mga kamay na para bang kahit anong oras ay mababasag ang mga iyon kapag hindi siya nag-ingat.

"Hmmm..."

Iyon lang ang namutawi sa aking mga bibig nang sinubukan kong magsalita. Isang mumunting ungol na hindi ko mawari.

"Oh my god! OH MY GOD! DOC! MY DAUGHTER'S AWAKE NOW! DOC!"

Natatarantang sigaw niya habang may pinipindot sa gilid ng ulo ko.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan at pumasok ang dalawang doctor saka apat na mga nurse.

Mabilis silang dumalo sa akin at inoobserbahan ako. Ang isa ay iniilawan ang aking mga mata habang ang isang doctor ay may tinitingnan sa kung saan.

"Is she okay doc? Tell me, my daughter is okay right? She's fine now."

Ang ginang habang nag-aalalang tinitingnan ang ginagawa sa akin ng mga doctor.

"Okay Miss Mariel can you please give me a blink of an eye if you hear me," sabi ng isang doctor sa akin.

Agad ko siyang sinunod sa iniuutos niya.

"Yeah that's great Miss Mariel. Now can you please move your fingers just a little bit."

Sinunod ko rin iyon.

"Awesome. She's ready for the operation Mrs. Cuevas," sabi niya at binalingan nang tingin ang napakagandang ginang.

Nagulat ako nang makitang umiyak ito. Bumukas muli ang pintuan at pumasok ang isang matikas na lalaking may katandaan na rin. Pero bakas na bakas pa rin ang pagkakamagandang lalaki nito.

"Rosellena," bigkas nito at nilapitan ang ginang na kanina pa umiiyak.

"She's fine now Rod. Our unica hija is fine now."

Binalingan nito ang doctor na tumingin sa akin.

"What happened? Doc, how's my daughter case?" tanong ng lalaking kararating lang.

"As you can see she's fighting for her recovery. Her wounds is slowly healing now because of the medications. She's already awaked."

Agarang sagot ng doktor at nakita ko pang iniayos nito ang salamin na suot.

"For now she can see you both but we cannot yet talk to her," dagdag pa nang doctor.

"That's enough for us, as long as she can feel our love and moral support it's enough for us," sabi pa ng ginoo at tumingin sa akin.

"Mariel darling I know you will survive this one," umiiyak na kausap sa akin ng ginang at hinawakan ang nakabenda kong kamay.

Ngayon ko lang napansin na buong katawan ko pala ay nakabenda. Maging ang ulo ko at tanging ang mga mata ko lang at ilong ang hindi.

Gusto ko siyang sagutin na hindi ako ang anak niya. Na ibang tao ako. Na nagkakamali sila sa pag-aakalang anak nila ako. Pero hindi ko magawa. Hindi ko mailabas ang mga salita ko.

Sa halip ay isang patak ng luha lamang ang lumabas sa mga mata ko.

Hindi ko ginusto ito. Hindi ko ginustong mangyari ito. Ang tanging gusto ko lang naman ay mapalayo sa Tatay Arsing ko at magkaroon ng simpleng buhay. Pero bakit ganito? Hanggang Kailan pa ba ako maghihirap?

Panay ang iyak ko at tanging luha ko lang ang naging sagot sa mismong ginang na sobrang nag-aalala ngayon para sa akin.

Kahit na alam kong hindi para sa akin ang mga iyon ay nakaramdam ako nang pagmamahal galing sa isang mapagmahal na magulang. Kung sana ay meron ako ng ganun hindi sana ako mapupunta sa sitwasyon na ito.

Ang swerte naman ng anak ng mga taong ito. Nagkaroon siya ng isang mapagmahal na pamilya.

"Sshh..baby don't cry. We will do anything to make things back to normal. You are the only one who survived on that tragic accident. Patay ang lahat ng mga kasamahan mo sa loob ng bus. It was a miracle that you survived," kausap niya sa akin habang pinupunasan ang aking mga luha.

Mas lalo lang akong napaiyak sa aking narinig.

Jusko! Salamat at iniligtas niyo ako sa kapahamakan.

"We identify you because of the bracelet that you are wearing Mariel. God thanks! That you're wearing that thing," sabi pa niya sabay halik niya sa kamay ko.

Hinimas-himas naman ng asawa niya ang likod ng ginang.

Bracelet? Iyong polseras?

Kung ganon ay ito ang pamilya ng mataray at napakagandang babaeng nakasabay ko sa loob ng bus? Bigla akong nakaramdam muli nang pagkatakot.

Inilipad nila ako galing manila papunta rito sa ibang bansa para lang ipagamot dahil sa pag-aakala nilang ako ang anak nila.

Anong gagawin ko? Anong mangyayari sa akin kapag nalaman nilang hindi pala ako ang anak nila? Kinakabahan ako ngayon sa sitwasyon ko at naaawa rin ako sa sarili ko. At ang mas higit pa dito ay nakakaramdam din ako nang takot sa pamilyang ito.

Paano kapag nalaman nila ang totoo? Anong mangyayari sa akin?

(Fast forward)

Ilang buwan na ang lumipas at kagagaling ko lang sa isang operasyon. Dalubhasa ang mga doctor rito sa amerika at kaya daw nilang maibalik ang aking mukha sa dati. Kung kaya ay  isinailalim nila ako sa isang plastic surgery.

Naigagalaw ko na rin ang aking buong katawan. Mabilis ang naging pag galing ko dito. At ngayon nga pala ang araw upang tanggalin na ang benda sa buo kong katawan pagkatapos ng isang buwan na operasyon.

Nakaupo ako ngayon sa isang stool na upuan habang nasa harapan ko ngayon ang doctor na nag opera sa akin.

Dahan-dahan nitong tinatanggal ang benda sa aking katawan at kitang-kita ko ang excitement sa mga mata ng ginang habang nakatingin sa akin.

Matapos ang ilang minutong pagtatanggal ng benda ay nakita kong napaiyak ang ginang. Niyakap naman siya ng kanyang asawang si Roderick.

Binigyan ako ng salamin ng doctor kaya marahan ko itong inabot at dahan-dahang itinapat sa aking mukha.

Takot at pangamba ang muling lumukob sa akin.

Napaiyak ako sa aking nakita. Hindi ito! Hindi ito ang aking mukha! Mukha ito ng babaeng nakatabi ko sa bus!

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status