Share

Chapter 3

IT'S been two days observing this Chairman Rolly. And now I'm here in the lobby where he work.

May lumabas na limang mga lalaking unipormado sa glass door sigurado akong si Chairman Rolly na ang kasunod nito.

At hindi nga ako nagkakamali, dahil talagang lumabas ang Chairman. Sa likod nito ay may limang lalaki din ang lumabas, na sa tingin ko mga bodyguard niya.

Ano kaya pwede kong gawin para makapasok ako sa buhay niya? Hindi rin kasi pwede na basta na lang ako susugod sa kanila dahil baka hindi ko matagpuan ang million of Drugs nito.

 I WEAR white polo shirt, black skirt and black ankle lace boots. I found out yesterday that, this  Chairman looking a new Secretary. I'am now walking in the hallway going to the office where they gonna interview us. 

Pagbukas ko palang sa pinto bumungad na agad sa akin ang mga sampung babae na katulad ko ay bihis na bihis at gusto rin maging secretary ng Chairman.

"Have a sit miss…" Masiglang sabi ng isang babae naka all black suit.

"Si Chairman Rolly na ang bahala sa inyo… Sir?" Wika ng babaeng pandak.

May tumayong isang lalaki. Hindi ako makapaniwala siya ba talaga ang Chairman. Hindi, may mali talaga…hindi naman ito ang itsura niya sa litrato na ibinigay ni uncle ah!

Bakit mukha siyang tikbalang, mataas ang mukha niya, malaki ang mata ang kapal ng kilay at ang kapal din ng labi nito— add niyo na lang ang three inch na haba ng baba niya.

Iba talaga ang filter ngayon, ang laki nang naiambag sa ekonomiya— I mean sa tao. Lately kasi hindi ko masyadong nalilinaw ang mukha kasi palagi siyang may mask at shades, at ngayong kaharapan ko na siya, kitang-kita ko na ang pagmumukha ng taong isa sa pumatay ng aking mga magulang.

"I think I dont need to interview anymore, because I found the one." Ani nito habang titig na titig siya sa akin at lumapit ito sa akin.

"Bakit ka titig na titig sa akin miss beautiful? Na love at first sight kaba agad sa akin? Sa tingin mong 'yan parang hinuhubaran mo na ako sa isipan mo e." Pagkatapos nitong sabihin ay tawa siya nang tawa.

Yuck! Ano daw na love at first sight ako sa kaniya? Huh! Mamamatay na akong virgin hinding-hindi siya makakatikim sa akin.

Kaya lang naman ako nakatitig sa kaniya dahil naguguluhan ako sa itsura niya.

"Your hired baby." He tapped my shoulder.

Nabigla ako sa sinabi niya. Isang magandang balita ito.

Tumingin ako sa mga kasamahan ako at panay simangot sila.

"Bakit siya?"

"Purket maganda, hired agad!"

"Ang unfair kakarating niya lang, at siya agad ang napili."

Ito ang mga bulong-bulongan ng mga babae. Well sorry na lang sila.

"Thank you sir. Here's my documents sir." Sabi ko, sabay abot ng envelope ko.

"No need I trust you." Hinawakan niya ang kamay Kong may hawak na envelope at pinisil-pisil ito.

Well that's a good news, dahil mga pekeng identity lang naman ang laman nito.

"What's your name?"

"I'm Hanna…Hanna Ferer." I said confidently

A WEEK ago I did everything to do my work as his Personal Secretary, just to make him believe and the people sorrounds him that I'm just an innocent Secretary.

Until one day Chairman Rolly asked me a favor to be with him just one night. I think about it, not only one times or two times. I think about it many times after I agree— and thinking if I could enter his room it is easy for me to trace where did he hide his million of Drugs. 

Minsan ko nang nakuha ang phone nitong palihim ngunit ang walang hiya mukha ko lahat ang laman ng photos niya. Sa mga contact naman ako lang din, kaya malakas ang loob kong nasa bahay ito ang mga mahalagang impormasyon.

WE are now inside his car and we are going to his mansion. I agree to sleep with him tonight but in a one condition; no touching while we are still inside his car. Because if he gonna touch me he cannot have me tonight. Hindi niya ako matitikman na gaan sa kalooban ko.

Yes to look. But no to touch.

My outfit tonight, I wear black leather sleeveless Spaghetti strap crop top, black high waist denim skirt and black ankle lace boots.

oh diba everything is black. Pagkatapos kasi nito didiritso ako sa sementeryo. Pero syemper charot lang.

I really intend my outfit tonight so I could be more look hot. Kagaya na lang ngayon kahit distansiya kaming nakaupo sa backseat ng kaniyang sasakyan, ramdam ko na kanina pa siya nakatitig sa mapuputi at malulusog kong dibdib ko. Kaya pasimple ko itong tinatakpan sa aking dala na leather Jacket.

Alam ko na sa simula hindi lang talaga drug lord ang Rolly na 'to! Manyakis pa! Kala mo naman ka guwapohan e mukha namang tipaklong. Ngunit Kailangan ko itong gawin dahil masyadong masekreto  lang siya. 

According to what I have just heard, if there is a girl that he want to be just one night, he didn't bring it to his mansion. Instead, he just bring it to motel or pwede na rin sa car lang sila mag jakol, jakol. 

Kaya buti na lang at patay na patay ito sa akin. Ilang minuto at dumating na din kami sa labas ng mansion niya at kakababa lang namin sa kotse niya.

Wala talagang ilaw sa labas sobrang madilim mabuti nga. Kaming  dalawa na ang lumalakad ngayon sa third floor going straight to his room. Naiwan lahat sa ibaba ang mga tauhan niya. Ngising-ngisi talaga siya na tumititig sa akin, habang ako ay pasimple Ko nang kinuhakuha ang injection sa bag ko.

Nasa loob na kami ng kwarto niya. Kitang-kita ko ang isang computer sa isang table na nasa tapat ng kaniyang malaking kama.

Biglang hinila ni Chairman Rolly ang aking pulso patungo sa kama "Let's go Hanna I'm so excited."His voice is full of lust and excitement.

Ngunit agad ko itong natakwil ang kaniyang kamay, dahilan nang pagkunot sa noo niya. 

"Uhmm, I think you should take a bath first sir, para mas masigla ka." Palusot ko, gayunpaman buo parin ang boses ko.

When he heard what just I say, the excitement of his face is now back. Kawawang kabayo aasa sa wala.

"Okay, your baby will be right back."

Baby daw, pero 'yung mukha pang senior citizen. Though he's still 35 years old but he really looks like a senior citizen.

Tumalikod na siya sa akin, sinamalantahan ko naman ito. Agad kong ininject sa kaniya ang isang injection na may drugs to make him fall asleep.

Napaharap pa ito sa akin, kitang-kita ko ang panghihina sa kaniyang mga mata hanggang sa napaluhod siya at ngayon ay nakahandusay na siya sa silver floor niya.

Agad kong kinuha ang aking leather leggings pants mula sa sling bag ko. Sinuot ko ito at tuluyang hinubad ang skirt at nilagay sa loob ng bag. I also wear my leather jacket  and I zipped up the button of this. I tie my hair and wear black full face mask cloth. Now done!

Agad ko tinungo ang computer niya at inopen ko. Tanga lang siya dahil hindi ito nilagyan ng password.

Sabi ni uncle kailangan ko daw kunin ang mga impormasyon tungkol sa companya,— the background of his company at ito na nga ang ginawa ko. I change the password of his banktracker para hindi niya magamit ang kaniyang pera laban sa uncle ko. 

I really do not know what my uncle plan is, I just do what he instructed me to do now. I also need to find the place where he hide his million of drugs at kung sino ang mga ka contact niya nito. 

My phone and the  PC are now connected through the USB cable. I transfer all the important files of his computer to my phone.

50%…70%…80%..85%..90%

"Oh please faster!" Sigaw ko sa mahinang tono habang tumitingin sa likuran ko, baka may biglang papasok.

95%…97%…98%…100% 

COMPLETELY TRANSFER!

"Good." Pagkasabi'y I delete all of his documents. I reformat his computer and now, wala na ang mga sekretong document niya.

I still have 25 minutes. Kailangan sa loob ng 30 minutes ay matapos ang lahat nang plano, bago pa magising ang chairman.

Kinuha ko ang dalawang baril sa sling ko at isinuksok ito sa likod ang isa, at ang isa ay hawak ko ngayon.

Itinapon ko ang aking sling bag sa bintana nang kwartong ito, kukunin ko na lang 'yan paglabas ko.

Bago pa ako lumabas, sinilip ko muna ang labas nito. Kaliwat kanan ko ito tinignan kong may tao. Good thing dahil walang mga body guard dito sa third floor.

Dahan-dahan akong lumabas sa pinto at mabilis na lumakad sa hallway ngunit bigla akong napahinto dahil sa isang boses.

"Hoy, sino ka?! Tigil!" Sigaw nito na ma awtoridad.

Napahinto ako sa paglalakad. 

Huli ako pero 'di kulong.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status