Share

Chapter Two

Penulis: Alliyahmae22
last update Terakhir Diperbarui: 2022-04-28 00:58:49

MAG-AALAS kuwatro na nang umaga, nakahanda na si Evren upang umalis. Sinilip muna niya ang kanyang ina, nakita niyang tulog na tulog pa ito, kaya hindi na niya inabala pang gisingin ito upang magpaalam.

            Muli niyang binalikan ang mga inasikaso niya. maaga siyang gumising upang ipagluto muna ang ina ng almusal, Inilagay na rin niya sa mesa ang mga gamot nito na iinumin. Nang masiguro niya na maayos na ang lahat, binuhat na niya ang kanyang mga gamit. Paglabas niya ay nakita niya ang kanyang kaibigan na si Andrew na naghihintay sa labas ng kanilang bahay.

            "Tayo na Evren, baka naghihintay na si manong." wika ni Andrew sa kanya.

            "Sandali na lang Andrew, daan muna tayo sa bahay ni Aling Ason," aniya sa kaibigan. kaya naglakad si Evren patungo sa bahay na sinasabi niya. lumapit siya sa pinto at bahagya siyang kumatok.

            "Tao po, Aling Ason!" tawag niya. ilang saglit lang ay bumukas ang pinto at iniluwa roon ang isang matandang babae na ka-edaran lamang ng kanyang ina.

            "Evren, Hijo! Ang aga pa, anong kailangan mo?" tanong nito sa kanya. 

            "Pasensya na po sa abala," aniya sa matanda "Makiki-usap po sana ako. wala po kasing titingin at mag-aasikaso kay inay. aalis po kasi ako at magta-trabaho sa malayo. kung ayos lang po sa inyo, kayo po sana ang nais kong tumingin kay inay, tutal matalik naman po kayong magkaibigan." aniya, bahagya naman itong natawa at saka nagwika.

            "Jaskeng bata ito! sige, walang problema. Basta mag-iingat ka. mamaya ako pupunta doon upang bisitahin ang iyong ina. ipagluluto ko siya ng pagkain." saad nito sa kanya.

            "Maraming salamat po, Aalis na po kami." paalam ni Evren.

Habang naglalakad napansin ni Andrew ang pagiging tahimik ng kanyang kaibigan. Nang makarating sila sa lugar na pinag-usapan, nakita nila ang matandang lalaki na kina-usap nila. Hinihintay na sila nito, kaya ng makita sila ay agad silang tinawag at pinasakay na nang sasakyan.

            Nasa loob na sila ng sasakyan, ngunit nananatiling tahimik si Evren. Naramdaman niya ang pag-akbay ng kanyang kaibigan.

            "Evren, habang malapit pa tayo. magdesisyon ka na kung tutuloy ka o hindi na." wika nito sa kanya. ngunit umiling lamang si Evren.

            "Para kay inay, magsisikap ako para sa kanya." at saka tumingin sa malayo. "Hindi ako magsasayang nang magandang pagkakataon Inay. lahat gagawin ko para sa iyo." saad niya sa kanyang sarili.

            

TUWING LINGGO, nagpapadala si Evren nang pera para sa kanyang ina. Lahat ng kaniyang sinahod nang isang buwan ay ipinapadala niya rito upang mabili ang mga pangangailangan nito. At isang beses sa isang buwan ang kanyang uwi. Dahil pabrika ito ng mga tela at may katabing Tahian, hindi magiging problema kung mawawala sila ng ilang araw. Dahil may mga naiiwan naman na trabahante na kapalit nila upang magbantay at umestima sa pabrika.

            Masaya si Evren na muli siyang makaka-uwi. matapos ang isang taon na pagsasanay. Dahil sinasanay na sila ni Andrew sa bago nilang trabaho sa pabrika. Ang pagiging Machine Operator. Dahil determinado silang matuto, kaya nagtiyaga at nagtiis sila upang mas masanay sa kanilang bagong trabaho. kaya ng matuto at bihasa na sa pag-o-operate, pinayagan na silang maka-uwi na muna sa kanila.

            Walong taon na ang lumipas simula ng tinanggap nila ang trabaho. Ngayon binata na sila at dalawampung taong gulang na. Masaya si Evren na kahit hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral ay naging mabait pa din ang kapalaran sa kanya.

           

KADARATING lang ni Evren, nang isang dalaga ang sumalubong at agad na yumakap sa kanya at Isang mahigpit na yakap din ang ibinigay niya rito.

            "Isabella! akala ko hindi mo ako sasalubungin. sobrang namiss kita." masayang wika niya rito.

            "Evren, ako pa ba! ikamamatay ko ang hindi ka makita ngayon." anito, natawa na lamang si Evren sa sinabi ng kasintahan. "Mabuti pa umuwi na tayo sa inyo. kanina ka pa hiihintay ng iyong inay." Wika ni Isabella sa kanya. kaya nagpatianod na lamang siya sa gusto ng kasintahan.

            Masaya siya dahil naging kasintahan niya ang babaeng pinakamabait at sobrang maunawain sa kanilang lugar. Dahil anak ito nang mga doktor, nagtapos si Isabella bilang nurse. niligawan niya ito limang taon na ang nakakalipas. naging masaya ang mga araw na iyon sa kanila. Ngayon na nagkita silang muli, nais sulitin ni Evren ang araw ng kanyang bakasyon kasama ng kanyang Ina at kasitahan. pagkarating nila sa bahay ng binata, nakita niya ang kaniyang ina na naka-upo at tinatanaw ang kanilang pagdating.

            "Evren, anak. kamusta ka na, mabuti at naka-uwi ka na.!" Agad na niyakap siya ng kanyang Ina. "Sobrang namiss kita, sana mas hinabaan pa ng amo mo ang araw ng iyong bakasyon. para naman mas makasama ka pa namin ng matagal." saad ng kanyang ina.

            "Oo nga mahal ko, dinaig mo pa ang nasa abroad." wika ni Isabella sa kanya. dahil doon napapakamot na lamang ng ulo si Evren.

            "Mukhang pinagtutulungan ako ng mga mahal ko." saka hinalikan sa noo ang ina at sa labi ang kasintahan. "Ang mabuti pa mamasyal tayo ngayon. magbihis na kayo at marami tayong pupuntahan." saad niya na agad din na tumalima ang dalawang babae.

            Maayos na ang lagay nang Ina ni Evren, mas nakakakilos na ito ng hindi hinihingal. Hindi na rin ito ganoon kabilis mapagod. kaya masaya si Evren dahil hindi nasayang ang walong taong pagtatrabaho niya.

            Habang kumakain sa isang Fastfood chain si Evren kasama ang ina at kasinthan, may isang lalaki ang biglang lumapit sa kanila.

            "Evren!" Tawag nito sa kaniya at nakipagyakapan rito si Evren.

            "Andrew, Akala ko kung sino na!. Tara sumabay ka na rito sa amin kumain, akala ko magpapahinga ka na muna sa inyo, bakit narito ka?" saad niya rito habang inaaya niya itong umupo.

            "Ganoon sana ang gagawin ko, kaya lang ang ingay ni inay. kaya umalis na lang ako sa bahay para mamasyal. masuwerte akong nakita ko naman kayo rito." Sabay sulyap kay Isabella. napansin naman ito ni Evren kaya isang batok ang ibinigay niya sa kaibigan.

            "Girlfriend ko yan pare, nahirapan akong pasagutin yan. Kaya maghanap ka ng sa iyo." tatawa-tawa namang wika niya rito.

            "Ang ganda kasi ni Isabella, kahit na sinong lalaki maaakit na tumingin sa kanya." saad nito. "Sana makakita ako ng tulad n'ya."

            "Andrew, nag-iisa lang si Isabella. makakakita ka rin ng babaeng para sa iyo." aniya sa kanyang kaibigan. "kumain na nga tayo para marami tayong mapuntahan." wika ni Evren. kaya nagpatuloy na silang kumain kasama si Andrew. Matapos nilang kumain ay ipinasyal ni Evren sa mall ang kanyang ina at kasintahan, Ibinili niya ang mga ito nang mga damit. Masaya naman ang kanyang ina sa mga ibinibigay ni Evren sa kanila. Buong araw na ipinasyal ni Evren ang dalawa, si Andrew naman ay humiwalay na sa kanila, bago pa man sila pumasok nang mall.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
baka maging karibal ni Evren SI Andrew
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Revenge of the Billionaire   Chapter Seventy Three

    “So, How was your date with him?” tanong nang isang matandang lalaki mula sa sofa. “Dad! Kailan ka pa narito?” masayang wika ni Maria matapos makalapit sa ama.“Kanina pa ako narito, nais ko kasing malaman kung ano na ang balita sa pakikipaglapit mo sa pamilyang iyon,” “Do we really have to do this? Mukhang wala naman silang ginawang masama, mabait si Andrew ganoon rin ang mga Del Fierro, kaya nagtataka ako kung ano ba talaga ang ikinagagalit mo sa kanila.” “Sinabi ko na sa iyo, gusto kong gumanti sa mga mayayabang na iyon. Kung alam mo lang kung gaano nila ako pinahiya, inalis nila ako sa puwesto at gusto kong pagsisihan nila ang bagay na iyon!” gigil na gigil na wika ni Calixto sa anak. “Gawin mo lang ang iniuutos ko sa iyo, at papayagan na kiyang bumalik Abroad.” “Napakahirap nang pinagagawa mo, masasaktan ko lang yung tao,” Ani Maria sa ama.“That’s my point! I want him and his family to be hurt!”“Hindi ko talaga ma-gets ang trip mo, Dad, paano kung talagang nagkagusto na sa

  • Revenge of the Billionaire   Chapter seveny-two

    “Ano ba ang pag-uusapan natin?” tanong ni Andrew sa dalawang matanda.“About the business,” sagot ni Juanito sa anak. “We decided to merge th two Company, sa ganoon ay magiging mas malakas ito, sigurado na wala nang tatalo kapag pinagsama ang Del Fierro at Lopez.” Masayang pagbabalita ni Juanito sa dalawa.“Pero Papa, sigurado na ba kayong dalawa sa desisyon niyo?” tanong ni Andrew.“Oo nga, siguradong magiging malaking usapin ito lalo na sa mga board of directors.” Dagdag ni Calvin. Alam nilang magkapatid na malaking katanungan ito lalo na sa mga empleyado nang dalawang kumpaniya.“Andrew, Calvin. Kayong dalawa ang magiging tagapamahala ng lahat. Oo nga at pagsasamahin natin ang dalawang kumpaniya, pero hindi iyon nangangahulugan na isa lang ang mamamahala.” Ani Ronaldo, matapos humigop ng kape mula sa tasa.“Ilang araw na rin namin pinag-uusapan at maiging pinag isipan ang lahat ni Ronaldo, matanda na kami at gusto na naming mag-enjoy sa buhay.” Wika ulit ni Juanito kasunod

  • Revenge of the Billionaire   Chapter Seventy-one

    “Pupunta ba talaga si Del fierro at Lopez?” tanong ni Nyx nang mapansin ang magkapatid na lang ang wala sa grupo.“Ang sabi ni Calvin, magsasabay na silang magkapatid sa pagpunta rito.” Sagot ni Ricardo.Ilang saglit pa ay nakita na nilang papasok ang magkapatid kasunod si Mark at Maynard.“Wow, para kayong nag-usap a! sabay pa talaga kayong apat na dumating!” ani Nyx na may pagkairita sa tinig.“Nyx the Grumpy, hindi ka ba naka score sa Girlfriend mo kaya ka ganiyan?” birong wika ni Ben sa kaibigan.“Shut up, Ben!” inis na sambit ni Nyx. “Tumigil na kayo, ang importante narito na kami atleast hindi kami nahuli.” Ani Mark ng makaupo.“Anong hindi nahuli? Huli kayong pumasok ni Gutierrez kaya sagot niyo lahat ang iinumin natin ngayon.” Nakangising wika ni Ricardo sa kaibigan.“Iyon lang ba, walang problema kung gusto niyo dagdagan niyo pa,” natatawang sagot ni Mark.Agad na naghiyawan ang grupo matapos nang sinabi ni Mark, kaya naman um-order sila ng isang expensive na whiskey. “Ngay

  • Revenge of the Billionaire   Chapter Seventy

    “Calvin, sa tingin mo ba na ito na ang tamang oras ka kausapin ang anak mo?” nag-aalangan na tanong nito sa kapatid.“Kuya, ikaw na ang nagsabi hindi matatapos ang problema kung hindi pag-uusapan.” Sagot naman ni Calvin. Kaya muli itong kumatok.“Anak, papasok na ako.” Pagbukas niya nang pinto nakita niya si Reece na abala sa pagpipinta. “bakit hindi ka sumasagot? Kanina pa kita tinatawag,” aniya sa anak,“Sorry dad, wala lang po akong gana kumain,” sagot nito habang nananatili ang atensyon sa ginagawa.“Reece, tell me, is it about your tito Andrew?” Malakas na napabuntong hininga si Reece nang mabanggit nang ama ang pangalan na ayaw na niyang marinig kahit kailan.“Dad, bakit ba siya narito? Alam ko na kailangan ko siyang respetuhin, pero hindi ko maiwasan na magalit sa kaniya.” Anito, na kaagad na binitawan ang paint brush at pallet na hawak.Naglakad ito at naupo sa gilid nang kama, “Dad, ang totoo, ayoko siyang Makita. Galit ako sa kaniya lalo na kapag naiisip ko ang mga masas

  • Revenge of the Billionaire   Chapter Sixty-nine

    Maagang nagising si Calvin dahil sa pagtawag nang kapatid na si Andrew.“Calvin, may gagawin ka ba mamaya?” seryosong wika ng nasa kabilang linya.“Oo, may mga appointment ako ngayong araw. And by the way good morning!” natatawang wika naman ni Calvin sa kausap. Pagak na natawa naman ang nasa kabilang linya. “Sorry for waking you up this early.” Hingi naman nito nang paumanhin. “Nah! Kailangan ko rin naman gumising nang maaga, nakatoka akong magluto ngayon, kailangan kong ipagluto nang almusal ang pamilya ko. Maaga ang pasok ni Reece ngayon dahil may Exam sila, at ayoko naman abalahin ang asawa ko dahil puyat siya sa pag-aasikaso kay Anikha.” Paliwanag nito habang nakatingin sa salamin sa loob ng banyo.“Okay, ayos lang ban a magkita tayo mamaya, dinner?” “Kuya, magpunta ka na lang dito, magpapaluto ako kay manang isama mo si Itay, total Saturday bukas, mag-bonding tayo.” Aya naman nito na saglit namang ikinatigil nang nasa kabilang linya.“Still there, kuya?” “Yeah, sige.” Sagot

  • Revenge of the Billionaire   Chapter Sixty-eight

    “Mukhang nagkakatuwaan kayong magkapatid,” wika nang bagong pasok sa pintuan.“Isabella!” masayang pagbati ni Calvin at Andrew rito.“Mahal ko!, mabuti naman at naisipan mo nang dalawin ang mokong na ito. Kanina pa nagtatanong ito kung kailan ka dadalaw sa kaniya.” Pagsusumbong nito sa asawa.“Ano ba naman iyan, tol! Para kang bata kung magsumbong sa asawa mo!” natatawang biro ni Andrew sa kapatid.Agad na lumapit si Calvin kay Isabella at yumakap rito. “Sa kaniya lang naman ako ganito,” nakalabing wika naman nito.“Tumigil na nga kayong dalawa.” Natatawang awat naman ni Isabella. “nakakatuwa lang na nagbalik na kayo sa dati, masaya ako para sa inyong dalawa.”“Mabuti naman at napadalaw ka, iniisip ko tuloy na baka ayaw mo na akong makita, dahil sa mga nagawa kong pagkakasala sa inyong mag ina.” Malungkot ang mukhang wika ni Andrew, habang nakayuko ang ulo.Nagkatinginan ang mag-asawa kaya naman lumapit si Isabella at nagsalita, “Nagawa kang patawarin nang asawa ko, dapat ganoon rin a

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status