Share

Chapter 64

MABILIS ANG lakad ni Oddyseus habang papalabas na ng campus ng paaralan. Nagmamadali siya para hindi niya makasabay ang mga ibang estudyante na walang ginawa kundi ang laiitin siya palagi.

Hindi niya alintana ang mga mapang-usig na tingin ng kapwa niya estudyante habang nakakasalubong niya ang mga ito. 

Tinuturing na lamang niyang parang wala siyang nakikita at nararamdaman. Sa ganoong paraan hindi siya masasaktan ng katotohanan. Noon pa man tanggap na niya ang sumpang iginawad sa kaniya ng diwata. 

Nagpapasalamat parin siya rito dahil kahit papaano binuhay siya nito at hindi pinatay. Iyon nga lang para narin siyang pinatay dahil sa mga panlalait na kaniyang natatanggap araw-araw. Ngunit kahit na ganoon, masaya parin siya at nasaksihan at naranasan niya ang pagmamahal ng isang magulang. 

Bigla lamang siyang napatigil nang mabunggo siya sa isang matigas na bagay. Umangat ang kaniyang tingin at pinakatitigan kung ano ang bagay na 'yon.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status