ログインMatapos mamatay sa sunog na kagagawan mismo ng kanyang taksil na asawang si Lance at ng kabit nitong si Chloe, muling nabuhay si Maya at nagising sa mismong araw ng kanilang kasal. Sa pangalawang pagkakataon, hindi na siya magpapakatanga at magpapaloko pa, kinansela niya ang kasal at iniwan sa kahihiyan si Lance kasama ang kabit nito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla siyang inalok ni Damon Villafuerte, ang kinatatakutan at bilyonaryong kapatid ni Lance na nagligtas sa kanya sa nakaraan niyang buhay. “Tutal hiniwalayan mo na ang kapatid ko, bakit hindi na lang ako ang piliin mo?”
もっと見る“Tulong! Tulong! Parang awa niyo na, buksan niyo ang p***o! May tao pa rito sa loob, please!”
Iyan ang sigaw ko nang imulat ko ang aking mga mata. Ramdam ko ang pagkirot ng aking sentido, ang mas nakakabigla pa ay ang makapal at maitim na usok na agad sumakal sa lalamunan ko. Agad akong napasinghap nang makita ko ang pagliyab ng buong paligid mula sa mamahaling kurtina hanggang sa kahoy na kisame ng aming mansyon sa Tagaytay.
Pinilit kong bumangon mula sa sahig kahit nanghihina na ang aking mga tuhod. Tumakbo ako patungo sa mabigat na pintuan at buong lakas iyong kinabog habang umuubo. Sobrang hapdi na rin ng aking mga kamay dahil sa sobrang init ngunit wala akong pakialam, kailangan kong mailigtas ang sarili ko.
Sa gitna ng malalakas na lagablab, narinig ko ang pamilyar na mga yabag sa labas. Bigla akong nakaramdam ng pag-asa nang marinig ko ang boses ng aking asawang si Lance. Muli akong sumigaw sa pagkakaalang ililigtas niya ako.
“Lance! Salamat sa Diyos at nandito ka na! Buksan mo ang p***o, parang awa mo na! Please, hindi na ako makahinga rito!
Ngunit sa halip na tulungan ako, isang malamig at mapanuyang tawa ang narinig ko mula sa kanya. Sinundan pa iyon ng malambing na hagikgik ng isang babae.
“Huwag ka nang sumigaw diyan, Maya dahil walang darating na bumbero sa liblib na lugar na ito. Alam mo bang ako mismo ang nagkandado ng pintong iyan at nagsindi ng apoy? Tatlong taon akong nagtiis sa mukha mo para lang makuha ang mana mo.”
“Kawawa ka naman, Maya. Hanggang sa huling hininga mo ay umaasa ka pa ring minahal ka ni Lance? Ako ang tunay niyang mahal noon pa man at ipinagbubuntis ko na ngayon ang magiging anak naming dalawa!” sigaw pa ni Chloe sa akin.
Nang makilala ko ang boses ng babae, doon lang nag-sink in sa akin ang lahat.
“Mga hayop kayo! Ibinigay ko sa inyo ang lahat ng mayroon ako, pati ba naman ang buhay ko ay kukunin ninyo pa?!”
“Kasalanan mo iyan dahil masyado kang tanga at madaling utuin. Goodbye, my dear wife, kung hindi ka naman kasi boba, hindi ka magkakaganto. Huwag kang mag-alala, iingatan namin ang kayamanan mo.”
Narinig ko ang papalayo nilang mga yabag habang tuluyang bumabagsak ang nagbabagang kisame sa paligid ko. Nagsimulang mamanhid ang buong katawan ko, hindi dahil sa sakit kung ‘di sa matinding poot at pagsisisi.
Bakit ko nga ba sila pinagkatiwalaan?
Bakit nga ba ako naniwala na magkapatid lang ang turing nila sa isa’t-isa?
Habang nilalamon na ng apoy ang aking paningin at nauubusan na ako ng hininga, isang malakas na kalabog ang yumanig sa p***o. Nawasak iyon at mula sa makapal na usok, sumugod papasok si Damon Villafuerte, ang nakakatandang kapatid ng aking asawang si Lance.
“Maya! Kumapit ka sa akin, pakiusap, ilalabas kita rito!” sigaw niya habang hawak-hawak ang pisngi ko.
Walang pakialam si Damon kahit nasusunog na ang kanyang balikat habang mahigpit niya akong niyayakap. Subalit huli na ang lahat, ang luhaan at desperado niyang mukha ang huli kong nasilayan bago ako nilamon ng dilim.
Ngunit sa isang iglap, isang malakas na singhap ang kumawala sa bibig ko at muli akong napamulat. Sumalubong sa akin ang halimuyak ng pulang rosas ng isang marangyang hotel sa Makati. Nakaharap ako sa malaking salamin at suot ang kumikinang kong trahe de boda.
Wala na yung nag-aapoy na bahay, hindi na rin ako nakakaramdam ng sakit dahil sa pagkakapaso ng aking balat. Hindi ako makapaniwalang nakabalik ako sa araw mismo ng kasal namin ni Lance.
Napalingon ako sa sulok ng silid nang marinig ko ang pamilyar na bulungan. Naroon si Lance na suot na ang kanyang barong habang nakayakap mula sa likod ni Chloe upang isara ang zipper ng suot nitong peach gown. Halos magdikit na ang kanilang mga labi at pisngi sa sobrang lapit.
“Naku, Maya, kanina ka pa ba nakatingin diyan? Tinutulungan lang ako ni Lance sa zipper ng damit ko kaya huwag kang magselos ha?” natatawang sabi sa akin ni Chloe.
“Tama si Chloe, Babe. Baka mamaya magselos ka na naman, wala pa naman sa hulog iyang pagseselos mo. Magkaibigan lang kami at parang kapatid ko na siya kaya huwag mong bigyan ng malisya.”
Sa nakaraan kong buhay, nanahimik lang ako upang hindi masira ang kasal. Ngunit ngayon ay damang dama ko pa rin ang poot ng kanilang pagtataksil. Tumayo ako, dinampot ang isang baso ng malamig na alak sa mesa at walang alinlangang ibinuhos iyon nang diretso sa makapal na mukha ni Chloe.
“Maya! Nababaliw ka na ba?! Bakit ka ba nagkakaganito?! A-anong ginawa ko sa’yo?”
“Masyado na kasing makati ang katawa mo kaya binuhusan na kita! Kung hindi mo kayang ayusin ang sarili mong damit nang hindi humahawak sa lalaki ng iba, eh di lumabas ka nang naka hubad!” mariin kong sagot sa kanya.
“Sumusobra ka na, Maya! Humingi ka ng tawad kay Chloe ngayon din! Kung hindi, walang kasalanang magaganap ngayon!” sigaw sa akin ni Lance, kitang-kita ko pa kung paano kumuyom ang kanyang kamao dahil sa pagpipigil ng galit.
“Huwag ka nang umarte pa dahil hindi mo na kailangang magbanta! If I know, kumpanya ng pamilya ko lang naman ang gusto mo kaya ka naghahabol sa akin. Kaya simula sa oras na ito, cancel na ang kasal natin! Magsama kayong dalawa, pareho naman kayong mga hitad at walang silbi!”
Hinubad ko ang singsing at inihagis iyon sa paanan nila bago ako lumabas ng kwartong iyon. Pagdating ko sa garden ng hotel, biglang tumunog ang aking cellphone at lumitaw sa screen ang pangalan ni Damon. Naalala ko kung paano niya isinakripisyo ang sarili niya, mailigtas lang ako noon, kaya agad kong sinagot ang tawag niya.
“D-Damon? Napatawag ka?”
Napatingala ako sa balkonahe sa itaas at nakita ko siyang nakatayo roon, suot ang kanyang itim na amerikana habang nakatitig nang taimtim sa akin. Ramdam ko ang pagbilis na tibok ng aking puso nang marinig ko ang mababa at seryoso niyang tinig sa kabilang linya.
“Tutal hiniwalayan mo na ang kapatid ko, bakit hindi na lang ako ang piliin mo?”
Pagsapit ng gabi, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba habang nakatingin sa mga pagkaing niluto ko. Maya maya pa ay bumukas ang malaking pintuan at iniluwal nito si Damon na suot pa rin ang suit nito. Bakas man ang pagod sa kanyang mukha pero hindi iyon kabawasan sa angking kakisigan niya. Nang magtama ang aming mga paningin kita ko ang pahapyaw na pagliwanag ng kanyang ekspresyon ngunit agad din iyong nawala. Lumapit siya sa akin, hinubad ang kanyang necktie at marahang hinalikan ang aking noo na nagpadala ng kakaibang init sa aking dibdib."Kanina ka pa ba naghihintay? Medyo na-late ako today, tinapos ko muna kasi ang lahat ng trabaho ko ngayong gabi," sabi ni Damon at agad na umupo sa hapagkainan. "Hindi naman ako naghintay nang matagal, Damon. Kumain na tayo, naghanda ako ng mga pagkain," nahihiya namang sagot ko sa kanya.Nang magsimula kaming kumain, laking gulat ko nang hindi muna niya ginalaw ang sarili niyang plato. Sa halip ay kumuha siya ng hipon at matiyagang binalatan
MAYA POVNapangiwi ako nang maramdaman ko ang matinding pangangalay ng aking buong katawan. Sinubukan kong bumangon mula sa malambot na kama, ngunit parang binugbog ang aking baywang at mga hita dahil sa walang kapagurang pagsuyo ni Damon kagabi.Napakagat ako sa aking ibabang labi nang maalala kung paano niya ako paulit ulit na inangkin hanggang umaga. Akmang hahanapin ko na sana siya sa loob ng malawak na silid nang biglang umalingawngaw ang tunog ng aking telepono sa ibabaw ng mess. Nang makita ko ang pangalan ni Trixie, ang matalik kong kaibigan na kagagaling lang sa Cebu ay agad ko itong sinagot."Hoy, babae! Kumusta ang unang umaga bilang legal wife ng isang Lance Villafuerte? Siguro ay abot langit na naman ang ngiti mo ngayon!" malakas na tili ni Trixie sa kabilang linya na halos ikabingi ko."Huwag mo nang banggitin ang pangalan ng manlolokong iyon, Trixie, dahil hindi natuloy ang kasal namin kahapon," sagot ko habang nakasandal sa malambot na unan. "Nahuli ko na naman silang
Habol-habol ko ang aking hininga nang maghiwalay ang aming labi. Kahit pilit kong ipinapakita na matapang ako mula pa kanina sa hotel, hindi ko maitatanggi ang malakas na panginginig ng aking mga kamay na nakatukod sa matipuno niyang dibdib. Sa nakaraan kong buhay, tatlong taon akong naging asawa ni Lance ngunit ni minsan ay hindi niya ako ginalaw dahil palagi niyang idina dahilan na pagod siya sa trabaho. Ngayon ko lang naintindihan na kay Chloe pala niya inilalaan ang sarili niya kaya naman wala akong kahit anong karanasan sa ganitong bagay.“S-Sandali lang, Damon! Huwag mong sabihin na bibilisan mo ang lahat dahil lang pumirma ako sa kontrata kanina, baka nakakalimutan mong ngayong araw lang tayo nagpakasal!”Naramdaman ni Damon ang panginginig ng aking balikat at ang panlalamig ng aking mga palad, ngunit sa halip na huminto, mas lalo pa niyang idiniin ang kanyang mabigat na katawan sa akin. Isang malamig at nakakakilabot na ngisi ang sumilay sa kanyang mga labi. “Natatakot ka ba
Halos mabitawan ko ang hawak kong telepono habang nakatingala pa rin sa balkonahe kung saan nakatayo si Damon. Hindi rin sapat ang malamig na simoy ng hangin upang pakalmahin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Sa nakaraan kong buhay, ilang taon ko rin siyang nakasama at naging hipag pa ngunit kailanman, hindi kami naging malapit sa isa't isa. Palaging seryoso, mailap at tila ba iwas na iwas sa akin. Akala ko noon ay kinasusuklaman niya ako dahil kay Lance, ngunit nang makita ko ang reaksyon niya noon sa sunog, iyong mahigpit na yakap niya para lang iligtas ako, para bang pinapahiwatig niyang gustong-gusto niya ako at ayaw niya akong mawala.“Nababaliw ka na ba, Damon? Kaka-cancel ko lang ng wedding ko sa kapatid mo, tapos ngayon niyayaya mo akong magpakasal sa iyo?” nauutal kong tanong sa kabilang linya. “Bakit, natatakot ka ba, Maya?” mahina at mapanuksong tawa niya sa kabilang linya, isang tunog na nagpataas ng balahibo sa batok ko. “Hindi ako nagbibiro. Naghihintay ang sasakyan






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.