Share

CHAPTER 1

"Dad, you can't do that to my sister!" sigaw ni Ate Kiana sa mga magulang namin.

Nakayuko lamang ako at nakikinig lang sa kanila sa desisyon nila para sa buhay ko.

I lived my entire life like this. Controlled and manipulated by my adoptive parents. We're blood related because Mom is my biological father's sister. I was just adopted by them when my parents died due to plane crashed when I was just five years old. And because Kiana was missing that time, they want me to be their own child. To fill the emptiness they're feeling.

They legally adopted me months after my parents burial. Dahil na rin sa kanila ako ipinagkatiwala ng mga magulang ko. I somehow, learned about to love them as my real parents. At the first ten years, they're good at me. Maayos ang lahat ng pagtrato nila sa akin. Kahit minsan ay napapagalitan ako, lalo na kapag mainit ang ulo nila at napapalo ako, naging ayos 'yon sa akin dahil alam kong parte 'yon ng pagdisiplina sa akin.

Hanggang sa makita na nga nila si Ate Kiana noong mag-sixteen years old ako. I was happy for them when they found their missing child. I was grateful because finally, I have a playmate, I have a sister to be with every time.

But then, that's the beginning of my loneliness and emptiness. They became cold to me. They became mistreating me at all times they could possibly have. They became harsh to me to the point I feel humiliated by them every time they turn me down.

Pero tinanggap ko 'yon dahil kailangan ko sila sa buhay ko. Magulang ko sila. Kahit hindi ako sa kanila nagmula, kamag-anak pa rin ako ni Mommy. Alam kong . . . may pagmamahal pa rin sila sa akin kahit na dumating na ang tunay nilang anak.

"You should at least ask her permission before you do what you want to do in her life!" Ate Kiana continued, but our parents are hardheaded.

They stayed firm and manipulative.

"What do you want us to do, honey?" Dad's soothing voice filled my ears.

I closed my eyes tightly, waiting for my sister to speak.

"Let her live her life free, Dad. Let her choose a man who will love her—" Dad's heartily laugh interrupt Ate Kiana's speaking.

"You want me to what?" he asked with so much mockingly.

"Let her choose a man on her own!"

"Ate," hinawakan ko ang kaniyang kamay na nasa ilalim ng lamesa.

"That's not gonna happen, Kiana. That's the list thing she could do in this family!"

Gusto kong umiyak. Gustong-gusto kong magsalita pero hindi ko kaya. I know, Dad. I know that that's the list thing I can do in this family but how could you marry me to a person I do not know? It's just for your own whims. For your own satisfaction.

"And it's convenient for the possible merging of two companies, hija." Mommy interrupted.

"At si Hailey ang solusyon do'n?" Ate Kiana scoffed in disbelief. "You're so unreasonable, Mom, Dad. How could you trade your own daughter just for your company to bloom?"

Dad's expression darkened as he look at Ate Kiana. I tugged Kiana's hand to stop her from talking.

"Baka nakakalimutan mong . . ." he trailed off, then his gaze dart to me. "Hindi mo tunay na kapatid 'yan." he's not pointing at me, but his gaze didn't left mine.

"Kadugo pa rin natin siya, Dad, baka nakakalimutan mo rin." pakikipagtalo pa rin ni Ate Kiana.

Alam ko kung bakit ako ang gusto nilang ipakasal sa iba. Dahil ayaw nilang si Ate Kiana ang mawalay sa kanila at magdusa sa kung ano mang haharapin kapag ikinasal na. Alam kong may plano si Daddy. Just looking at the glint of his eyes, I know him too well. Mas nakasama ko sila nang mas matagal kaya kilala ko silang dalawa. Mature ako mag-isip kahit na homeschooled ako hanggang senior highschool. Kahit dumating na si Ate Kiana ay hindi pa rin nila ako hinayaang mag-aral sa totoong eskwelahan.

Dad sighed heavily. "My decision is already final, Kiana Jane. No one can change my mind, even you, my daughter." he said with finality.

I bit my lower lip and bowed my head a little more for him not to see my vulnerable eyes.

"Dad . . ." magsasalita pa sana si Ate Kiana nang tumayo na si Daddy sa hapag at umalis do'n. Sinundan naman siya ni Mommy na naiiling na lang.

Ate Kiana groaned frustratedly. Hinampas pa niya ang lamesa dahil sa inis. Ako naman ay nanatiling nakayuko at hindi nagsasalita. Pumatak ang isang butil ng luha ko sa aking kamay. Doon ko lang nalaman na napakawala kong kwenta pagdating sa mga kinagisnan kong magulang.

I want their attention. I want their love. I want their care. I want them to look at me with gentleness. Because I didn't feel any of those things my whole existence since my biological parents died. Because my adoptive parents gave me a rough childhood.

But for the past years, I've got used to it. I'm almost 26 years old but I'm still under their wings. I'm still kind of useless daughter. I'm already working but still, they see me as a worthless daughter. I'm not the real heiress, that's why.

"I'm sorry, Hailey." Nag-angat ako ng tingin kay Kiana at ngumiti nang mapait.

"Ayos lang, Ate. Wala naman na tayong magagawa. Sila rin naman ang masusunod at hindi tayo. Kaya... Tatanggapin ko na lang kung ano ang mangyayari sa akin kung sakaling... pakasalan ko nga ang sinasabi ni Daddy." ang pait ng sistema ko ay kumalat sa buo kong katawan lalo pa nang makita ko ang simpatya sa kaniyang mga mata. "Please, Ate, don't pity me. I'm fine. I will be fine no matter what. Matatag ako, 'di ba? At saka... Siguro naman kapag nagawa ko ang gusto nina Mommy at Daddy ibibigay na nila sa akin ang pagmamahal na matagal ko nang gusto, 'di ba? Mula sa kanila."

Bumagsak ang luha ko kaya pinalis ko 'yon. Pero para na 'yong gripo na sunod-sunod ang pag-agos. Hindi ko na namalayang humihikbi na ako at niyayakap na ako ni Ate Kiana habang umiiyak.

"Magiging maayos din ang lahat. Hindi ko nga lang alam kung ano ang ugali ng ipapakasal sa 'yo ni Daddy. At kung hindi maayos ang pakikitungo niya sa 'yo, kukunin kita sa lalaking 'yon. Magsabi ka lang sa akin at hindi ako mag-aatubiling kunin ka ro'n, kahit pa nga magalit si Daddy sa akin." Tumango ako sa sinabi niya.

Kahit taliwas do'n ang iniisip ko. Siyempre hindi ako magsasabi. Kung ano man ang mangyari sa akin kapag ikinasal na ako, labas na si Ate Kiana ro'n. Ayaw kong magkagalit sila nina Mommy at Daddy. She's too precious to me I can't ruin her image to our parents.

Siguro naman ay magiging maayos ako kapag nakasama ko na ang sinasabi nina Daddy at Mommy.

"Ma'am Hailey, tawag ka po ni Sir Nathaniel sa kaniyang opisina." agad na kumalabog ang dibdib ko sa ininporma ng kasambahay.

Tumingin ako kay Ate Kiana at nakita ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. Pati na rin ang galit na pilit niyang itinatago.

"Ayos lang, Ate." I squeezed her hand and smiled at her, assuring her that I will fine.

"Are you sure?" may pag-aalala maging sa boses niya.

"Oo, Ate. Kaya ko naman." Tumayo na ako at hindi na hinintay ang sasabihin niya.

Inihatid ako ng kasambahay sa opisina ni Daddy at siya na rin ang kumatok sa pintuan at nagbukas no'n. Huminga ako nang malalim bago pumasok sa loob ng opisina.

"Dad," I called him with a firm voice. I don't want to look vulnerable in front of him. Ayaw niya ng gano'n.

He tought us to be prim and proper. To look intimidating and look powerful. Because I'm carrying his name under my name. I should act like a powerful De Guzman. Like what he tought us.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Hailey." His cold and dark voice gives chill inside me. "Whether you like it or not, you will marry Mr. Villanueva. He's a colleague of mine. An investor too in our company. He's one of the famous and successful bachelor in Asia. He also want to marry someone because of some matters connected to business. At sinabi kong ikaw na lang ang pakasalan niya. I showed him your pictures and he liked it. Kaya naman pumayag siya. Bukas ay pumayag siyang makipagkita sa 'yo." nagulat ako sa sinabi niya.

Bukas? Agad-agad? Parang kanina lang niya sinabi sa akin na ikakasal ako.

"Bukas po agad?" Nagtaas siya ng kilay.

"Bakit? Kailan mo ba balak makipagkilala sa fiancée mo? Sa susunod na taon?" sarkastikong sambit niya. "Kailangan maayos at katanggap-tanggap ka kapag humarap ka kay Mr. Villanueva. Hindi lang basta-bastang tao ang pakikiharapan mo bukas."

Tumango ako at wala nang nagawa.

"Kapag hindi ka pumayag o kapag tumakas ka, tatanggalan ko ng mana ang kapatid mo. Papalayasin kita rito at sisiguraduhin kong mas malala pa sa kahihiyan ang matatamo mo. Tandaan mo 'yan." pagbabanta niya.

"I understand, Dad."

Huminga ako nang malalim bago nagpaalam na lalabas na ng opisina niya. Dumiretso ako sa kuwarto ko at doon na lang inilabas ang galit ko. Galit sa lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon.

Sa totoo lang, p'wede naman akong umatras kung gusto ko. P'wede akong hindi sumipot kung gusto ko. Pero ang kapalit no'n ay ang paghihirap ni Ate Kiana. Hindi p'wede. Ayaw kong maghirap siya dahil sa kapabayaan ko. Siya ang magdudusa sa gano'ng gagawin ko.

Kaya wala na akong magagawa kung 'di ang pakasalan kung sino man si Mr. Villanueva.

Nakatulala lang ako sa kisame ng kuwarto ko habang iniisip kung anong mangyayari kinabukasan. How will I approach Mr. Villanueva? In a formal way? Casual? What? I don’t know either.

Kaya naman kinabukasan ay medyo tinanghali na ako ng gising. Ang sabi ng kasambahay ay mamayang gabi pa raw ang pagkikita namin ni Mr. Villanueva. Kasama sina Daddy at Mommy kaya medyo panatag ako dahil may kasama ako.

Wala akong ginawa maghapon kung ‘di ang matulala. Wala naman si Ate Kiana dahil nasa kumpanya siya ngayon. Nakaligo na ako at nakabihis ng isang white fitted dress at pinaresan ko ‘yon ng white pumps. Nakaupo lang ako sa gilid ng kama at nakatulala.

Makikilala ko mamaya ang lalaking ikakasal sa akin. Ang lalaking makakasama ko sa araw-araw ngayon. Ang lalaking... Hindi ko kilala.

“Ma’am Hailey, nasa baba na po ang personal make-up artist niyo.” Napabalik ako sa aking sarili nang marinig ko ang katok ng isang kasambahay at ang sinabi nito.

“Uh...” tumikhim ako. “Paakyatin niyo na lang po rito sa kuwarto ko.” sambit ko sa medyo may kalakasang boses pero walang gana.

“Sige po,” narinig ko ang pag-alis nito kaya huminga ako nang malalim at pumunta na sa vanity mirror ko.

Nang pumasok ang personal artist ko ay ngumiti ako rito nang palakaibigan bago siya sinabihang magsimula na. Nagkukwento siya habang nagme-make-up sa akin pero ang isipan ko ay lumilipad sa ibang dimensyon.

“Napakaganda talaga ng kutis niyo, Miss Hailey. Kaya talagang bagay sa iyo ang mga light make up lang. Mala-anghel.” Ngumiti ako sa sinabi niya habang tinitingnan ang sarili kong repleksyon sa salamin. “Hindi kagaya ng sa Ate mo, Miss. Matapang. Fierce kung fierce.”

Yeah, we really have different features. Because we’re not real sisters. But we have the same blood.

“Bagay kay Ate Kiana ‘yon, pero mabait ‘yon.”

“Sa true, Miss! Sobrang bait ng kapatid niyo, parang kayo. Kaya lang ay mukhang wala pang natitipuhang lalaki, ano?” Nailing na lang.

Actually, she have a boyfriend. But they kept it a secret. Dahil paniguradong magagalit si Daddy kapag nalaman nito kung sino ang boyfriend ni Ate.

Nang matapos ay bumaba na ako. Naroon na sina Mommy at Daddy, hinihintay ako. Hindi na sila nagpaligoy-ligoy pa at nag-aya nang umalis. Nasa backseat ako at halos nanlalamig habang papalapit kami sa sinasabing restaurant ni Daddy. Panay ang kalabog ng aking dibdib habang nasa labas ang paningin.

“We’re here, hija.” Natauhan ako at lumabas na ng sasakyan.

“Reserved room for Mr. and Mrs. De Guzman, this way, Sir, Ma’ams.” anang usher at iginiya kami papasok.

Umupo ako nang tahimik sa couch. Nasa kanang gilid ko naman sina Mommy at Daddy.

“Ayusin mo ang pakikitungo at pakikipag-usap, Hailey.” may bantang sambit ni Daddy.

Tumango lamang ako at hindi na nagsalita.

Hanggang sa bumukas ang pintuan ng VIP room na kinaroroonan namin.

“Mr. Villanueva,” maganang bati ni Daddy at tumayo pa para makipagkamayan sa lalaking dumating.

Pumikit naman ako nang mariin bago tumayo at hinarap ang lalaki. Natigil ako sa akmang pakikipagkamayan nang makita ang lalaki.

“Callum Travis Villanueva,”

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Elle
ang ganda po author
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status