Share

CHAPTER 5

Iyon nga ang nangyari. Pagkatapos naming kumain ng agahan ay pinakuha na niya ang kaniyang sasakyan sa isang tagapangalaga sa garahe. Bago niya ako iginiya palabas ng mansyon.

“Hindi ka ba talaga magbabaon ng pangtanghalian mo, Ma’am Hailey?” tanong ni Nanay Juliet. Kanina pa siya nagtatanong sa akin kung magbabaon ba ako ng pagkain dahil hindi raw ako sigurado kung maayos ba ang pagkakaluto sa company ng mga ibinebenta roon.

“Hindi na ho, Nanay Juliet. Uh, matagal na rin naman ho akong nagtatrabaho roon kaya sigurado po akong maayos at masarap ang luto nila. Pero . . . Uhh . . . If you will insisted, you can pack me tomorrow?” saad ko kahit na hindi naman na talaga kailangan no’n.

May pera naman ako para sa mga pambili ko ng pagkain at sariling gamit. Nagtatrabaho naman ako kaya kahit sabihin mong gusto kong makatipid ay nakakahiya naman. But then . . . Callum is now my husband. I have all the rights to— No. Kaya namang magtrabaho. Hindi naman p’wedeng iasa ko lang ‘yon lahat kay Callum kahit na may pera naman ako at nagtatrabaho.

“Oh siya sige, bukas ay ipaghahanda kita ng pangtanghalian mo sa trabaho. Aaraw-arawin ko na ‘yon.” Napanguso ako at gustong mangiti dahil ito ang unang beses na may nag-inist na ipagluto ako ng tanghalian para sa trabaho.

Noon kasi ay ako talaga ang nagre-request na ipagluto pa ako o ipaghanda ng pagkain dahil ayaw akong pangunahan ng mga kasambahay sa mansyon noon. They knew me as an independent when I started studying in College and started working. I always insist that I want to do it alone at saka na lang hihingi ng tulong kapag hindi na talaga kaya ng oras ko.

“Sige ho, Nany Juliet. Mauna na ho kami.” I waved my hand at her and walk towards Callum when I saw him standing near his white Mazda.

I gulp at the sight of his expensive car. Iba rin ang dala niyang sasakyan kahapon, that means marami siyang sasakyang ginagamit sa araw-araw? At paniguradong bawat araw ay may mga babae siyang naaakit sa tuwing nagmamaneho siya ng mga mamahaling sasakyan gaya nito.

Palihim na lang akong umiling bago nagpatuloy sa paglalakad palapit sa sasakyan ni Callum. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya naman pumasok na ako sa loob ng sasakyan at nagsuot ng seatbelt habang hinihintay siyang makapasok sa loob. May ibinilin pa ‘ata siya sa lalaking tagapangalaga bago naglakad sa driver’s seat.

Nang makapasok siya sa loob ay agad niyang binuhay ang makina ng sasakyan. Akala ko ay paaandarin na niya ang sasakyan pero nagulat ako nang ilahad niya sa akin ang kaniyang cellphone. It’s a latest version of an expensive phone. Pinagmasdan ko lang ‘yon, hindi alam kung anong gagawin sa kaniyang cellphone.

“Put your number here,” aniya sa naiinip na boses.

Tumango ako bago kinuha ang kaniyang cellphone. Inilabas ko ang aking cellphone para makuha na rin ang kaniyang numero. I was typing my number in his phonebook when a message suddenly popped up. I accidentally read the message.

From: Unknown Number

Hi, Callum! It’s me, Zarrah. Would you like to have a dinner...

Hindi ko na nabasa ang iba dahil mabilis ko nang sinave ang number ko sa kaniyang phonebook bago inilagay naman ang kaniyang number sa aking phonebook.

I was suddenly anxious because of the message. Zarrah. Did he know the girl named Zarrah? Siguro naman ay oo. Dahil kung hindi, bakit naman siya ite-text ng babae, ‘di ba? That’s embarrassing if a girl made a first move.

Nang mai-save ko ang number ay mabilis kong ibinalik ‘yon sa kaniya habang abala pa siya sa pagmamaneho. Kinuha niya lang ‘yon nang mag-red light. Hininto niya ang sasakyan at bahagyang bumaling sa akin pero sa labas lang ako nakatingin.

“Uh... Someone messaged you. I... I accidentally read the message. Sorry.” I honestly said while looking away, still can’t fathom to look at him.

“It’s fine,” aniya bago inilagay sa dashboard ang kaniyang cellphone.

I glanced at it, then looked away immediately as I felt something inside me. Why would I be bitter, though? Well, he was my crush back then. He was my only crush since I started to study outside our house. He was attractive since then, well until now. Sa nagdaang taon ay hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataong makausap o makilala siya, tapos ganito pa ang nangyari kaya medyo ganito ang nararamdaman ko. Knowing that he has tons of girls in his field, he will never lay a single glance at me. Kahit ngayon ay nararamdaman ko ang layo ng pagitan naming dalawa.

“We’re here,” napabalik ako sa reyalidad nang marining ko ang boses ni Callum.

Napatingin ako sa labas at nakitang narito na nga kami sa tapat ng building na pinagtatrabahuan ko.

“How did you know that... I work here?” hindi ko naman itinuro ang daan sa kaniya, ‘di ba?

“I just know this company.” tumango ako sa sinabi niya.

“Okay. Mauna na ‘ko.” diretso lang ang tingin niya sa bintana kaya naman ngumiti ako ng tipid at lumabas na ng kaniyang sasakyan.

Hindi na ako lumingon hanggang sa narinig ko na lang ang pag-alis ng kaniyang sasakyan. I turned my head and saw hsi car, running away. Umiling na lang ako bago pumasok sa loob ng building.

“Good morning, Ma’am Hailey.” bati ng guwardiya sa akin.

“Good morning din po, Mang Carlos.” saad ko habang nakangiti bago pumasok nang tuluyan.

They know me as the daughter of Mr. and Mrs. De Guzman of DG Interprise. Hindi man gano’n kalawak ang sakop ng company ng mga magulang ko ay kilala pa rin sila sa business world. At hindi ko rin alam kung saan at paano nila ako nakilala as my parent’s daughter. Hindi naman ako madalas kasama sa mga gatherings dahil mas ginugusto nilang iwan ako sa mansyon at si Ate Kiana ang isama dahil may future naman daw si Ate Kiana sa business. Habang ako? Wala. Dahil hindi rin naman nila ako tunay na anak.

I tried to pleased them. Do their bidding. Do what I have promised to them. Been a good daughter. Been a good catch even in school. But... there’s just no space for me in their hearts.

At ngayon ito. Kahit ang kalayaan ko ay isinalalay ko para lang palaguran sila. Para lang makita naman nila ang halaga ko. Pero mukhang pabor sa kanila ‘yon na wala ako sa mansyon.

“Hailey,” napatingin ako kay Sheina nang tawagin niya ako. May dala pa siyang tasa ng kape habang naglalakad palapit sa akin.

“Hinahanap ka ni Sir Dustin. Ang sabi mo raw sa kaniya ay ngayon ka na papasok. Punta ka raw sa opisina niya.” may kakaibang pahiwatig ang boses ni Sheina nang sabihin ‘yon kaya kumunot ang noo ko.

“Bakit daw?” tanong ko habang nagpapatuloy sa paglalakad papunta sa aking opisina.

“Aba malay ko?” maang niyang tanong sabay tawa ng mahina.

“Sana tinanong mo,” nakangusong sambit ko.

I know Dustin and why he wants me in his office. He likes me. I know. I’m not that dense to not feel that he’s giving me signals that he likes me. Those sweet gestures and special treatment he’s giving me is beyond work.

Sheina laughed heartily, “alam mo naman si Sir Dustin! Palagi ka na lang miss no’n. Kaya nga siguro umangat ka sa posisyon mo dahil sa gusto niya ‘yon, e.” Sheina teased that’s why I looked at her and gave her death glare.

“Kung gano’n lang pala ang dahilan ay baba na lang ulit ako sa dati kong posisyon.” I don’t like to question my credibility and skills.

Gusto ko ay umangat ako dahil may potensyal ako. Gusto kong kapag tumaas ako ay dahil deserve ko ‘yon. Hindi dahil sa gusto nila at pinapaboran lang ako. Ayaw ko no’n. Nakakagago ‘yon. Parang sinabi nilang wala akong kakayahan at pinagbibigyan lang akong umangat.

I always felt useless with that thought.

“Ito naman, joke lang! Napakaseryoso mo palagi, Hailey! Kaya hanggang ngayon ay single ka, e. Masyado kang seryoso.” bawi ni Sheina sabay tawa.

Umupo pa siya sa silyang nasa harap ng aking mesa.

I’m not single anymore, though.

“Hindi naman basehan ng pagiging masaya ang pagkakaroon ng kasintahan. I’m happy alone.” liar. “I’m happy without a man beside me. I don’t need a man to made me strong.” namamanghang nakatingin sa akin si Sheina sabay dahan-dahang pumalakpak.

“Grabe. Ikaw na, Hailey. Ikaw na. Ang huwaran sa pagiging single!” inirapan ko siya.

“Totoo naman ang sinasabi ko,” umupo ako sa swivel chair ko bago siya tiningnan.

“Pero ‘yon nga, sabi ni Sir Dustin pumunta ka raw sa opisina niya. Hindi ko alam kung bakit, e. Basta pumunta ka na lang.” tumango na lang ako bago nagpasyang pumunta na lang talaga muna kay Sir Dustin.

He was my college senior back then. He’s already a third year college when I met him accidentally in some random booth. He wanted to be my friend so I let him because I don’t really have any friend since then. Masyado siyang mabait para tanggihan. Hindi naman niya ako binastos and he never invalidate my feelings towards something. Lalo na kapag nagra-rant ako tungkol sa parents ko. He’s always been there for me. Nagpapalipad hangin na talaga siya sa akin noon pa. He’s picking up some lines and flirt with me a lot.

Pero kahit kailan ay hindi ko talaga malagyan ng malisya ‘yon. I don’t know if I’m just too innocent, uninterested, or I don’t really like him romantically. Basta ay gusto ko siya bilang siya at bilang isang matalik na kaibigan. Nothing more, nothing less.

Kumatok ako ng tatlong beses sa opisina niya nang makarating ako ro’n. His secretary let me since she knows that I’m Dustin’s best friend.

“Come in,” his baritone voice filled my ear as I push the door open.

“Dustin...” tawag ko sa kaniya bago pumasok sa loob ng kaniyang opisina.

“Hey, Hailey.” his voice lit up when he heard mh voice. Then he suddenly stood up and walk towards me.

I was shocked when he suddenly hugged me tight. Normal na sa akin ‘yon dahil palagi nama  siyang ganito kapag hindi niya ako nakikita. Lalo na kapag nagpupunta siya sa ibang bansa para sa mga business meetings niya. At hindi nawawala ang mga pasalubong niya sa akin kapag galing siyang ibang bansa.

I’m really spoiled by him.

“Why are you absent, by the way?” he asked, frowning at me.

Umirap ako, “family matters nga, ‘di ba?” saad ko.

“Asawahin mo ‘ko para maging family tayo.” ‘yan na naman siya. Ang hilig niya talagang magsalita ng ganiyan.

I shook my head while he’s wagging his brows at me.

“Tigilan mo ‘ko, Dustin.” kasal na ‘ko. Gusto kong sabihin ‘yan pero baka mabigla siya sa sasabihin ko. “Bakit mo nga pala ako pinatawag?” he snorted at me.

“Wala lang. Namiss kita. You’re absent for three or four days? Right?” tumango ako bago kumuha ng isang mansanas sa kaniyang lamesa.

Hindi naman niya kinakain lahat ng ‘yon kaya ako na lang ang kakain.

“Importante lang. Alam mo naman kapag hindi importante ay hindi naman ako aabsent.” Saad ko sabay kagat sa mansanas na kinuha ko sa mesa niya.

Nagkwentuhan muna kami roon nang ilang sandali hanggang sa magpaalam na akong magtatrabaho na. Marami rin pala akong designs na kailangang gawin. Inabala ko ang sarili ko sa ginagawang designs. Nagdala ng pagkain ko ang sekretarya ko sa aking opisina dahil sa dami kong ginagawa. I’m the head of the Design Team and Dustin gave me a secretary to keep me accompanied every time I can’t handle my schedule. Ito rin ang kadalasang umaasikaso ng mga personal na meetings ko sa mga nagpapagawa ng designs ng mga bahay o buildings nila. Malaking bagay ‘yon dahil alam ko naman sa sarili kong hindi ko kayang gawin lahat ng mag-isa.

After doing some designs and calling some client for their desired interior designs, I decided to leave work early. Natapos ko naman ang dapat kong tapusin kaya wala nang problema kung umuwi ako ng maaga. Dinala ko ang ibang gagawin pauwi para sa bahay na lang ituloy.

Napahinto ako sa paglalakad nang mapagtantong... may asawa na nga pala ako. Hindi na pala ako sa amin nakatira, kung ‘di sa bahay ng asawa ko.

“Asawa...” I echoed.

Speaking of which. Hindi ko alam kung nasaan ang sinasabi ni Callum na driver na susundo sa akin. Kaya wala na akong nagawa kung ‘di ang tawagan si Callum.

After three rings he picked up his phone and his low baritone voice filled my ear.

“Hello,” his husky voice is so freakin’ attractive.

Ipinilig ko ang ulo bago tumikhim.

“Uhh, Callum... N-nasaan na nga pala ‘yong susundo sa akin?” I asked hesitantly.

“Why? You’re already out?” he asked and I heard someone’s talking in the background. “Mr. Villanueva, the meeting— Shut up.” the unfamiliar voice was cut off by Callum’s intimidating voice.

I bit my lower lip.

“Sorry, uhm, busy ka ba? Sorry talaga sa abala. H-hindi ko kasi alam kung anong address ng mansyon mo. At... ano... Wala naman akong number ni Kuya Benjie kaya wala akong choice kung ‘di tawagan ka.” nahihiyang sambit ko bago tumingin sa aking mga paa.

“It’s fine. I’ll just call Benjie to fetch you. Can you still wait?” his voice is now calm and kind of... gentle.

“Uhm, yes. I can still wait. Nasa tapat ako ng building, pakisabi na lang na dito ako naghihintay.”

“Alright. Just wait there. I’ll call him.”

“Sige. Salamat.”

“Take care,”

Natulala ako at hindi agad naibaba ang tawag kaya naman siya na ang pumutol no’n. Pero hindi ko pa rin inaalis ang cellphone sa aking tainga. Para akong nahipnotismo at hindi agad nakagalaw dahil sa sinabi niya. My heart throbbed loudly. Shit! Bakit gano’n ang epekto niya sa akin? Sobrang lala!

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Muna Jumdail
the story is good
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status