Share

Kill or be killed

14

Kulay itim ang buong kulay ng katawan nila. Ang tindig nila ay parang isang tao pero bahagyang nakakuba sila dahil sa mahahabang braso nila. Anim o pitong talampakan ang tangkad nila at ang mga ulo nila ay isa nang bungo. Ngunit hindi ito bungo ng isang tao kundi bungo ng isang hayop.

Ang mga kamay nila ay mahahaba pati rin ang mga kuko nila at sa tingin ko sobrang tatalas rin ng mga ito. Mahahaba rin ang mga dila nila at base sa mga inaakto ng mga ito ay mukhang gutom na gutom ang mga ito. Tuwang tuwa na may sumulpot na isang putahe sa harapan nila.

Halos mabingi ako ng sabay sabay silang umatungal sa harapan ko habang pinalilibutan nila ako. Bago pa nila magawang sumugod sa akin ay kaagad na may matitinik na mga halamang rosas ang pumulupot sa buong katawan nila. Pinagsamantalahan ko kaagad ang pagkakataon na iyon para tumakbo pa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status