15
Pagkatapos kong sambitin ang pangalan ng kakambal ko ay madaming alaala ang kaagad na sumulpot sa isipan ko. Alaala na kahit anong baon ko sa kasuloksulokan ng isip ko ay hinding hindi ko magawang makalimutan.
Sa murang edad na labing isa ay nakagawa na ako ng isang krimen. Nagawa kong makapatay ng isang tao at kakambal ko pa.
At sa murang edad na iyon, buong akala ko'y doon na nagwakas ang buhay ni Snow White.
Tahimik akong naglalakad sa labas ng bahay ampunan. Marami ring mga kabataan na katulad ko ang naglalaro sa labas, nagkukulitan at nagkwekwentuhan.
Pero iilan sa kanila ay napapatingin sa akin sa tuwing madadaanan ko sila. Wala akong ideya
16"At pagkatapos 'nun, umalis ako sa lugar na iyon," sabi ko. "Nagpakalayo layo ako hanggang sa makarating ako sa ibang bayan. Nagpagala gala ako sa ibang lugar at kung saan saan lang ako natulog hanggang sa matagpuan ako ng isang mayamang pamilya at kinuha akong katulong," kumibit balikat ako pagkatapos. "Pero tumakas rin ako sa kanila at ayon.... Nagkakilala tayo."Umismid ako at umiwas ng tingin sa kanya pagkatapos kong magkwento. Hindi ko kayang tumingin ng diretso sa kanya at natatakot rin akong makita ang reaksyon niya."Ano?" nasabi ko na lang dahil wala akong narinig na salita mula sa kanya. Hindi ako komportable sa pagiging tahimik niya. "Wala ka bang sasabihin d'yan?"Kasalukuyang nakasandal ako ngayon sa puno samantalang si Vayne naman ay nakaupo naman sa harapan ko. Na
17Alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam ng isang malakas at makapangyarihang presensya. Alam kong pati si Vayne ay nararamdaman rin iyon sa babaeng kalahating kabayo o unicorn na biglang sumulpot sa harapan namin ngayon.Pero mabuti naman at meron nang nilalang rito na nagsasalita sa lenggwahe namin. Kaya lang, mukhang hindi madaling kausapin ang babaeng ito.Pabalik balik naman ang tingin sa amin ng babae kay Vayne at sa akin hanggang sa bigla na lang siyang mahinang tumawa na siyang kinataka namin ni Vayne."Biro lang," nakangiting saad niya sa amin. Kahit purong puti ang mata niya ay lalong gumanda siya dahil sa pagngiti niya. "Mga manlalakbay siguro kayo, ano?"Nagkatinginan lang kaming dalawa ni Vayne. Parehong nag-uusap kaming dalawa gamit ang mata ku
18Naging tahimik ang buong paligid na kinaroroonan ko. Tanging ang malakas na pag-agos ng tubig sa ilog ang nag-iisang nangingibabaw sa pandinig ko.Tahimik akong nakaupo. Nakatingin sa kawalan. Tulala. Kanina lang ay apat kaming nandirito pero ngayon ay nag-iisa na lang ako. Ang ingay ng tubig sa likod ko na lang ang tanging naging karamay ko.Pabalik balik sa isipan ko ang eksena kanina. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na ngayon si Vayne sa tabi ko. Hindi man lang ako nagtagumpay sa pag-awat kay Rolan dahil hawak ako sa leeg ni Snow White.Si Snow White, talagang nagbago na talaga siya. Dati ay pinoprotektahan niya ako kay Ciela pero ngayon ay hindi na siya nagdadalawang isip na saktan ako.Pero wala akong karapatang husgahan siya sa ikinikilos niya nga
19"Tumayo ka dyan, binibini," may diin na utos sa akin ni King Lash ngunit hindi pa rin ako gumalaw.
20Itinaas muli ni Damien ang wand niya atsaka niya tinutok iyon sa mga paa ko at pagkatapos 'nun ay malaya ko na ring naikikilos ang mga paa ko."Ngayon," ani niya. "Ano ngayon sa dalawang teorya ko ang susuportahan mo?" tanong niya sa akin."Ulitin mo nga ang huling sinabi mo," 'di makapaniwalang sabi ko. "A-Ang mama ko?""Teorya ko lang iyon," sabi ko. "Hindi pa ako sigurado. Tingin mo, kung mama mo nga iyon bakit naman siya papatay ng tao?" takang sabi niya. "Ikaw ang anak, ano sa tingin mo?""Malabo na ang memorya ko tungkol sa kanya," sabi ko. "Hindi ko naman siya nakasama ng matagal.""Nakakalungkot naman," komento niya pero hindi ko alam kung bakit medyo nainsulto ako sa tinuran niya. "Pero gaya rin ng unang sinabi ko, posibleng nagsisinungaling rin si Vayne sa sinasabi niyang kondisyon para magaya ang anyo ng isang tao. Posibleng ginaya niya ang anyo mo nung araw na namatay ang lalaking tinutukoy ko."Magsasalita na sana ako pero kaagad niya akong naunahan, "Alam kong ko-kontr
21"Ang tanong lang ay kung papayag ka ba sa magiging kondisyon natin...""Ano? Papayag ka ba?"Muli kong inalala ang pag-uusap namin ni Damien sa infirmary ng eskwelahan na siyang dahilan kung paano ako naging tagapaglingkod ng kastilyo."Anong kondisyon ba iyon?" naiintrigang tanong ko kay Damien."Para magkaroon ka ng matutuluyan, kailangan mong maging tagapaglingkod ko, Red," sabi nito sa akin dahilan para ikakunot-noo ko senyales na hindi ako sang-ayon sa sinasabi niya."Ano?" iritadong singhal ko."Kapag naging tagapaglingkod kita, wala ka nang magiging problema sa matitirhan mo o sa pagkain mo," sabi niya sa akin. "Sweswelduhan ka pa ng
22Gaya nga ng unang sinabi ni Damien sa akin kanina, ang magiging kwarto ko ay malapit rin sa kwarto niya bilang tagapaglingkod niya.Nang unang beses akong makatapak sa kwarto ay hindi ako kaagad makapaniwala sa nakita ko. Alam kong para sa mga katulad ni Damien, ordinaryo lang ang kwartong ito para sa kanila. Pero para sa akin, hindi. Ito ang pinakaunang beses na magkakaroon ako ng sariling kwarto at kahit pa na mas simple ito kaysa sa mga kwarto ng mga maharlikang naninirahan rito. Ito pa rin ang pinakamagarang kwarto na matutulugan ko.At dito? Dito na rin nga pala ako gabi gabi nang matutulog mula ngayon.Hindi ako makapaniwala, parang akong nananaginip nang gising!Kaya lang nang tuluyan nang lumalim na ang gabi, ang pag-aakala kong magiging sobrang mahim
23Kasalukuyang nasa labas kami ng kastilyo nina Damien, ako at ni Ginoong Edward. Nakasandal lang ako sa isang puno habang nakaupo samantalang si Ginoong Edward ay tinuturuan siya ng tamang paggamit ng wand sa pakikipaglaban.