MGA bandang alas onse y media pagkatapos magpadala ng mensahe ang ina ni Lovi umalis na sila. Nagrenta rin ng kotse si Easton papunta sa bahay ng kanyang mother-in-law.Ang ina ni Lovi ay nakatira sa Dream Town, which she bought with most of her life savings. Her house is more than 300 square meters.Hindi na gumamit ng google map si Easton dahil kasama naman niya si Lovi, at pamilyar pa rin naman si Lovi sa ruta papunta sa bahay nila ng kanyang ina.Pagkarating nila bumaba kaagad si Easton sa may driver’s seat bago niya pinagbuksan ng pinto si Lovi sa may passenger seat.“Mama, I’m back!” sigaw ni Lovi papasok sa loob, at nakasunod naman sa kanya si Easton sa likuran habang bitbit nito ang kanyang Dior mini saddle bag na kulay black velvet.Gulat naman na napatingin sa kanila ang ina ni Lovi. “Magugulatin ka pa rin, mama.” Natatawang komento ni Lovi sa kanyang ina.Pabiro naman na pinalo ni Lorna ang puwetan ni Lovi. Akmang yayakap na sana si Lovi sa kanyang ina nang bigla itong duma
NAMULA ang dalawang tainga at pisngi ni Lovi nang maalala na naman niya ang nangyari kagabi pagkatapos siyang halikan ni Easton. (Flashback) Parehas silang dalawa ni Easton na hindi makatulog. Nang biglang may kakaibang naramdaman si Lovi kaagad siyang nagtungo sa banyo. Paglabas niya ng banyo, agad niyang hinalungkat ang kanyang maleta at napasimangot siya ng maalala niyang nakalimutan pala niyang magdala ng napkin, dahil si Easton ang nag-impake ng mga gamit niya. Hindi namalayan ni Lovi na tumayo si Easton at binuksan nito ang ilaw bago lumapit sa kanya. “Ano’ng hinahanap mo?” tanong nito sa kanya. Nahihiyang humarap si Lovi kay Easton. “K-kasi ano… may… may nakalimutan lang akong dalhin.” aniya. “What is it?” tanong nito sa kanya. Umiling naman si Lovi. “Wala, okay lang. ‘Wag ka na magtanong.” sabi niya. Kumunot naman ang noo ni Easton. “Why?... You seem bothered. Just tell me, so I can help you.” Muling umiling si Lovi. “Wala ito. Matulog ka na ro’n. Ako na ang bahala.”
It was already half past ten when they got back to their hotel room.Naunang maligo si Lovi, at nang matuyo na ang kanyang buhok, humiga na kaagad siya sa kama. Nakasuot siya ngayon ng silk na damit pantulog na kulay pula at terno rin ito. Pagkalabas naman ni Easton mula sa banyo, naabutan niyang tulog na si Lovi at sa gitna pa ng kama ito natulog.Umupo si Easton sa gilid ng kama at tinitigan nito ang mukha ni Lovi. Hinawakan niya ang noo ni Lovi at napanatag naman ang kanyang loob nang malaman niyang normal lang ang temperatura nito.Maingat at tahimik na humiga si Easton sa gilid ng kama habang pinapanood niyang matulog si Lovi na yakap-yakap nito ang unan. There were only two pillows on the bed, one under her head and the other one in her arms.Her golden curly hair was scattered on the milky white pillow, making her look like a porcelain doll.Habang tumatagal ang pagtitig niya kay Lovi, unti-unti rin siyang napapangiti.Dali-daling kinuha ni Easton ang cellphone ni Lovi sa malii
NATULOG nang ilang oras si Lovi sa loob ng eroplano. Pagkarating nila sa Paris, dumiretso na kaagad sila sa Four Seasons Hotel George V.“Mr. Dela Vega, here’s your room card.” Si Assistant Shai ang in-charge sa room card pagkarating nila sa 5-star hotel.Lumapit naman si Assistant Shai kina Director Diaz at Assistant Ren bago nito inabot kay Assistant Ren ang card. “Magkasama kayo ni Director Diaz sa iisang kwarto, tapos kami naman ni Ms. Sy.” dagdag nito. Tumango naman si Director Diaz at Assistant Ren.“Ms. Sy, sumama po kayo sa’kin.” saad nito, at nauna na itong maglakad sa kanya.Palihim na sumulyap si Lovi kay Easton na may kausap sa telepono bago siya sumunod kay Assistant Shai.Pagkapasok nila ni Assistant Shai sa loob ng kanilang kuwarto, biglang nagtaka at nagulat si Lovi nang makita niyang hindi double suit ang kanilang kuwarto kun’di isang luxurious king-size room.Gusto sana niyang itanong kay Assistant Shai kung bakit nasa isang king-size room silang dalawa, ngunit hindi
MADALAS na nakakarinig noon ng chismis si Lovi tungkol kay Easton. She heard that he joined the army after graduating from college. Nalaman din niya na nagka-leg injury noon si Easton, at simula raw noong umalis ang kanyang dating kasintahan ay hindi na ito muling umibig pa.May disiplina sa sarili si Easton at mailap na rin ito sa mga babae at ayaw din nitong may lumalapit sa kanyang mga babae, kaya nga nagtataka si Lovi kung bakit hindi siya iniiwasan ni Easton.Alas-diyes y medya…. Inilagay na ni Butler Tan ang mga bagahe sa likod ng sasakyan. Nakaupo na rin sa back seat sina Easton at Lovi.Dinaanan muna nila si Assistant Ren bago sila dumiretso sa airport. Pagdating nila sa airport, bumaba kaagad sila ng sasakyan. Sinalubong din sila nina Director Diaz at Assistant Shai. Si Shaira ang bagong babaeng assistant ni Easton.“Good morning, Mr. Dela Vega.” sabay na bati nina Director Diaz at Assistant Shai.“Good morning.” bati naman pabalik ni Easton sa kanilang dalawa bago kinuha ni
After a long silence, saka pa nagsalita si Lovi. “O-okay.” utal niyang tugon dito.Nagdadalawang isip naman si Lovi na ipikit ang kanyang mga mata dahil baka pagtawanan siya ni Easton, at kung sakaling matuloy man ang binabalak ni Easton, ito ang kauna-unahang pagkakataon na mahahalikan niya si Easton na hindi siya lasing.“Helppp!” sigaw ni Lovi sa kanyang isipan.Muling napalunok si Lovi, at kinakapos na siya nang hininga kahit hindi pa man siya hinahalikan nito.Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Lovi, napakapit siya sa nang mahigpit sa malaking kamay ni Easton na nakahawak sa kanyang pisngi at leeg.“B-baka may makakita sa atin.” aniya, bakas sa boses niya ang kaba.“I don’t care, Lovi…. Don’t be nervous, just relax. I won’t eat you alive here.” Kalmado lang ang tono ng boses nito, at hindi man lang nakaramdam ng kahit kaunting kaba si Lovi nang sabihin iyon ni Easton.Unti-unting nilalapit ni Easton ang kanyang mukha sa mukha ni Lovi at awtomatikong pumikit kaagad ang mga mata ni Lo