LOGINSa unang pagkikita pa lamang ay may kung ano nang tumama kay Dave. Isang damdamin na tanging kay Jade lamang niya naramdaman. Love at first sight ba iyon? Hindi siya sigurado. Pero may isang bagay na tiyak: gusto niyang protektahan ang dalaga. At magagawa lang niya iyon kung palagi siyang magiging malapit kay Jade. Isang kontrata ang nagbigay-daan para matupad ang hangaring iyon. Isang kontratang walang bahid ng emosyon. Kaya lang, habang tumatagal at habang mas nakikilala niya si Jade, bakit parang handa siyang magbayad nang kahit gaano kalaki, mahalikan lamang ito? At sa huli, iyon din ang nangyari. O baka mas tama kung sabihing ang nasunod ay ang kagustuhan ng kaniyang puso at hindi ang nakasulat sa kontrata.
View MoreSa ikalawang pagkakataon ay muling sinipat ni Jade ang mukha niya sa harap ng salamin. Pagkatapos, nang matiyak niyang ayos na siya at mukha nang presentable, dinampot niya ang paborito niyang cologne sa ibabaw ng lumang antique na tokador—na ayon sa alam niya ay pag-aari pa ng kanyang Lolo noong nabubuhay pa ito.
Nagwisik siya ng cologne bago dinampot ang kanyang backpack na nasa ibabaw ng kama. Isinukbit niya iyon sa likuran at dumiretso palabas ng kanyang silid at ng kabahayan.
“Jade! Kumain ka na ba, hija? Heto, kunin mo ito, ipinagtabi kita.”
Ang ginang ang may-ari ng tindahan sa tapat nila, na may ihawan din ng barbeque at iba pang street food. Dati rin niya itong guro noong high school—mabait ito sa kanya at ganoon din sa kapatid niyang si Jude. Sa pag-iisip niya tungkol sa kuya niya, malungkot na napabuntong-hininga si Jade.
“Naku, maraming salamat po, Ma’am Cuevas. Medyo malayo pa po ang sweldo, kaya hindi ko pa po kayo mababayaran,” nahihiya niyang sabi.
Mabilis na umiling si Mrs. Cuevas. “Ano bang sinasabi mo? Bigay ko ’yan sa ’yo. Para namang hindi kita naging anak noong fourth year high school ka.” Ngumiti pa ito nang matamis pagkatapos.
Tumango lang si Jade sa sinabi ng dating guro at nagpaalam. Habang naglalakad, inilagay niya sa loob ng bag ang barbeque na ibinigay sa kanya. May free meal naman siya sa trabaho kaya bukas na lang niya iyon kakainin, para sa almusal.
Sakay na si Jade ng jeep nang muling lumutang ang isip niya at bumalik sa mga alaala.
Sa ngayon, mag-isa siyang namumuhay. Sabay na namatay sa isang car accident ang kanilang mga magulang noong fourth year high school pa lamang siya. Samantala, ang kuya naman niya ay mag-iisang taon nang nakakulong dahil sa diumano’y kasong pagpatay at tangkang pagnanakaw. Pero umaasa pa rin si Jade na balang araw ay makakasama niya muli si Jude. Muli siyang napabuntong-hininga.
Mahirap lang sila pero hindi kriminal ang kuya niya—siguradong sigurado siya roon. Naniniwala siya sa sinabi nito na wala itong kasalanan. Pero gaya ng sabi ng marami, ang hustisya ay para lang sa mayayaman… at napatunayan niya iyon.
Masaya silang magkapatid kahit simple lang ang kanilang buhay. Security guard si Jude sa isang kilalang kompanya. Masipag ito at plano siyang pag-aralin hanggang makatapos. Kolehiyo na siya noon at kumukuha ng kursong Education, nasa kalagitnaan na ng second semester ng ikalawang taon. Pero dahil sa nangyari sa kapatid niya, napilitan siyang huminto sa pag-aaral.
Labing-walo pa lang siya, pero pakiramdam niya ay napagdaanan na niya ang mga bagay na malamang ay hindi pa nararanasan ng iba na kasing-edad niya.
Muli siyang napabuntong-hininga at minabuting alisin muna sa isip ang mga alalahaning iyon.
*****
“Nasaan ka na ba, Dave? Nandito na ako sa bar—mga thirty minutes na yata akong naghihintay sa’yo dito!” iyon ang reklamo ng best friend niyang si John na kausap niya ngayon sa cellphone.
“Malapit na ako,” aniya, sabay mahina ang tawa. “Heto nga at nakikita na kita.” Muli siyang tumawa saka kinabigwas ang kaibigan, na napatingin sa gulat.
“Bakit ba ang tagal mo?” tanong ni John nang magkaharap na sila.
Agad silang inasikaso ng bartender nang senyasan ito ni John.
Nagbuntong-hininga si Dave bago nagsimulang magkuwento. “Oh, it’s my mother,” aniya, kasabay ng pag-iling. Inabot niya ang baso ng alak at uminom.
“Okay, walang bago. Iyan palagi ang problema mo,” sagot ni John sa tono na para bang siya man ay sawa na sa usapang iyon.
“Gusto niyang pakasalan ko si Yvette,” sabi pa ni Dave. Sinundan niya iyon ng mahinang tawa bago tinungga ang laman ng baso. Pagkatapos ay humingi pa siya ng isa pang shot sa waiter.
“Alam ko na rin ’yan,” maikling sagot ni John saka pabirong tinapik ang balikat niya. “Alam mo, bro? Maraming tao ang mas malaki pa ang problema kaysa sa ’yo. Katulad na lang ng isang ’yon.” Sabay turo nito sa direksyong may nangyayaring komosyon.
KAHIT totoong nilamon na talaga siya ng tuluyan ng nainom niyang alak ay hindi pa rin nakaligtas sa paningin ni Jade ang pagtaas-baba ng dibdib ni Dave dahil sa kanyang ginawa.Pagkatapos niyang padaanan ng hintuturo niya ang mga labi nito ay ibinaba naman niya sa malapad at matipuno nitong dibdib ang kanyang mga haplos. This time gamit na niya ang dalawa niyang mga kamay.“You’re killing me,” nasa tono ng pananalita ni Dave ang matinding temtasyon at nagustuhan iyon ng dalaga.“Yeah? So why don’t you do the first move?” she asked him seductively.Noon umangat ang sulok ng labi ni Dave at pagkatapos ay inilapit ang baso nitong may laman na alak at sinaid iyon.“Nope,” anito sa tono na nanunukso bagaman nakangiti.Sa puntong iyon ay nakaramdam ng matinding challenge si Jade hindi lang dahil sa tono ng pananalita ng binata kundi pati na rin sa nakikita niyang damdamin sa mga mata nito.Ala
MATAGAL na napatitig si Jade sa mukha ni Dave dahil sa sinabi nitong iyon.So, hindi pa nga talaga niya lubusang kilala ang lalaki dahil marami pa siyang hindi nalalaman tungkol rito.“Kaya umalis si Papa nang mamatay si Danilo, kasi labis niyang dinamdam ang nangyari. Ang totoo kasi masyadong malapit si Papa sa kapatid kong iyon. Kasi ang palaging sinasabi sa akin ni Mama noong bata pa ako, ang nanay ni Danilo ang talagang mahal ng tatay namin,” paliwanag ni Dave sa kanya.“Ibig sabihin ba noon pinagseselosan ng mother mo si Danilo?” paglilinaw niyang tanong.Nagkibit ng mga balikat nito si Dave saka nagsalita.“Maybe, kasi kung hindi, bakit naman ganoon ang trato niya sa kapatid ko? Bakit palagi siyang galit kay Danilo kahit kung tutuusin ay sinubukan naman ng brother ko na mapalapit sa kanya?”Nagbuntong hininga si Jade dahil sa kanyang narinig.“Mahirap talaga kapag hindi buo ang pagmamaha
“WHAT do you mean long story? Ano ba talagang nangyari Dave?” tanong ulit niya saka naupo sa tabi ng binata.Noon malungkot siyang nilingon ng binata.“Hindi ko alam kung anong gagawin ko, ang lahat ng nangyari sa ating dalawa at ang lahat ng nakaraan, hindi ko alam,” sagot sa kanya ni Dave.Mula nang makilala niya si Dave ay ngayon pa lamang niya ito nakita sa ganitong anyo. Parang hopeless at nanghihina. Parang nawala ang tigas sa itsura nito, dahilan kaya hindi niya napigilan ang matinding pagkahabag na naramdaman niya para sa binata.“Sabihin mo sa akin, makikinig ako,” aniyang hinawakan ang kamay ng binata pagkatapos.Nakita niyang kumibot ang mga labi ni Dave. Pero bago pa man ito nakapagsalita ay nakita na niya ang pag-agos ng mga luha ng binata. This time ay hindi na siya nagdalawang isip. She pulled the young man saka ito mahigpit na niyakap.“It’s okay,” aniya.Ilang sand
NANG araw ring iyon ay naunang pinuntahan ni Dave si Jude para kausapin ito. Sa simula ay tunay nga namang nagdalawang isip siyang gawin iyon dahil baka magalit ito pero nagkamali siya.Katulad kasi ni Jade ay likas na mabait ang lalaki at naunawaan nito ang lahat ng ipinaliwanag niya.Mula sa ginawa niyang pag-amin sa dito sa lahat ng sinabi sa kanya ni Atty. Vergara.“Hindi ko naisip na kapatid mo si sir Danilo although magkapareho kayo kayo ng apelyido. Inisip ko kasi na baka nagkataon lang. Maliit nga ang mundo katulad ng sinasabi nila,” komento pa ni Jude.They way on their way para kausapin ang kanyang ina. Gusto kasi niya na nakaharap si Jude oras na sabihin niya kay Olivia ang tungkol sa lahat ng nalamang niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya makapaniwala na nagawang itago ng mother niya ang lahat ng tungkol sa kanyang nalaman.“Yeah, small world. And personally, gusto kong humingi ng tawad. Sa pagsisimula ng mul












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews