Chapter: Kabanata 105Pagkaalis na pagkaalis ng ama ni Easton, agad na nakahinga nang maluwag ang lahat.Unti-unting kumalma ang tensiyon na kanina pa nakabitin sa ere.“Hindi mo ba talaga kilala ang magiging biyenan mo?” biro ni Lisa, sabay kindat sa kanya.Lulong-lumo ang itsura ni Lovi, para bang nawalan na siya ng pag-asa sa mundo.“Nagmamadali kasi siyang kumuha ng marriage certificate—wala man lang tuloy kaming naimbitahang ibang tao,” paliwanag niya, halatang nahihiya.Agad namang sumingit si Assistant Ren at sinabi, “Sinabihan na kita tungkol dito, ‘di ba?”*****Pagkapasok ni Mr. Dela Vega sa sasakyan, agad niyang pinadala sa ina ni Easton ang mga larawan na palihim niyang kinuha kanina.Si Mrs. Helen Dela Vega na nasa loob ng opisina at abala sa trabaho ay napatingin agad sa mensaheng pinadala ng kanyang asawa.*****Dahil sa edad ng matanda, napagdesisyunan nilang kumain na lang sa buffet para komportable ito. Pagkatapos, nalaman niya mula kay Lisa na mayroon palang mga pribadong kuwarto ang Sea
Last Updated: 2025-12-06
Chapter: Kabanata 104“Mura lang ‘to. Gusto n’yo bang bilhan ko rin kayo nito? Kaso wala ng libre sa panahon ngayon, bayaran ninyo ako ng 5,000 bawat isa sa inyo.” Nagbiro si Lovi habang may mapanuksong tingin sa kanyang mukha.Nagtawanan ang lahat, halatang natuwa sa sagot niya.Bumaba muna siya kasama ang mga kasamahan niya, at nang wala na sila, saka lamang nag-scan ng mukha si Lovi para umakyat sa 30th floor.Kumatok siya sa pintuan ng opisina ng presidente. Pagkabukas pa lang ng pinto, bigla siyang hinila papasok ng isang malakas na kamay.Agad siyang sinalubong ng pamilyar na amoy—mainit, nakaka-comfort, at nakapagpapabilis ng tibok ng puso niya. Hindi pa siya nakakapag-react nang maramdaman niyang niyakap siya nang mahigpit nito, para bang matagal siyang nawalay.“E-easton, b-bitawan mo ‘ko.” Tinulak niya ito nang buong lakas, pero ramdam niyang halos hindi gumagalaw ang lalaki—mas malakas ito nang tatlong beses kaysa sa kanya.Sa halip na umatras, mas lalo pa siyang hinalikan nito sa noo at pisngi,
Last Updated: 2025-12-04
Chapter: Kabanata 103Habang kumakain sa cafeteria, naghanap si Lovi ng pagkakataon at hinila niya si Assistant Ren papunta sa isang medyo tagong mesa.Hindi na nagulat ang mga kasamahan nilang nakatingin mula sa malayo; sa tingin nila, matagal nang malapit ang dalawa at parang may sariling mundo na.Si Easton na naglalakad sa unahan, napakunot ang noo nang mapansing may dalawang kahina-hinalang tao na sumusunod sa likuran niya.May mga bagay pa ba talaga na hindi mo kailangang alamin? para bang iyon ang gusto niyang itanong habang tinitingnan sila.Hindi siya makapag-concentrate, kaya sa halip na sumabay sa kanila, naupo na lang siya mag-isa upang kumain. Sa kabutihang-palad, nakaupo sa tapat niya si Jenna, na tila naghintay na ring makipag-usap.“Lovi, ipapasa mo na naman ba si boss sa ibang babae?” biro ni Assistant Ren habang kumikindat, halatang may tinutukoy.Sumulyap si Lovi sa direksiyon ni Easton, at napansin niya ang nagtatakang tingin na ibinibigay nito sa kanya. Ngunit hindi niya iyon pinansin.
Last Updated: 2025-12-03
Chapter: Kabanata 102Tiningnan niya nang may pagdududa si Tanya nang bigla na lamang itong lumapit sa kanya.“Ano’ng ginagawa mo rito, Tanya?” nagtatakang tanong ni Lovi.Nagpalinga-linga si Tanya sa paligid, at nang masiguro nitong wala pang ibang tao, nagsalita siya nang diretsahan, “I saw it.”Natawa si Lovi at nagtanong, “Ano bang nakita mo?”Ayaw na niyang makipag-usapan nang maaga dahil baka maapektuhan ang mood niya buong araw.“You and Kuya East—” Hindi pa man natatapos magsalita si Tanya, mabilis na tinakpan ni Lovi ang kanyang bibig.Pagkaraan ng halos kalahating minutong tahimikang tensyonado, dahan-dahan ding inalis ni Lovi ang kamay niya.“Binabalaan kita. Hindi magugustuhan ni Easton ang gagawin mo, Tanya,” babala ni Lovi na may halong kaba.Bahagyang napasinghal si Tanya at tumingin sa singsing na nasa kamay niya. Agad namang napaatras si Lovi at pasimple niyang tinakpan ang kanyang suot na singsing gamit ang kanyang isang kamay.“Alam na ng lahat ng senior executives na kasal na si Kuya Ea
Last Updated: 2025-12-03
Chapter: Kabanata 101Si Lovi ay nakahiga sa kama, nakatitig nang wala sa sarili sa kasalang nagaganap sa damuhan hindi kalayuan mula sa kanila.Privacy-proof ang salamin, kaya kahit bukas pa ang mga kurtina, walang sinuman ang makakakita ng nangyayari sa loob. Gaya kanina, nang nakahiga siya sa sahig sa tabi ng bintanang abot-hanggang kisame, sobra talaga ang hiya at kaba na naramdaman niya. Parang napakaraming matang nakatitig sa kanya mula sa labas, kahit alam niyang imposible iyon.“Do you want to go there?” tanong ni Easton na kakalabas lang mula sa banyo, suot ang maluwag na bathrobe at mahinahong sumandal sa sofa. Malambing itong ngumiti at tumingin sa direksiyon ni Lovi.Natatawang umiling si Lovi.Nang makapagpahinga na sila sa kwarto, gabi na nagising si Lovi dahil sa gutom.Dinala siya ni Easton sa damuhan malapit sa lawa, na tila ba inihanda na talaga para sa kanila. May mga mesa at upuang maayos na inayos sa lugar, na parang eksena sa isang pribadong date kagaya sa mga napapanuod niya sa mga p
Last Updated: 2025-12-02
Chapter: Kabanata 100Ayon sa receptionist, wala nang available na kuwarto. Lahat daw ng mga kuwarto sa B&B ay fully booked lalo na tuwing weekend, kaya sobrang higpit.Napasinghap si Lovi. Tiningnan siya ni Easton, iniabot ang maleta, at marahang sinabi, “Sit here and wait for me. Don't go anywhere.”Sumunod siya nang walang sinasabi at naupo sa sofa sa lobby. Mula roon ay nakita niyang nakikipag-usap si Easton sa waiter. Nakangiti ang waiter, parang may sinasabing nakakaaliw o nakakatuwa. Tinitigan siya ni Lovi, sinusubukang basahin ang kanilang pag-uusap, ngunit hindi siya marunong magbasa ng labi.Pagkalipas lamang ng wala pang dalawang minuto, bumalik ang receptionist at ibinigay kay Easton ang isang room card—para bang may milagro.Lumakad siya pabalik kay Lovi. “Akala ko ba walang bakanteng kuwarto?” usisa ng dalaga, hindi maitago ang pagtataka.“Did I?” nakangiting sagot ni Easton.“Paano ka nakakuha n’yan?” tila hindi pa rin makapaniwala si Lovi sa kanyang asawa.Ngumiti si Easton ng may kahulugan
Last Updated: 2025-12-01
Attorney Zander Velasquez Excessively Adores Me
Alam ni Tessa na hindi siya ganoon kamahal ni Zander, ngunit nanatili pa rin siya sa tabi nito dahil may kailangan siya kay Zander at ganoon din naman ang lalaki sa kanya. Pero nang bumalik ang dating minahal ni Zander, bihira na lamang itong umuwi sa kanila. Nanatili si Tessa sa walang laman na silid, ginugugol ang hindi mabilang na gabi na hindi niya kasama si Zander.
Kalaunan, nang mapagod na si Tessa, tinanggap niya ang isang tseke at tuluyan na niyang iniwan si Zander. Nang muli silang magkita, may iba nang lalaking kasama si Tessa.
“Mr. Velasquez, ikaw ang unang nakipaghiwalay. If you want to date me, kailangan mong pumila.” — Tessa Jewel Morales.
Kinabukasan, nakatanggap si Tessa ng deposito na isang daang bilyong piso at isang dyamanteng singsing.
May pag-asa pa kayang magkabalikan ang dalawa? O mas pipiliin ni Tessa na hindi na bumalik sa buhay ni Zander?
Read
Chapter: Kabanata 12Hindi naglakas-loob si Carl na tumanggi kay Zander. Bagama’t magkaedad lamang sila ni Zander, hindi maikakaila ang agwat ng kanilang kakayahan. Si Zander ay isa sa pinakatanyag na abogado sa bansa—matatag ang presensiya, kalmado ang kilos, at taglay ang uri ng kumpiyansang nakakatakot sa sinumang kaharap. Isang titig lang mula sa kanya ay sapat na upang manahimik ang lahat. Bago siya lumabas, kumindat muna si Carl kay Tessa. “Hihintayin kita sa kotse,” aniya, tila magaan ang tono ngunit may bahid ng babala sa pagitan ng mga salita. Ngumiti si Tessa, pilit at banayad, ngunit ramdam niya ang matinding kabog ng kanyang dibdib. Pagkaalis ni Carl, napansin ng isa sa mga opisyal ang tensyon sa paligid, kaya umalis na muna ito at umakyat sa taas. At sa isang iglap, naiwan sina Tessa at Zander sa loob ng silid. Tahimik at mabigat ang hanging dumadagundong sa kanyang dibdib. Si Zander ay nakaupo pa rin, nakayuko habang pinapaikot ang sigarilyong hindi pa sinisindihan sa pagitan ng k
Last Updated: 2025-11-21
Chapter: Kabanata 11Pagkarinig sa tanong ni Zara, tila biglang humigpit ang hangin sa paligid. Ang dating magaan na pag-uusap ay napalitan ng nakakabinging katahimikan. Ramdam ni Tessa ang biglang paglingon ng lahat sa kanya; nag-init ang kanyang pisngi sa hiya, habang pilit niyang pinanatili ang kalmado niyang mukha.Bago pa man makasagot si Liam na halatang pinipigilan ang kanyang inis, isang mahinang tawa ang umalingawngaw. Si Carl iyon, nakasandal sa upuan. “Tessa is my friend, kaya syempre kilala siya ni Liam, ‘di ba, bro? Pero Zara… huwag kang mag-alala. Si Liam, loyal na loyal ‘yan sa’yo!” may bahid na biro sa tinig habang sinabing may halong kaseryosohan.Habang binibitawan niya ang mga salitang iyon, sumulyap siya kay Liam, at sa sulyap na iyon, mas malinaw pa sa anumang salita ang kanyang panunukso. Biglang dumilim ang mukha ni Liam. Walang sabi-sabing hinawakan niya sa braso si Zara at mahigpit na inakay palayo habang tuwid ang likod at malamig ang mga mata nito.“What is wrong with you?” Dini
Last Updated: 2025-11-20
Chapter: Kabanata 10Sa mga sumunod na araw, naging abala si Tessa sa pag-aasikaso ng kaso ng kanyang ama.Nakilala na rin niya si Atty. Arthur Madrid, isang batikang abogado na kilala sa pagiging mahinahon ngunit matalas mag-isip. Ilang beses pa lang silang nagkikita, pero agad nitong naunawaan ang takbo ng kaso at kung paano ito lalapitan.Sa maluwang at maliwanag na opisina, sinuri ni Arthur ang mga dokumentong inihanda ni Tessa. Pagkatapos ay ngumiti ito ng magaan.“Since you were introduced by Zander, I'll give you the bottom line. To be optimistic, the sentence could be reduced to two years.”Bahagyang napayuko si Tessa. Magkahalong ginhawa at pangamba ang naramdaman niya. Dalawang taon—maikli, ngunit hindi pa rin gaanong madali.Nakaupo nang kampante si Atty. Madrid, nakasandal at nakahalukipkip, bago muling ngumiti: “Zander has already asked me for help, but why doesn't he take on this case himself? Kung siya mismo ang hahawak ng kaso, malaki ang posibilidad na tuluyang maabsuwelto ang ‘yong ama.”
Last Updated: 2025-11-01
Chapter: Kabanata 09Sa wakas, nagpakita rin ng kaunting kababaang-loob si Zander. Maingat niyang itinuwid ang laylayan ng palda ni Tessa at tinangkang ibutones iyon para sa kanya.“A-ako na,” mahina ngunit nanginginig na sabi ni Tessa.Sinubukan niyang isara ang maliit na butones—kasinglaki lamang ng isang butil ng bigas, ngunit dumudulas ito sa pagitan ng kanyang mga daliri. Sa huli, si Zander na rin ang nagkusa. Maingat nitong isinara ang butones, at pagkatapos ay muli itong humingi ng tawad sa kanya.Bilang kabayaran sa abalang dinulot niya, tinawagan mismo ni Zander si Atty. Arthur Madrid upang ipaliwanag ang kalagayan ng ama ni Tessa.Hinahangaan ni Arthur Madrid si Zander bilang kanyang nakababatang kasamahan, kaya’t hindi na siya nagdalawang-isip nang pakiusapan ito ni Zander. Kaagad siyang pumayag at itinakda ang araw ng pagkikita nila Tessa upang talakayin ang kaso ng ama nito.Matapos ang ilang minutong pakikipag-usap, ibinaba ni Zander ang telepono. Umupo siya sa likod ng kanyang mesa, nagsind
Last Updated: 2025-10-31
Chapter: Kabanata 08Pagmulat ng mga mata ni Tessa, naramdaman niyang nakasandal pala siya sa balikat ni Zander. Mahigpit ang pagkakahawak ng malaking kamay nito sa kanyang baywang—hindi masakit, ngunit sapat para maramdaman niya ang init at bigat ng presensiya ng lalaki.Bahagya siyang huminga nang malalim, naamoy ang halimuyak ng aftershave at banayad na amoy ng mamahaling pabango—isang samyo ng kahoy, malinis at pamilyar. Para bang ang bawat hinga niya ay unti-unting dinadala sa mundong tanging si Zander lang ang laman.Tahimik ang infusion room, maliban sa mahinang boses ng lalaki habang may kausap sa telepono. Mababa at matatag ang tono nito, halatang may bigat ang pinag-uusapan.Kahit alam niyang hindi dapat tumanggap ng tawag sa loob ng silid, walang sinumang naglakas-loob na sumita. Ang mga pasyente at nurse sa paligid ay napapatingin sa kanya, tila nahihipnotismo ng presensiya ni Zander—ang tikas, ang boses, ang aura nitong kay hirap tablan.Matapos ang tawag, ibinaba ng lalaki ang telepono at na
Last Updated: 2025-10-31
Chapter: Kabanata 07Pag-uwi ni Tessa, nadatnan niyang nagsisindi ng insenso ang kanyang Tiya Cora sa altar. Pagkakita nito sa kanya, sumilay agad ang pag-asa sa mga mata ng matanda—tila umaasang may magandang balita itong iuuwi.Ngunit nang makita ang maputlang mukha ni Tessa at ang marahang pag-iling nito, agad din na nawala ang ngiti sa labi ni Tiya Cora. Saglit siyang napapikit, tila pinipigilan ang sarili na magalit o magsalita ng masakit. Sa huli, pinili niyang lunukin ang inis.“Basang-basa ang damit mo,” mahinahong sabi ni Tiya Cora. “Maligo ka muna at magpalit ng damit. Baka magkasakit ka pa niyan.” dagdag pa nito.Tumango lang si Tessa, halos walang boses.Pagkatapos niyang maligo at uminom ng gamot, ramdam pa rin niya ang ginaw sa katawan. Nang lumipas ang ilang oras, nagsimula na rin siyang makaramdam ng pagkahilo—at bago pa man niya namalayan, nilalagnat na pala siya.Pagsapit ng alas-dose ng hatinggabi, nag-ring ang kanyang cellphone. Si Ruffa iyon, sabik na sabik malaman ang totoong nangyar
Last Updated: 2025-10-31