Share

Kabanata 92

Author: blackbunny
last update Last Updated: 2025-10-04 23:01:59

Alas onse na ng tanghali nagising si Lovi at magaan na rin ang kanyang pakiramdam. Nagtungo si Lovi sa banyo at pagkatapos niyang maligo, sinuot niya ang kanyang silk na terno na pajama.

Paglabas ni Lovi ng kanilang kuwarto, agad siyang nagtaka nang makarinig siya ng ingay mula sa baba. Napatigil si Lovi sa gitna ng hagdanan nang makita niya ang mga executive sa kompanya ni Easton, nagpupulong ang mga ito at mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan. Kasama rin ng mga ito si Easton na nasa may single na sofa nakaupo habang nakikinig lang sa kanilang mga opinyon.

Nang makita ni Assistant Ren si Lovi, agad itong bumulong kay Easton. Biglang nakaramdam ng kaba si Lovi at akmang babalik na sana siya sa taas nang bigla siyang tinawag ni Easton.

“Gising ka na pala. Eat first, then take your meds,” sabi nito sa kanya.

Napapikit si Lovi bago siya dahan-dahang lumingon. Nakatuon na sa kanya ang atensyon nilang lahat. “Hello po, g-good morning.” Nahihiyang ngumiti si Lovi sa kanilang lahat.

Tu
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 105

    Pagkaalis na pagkaalis ng ama ni Easton, agad na nakahinga nang maluwag ang lahat.Unti-unting kumalma ang tensiyon na kanina pa nakabitin sa ere.“Hindi mo ba talaga kilala ang magiging biyenan mo?” biro ni Lisa, sabay kindat sa kanya.Lulong-lumo ang itsura ni Lovi, para bang nawalan na siya ng pag-asa sa mundo.“Nagmamadali kasi siyang kumuha ng marriage certificate—wala man lang tuloy kaming naimbitahang ibang tao,” paliwanag niya, halatang nahihiya.Agad namang sumingit si Assistant Ren at sinabi, “Sinabihan na kita tungkol dito, ‘di ba?”*****Pagkapasok ni Mr. Dela Vega sa sasakyan, agad niyang pinadala sa ina ni Easton ang mga larawan na palihim niyang kinuha kanina.Si Mrs. Helen Dela Vega na nasa loob ng opisina at abala sa trabaho ay napatingin agad sa mensaheng pinadala ng kanyang asawa.*****Dahil sa edad ng matanda, napagdesisyunan nilang kumain na lang sa buffet para komportable ito. Pagkatapos, nalaman niya mula kay Lisa na mayroon palang mga pribadong kuwarto ang Sea

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 104

    “Mura lang ‘to. Gusto n’yo bang bilhan ko rin kayo nito? Kaso wala ng libre sa panahon ngayon, bayaran ninyo ako ng 5,000 bawat isa sa inyo.” Nagbiro si Lovi habang may mapanuksong tingin sa kanyang mukha.Nagtawanan ang lahat, halatang natuwa sa sagot niya.Bumaba muna siya kasama ang mga kasamahan niya, at nang wala na sila, saka lamang nag-scan ng mukha si Lovi para umakyat sa 30th floor.Kumatok siya sa pintuan ng opisina ng presidente. Pagkabukas pa lang ng pinto, bigla siyang hinila papasok ng isang malakas na kamay.Agad siyang sinalubong ng pamilyar na amoy—mainit, nakaka-comfort, at nakapagpapabilis ng tibok ng puso niya. Hindi pa siya nakakapag-react nang maramdaman niyang niyakap siya nang mahigpit nito, para bang matagal siyang nawalay.“E-easton, b-bitawan mo ‘ko.” Tinulak niya ito nang buong lakas, pero ramdam niyang halos hindi gumagalaw ang lalaki—mas malakas ito nang tatlong beses kaysa sa kanya.Sa halip na umatras, mas lalo pa siyang hinalikan nito sa noo at pisngi,

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 103

    Habang kumakain sa cafeteria, naghanap si Lovi ng pagkakataon at hinila niya si Assistant Ren papunta sa isang medyo tagong mesa.Hindi na nagulat ang mga kasamahan nilang nakatingin mula sa malayo; sa tingin nila, matagal nang malapit ang dalawa at parang may sariling mundo na.Si Easton na naglalakad sa unahan, napakunot ang noo nang mapansing may dalawang kahina-hinalang tao na sumusunod sa likuran niya.May mga bagay pa ba talaga na hindi mo kailangang alamin? para bang iyon ang gusto niyang itanong habang tinitingnan sila.Hindi siya makapag-concentrate, kaya sa halip na sumabay sa kanila, naupo na lang siya mag-isa upang kumain. Sa kabutihang-palad, nakaupo sa tapat niya si Jenna, na tila naghintay na ring makipag-usap.“Lovi, ipapasa mo na naman ba si boss sa ibang babae?” biro ni Assistant Ren habang kumikindat, halatang may tinutukoy.Sumulyap si Lovi sa direksiyon ni Easton, at napansin niya ang nagtatakang tingin na ibinibigay nito sa kanya. Ngunit hindi niya iyon pinansin.

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 102

    Tiningnan niya nang may pagdududa si Tanya nang bigla na lamang itong lumapit sa kanya.“Ano’ng ginagawa mo rito, Tanya?” nagtatakang tanong ni Lovi.Nagpalinga-linga si Tanya sa paligid, at nang masiguro nitong wala pang ibang tao, nagsalita siya nang diretsahan, “I saw it.”Natawa si Lovi at nagtanong, “Ano bang nakita mo?”Ayaw na niyang makipag-usapan nang maaga dahil baka maapektuhan ang mood niya buong araw.“You and Kuya East—” Hindi pa man natatapos magsalita si Tanya, mabilis na tinakpan ni Lovi ang kanyang bibig.Pagkaraan ng halos kalahating minutong tahimikang tensyonado, dahan-dahan ding inalis ni Lovi ang kamay niya.“Binabalaan kita. Hindi magugustuhan ni Easton ang gagawin mo, Tanya,” babala ni Lovi na may halong kaba.Bahagyang napasinghal si Tanya at tumingin sa singsing na nasa kamay niya. Agad namang napaatras si Lovi at pasimple niyang tinakpan ang kanyang suot na singsing gamit ang kanyang isang kamay.“Alam na ng lahat ng senior executives na kasal na si Kuya Ea

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 101

    Si Lovi ay nakahiga sa kama, nakatitig nang wala sa sarili sa kasalang nagaganap sa damuhan hindi kalayuan mula sa kanila.Privacy-proof ang salamin, kaya kahit bukas pa ang mga kurtina, walang sinuman ang makakakita ng nangyayari sa loob. Gaya kanina, nang nakahiga siya sa sahig sa tabi ng bintanang abot-hanggang kisame, sobra talaga ang hiya at kaba na naramdaman niya. Parang napakaraming matang nakatitig sa kanya mula sa labas, kahit alam niyang imposible iyon.“Do you want to go there?” tanong ni Easton na kakalabas lang mula sa banyo, suot ang maluwag na bathrobe at mahinahong sumandal sa sofa. Malambing itong ngumiti at tumingin sa direksiyon ni Lovi.Natatawang umiling si Lovi.Nang makapagpahinga na sila sa kwarto, gabi na nagising si Lovi dahil sa gutom.Dinala siya ni Easton sa damuhan malapit sa lawa, na tila ba inihanda na talaga para sa kanila. May mga mesa at upuang maayos na inayos sa lugar, na parang eksena sa isang pribadong date kagaya sa mga napapanuod niya sa mga p

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 100

    Ayon sa receptionist, wala nang available na kuwarto. Lahat daw ng mga kuwarto sa B&B ay fully booked lalo na tuwing weekend, kaya sobrang higpit.Napasinghap si Lovi. Tiningnan siya ni Easton, iniabot ang maleta, at marahang sinabi, “Sit here and wait for me. Don't go anywhere.”Sumunod siya nang walang sinasabi at naupo sa sofa sa lobby. Mula roon ay nakita niyang nakikipag-usap si Easton sa waiter. Nakangiti ang waiter, parang may sinasabing nakakaaliw o nakakatuwa. Tinitigan siya ni Lovi, sinusubukang basahin ang kanilang pag-uusap, ngunit hindi siya marunong magbasa ng labi.Pagkalipas lamang ng wala pang dalawang minuto, bumalik ang receptionist at ibinigay kay Easton ang isang room card—para bang may milagro.Lumakad siya pabalik kay Lovi. “Akala ko ba walang bakanteng kuwarto?” usisa ng dalaga, hindi maitago ang pagtataka.“Did I?” nakangiting sagot ni Easton.“Paano ka nakakuha n’yan?” tila hindi pa rin makapaniwala si Lovi sa kanyang asawa.Ngumiti si Easton ng may kahulugan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status