Share

Chapter 2 | Glamour in the Shadows

Santa Maria Deogracia

I HAD no idea what my friends are up to. Nagulat na lang ako dahil pagkaligong pagkaligo ko ay tinangay na ako ng mga ito papunta kung saan. Mula sa Rizal ay Isang oras din kaming bumiyahe at alas sais na nang makarating sa nasabing condo unit ni Genevieve sa Taguig. Bukod kasi sa byahe ay kumain pa kami kung saan saan sa loob ng BGC.

Nakakalula ang mga gusali sa lugar at napakalinis pa. Feeling ko ay nakakahiya ang ayos kong galing lamang sa Tiangge kumpara sa mga nakakasalubong naming kanina na puro mamahaling designer brands ang suot.

Hindi naman ito ang unang beses kong lumuwas ng maynila dahil ilang beses din akong naglayas sa amin sa tuwing may hindi kami pagkakaunawaan ni Nanay. Ang alam lang ng mga ito ay sa apartment ako ni Genevieve tumutuloy. Hindi nga alam ng mga ito kung gaano kayaman ang mga kaibigan ko.

Hindi ko na binanggit dahil pepestehin lamang ng mga ito ang tatlo.

Hindi ko pa din alam kung ano talagang plano ng mga ito para sa kaarawan ko. Right now, they seem to be excited about something as they are applying my makeup on.

I looked at the beautiful view from her wide glass window and couldn’t help but be amazed at the beautiful view of the big city.

Para bang umulan ng bituin sa lupa ang mga nagkikislapang mga ilaw ng syudad. Malayo sa amin na dikit dikit ang mga bahay at madilim ang bawat eskinita sa ganitong oras, dito sa maynila ay tila ba hindi nawawalan ng buhay kahit ilan pang oras ang dumaan.

“T*ngina mo Santa Maria! Huwag ka ngang magulo! Tusukin ko iyang mata mo eh!” mura ni Gene habang nilalagyan ako ng eyeliner.

“T*ngina mo din! Grabe hindi ka ba naiilang na murahin ako? Ang banal banal ng pangalan ko tapos yuyurakan mo lang?” irap ko dito na ikinahalakhak naman ni Chuckie at Anna Belle na kasama na namin ngayon.

Bagay na bagay naman ang pangalan nila sa kanila. Chuckie is Genevieve's cousin while Belle is their neighbor. Nakilala ko sila noong naglilibot ako sa subdivision nila noon para sumideline. Ever since then, we became good friends and they have always been there for me.

“Yung pangalan mo lang naman yung banal, hindi ikaw girl! Huwag kang delulu diyan!” maarteng sabi ni Chuckie na ikinangiwi ko.

“Saka ikaw naman ang minumura ko noh!” dagdag pa ni Genevieve saka nagpatuloy sa pag aayos sa akin sa kung saan man kami pupunta.

"Chakang to! Anong delulu kayo diyan?" iritang sagot ko pa dahilan para sabunutan na ako ni Gene na nagpatili sa akin.

"Delulu! Delusyunada! Ambisyosa! Santa Maria!" tawa ni Anna Belle sabay abot sa akin ng isang paperbag na mukhang may logo pa ng isang mamahaling brand.

“Wow, mukhang mamahalin! Pwedeng ibenta?” ngisi kong ikinasimangot ng mga ito.

“Baka ikaw ang ibenta ko!” ungos ni Gene saka ako binatukan. “Bitch that’s your present!” she hissed.

I just frowned.

“Wag ka ngang magulo diyan at hindi pa ako tapos!” giit pa nito na nagpanguso lang sa akin habang hinihimas ang batok ko.

Once she had finished applying my makeup, I opted to don the dress they had provided. As I retrieved it from the bag, I was captivated by the astonishing sight before me.

“Wow. . .” I mumbled, amazed. “Sa akin talaga ito?” halos magningning ang mata ko nang itinanong iyon sa kanila.

They giggled.

“Yes! Did you like it? I specially bought it for you from Paris!” ngiting ngiting saad ni Genevieve.

“Yes! Thank you! Ang ganda!” tuwang tuwang sabi ko saka niyakap siya.

“The shoes and accessories are from us, by the way,” singit ni Chuckie na ikinahagikhik ko at niyakap din sila.

“Thank you!” pasasalamat ko sa tatlo.

“Our pleasure! Social climber ka kaya alam naming magugustuhan mo iyan,” ngisi ni Belle na ikinasimangot ko.

“Tse!” inirapan ko sila. “Pero true,” ngisi ko na nagpatawa sa mga ito.

I donned the dress they had chosen for me—an elegant white satin gown with a cowl neck that accentuated my curves, its backless design adding a touch of allure. Paired with black strappy heels and the exquisite accessories they'd given me, I just allowed my wavy tresses to cascade freely and now I’m good to go.

“Pak! Ang ganda!” Chuckie clapped making me giggle as I stared into my reflection, studying my appearance.

“Wow. . . your beauty never fails to amaze me, Maria,” Genevieve Complimented.

“Well it’s Sam, for you,” I winked at them.

“Kung wala lang ang mga peklat na iyan ay mas maganda ka siguro,” malungkot na sambit ni Belle habang nakatitig sa mga latay sa aking likod gawa ng pagpaparusa sa akin ni nanay sa tuwing may kasalanan ako.

“May peklat o wala, maganda ako,” ngisi ko sa mga ito saka tinakpan ang aking likod gamit ang mahaba kng buhok.

I saw how Belle’s face brightened with my response. “Right,” she smiled.

“Tara na!” tili ni Chuckie.

I wonder what they are planning for my 18th birthday?

Despite my reservations, their thoughtful gestures warmed my heart. With Chuckie behind the wheel, the three of us set off for our destination.

It didn’t take us long before we reached the certain place they seem to be excited about. Halos malula ako sa taas ng gusali saka tumingin sa gawi ng mga ito.

“Lombardi Hotel?!” gulat kong saad na ikinangisi ng mga ito.

Hindi ba ito iyong sikat na sikat na hotel at Casino na kadalasang kinakainan ng presidential family at ng gabinete? Pati mga taga showbiz at hollywood stars dito nagagawi! Napapanood ko ito sa balita! Kaloka ano namang gagawin namin dito?!

“Yep!” Genevieve said, popping the p. "My aunt is supposed to have a reservation here with her friends but didn't make it because their flight got canceled due to the snow storm. So she just gave it to us instead." she clapped happily.

"Even with our means, it's difficult to secure a reservation here. So, we're taking advantage!" Chuckie quipped.

"Ano bang irereserve niyo? Kwarto? May ka foursome ba ang tita niy—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ay binatukan ako ni Anabelle.

"Gagang to! Ikaw na nga nililibre eh!" irap niya.

Kinurot ko rin siya bilang ganti dahil masama ang ugali ko na nagpasinghap dito.

"It's not exactly a hotel room," Genevieve giggled.

"E ano?" tanong ko.

"You'll see," she grinned, and they eagerly led me further into the establishment.

“Huy! Nakakahiya, baka mahalata nilang poorita ako!” nguso kong nagpairap sa tatlo.

“Kailan ka pa nahiya aber?” irap ni Genevieve. “Huwag kang mag alala dahil sa itsura mo ngayon ay mukha kang anak ng bilyonaryo,” dagdag pa nito.

“O escort,” pang aasar ni Chuckie dahilan upang mapangisi ako.

“Yes daddy, choke me please,” malandi kong saad saka marahang hinaplos ito sa braso.

Tawang tawa naman ako nang para bang bulate itong inasinan kung mandiri.

“Yuck! Never in my life akong kakain ng tahong! Echoserang to! Tignan mo! Tumatayo ang balahibo ko!” tila ba ay nasusuka nitong saad na ikinahalakhak naming tatlo.

“Grabeng yaman siguro talaga ng may ari nito ano?” bulong ko habang papasok kami sa malawak at magarang lugar.

Ang mga sahig at dingding ay mistulang marmol habang ang mga chandeliers naman ay tila ba gawa sa brilyante ang bawat ilaw nito. Aakalain mong nasa loob ka ng isang malaking palasyo dahil napaka elegante ng lugar na may pa red carpet pa.

“Si Lombardi? Of course he is! He’s a god damn billionaire!” Chuckie answered.

Napakamot ulo ako doon. “Ha? Sino ba iyon?” tanong ko.

"Lazarus Lombardi," Chuckie began, his voice carrying the weight of significance, "commands an unrivaled presence as one of the nation's most formidable business magnates. Among the youthful billionaires, he stands prominent, his ascent to opulent heights transpiring at a mere thirty-three years of age. His colossal net worth soars in the billions, a testament to his remarkable acumen. As the enigmatic founder behind the renowned Lombardi hotel and casino empire, his name reverberates through the annals of fame and notoriety. That, my dear, encapsulates the essence of Lazarus Lombardi."

Napakamot ulo ako doon. Ang haba naman ng paliwanag nito.

"Wow english yon ha. My bleeding is nosing." biro ko. Natawa doon ang tatlo.

“At ito pa! They said that he is a notorious womanizer. Titig palang daw niya ay napapahubad na ng panty ang mga babae!” tili ni Belle na nagpangiwi sa akin.

“Well who cares? It’s not like I’m gonna meet someone as big as him,” I shrugged.

Napatango sila doon.

“Sabagay,” sambit ni Genevieve. “People rarely meet that man anyways. Parang multo na magpaparamdam lang pero di mo naman makikita,” she added and shrugged.

Nakipag usap muna si Genevieve sa front desk personels saka kami nagpatuloy sa paglalakad sa malawak na pasilyo ng hotel hanggang sa marating ang elevator at sumakay na din doon.

Nanlaki pa ang mata ko nang makitang mayroong sixty floors ang naturang building at pinindot ng mga ito ang rooftop.

Ano bang binabalak nila?

My answer materialized as we reached the highest floor. Guarded by security personnel, we were granted access with the cards Genevieve had obtained earlier.

A heartbeat of thunderous music greeted us upon entry. The club's layout spanned two levels on an open rooftop, offering a panoramic view of the city below, complete with an infinity pool and a Jacuzzi.

Nearly all the attendees were prominent figures, casting an air of mystique over the night. Among them, I even spotted Hollywood celebrities swaying gracefully within the pulsating crowd.

This marked my maiden voyage into the realm of bars, an experience beyond my wildest expectations.

An unequivocally exclusive establishment, teeming with the crème de la crème of society! A world where socialites and individuals of paramount influence converge. I even saw the senator's wife, renowned overseas for her sartorial discernment, her reputation transcending borders.

With mixed feelings, I continued to blend in

Pinigilan ko lamang ang sariling magpapicture sa mga artista dahil bukod sa nirerespeto ko ang kanilang privacy ay nahihiya ako.

I don't belong here. . .

Para akong langaw na naligaw sa napaka gandang hardin na puno ng mga rosas at mga naggagandahang mga mariposa.

As I stood lost in my thoughts, my reverie was shattered when a person in a hurry collided with me, nearly causing me to stumble. Just as I felt my balance falter, strong hands grasped my waist, preventing me from falling.

Napa sandal pa ako sa kanya dahil sa lakas ng pagkakabangga sa akin nung lalaking tumatakbo kanina.

Momentarily immobilized, I closed my eyes, intoxicated by the alluring scent that enveloped me. A blend of rugged masculinity and forbidden allure clung to him, a sensory dance that was both intrigued and enticed.

"Excuse me," a deep voice snarled as the person continued on their way, chasing after the individual who had bumped into me.

"H-Huh?" I stammered, still slightly dazed.

"Huy! Bakit tulala ka pa diyan!" pagkuha ni Anabelle sa atensyon ko.

"Yung lalaki. . . " sambit kong ikinasalubong ng kilay niya.

"Madami!" halakhak niya. Mukhang hindi nila napansin ang nangyari kanina.

"Come on, snap out of it!" Anna Belle urged, breaking me from my daze.

"Huh?" I blinked, finally regaining my focus

"Tara na! Kanina ka pa namin tinatawag!" ngisi nito saka ako hinila kung saan.

Once again, I turned my gaze toward the direction the man had come from. However, he seemed to have moved further away, his presence no longer in the spot where he was earlier.

Pity, I didn't see his face. . .

"Ready for your party? Sam?" my friends grinned making me smile as I just moved along with them.

Well whatever. I'm just gonna enjoy this night. Malay niyo baka last ko na 'to.

Nailing na lang ako sa biro ko sa aking isipan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status