"You seem… busy,” mariin na sabi ni Magnus. Kumunot naman ang noo ni Yamila, pakiwari niya'y may ibang pinupunto si Magnus maliban sa kaniyang trabaho. Nagtataka siya sa biglang pagdilim ng ekspresyon nito.Why he looks upset? “Obviously.” Pinagkrus ni Yamila ang mga braso at bahagyang itinaas ang isang kilay. Ilang araw na niyang hindi nakikita si Magnus. Akala niya'y naglaho na ito nang tuluyan pagkatapos ng kanilang pagtatalo sa parking lot. Akala niya'y lulubayan na siya nito nang tuluyan, ngunit mukhang nagkakamali siya dahil sumulpot na naman ito na parang kabuti. “What brings you here this time? Another interrogation?” Ramdam ni Magnus ang pag-igting ng panga niya. Ang walang ingat na mga salita ni Yamila ang siyang pumuputol sa kaniyang pasensya. “We need to talk.” Puno ng awtoridad niyang saad. Nanatili ang blangkong ekspresyon ni Yamila. “Then talk. You have ten seconds.” Parang nilamon ng apoy ang dibdib ni Magnus. Nagliyab lalo ang kaniyang galit. Hindi siya s
Kagaya ng iniisip ni Magnus, hindi nga niya mapipilit si Yamila. Matigas na ang puso nito, at kahit ano'ng gawin niya'y hindi niya mapapaamo ng ganoon lang kadali ang dating asawa. Kaya mag-isa siyang nagpunta sa cocktail party kinabukasan ng gabi. Kahit si Warren ay hindi na niya pinasama, dahil alam niyang ilang minuto lang ang itatagal niya sa pagdiriwang. Hindi siya magtatagal, gusto niya lamang na magpakita ng kaunting kooperasyon sa host ng party.Kaya nang gabi ng party, pagkatapos niyang batiin at kausapin ang ilang businessmen at ang host, tahimik na siyang umalis sa likod ng venue. Hindi niya hinayaan na may pumigil pa sa kaniyang pag-alis. At kinabukasan, kahit na naging mapait ang pagtanggi sa kaniya ni Yamila, pinili pa rin ni Magnus na bumalik sa ospital para makausap ulit ang babae. O masulyapan man lang. Sa ngayon, alam na niya kung saan madalas naroon si Yamila. Alam niyang kung wala ito sa emergency room ay nasa opisina ito. Sa malayo ay tahimik niyang pinag
Bumigat ang hangin sa pagitan nila. Sa loob ng maraming taon, kahit kailan ay hindi niya pinakilala si Yamila bilang asawa niya. Kahit ang mga taong pinakamalapit sa kanila, walang alam. Ngunit isang pagkakamali iyon na nais niyang baguhin. “Mr. Esquivel,” patuloy ni Yamila, ang boses nito punong-puno ng sarkasmo. “Don’t drag me into your power games. Hindi ako prop na pwede mong gamitin para sa event mo.” Ramdam ni Magnus ang pag-init ng tenga niya. Kung ibang tao lang si Yamila, kanina pa niya ito iniwan. Pero ito ang nag-iisang taong hindi niya kayang talikuran, kahit pa sinasaktan siya ng mga salita nito. Napansin ni Yamila na hindi sumasagot si Magnus. Tila ba hindi nito kayang kontrahin ang mga sinabi niya. Napangisi siya nang mapait at umiling. “Forget it,” mahina niyang sabi, sabay talikod. Hinayaan na lang siya ni Magnus na lumakad palayo. Wala siyang nasabi, wala ring nagawa. Nakatayo lang siya sa gitna ng hallway, pinagmamasdan ang papalayong likod ng babaen
Ala syete y media nang lumabas siya sa ospital. Kanina pa natapos ang kaniyang duty ngunit may inayos pa siya sa kaniyang record sa computer kaya natagalan siya. Diretso ang kaniyang lakad sa parking lot, ngunit bumagal ang kaniyang mga hakbang nang makita ang pamilyar na sasakyan. Iyon ang sasakyan niya na ginamit ni Magnus. Nasa parking lot na ito ng ospital. Agad niyang inilibot ang tingin, nagbabakasakaling makita si Magnus. At tama siya sa kaniyang hinala, nasa parking lot rin ang lalaki. Nakatayo ito malapit sa street light, nakapamulsa at tila pinaglalaruan ang plastik na bote ng mineral water. Sinisipa iyon ni Magnus, at halatang nababagot na sa paghihintay. Ngunit sino nga ba ang hinihintay ng lalaking ito? Muli niyang ibinalik ang tingin sa kaniyang sasakyan. Dala niya ang sasakyan ng kaniyang Mommy, iyon na ngayon ang ginagamit niya, pero baka mapuna ng kaniyang ina na hindi na niya ginagamit ang kaniyang sasakyan. Magtatanong ito kung nasaan na iyon. Hindi niya maaar
Sandaling nagpahinga si Yamila sa kaniyang opisina. Meron siyang maliit na kuwarto sa loob, kapag sa gabi ang duty niya, doon siya natutulog. Ngayon na masakit ang kaniyang puson, nahiga siya sa katre para ipagpahinga ang katawan. Idiniin niya ang hot compress sa kaniyang puson habang nakatihaya siya sa higaan. Ilang minuto na siyang nagpapahinga, pero wala pa rin tumatawag sa kaniya. Wala pa rin announcement galing sa emergency department. Marahil ay wala pang pasyente. Kung meron man, siguro'y kaya na ng mga nurse na asikasuhin iyon nang wala siya. Pumikit siya, at sa sandaling iyon, rumagasa sa kaniyang alaala ang ilang pagkakataon na hirap na hirap siya sa kaniyang shift. Isang gabi, isang linggo simula nang pumasok siyang doktor sa ospital na ito, anim na kritikal na pasyente ang isinugod sa emergency room. Isang bus at isang truck ang nagbanggaan sa madilim na crossing. Apat ang nasawi sa banggaan, siyam ang kritikal, ngunit anim lamang ang dinala sa kanilang ospital dah
Napakunot ang noo ni Magnus. Mabilis niyang nilapitan ang babae para tingnan kung ano ang nangyari. Naabutan niyang nakahawak pa rin si Yamila sa babaeng parte ng tiyan, nakapikit ng mariin, at lukot ang magandang mukha. “What’s wrong?" Nang tingnan niya muli ang mukha ni Yamila, bigla'y namumutla na ito. "You look pale.” Bahagyang kumawala ang tawa ni Yamila, malamig. Ngunit halatang pilit. “It’s nothing. Just a period cramps. I’ll go to gynecology department myself. No need for you to act like a worried husband. This... is nothing." Ang boses nito'y humina na sa huling mga salita. Mas lalong hindi nakumbinsi si Magnus. Hindi na siya nagsalita, bagkus, mabilis niyang binuhat ang babae. Nagulat ito sa kaniyang ginawa, nagbukas ng mga mata si Yamila at gulat na tumingin sa kaniya. Sinubukan nitong bumaba, ngunit mahigpit niyang hinawakan ang babae para ipirmi. “Magnus! What are you doing?!” He's carrying her in a bridal style. Sa hitsura nila ngayon ay mas lalong kinab