Share

SAMARA 2

Sianna's plane landed in philippines and she can’t help herself from grinning .She was so happy,that she doesn’t mind people looking at her weirdly.After appreciating the air outside the airport,she hailed a taxi to go to her destination.

Wala s’yang pakialam kahit pa polluted ang hanging nalalanghap,ang mahalaga ay nakalayo na siya sa bansang matagal na niyang gustong takasan.Nagpahatid siya sa taxi sa bahay na siya mismo ang pumili.Maging ang attendant na si Maria ay hindi alam kung nasaan siya sa pilipinas. At ‘yon ang balak niya,ang alam nito ay nasa pilipinas siya.Hindi ngalang kung nasaang parte.

Malapad ang ngiting nakatingin siya labas ng taxi.Marami ang nadaanan niyang gusali,mga taong pauwi na galing trabaho dahil hapon din.Hindi rin mapigilan na sumilip ng taxi driver kay Sianna na bakas ang kasayahan sa mukha.

“Matagal po ba kayong hindi nakauwi ng pilipinas ma’am.Ang saya saya niyo po eh,nakakahawa po ang ngiti niyo.”

Hindi mapigilang turan ng may katandaang driver.

Nakangiting binalingan ito ni Sianna.Matagal na s’yang nag practice ng lengawaheng ito,pero kinabahan pa rin s’yang sumagot hindi inalis ang ngiti sa labi.

“ Opo,parang first time kong pumunta dito nakaka miss.” Kahit ang toto ay ito ang unang tapak niya sa banyagang bansa,pero malapit sa puso niya.

Napangiti ang driver sa sagot niya.

Nang makarating sa destinasyon ay mabilis s’yang bumaba at nagpasalamat sa driver.

“ Salamata po!”

Magiliw niyang saad dito. Nang mawala ang taxi sa kanyang paningin,bumaling siya sa harap niya. Huminga ng malalim bago naglakad papasok sa eskineta.Alam niyang manggigilalas ang ama kapag nalaman kung nasaan siya ngayon.

Maraming tao,dikit dikit ang bahay.Maraming batang naglalaro sa gilid ng kalsada.At may mga dumi ng kung ano sa dinaraanan niya.Pero wala lang ‘yon sa kanya.Hindi alintana ang alikabok sa paligid ,nakangiti s’yang pagmasdan ang mga taong nadadaanan.Masaya s’ya at walang makakapigil sa nararamdaman niya.

Nakarating siya sa tapat ng bahay ,tiningnan niya muna ulit kung tama nga ang address niya.Nang makitang tama naman ay napatingala siya.Isang apartment hanggang sa dalawang palapag ang nasa harapan niya.Nagmartsa siya papasok at nakita ang babaeng naka daster at namamaypay at nakaupo sa isang silya malapit sa entrance ng apartment.

Nakangiti s’yang lumapit dito, at nagtanong.

“Magandang araw po,ako po ‘yong bago niyong tenant.Kayo po si Ms. Ursula?”

Kahit nawewerduhan sa pangalang binanggit ay hindi niya ‘yon pinahalata.Tumayo ang babaeng nasa harap at nakataas ang kilay na hinarap siya.

“Ako nga ‘yon,mabuti at nandito ka na.Hinintay talaga kita. Kahit may lakad sana ako ay ipinagpaliban ko muna para hintayin ka.”

Nakangiti na ito at hinawakan siya brasong iginiya papasok.

“ Maraming salamat po sa paghintay sa’kin,at pasensya na po at naabala ko ang lakad niyo.”

“ Naku wala ‘yon,ihahtid kita sa k’warto mo para makapagpahinga ka na.Siguradong napagod ka sa biyahe mo.Halika,magugustuhan mo ang kwarto mo at bagong palit ko lang ng wallpaper ‘yon.”

She’s gratefull of the warm welcome.Nakausap niya lang kasi ito thru text,at totoo ngang napakabait nito kahit pa weird ang pangalan nito.Nakangiti s’yang iginiya sa second floor,may nadadanan pa s’yang mga ibang tenant na napapatingin sa kanya.Nakangiti naman niya itong tinitingnan kaya napapangiti nalang din ang taong nakakasalubong nila.

Inilabas ni Ms. Ursula ang susi at buinuksan ang nasa dulong apartment. At habang naghihintay na mabuksan ang pinto ay iginiya niya ang mga mata sa paligid na nakangiti.Hanggang sa dumapo ang mga mata niya sa katabing apartmenrt lang. Hindi nakasara ang pinto nito kaya kita niya ang loob nito.Kuryusong sumilip siya.Nang walang makita ay umayos siya ng tayo.Sakto naman na may lumapit sa pinto sa katabing apartment at napatingin siya doon na hindi nawawala ang ngiti.

Parang slow motion ang nangyaring napatingin siya sa lalaking papalapit sa pinto.Nakatingin lang ang lalaki sa kanya at bakas ang pagkamangha sa mga mata nito.Yumukod siya dito na nakangiti,pero hindi na nakakibo ang lalaki kaya ng mabuksan na ang pinto ng apartment niya ay sumunod na siya kay Ms. Ursula na pumasok sa loob.

Dahil sa hindi pagpansin ng lalaki sa kabilang unit ay napakunot ang noo niya.Sanay kasi siyang palaging binabati.Pero ng maalala kung nasaan siya .Napapailing na ilibot niya ang mata sa loob ng kwarto.Nagsasalita ang land lady at panay tango lang siya.

Maganda naman ang apartment na nakuha niya at tulad ng sabi kanina ng land lady ay mukhang bagong palit nga ito ng wallpaper.Matapos siyang mai-tour sa loob ng apartment ay napaupo siya sa kama niya.Inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang gilid at pumikit na nakatingala sa kisame.

“ This is it,I’m finally alone!”

Nakangiting turan niya habang nakapikit.

One week,one week being alone and doing everything on her own. She’s used to being serve by everything.Lahat ng gagawin niya ay may nakaalalay sa kanya.Iyog tipong kahit pagkain niya ay susubbuan nalang siya.Pero dati ‘yon,wala siya ngayon sa bahay kung saan walang siyang ginagawa kun’di ang pagsilbihan siya .

It was hard at first but she’s getting used to it. In her first week ,lumabas siya para mag grocery. Walang problema sa pera at lahat 'yon ang nakatatandang kapatid ang nag-asikaso kaya wala na siyang isipin pa.

At dahil may dala siyang mga libro para may libangan siya ,hindi na siya lumalabas kung hindi anaman kailangan. She plan to stay inside her apartment for a week bago siya mamamasyal.Plano niya na din maghanap ng trabaho.Sa ngayon ay pinili niya muna na magpahinga.

Dala ang libro at tsaa niya ay pumunta siya sa maliit niyang terasa.Naupo siya matapos mailapag sa mesa ang dala.Nang makita na wala namang ibang tao maliban sa kanya ay sumandal siya sa upuan .Habang nagbabasa at kung minsan ay umiinom ng tsaa.

Naasa kalagitnaan siya ng pagbabsa ng maramadaman na may nakatingin sa kanya. At hindi nga siya nagkamali,mabilis na ibinaba niya ang hawak na libro at tiningnan ang kapitbahay niyang lalaki na nakatingin sa kanya.

Lumingon pa siya para makasiguro na siya nga ang tinitingnan nito. Nakakunot ang nuo na tiningnan niya ito.

“May kailangan ka?”

Nakataas ang kilay na tanong niya.Grabe kasi kung makatingin ito,parang tagos hanggang sa kaluluwa niya.Hindi ito kumibo at matiim lang na nakatingin sa kanya.Tumayo siya at nilapitan ito,maliit lang ang pagitan na naghihiwalay sa dalawang terasa. Wala pa rin itong kibo at nakatingin lang sa kanaya.She snap her finger at him,at mukha naman itong natauhan at napatingin sa kanya.

“ Ang ganda mo,tao ka ba talaga?”

Saad nitong parang wala sa sarili.Natawa siya at napakunot naman ang nuo nito.Napaayos ito ng tayo at tumikhim.

Walang bakas na hindi siya isang pilipino maliban sa mata niya kung hindi lang siya naka contact lens. Kinulayan niya din kasi ng itim ang buhok.

“ Yes,tao po ako . Hindi ba halata?”

Natatawang sagot niya,at dahil sa ngiti niya napangiti na din ang kaharap na lalaki. Inabot nito ang kamay sa kanya at nagpakilala.

“ Ako nga pala si Stanley,gwapong kapitbahay mo.”

Napataas ang kilay niya ,may pagkamahangin ang lalaki kaya sinakyan niya din ang sinabi nito.

“ Sianna ,ang maganda mong kapitbahay.”

Pareho silang natawa at napailing siyang inabot ang kamay nito. They shake their hands ,and for a moment there it feels like time has stop.It’s just the two of them,looking at each other while grinning.

Pero parehong napabalik sa kasalukuyan ng may kumatok sa pinto niya.Pareho silang napatingin sa pinto at nagkatinginan.Bago bumaba ang mga mata sa magkahugpong na kamay.Napapasong bumitaw siya at natawa lang si Stanley.Nagpaalam siya dito at pinuntahan ang nasa pinto.

It’s the land lady,Ms. Ursula. Nakangiti ito at may inabot sa kanyang tupper ware.

“Heto at napadami ang niluto ng apo ko sa ulam naming adobo.Kunin mo na para hindi ka na magluto ng ulam mo.”

“ Maraming salamat po Ms. Ursula nag-abala pa po kayo.”

Kinuha niya ang tupper dito at natakam ng maamoy ang nasa looob na ulam.

“O siya sige na at aalis na ako .Inihatid ko lang talaga ‘yan dito.”

Paaalam nito at umalis na.Nakangiting isinara niya ang pinto at dumeretso sa kusina.Inilapag niya ang tupper at binuksan ito.Napakagat labi siya ng makita na isa ito sa mga pilipino dish na gusto niya.At sa araw araw mula ng dumating siya ay ilang beses na niyang sinubukan na gumawa ng pagkaing pilipino pero palaging palpak.

Ilang beses din siyang tinuruan noon ni Maria pero kung wala ang tulong nito ay hindi maganda kinakalabasan ng niluluto niya.

Dahil nasasayangan sa mga ingredients na natatapon lang din naman ay huminto na siya at tinanggap nalang wala talaga siya talent sa pagluluto.Kaya bumibili nalang siya sa karenderya.

At natutuwa siya sa land lady niya,palagi nitong inaalala ang kalagayan niya.Napakabait at wala siyang masabi.Taliwas sa mga nababanggit sa kanya ni Maria.Pero katulad nga ng sabi ni Maria,hindi lahat ng tao ay mapagkakatiwalaan at mabait sa’yo.Kailangan pa din niyang maging maingat.

Finally she decide to go out and explore. Nangangapa pa siya kaya ang ginawa niya ay nag taxi nalang siya papuntang mall.Saka na niya I-explore ang sumakay sa jeep kapag sapat na ang kaalaman kung paano siya makakabalik sa apartment niya.

At dahil first time niyang maggala ng walang nakasunod na bantay ay malaya siyang nag-iikot. Store to store,whatever gets her attention.Kahit hindi siya bumibili ,tinitingnan niya lang saka lilipat sa kabilang store.Kapag nagustuhan saka siya bibili.Nang mapagod sa paglilibot ay nagpasya siyang kumain ng makaramdam ng gutom.

At napili niya ang isang filipino restaurant.At dahil sa nagustuhan ang lahat ay naparami ang order niya.Natatakam na nakatingin siya sa mga pagkaing nakahain sa mesa ng magsalita ang waiter.

“ May hinihintay pa po ba kayong kasama ma’am?”

Magalang na tanong nito ,marahil sa dami ng pagkain ay nagtaka ito.Nakangiti siyang umiling dito.

“ Just me!”

“ Okay po ma’am,kapag may kailangan po kayo tawagin niyo lang ako.”

Nakangiting din saad nito at nagpaalam.

Sinimulan na niya ang pagkain,mula sa sinigang na baboy,pork adobo ,menudo at dinuguan at marami pang iba. Naging desert niya ang halu - halo.

Hindi niya naubos at halos bundat na siya kaya ipinabalot niya nalang ito.Masayang lumabas siya ng mall at naghanap ng taxi pauwi.Puro punuan ang mga taxi kaya nanlulumo siyang napaupo muna sa waiting area ng may lumapit sa kanya,

“Sianna?”

Mabilis na nag-angat siya ng tingin sa taong tumawag sa kanya.At hindi nga siya nagkamali ,kahit minsan niya lang itong nakausap ay parang kabisado na niya ang boses nito.

“Stanley!”

Napatayo siya at nginitian ito.

“Ano’ng ginagawa mo dito?”

Tanong nito sa kanya,napalabi siya ng makitang punuan pa rin ang taxi .

“Pauwi na sana kaso punuan ang taxi eh.”

Napatingin na din si Stanley sa mga nakaahelirang mga taxi at agad na may sumasakay at hindi talaga makasingit lalo na at nakapila ang lahat.

Bumaling si Stanley sa kanya na nakangiti.

“Mag jeep na lang tayo kung gusto mo.”

Agad na nagningning ang mata niya sa narinig.

“Talaga?”

Mukhang mapapaaga ang dapat na sa susunod na niya gagawin.

“ Oo naman,mas mura ang pamasahi!”

Nakangiting tugon nito.

Tumango-tango siya dito,tinulungan siya ni Stanley sa dala niya. Walang reklamong naglakad ioo sa paradahan ng jeep habang nakasunod lang siya dito.Excited siyang sumakay sa jeep.At dahil dala naman lahat ni Stanley ang lahat ng mga pinamili niya ,malaya niya itong pinagmasdan.

Firm muscle that’s flexing because of the things he carry.Broad shoulders,halatang nagwo-work out ito.Hanggang sa dumapo ang mata niya sa pang upo nito.Napakagat labi siyang ikiniling ang ulo.She’s getting weird thoughts,so she shake it off and just follow him until they reach where the jeepney is.

Iginiya siya nito papasok sa jeep bago ito sumunod sa kanya sa loob kasama ang gamit niya. Buong b’yahe ay ine-enjoy niya ang feeling na makasakay sa jeep.Now one of her dreamlist came true.At tinandaan niya din ang dinaanan nila para sa susunod ay alam na niya.

Nang makarating ay mabilis din siyang inalalayan ni Stanley na makakaba sa jeep.Nagpasalamat siya dito at naglakad na sila .At dahil nadaanan niya ang mga batang palagi niyang inaabutan ng pagkain,lumapit siya kay Stanley at kinuha ang supot na may lamang mga pagkain at inaabot ito sa mga bata.

Masaya itong nagpasalamat sa kanya,bumalik siya kay Stanley na nakangiti.

“ What?”

She ask him,hindi kasi mawala ang ngiti nito.Umiling lang si Stanley,humanga kasi ito sa kabaitang taglay na mayro’n ang dalaga.Mas lalo niya itong nagustuhan.

Nakarating sila sa apartment ng walang imikan kaya nagpaalam na si Sianna ng magsalita si Stanley.

“Ahm, Sianna…”

“Yes?”

Hinarap niya ito,napapakamot sa ulo naman si Stanley at nag-aalangan kung itutuloy niya ba ang sassabihin o hindi. Pero sa huli ,itinuloy niya pa rin hangga’t may lakas pa siya ng loob. It’s now or never!

“P’wede ba akong manligaw?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status