Share

SAMARA 3

Nakita ni Stanley kung paano umarko ang kilay nito,parang nag-iisip kung ano ang sinabi niya.Kahit sobra ang kabang nararamdaman ,naglakas na siya ng loob. Unang kita palang niya sa dalaga,nagustuhan na niya ito. Ang ngiti nitong nagpabnilis ng tibok ng puso niya,na makita lang ang mukha ni Sianna natutulala na siya.

Tumikhim si Stanley at hinintay ang sagot ni Sianna,gusto niyang subukan kahit na suntok sa buwan na magustuhan siya ng dalaga. Bukod kasi sa kagwapuhan,isa lang siyang constraction worker at ipinagmamalaki niya ‘yon. Hindi biro ang trabaho,pero kinakaya niya. Huwag lang siyang bumalik sa pinanggalingan.

“ Ahm,ligaw..”

Sianna traced,parang hindi nito alam ang salitang ligaw. Nakita niyang napaisip ito at parang inaalala kung ano’ng ibig sabihin ng ligaw. Napakunot ang noo niya,babawiin na niya sana ang sinabi ng bigla nitong pinagsiklop ang dalawang palad na parang may ideyang pumasok sa isip .

“ Ah,ligaw!Hindi naman ako naliligaw,nandito na tayo sa apartment kaya hindi na ako maliligaw.”

Inosenteng sabi nito,bumagsak ang balikat niya. Nakagat niya ang pisngi sa loob ng bibig niya,hindi alam kung matutuwa o maiinis sa sinabi ng dalaga. Pero kalaunan,natawa na din siya. Napaka-inosente ng mukha ng kaharap niya at parang walang ideya kung ano talaga ang salitang ligaw.

Suminghap siya ng hangin ,napatingala bago ulit hinarap si Sianna na nakakunot ang noo sa kanya.

“ Bakit ka natatawa,totoo naman na hindi na ako maliligaw ah.At magkatabi lang ang apartment natin.”

Tinuro pa nito ang pinto ng apartment niya,napailing siya at umayos ng tayo.

“ Wala,huwag mo na lang pansinin ang sinabi ko. Pumasok ka na ,siguradong pagod ka din.”

Inabot niya dito ang ibang gamit ni Sianna na agad naman nitong tinanggap. Nakakunot pa rin ang noo nito sa kanya,lalo pang sumimangot si Sianna. Hindi niya napigilan na pisilin ang pisngi nito na ikinasama ng tingin ng kaharap.

“ Good night Sianna.”

Paalam niya dito,tumango lang ang dalaga na nakasimangot pa din. Ang tinatagong ngiti ay pinakawalan na niya ng makatalikod. Pumasok na siya sa sariling apartment,ng maisarado ang pinto mabilis siyang naging alerto ng maramdaman ang isang presensiya sa loob.

“ Are you happy being a constraction worker?”

Nagtagis ang bagang niya nang makita sa dilim ang isang anino na kilala niya ang boses.

“Leave me alone,Chris!”

Sumandal sa pinto si Sianna ng tuluyang masara ang pinto. Hawak niya ang sariling pisngi na pinisil ni Stanley. Nabitawan na din niya ang hawak na paper bags at bumagsak na lang ‘yon sa sahig. Napaisip siya bigla sa tinanong nito,tama naman ang sinagot niyang hindi siya naligaw.Pero bakit parang pinagtatawanan nito ang sagot niya.

Naupo siya sa kama, kinuha ang cellphone at tinanong kay mr. G****e ang ibig sabihin ng salitang ‘ligaw’. Sigurado siya sa sagot kanina,pero ng makita ang ibig sabihin nito na sagot ni mr. G****e. Nanlaki ang kanyang mata ,naiharap niya sa mukha ang phone at napatakip sa bibig.Hindi niya mapigilan na hindi mapaawang ang labi sa natuklasan.

There’s two posible answer,one is the one she answer a while ago .Ligaw means ,lost.But the other one,it says like courtship.Napatingin siya sa dingding sa banda ng kabilang apartment.

“ He wants to court me?”

Mahinang tanong niya sa sarili,ibinalik niya ulit ang mata sa screen ng phone . Balik ulit sa dingding,bumagsak ang balikat niya. Nasapo niya ang ulo,napahiga siya at iwinaksi ang ang mga paa sa ere.

“ Why are you being stupid again,how can you answer like that?” Napaupo ulit siya.” Wait,why would he court me anyway? We just met,but I like him though.Does this mean he likes me too?”

Napahiga ulit siya sa kama,ngayon padapa na at mahinang tumili.

Pero nang maalala ang kagagahan,sinabunutan niya ang sarili.Huminga siya ng malalim,naisip niyang kakausapin niya nalang bukas si Stanley at sasabihin dito ang totoong sagot niya. Sasabihin niya nalang na mali ang interpretations niya sa tanong nito.

Matapos makapagbihis ng pantulog,siniguro niya muna na naka-lock ang lahat ng pinto.Nagsasara na siya ng pinto sa terasa ng may mahagilap na bulto ng katawan sa kabilang apartment. Inilapit niya ang tainga,may naririnig kasi siyang kaluskos at mahihinang pag-uusap. Pero naglaho din ang mga boses,nang tingnan niya ulit ang kabilang terasa wala na din ang bulto na nnakita niya. Napahinga siya ng malalim at nagkibit balikat. Baka nagmamalikmata lang siya,sinara niya ang pinto.

Nahiga na siya,kinuha ang isang unan para mayakap at natulog na.

Mabilis na hinila ni Stanley si Chris patago ng mapansin na nar’on si Sianna at magsasara na ng pinto ng terasa. Kahit madilim kita niya ang pagkunot ng noo nito bago isara ng tuluyan ang pinto.

Nang lingunin niya ang kasama,nakangisi na ito at sumipol pa.

“ Stay out of this!”

Banta niya na ikinailing lang ng huli.

“ Go back Stan,you don’t belong here. You know your father won’t stop finding you,you are his only heir. Wala siyang tiwala sa iba,at kahit ano’ng tanggi mo. Your life is already determined,submit and just follow him.”

Nagtagis ang bagang niyang umiling.

“ Alam mong hindi na ako babalik pa,the moment I step out from that door. I’m not going back.”

“ Kung ang inaalala mo si Birkoff,you don’t need to worry. He’s out and hindi niya malalaman ang ginawa mo. Bumalik ka nalang bago pa mahuli ang lahat. You being close with someone,you know it will be dangerous.Sa buhay na mayr’on tayo,alam mong panganib lang ang maibibigay mo sa kanya.”

Chris look at the next door,shaking his head. Hinarang niya ang katawan ,kahit madilim masama ang tingin na binigay niya dito.

“ I know what I’m doing,just stay out of this.”

“Pinapaalalahanan lang kita,sa tingin mo makakaya ng isang ordinaryong tao ang kung ano mang buhay ang mayr’on tayo? “

Umiling si Chris sa kanya,lumapit ito at tinapik ang balikat niya.

“ Aalis na ako,kung ayaw mo siyang madamay ngayon palang layuan mo na siya.”

Umalis si Chris at naiwan siyang tulala sa labas. Marahas siyang napabuntong hinga,lumapit siya sa railing at kumapit doon. Tinanaw ang madilim na kalangitan.Tama ang sinabi ni Chris,mapanagnib ang buhay na mayr’on siya. Pero panoo nga ba lalayuan ang temtasyon na makita si Sianna kung magkatabi lang ang tinutuluyan nila.

Nilingon niya ang aparatment ni Sianna,nanikip ang dibdib niya sa isiping layuan ito. Tumingala siya at suminghap ng hangin ,bago nagpasyang pumasok sa loob at magpahinga na din.

Sianna woke up lively,she got up and fixed her bed. She cook her breakfast,nagtimpla na din siya ng kape. Matapos ang pagluluto ng pancake, nakita niyang marami-rami ang nailuto niya. Napangiti siya sa ideyang pumasok sa isip niya. Kumuha siya ng lagayan,kumuha ng tatlong pirasong pancake at tinungo ang pinto.

Naglakad siya papunta sa kabilang bahay,nakangiti siyang kumatok dito. Napapakagat labi siyang hinihintay na mapagbuksan. Maya maya naman ay bumukas na din ang pinto,napaawang pa ang labi niya sa nakita na tagpo.

Napatikhim siya ,itinaas ang plato na dala hanggang sa mukha niya at napayuko.

Hubad baro ang kaharap at halatang bagong ligo lang. Nakasuot lang ito ng boxer at walang pang itaas,nagpupunas pa ng basang buhok .

“ Ito oh,madami kasi ang naluto ko. Share tayo, saka ,masarap ‘to. Lutong Siannna!”

Narinig niya ang mahinang tawa nito,kinuha ni Stanley ang hawak niya. Kasabay nang maramdaman niya ang daliri nitong hinawakan ang kanyang baba at tinaas ang kanyang tingin dito.Hindi niya mapigilan na hindi mapalunok. She have seen a lot of naked body in her sex education lesson,pero iba pa rin pala talaga kapag kaharap na niya sa personal.Naikuyom niya ang palad ,parang gusto niyang haplusin ang katawan nito.

“ Salamat ,tamang tama hindi pa ako nag-aalmusal.Pero sana hindi ka na nag abala pa.”

Napailing siya ng sunod sunod,kinagat ng mariin ang labi bago magsalita.

“ Ayos lang,kaysa naman masayang hindi ko rin naman kasi mauubos.”

Nang tingnan niya sa mata si Stanley,nakagat niya na naman ang labi. Nakatingin si Stanley sa labi niya,nagtaas baba ang adams apple nito.Napaatras siya at tumikhim.

“ Sige balik na ako sa bahay,’yong plato pakibalik na lang pagkatapos.”

Tumango lang si Stanley na nakatanaw lang sa kanya. Tumalikod na siya at mabilis na naglakad pabalik sa apartment niya.Nang makapasok,napahawak siya sa dibdib dahil sa parang bigla siyang hiningal.Kinapos siya ng hininga,naalala niya kung pa’no tumingin si Stanley sa labi niya kanina. Napahawak siya labi,kinagat-kagat ito dahil parang biglang nangati.

Iwinaksi niya ang nasa isip,nagsimula na lang din siyang kumain.Narinig niya din ang pagbukas sara ng kabilang bahay. Marahil ay papasok na si Stanley sa trabaho nito. And speaking of trabaho,kailangan na pala niyang makahanap ng mapapasukan.

At ‘yon nga ang ginawa niya,matapos mag ayos umalis siya ng apartment. Maghahanap siya ng trabaho,nagsearch na din siya kung saaan pwede siyang maghanap . Nagtaxi siya papunta sa unang distinasyon,ng makarating sa lugar mabilis siyang bumaba.Nagtanong siya sa gwardiya kung totoo nga ang nabasa niya na hiring ang company. Nang sabihin nito na tama siya,pinapunta siya sa lobby at doon may nag assist na sa kanya. Nakita niya din ang mga kasabayan na naghahanap din ng trabaho. Ngumiti siya sa mga ito,pero sa sampong nar’on isa lang ang ngiting bumaliok sa kanya.

Ang iba kasi ay kinakabahan,ang iba ay busy sa pag aayos ng mga sarili. May nagme-make up,inaayos ang mga suot na damit. Napatingin siya sa suot niya,floral dress na lagpas tuhod at pinatungan niya lang ng gray coat. Napalunok siya sa ibang nar’on ang iba kasi na suot ng mga ito,kung hindi maiksi na skirt.Hapit sa katawan naman na dress. Secretary kasi ang pag-aaplyahan nila. Inayos niya ang pagkakatali sa buhok ng paunti unti ay umusad ang mga tao sa harap niya. Labas pasok ang mga tao sa isang opisina ,mismong president daw kasi ang mag-iinterview sa kanila. ‘yon ang sabi ng nag-assist sa kanya papunta dito.

Kinabahan siya ng malapit na at siya na ang kasunod ng biglang umiiyak na lumabas ang isang babae na ibinalik ang ngiti niya kanina.Napakunot ang noo niya,magulo kasi ang buhok nito. Wala sa ayos ang suot na dress. Katulad ng mga naunang pumasok at lumabas kanina,gano’n din ang ang ayos nito.Nagtataka niyang tiningnan ang pinto.

“ Ganon ba kahirap ang interview?”

Tanong niya sa likod niya,dalawa nalang kasi silang natira.

“ Malalaman mo,ikaw na din naman ang sunod eh.”

Sagot nitong inumang ang ulo ,tinatawag na pala siya. Huminga siya ng malalim,inayos ang suot at ang dalang resume.

Pinagbuksan pa siya ng babae ng pinto,nang makapasok nakita niya ang isang lalaki na kaharap ang loptop nito. Hindi manlang ito nag angat ng tingin sa kanya,hanggang sa makarating siya sa harap nito.

Sinulyapan siya nito ng isang beses bago ibinalik ang tingin sa ginagawa.

“ You’re hired!”

Umawang ang labi niya sa narinig.

“ S-sir?”

Hindi niya mapigilan na mapaatras,baka nagkamali lang siya ng dinig.

“ I said you’re hired”

“ What?—I mean. Hindi niyo pa nga ako na-interview sir. Hired agad, sigurado po kayo?”

Nag-angat ng tingin ang lalaki sa kanya,ngumisi ito at ikiniling ang ulo.

“ Why,you want me to take back my word.”

“No sir,nakakapagtaka lang po kasi. Nakita ko po ang mga pumasok at lumabas na mga babae kanina dito. Bakit po ako?”

“ Tsk,you ask too many question.”

Nakagat niya ang labi ng kinuha nito ang telepono at may tinawagan. Maya maya lang ay pumasok ang isang babae.

“ She will guide you,and you can start tommorow.”

“ May sakit ba ang amo niyo?”

Hindi niya mapigilang tanong ng makalabas na sila.

“ Just be thankfull na ikaw ang napili niyang secretary,masyadong mapili si mr. President lalo na at labas pasok lang ang mga nagiging secretary niya.”

Napatango na lang siya at hinayaan na igiya siya sa kung saan. Tulala pa rin siya at hindi maintindihan ang nangyayari.Nawewerduhan siya sa lalaki,tinanggap siya ng hindi manlang ini-interview. May ganoon pala,o baka naman binasa lang ang resume niya at nagustuhan nito ang nabasa. Pero wala namang kakaiba sa resume niya,bagong graduate at wala pang experience. Iyan ang nilagay niya doon.

Napabuntong hinga sayang pinakinggan nalang na nagsasalita si Jemma sa harap niya.

Oh well,this is a great day. I have a job now.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status