KINABUKASAN ng hapon ay nakaabang na si Miguel sa labas ng gate ng eskuwelahan. Nakasuot ito ng puting T-shirt na pinatungan ng black leather jacket at hapit na kupasing maong, prente itong nakaupo sa itim na motorsiklo. Nakapatong ang kanan nitong paa sa footrest ng motorsiklo at ang kaliwa naman ay nakatukod sa lupa. Ngumiti ito nang makita sila.
Parang gustong pulutin ni Annabelle ang puso niyang nahulog sa lupa nang mapagmasdan ang guwapo nitong mukha.
“Whoa, Annabelle! Tama ba ang nakikita ko? Si ano ’yan, ’di ba?” usisa ni Jenny.
“Si Miguel,” pagkumpirma niya at gumanti ng ngiti sa binata.
Mataman siyang tinitigan ni Jenny. “Ba’t parang may naalala akong sangkatutak na paalala at babala tungkol sa mga taga-Maynila? Sino nga ba’ng nagsabi niyon?”
“Tigilan mo nga ako. Nagmamagandang loob lang ’yong tao. Baka may babaeng nakababatang kapatid, na-mi-miss lang kaya mabait sa akin.”
“Asus! Iba, e! Iba. Tingnan mo nga ’yang ngiting ’yan,” anito na sinulyapan ang binata. “Ngiting tagumpay!”
“Shhh! Baka marinig ka. Nakakahiya. Baka isipin niya kinikilig ako.”
“Bakit? Hindi nga ba? Naku! Tigilan mo nga ako, Annabelle,” sabay sundot sa tagiliran niya. “O sige, magta-traysikel na lang ako. Ayoko namang maging chaperone.”
“Sigurado ka? Puwede naman tayong dalawa sa motor niya, e,” nag-aalala niyang tanong dito.
“Ay, huwag na, oy! Three is a crowd. Marami naman akong kilalang driver d’yan,” anito.
“Pasensiya ka na, sis, a?”
“Ayos lang ’yon. Puwede naman akong sumabay kay Papa o mag-traysikel. Mabuti nga at may progress na ’yang love life mo. Hindi puro pag-aaral lang ang inaatupag mo. Sige na, babush na! Mag-iingat kayo, ha?”
“Mag-iingat ka rin,” paalam ni Annabelle at lumapit kay Miguel.
“Good afternoon, Sir.”
“Good afternoon. Saan na nagpunta ang kaibigan mo? Hindi ba siya sasabay?”
“Hindi na daw po.”
Tumango ito. “Nagugutom ka ba? Meryenda muna tayo. Maaga pa naman.” Sumulyap ito sa relo.
“Ikaw po ang bahala,” nahihiya niyang sagot.
“Marunong ka bang umangkas dito?”
“Medyo po. May motor kasi ang tito ko.” Ang totoo’y dalawang beses lang siyang nakasakay sa ganoon. Hindi niya alam kung naaalala niya pa kung paano.
“Halika.” Nakatagilid itong humarap sa kaniya para tulungan siyang makaangkas. Kinuha nito ang bag ng dalaga at sinabit sa kaliwang manibela. Napakislot si Annabelle nang hawakan nito ang binti niya para iapak sa footrest.
Ramdam niya ang init ng mga palad ni Miguel nang dumaiti sa balat niya.
“Sorry. Basta huwag mong likutan ang mga paa mo. Apak ka lang d’yan. At kumapit ka nang maigi sa akin. Mahirap na, baka kung saan ka pulutin,” nakangising sabi nito.
Nang paandarin ng binata ang motorsiklo, napayapos si Annabelle sa baywang nito sa takot na baka kung saan na nga siya pulutin. Ang sarap hawakan ng tiyan nito, flat and firm. Naisip niya kung ano kaya ang pakiramdam ng hubad nitong katawan. Mga matitigas na brasong nakayakap sa kaniya habang bumubulong ng mga salitang masarap sa tainga.
“Annabelle?” untag nito sa kaniya.
“H-ha? Bakit po?”
“Okay ka lang ba d’yan?”
“A-ayos lang po, Sir.” Nahihiya siya sa sarili. Ang landi ng isip niya! Pagpantasyahan ba naman si Sir? Nagpokus na lang siya sa pagkakahawak sa baywang nito.
NAGING routine na nila iyon araw-araw. Mas nagiging close na rin sila. Nakilala na niya ito nang maigi at nalaman niyang palabiro din pala ito. Taliwas sa akala niyang napakaseryoso.
Nakilala rin ni Annabelle ang malapit nitong kaibigan na kasamahan din sa trabaho, si Rudy. Ito ang maputing sundalo na type ni Jenny. Sumama itong magmeryenda isang hapon. Mapagbiro ito, madaldal, at palakuwento, iyong tipong hindi nauubusan ng paksa.
Umalis sandali si Miguel para magpagasolina kaya naiwan sila ni Rudy.
“Alam mo, magaling na sundalo ’yang kaibigan ko. Kapag may bakbakan, siya lagi ang nasa frontline,” pag-uumpisa nito.
“Ano pong frontline?” Interesadong nakinig si Annabelle.
“Frontline, ’yan ang tawag sa mga sundalong nasa first line. Sila ang pinakamalapit sa lugar kung saan may barilan. Sila ang unang humaharap sa mga kalaban.”
Napasinghap siya sa narinig. “Pero masyadong delikado ’yon, ’di ba?”
“Oo naman. Pero bilib ako d’yan sa kaibigan ko. Hindi pa ’yan napuruhan kahit kailan. Parang kinakain niya lang ’yong mga bala ng kalaban. Kaya nga kahit bata pa, naging officer na,” pagmamalaki nito.
Hindi niya maiwasang makaramdam ng paghanga at higit sa lahat ay pag-aalala kay Miguel. Kahit sabihing magaling ang lalaki, hindi ibig sabihin ay lagi itong ligtas sa panganib.
KUMUHA sila ng airline tickets for two to Chicago the next day pagkatapos ng madamdamin nilang tagpo. At dahil flight na nila kinabukasan, nandoon si Annabelle ngayon sa SSA, sa private room ng binata. Kasama ni Miguel si Anton sa opisina at abala ang mga ito sa endorsements ng mga gawain sa kompanya. Si Anton na muna ang mamamahala ng SSA habang wala si Miguel.Naaliw siyang pagmasdan ang mga interior ng kuwarto. It was a total opposite of the SSA office. Kung sophisticated and very manly ang dating niyon, ang kuwarto naman ay cozy. Tila hindi iyon parte ng opisina.She got a glimpse of a familiar thing sa isang glass shelf. Napasinghap ang dalaga nang masiguro kung ano ang bagay na iyon.“Mon-Mon . . .” Maingat itong nakalagay sa isang plastic transparent box. Hindi niya inakalang matatagpuan ang laruang iyon sa kuwarto. Katabi niyon ay isang red velvet box.
NAPUTOL ang pakikipag-usap ni Miguel sa telepononang maulinigan ang tila pagtatalo sa labas ng opisina niya. Tatayo na sana siya para silipin iyon nang biglang bumukas ang pinto.“Sir! Hindi po talaga puwedeng makausap si Mr. Saavedra sa ngayon,” saad ng guwardiya habang pinipigilang pumasok ang lalaking bisita.“This is very important. I need to talk to him right now!” paggigiit ng lalaki. He could see in his face na hindi ito titigil hangga’t hindi siya nakakaharap.“Its okay, Jay,” he interrupted. “Papasukin mo siya.”Binitiwan ng guwardiya ang braso ng lalaki at hinayaang pumasok sa loob. The man stretched his back and fixed his clothes in a smug way.“And you are?” tanong niya rito.“Huh! So hindi mo na ako nakilala?” panimula nito.
ALAS-singko ng umaga, nagising si Fred sa ring ng cellphone niya. Pupungas-pungas niyang sinagot ang tawag.“Hello, Anna? Good morning.”“Fred . . .” Garalgal ang boses ng nasa kabilang linya kaya tuluyan na siyang nagising.“What happened? Umiiyak ka ba?”“Please, sunduin mo ’ko.”“Hey, Anna, what happened?”“Saka ko na ipapaliwanag sa iyo. Just please, come here.” Binigay nito ang eksaktong address ng resort. Hindi na siya nagdalawang-isip pa at pinuntahan ang babae.“I SWEAR I’m gonna kill that bastard!” Galit na naisuntok ni Fred ang kamao sa manibela.“Fred, it’s fine. I’m fine.”“No, Annabelle! It’s definitely not okay! Pagkatapos ng
NAKALUTANG si Annabelle sa mababaw na bahagi ng beach in a supine position. Ang pares ng kaniyang mga mata ay diretsong nakatanaw sa madilim na kalangitan. Pagkatapos nilang umalis ni Jenny sa restobar ay naglakad-lakad na lamang sila. Naalala niya ang sabi nito.“Hindi ako makapaniwalang nagawa niya ’yon!” inis na sabi ni Jenny. “Napakaespesyal ng kantang ’yon. Lagi kong pinaniniwalaang may feelings pa siya sa iyo. But after what he did tonight? Argh! Malilintikan talaga sa akin ang lalaking ’yon!” nanggigigil na sabi nito.“Jenny, huwag na nating pilitin ang ayaw na. Anyway, before ako nagbalik, alam kong mangyayari na ito.” ‘Pero hindi ko inakalang ganito pala kasakit,’ dagdag niya pero hindi na isinatinig.Mag-aalas-onse na ng gabi nang maghiwalay sila. Hindi pa siya inaantok kaya napagpasyahan niyang magtampisaw muna sa dagat. Iilan na lang ang nakik
UMAGA ng pangalawang araw nila sa beach. Alas-singko pa lang ay dilat na ang mga mata ni Annabelle. Madaling araw na siya nakatulog pero hindi niya alam kung bakit maaga rin siyang nagising. Nag-inat siya, nag-toothbrush, at naghilamos. Lalabas siya, siguradong kasisikat pa lang ng araw.Hindi nga nabigo ang dalaga. Paglabas niya ng cottage, sumalubong sa kaniya ang pang-umagang ihip ng hangin. Napangiti siya nang makita ang araw na kasisilip pa lang. Patakbo niyang pinuntahan ang dalampasigan.Wala pa masyadong tao roon pero may nakikita siyang magkapareha na naliligo sa unahan.Naghubad siya ng tsinelas at pumunta sa dagat. Huminto siya kung saan naaabot ng alon ang mga paa, dinama niya iyon. Para siyang batang nilaro-laro ang mga alon.Ang sarap bumalik sa pagkabata. Kung kaya niyang ikutin ang panahon, hindi siya magdadalawang-i
“GOOD afternoon, Ma’am. Anong item po ang hanap n’yo?” magiliw na bati ni Annabelle sa babaeng pumasok sa hardware nila. Pinauwi niya ang kaniyang ina para makapagpahinga kaya siya muna ang nakatoka roon.“So you’re Annabelle,” sabi nito sa halip na sagutin siya.Napakunot-noo siya. “Yes, I am. And you are?”“I’m Nancy Alcantara, daughter of Counselor Alcantara,” taas-noo nitong pakilala. Naalala niya ang sinabi ni Jenny. Ito pala iyon. Maganda ito, matangkad, medyo morena pero pantay. Gaya ng sabi ni Jenny, may hint ng pagka-bitch.“How may I help you, Miss Alcantara?” she asked.“Nothing, I just want to . . .” tila nag-iisip pa ito ng maidadahilan, “check if you’re fine now. I was with Miguel noong sinugod ka sa hospital.”“I am well now, thank you.” Parang hindi nama