Home / All / SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog) / CHAPTER 6: CRESTRIA LIGHT'S SWORD

Share

CHAPTER 6: CRESTRIA LIGHT'S SWORD

Author: Plumarie02
last update Last Updated: 2021-07-12 20:20:06

HISTORIA'S POINT OF VIEW,

Kinabukasan, maaga akong ginising ng isang katok sa aking pintuan. Kahit na antok na antok pa ako ay pinilit kong tumayo. Tinali ko muna ang buhok ko bago ako nagtungo sa pinto at saka ito binuksan.

“Goodmorning Ms. Historia, ito po ang iba n’yo pang gamit. Galing po ang mga ’yan kay Ms. Felicia.” Bungad agad sa akin ng isang babae na parang kaedaran ko lang. Nakayuko ito sa akin at sa tingin ko ay hindi ito estudyante base na rin sa kaniyang suot.

“Nanggaling ba rito ang pinsan ko?” pagkaklaro ko sa kaniya.

“Paumanhin po ngunit pinadala lang po ang kahon na ito at ayon sa sulat ay ibigay raw po namin ito sa ’yo,” paliwabag n’ya.

Napabuntong-hininga ako, “maraming salamat.” Kinuha ko ang kahon sa kan’ya.

“Pinasasabi rin po ni Mr. Howard na pupunta s’ya rito upang samahan ka sa bayan,” saad n’ya. Tumango ako sa kan’ya.

“Uhm! Maraming salamat,” sagot ko ulit sa kaniya, tumango ito at umalis na.

Sinara ko ang pinto at tumungo sa kama at saka nilapag ang kahon. Binuksan ko ito at tumambad sa aking harapan ang mga gamit ko sa kwarto ko sa totoong mundong pinanggalingan ko. Kinuha ko ang papel sa ibabaw at binasa.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

    Historia,

       Naisipan kong ipadala ang mga gamit mo sa lamesa ng kwarto mo. Nand’yan ang salamin, suklay, alahas at iba pa na alam kong mahalaga para sa ’yo. Hindi mo kailangan ang iba d’yan ngunit alam kong may mahalagang gamit d’yan na tiyak na kakailanganin mo at sobrang mahalaga para sa ’yo. Patawarin mo kami, Historia. Alam kong darating ang araw na maiintindihan mo rin ang ginawa namin. Take care, Historia. I love you!

Felicia,   

Love      

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Napabuntong-hininga na naman ako. 

‘Alam kong may dahilan kayo, iintindihin ko.’

Sinalansan ko ang mga gamit ko sa study table ko kasama ang salamin ko na hindi kalakihan. Isa itong bilog na may stand. Tinabi ko ang kahon sa ilalim ng kama ko, in case na kailanganin ko. 

Nasalansan ko na ang lahat maliban sa box ng jewelries ko. Kinuha ko ito at binuksan. Bumungad ang maraming hikaw, singsing, pulseras at kwinta. Pumukaw sa pansin ko ang isang gintong kwintas na may diamond pendant— kwintas na galing sa lola ko. Sa lahat ng kwintas, ito ang pinakamahalaga sa akin. Ang nakapagtataka lang ay may semi curve line ito sa gitna at sa loob niyon ay may letrang ‘c’. Ang pangalan ng lola ko ay Aria kaya nakapagtataka na lertang ‘c’ ang nakaukit dito.

Sinawalang bahala ko na lang ang pagtataka at napagdesisyunang nang maligo.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Nagsuot lang ako ng light pink na dress na hanggang tuhod at naglagay ng lip gloss sa labi— lagi itong nag-da-dry kaya naglalagay ako ng lip gloss. Sinuklayan ko lang ang buhok ko at hinayaan ko na lang na nakalugay. Kinabit ko ang kwintas na sinasabi ni Howard na puso ni Gab sa leeg ko at sinuot ang flat shoes ko na white. Lumabas na ako at ni-lock ang pinto. 

Pagkabukas ko ng main door ay bumungad sa aking harapan si Howard.

“A-Ah, k-kanina ka pa ba nand’yan?” gulat kong tanong.

“Sakto lang, Historia.” Nakapamulsa ito at seryoso. Tumango ako at sinarado ang pinto. Saktong pagharap ko kay Howard ay paglabas ng isang lalaki sa kaharap na pinto ng dorm naming mga babae— ang dorm ng mga lalaki.

Lalaking matangkad, kulay abo ang buhok, maputi at naka-uniform. Nagtama ang mga mata namin ngunit sandali lang, ang brown niyang mga mata ay may kakaibang impact sa akin.

“Levi,” pagbati ni Howard na kinatango lamang ng lalaking tinatawag niyang Levi. Umalis na rin ito agad na para bang hindi ako nag-exist sa mga mata niya.

“Historia?” agaw ni Howard sa pansin ko.

“Hmm?” tanong ko.

“Tara na?” tanong n’ya.

“A-Ah, oo,” nahihiya kong sagot. Masyado akong na-distract sa lalaking ’yon. Tsk.

May nilabas s’yang yellow crystal — isang portal. 

“Dito tayo daraan patungong bayan,” saad n’ya na kinatango ko. Kinumpas n’ya ito nang pabilog na hugis at nagbukas ang portal.

“Alam kong hindi ka pa sanay. Kumalma ka lang at huminga ng malalim bago ka pumasok ng portal upang hindi ka mawalan ng malay,” paliwanag n’ya.

Tumango ako at ginawa ang sinabi n’ya.

“Hihintayin kita.” Pumasok na s’ya sa portal.

Pumikit ako at kinalma ang sarili ko, nang handa na ako ay pumasok na rin ako sa portal. Agad akong nakarating sa tabi ni Howard ngunit may hilo pa rin akong nararamdaman na naging dahilan ng pag-out of balance ng katawan ko. Buti na lang ay mabilis akong nasalo ni Howard. Napatitig ako sa mukha nito at ramdam ko pa rin ang hilo. 

Pumikit ito at bumigkas, “Summoning the Goddess of Healing— Caburayan, lend me your strength. Healing proper sphere. Release!”

Humangin ng malakas kasabay ng unti-unting pagkatanggal ng hilo ko. Dahan-dahan akong tinayo ni Howard. Nang maka-adjust ay bumitaw na ako sa pagkahawak ni Howard.

“Maraming salamat,” nahihiya kong turan.

“Ayos lang, hindi ka pa sanay. Normal lang ’yan. Nandirito na tayo sa bayan. Tara na,” pag-aya n’ya sakin. Nauna na ito kaya sumunod na lang ako.

Una naming pinuntahan ang bilihan ng training gear, doon ko pa lang naalala na wala akong pera pero sabi n’ya na may dala s’yang pera na para sa akin talaga kaya wala raw akong dapat ipag-alala. Marami kaming pinuntahan na tindahan at nagpumilit s’ya na s’ya na lang ang magdadala ng mga pinamili namin kaya hinayaan ko na lang s’ya.

Pumasok ulit kami sa isang tindahan— tindahan ng mga espada.

“Anong hanap n’yo, Howard?” bungad na tanong sa amin ng isang matandang lalaki.

“Mang Pio! Hinahanap po namin ang espadang babagay sa babaeng kasama ko,” sagot ni Howard. Magkakilala pala sila. I mean, lahat naman yata rito kilala n’ya.

“Hmm.” Nilagay nito ang daliri n’ya sa tapat ng bibig n’ya na tila nag-iisip. 

“Alam n’yo na ba ang kapangyarihan n’ya?” tanong ni manong.

“Bagong estudyante po ang kasama ko. Hindi pa namin nasusubukan ang kakayahan n’ya,” sagot ni Howard.

“I see.” Tumango-tango si manong sa sagot ni Howard.

“Hayaan natin s’yang sumuri sa mga espada,” saad ni manong na kinatango ni Howard. Binalingan ako ng tingin ni manong. 

“Malalaman mo na pagmamay-ari mo ang isang espada kapag naramdaman mo ang kuryenteng dumadaloy sa espada patungo sa iyong utak,” paliwanag ni manong habang nakaturo sa sintido niya. Tumango ako at sumunod kay manong. Lumingon ako kay Howard at tumango naman ito.

Lumapit ako sa mga nakahelerang espada na nasa isang mahabang lamesa. Dahan-dahan kong hinawakan ang nasa pinakaunahan. Isang nakabibinging ingay ang narinig ko kaya agad ko itong binitawan. ‘Mukhang ayaw n’ya sa ’kin.’

Sunod-sunod kong hinawakan ang mga espada ngunit pinapakita ng mga ito na ayaw nila sa ’kin. Napabuntong-hininga ako.

“Hey! Don't lose hope. Marami pang espada.” Pagpapagaan ni Howard sa loob ko.

“May ipasusubok ako sa ’yo,” saad ni manong at pumasok sa isang pinto. Paglabas nito ay may dala-dala na s’yang isang itim na espada. Nilapag n’ya iyon sa lamesa. 

“Crestria's Light?!” gulat na tanong ni Howard.

“Lahat ng sumubok hawakan ’yan ay walang nagtagumpay. Walang mawawala kung susubukan n’ya,” kalmadong pahayag ni Manong Pio.

Sinuri ko ang espada, maganda ito at malaki. Ang hawakan nito ay pabilog ang dulo at pakpak ng angel ang kabilang dulo na nagdurugtong sa hawakan at sa metal. Ang metal nito ay patulis ang dulo at sa katawan ng metal ay may nakaukit na maliliit na bulaklak. Kumalabog ang dibdib ko.

“Subukan mo, Historia,” saad ni Howard. Ramdam ko ang pagkabahala sa boses ni Howard.

Crestria's Light? Ano bang mayroon sa espada na ito para magkaganoon si Howard.

Hinawakan ko ito at inangat, may kabigatan pero nang tuluyan ko na itong maangat ay bigla itong gumaan. May biglang dumaloy na kuryente mula sa espada patungo sa kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko at may kung anong enerhiyang pumapasok sa katawan ko patungo sa utak ko. Nakaramdam ako ng pagtibok ng mata ko patungo sa utak ko. 

Lumiwanag ang espada at lumikha ng malakas na hangin.

“Historia!” sigaw ni Howard. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 63: REVEALATION

    HISTORIA'S POINT OF VIEW, "What's wrong with you?" tanong niya sa akin habng sinusundan ako. "No, what's wrong with all of you?" tanong ko pabalik sa kaniya at saka siya hinarap. Kitang kita ko ang pagsusumamo sa mga mata niya pero wala na akong ibang nararamdaman kung hindi galit at sobra na akong naguguluhan sa mga nangyayari."You should listen to me, you need to listen to me. Not everyone here is your friend, you need to teach yourself not to trust someone. Lalong lao na yung transferee na yon!" frustrated niyang sagot sa akin. Napasinghap ako at sarcastic na tumawa. "Wow! Just wow! Coming from you! Coming from someone like you!" sagot ko at sinabayan pa ng pagpalakpak na tila ba natutuwa ako sa sinabi niya. Nagulat siya sa naging sagot ko at halata ang pagkalito sa hitsura niya."Historia I'm sorry I-""Stop! Shut up Levi! Hindi ko kailangan ng sorry mo or kahit na sino sa inyo. Ang gusto ko ay malaman ang nangyari sa kuya ko sa eskwelahan na ito. Anong mayroon sa inyong tatl

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 62: TRANSFEREE

    HISTORIA’S POINT OF VIEW, Habang naglalakad kami patungo sa Cafeteria ay napapansin ko ang tingin ng mga kapwa namin estudyante sa kasama kong lalaki. Minsan pa ay nagbubulungan sila pero dinig na rinig ko naman ang mga sinasabi nila. “Bakit kasama ni Historia ang transferee na iyan? Baka may masamang binabalak iyan sa eskwelahan natin,” dinig kong bulong nang naraanan naming babae kasama ang kaibigan niya. Napaisip naman ako dahil sa narinig, kaya pala hindi familiar ang mukha niya dahil transferee lang siya. Kung ganoon, saang eskwelahan siya galing? Kaya ba pinag-uusapan siya ng mga kapwa naming estudyante? Napalingon ako sa kaniya at bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatingin din siya sa akin. Napaiwas ako ng tingin at bahagyang namula, kanina pa siya ganiyan kung makatingin sa akin. Napamaang ako nang tumabi siya sa akin, kaya sabay na ang lakad naming dalawa. “Nagdududa ka rin ba sa akin?” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tanong niya. “Hindi naman, pero nga

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 61: DISCOVER

    HISTORIA’S POINT OF VIEW, Pagkatapos ng nangyari sa aming dalawa ni Levi kanina hindi na kami nakapag-usap pa nang maayos dahil tunog ang bell hudyat na simula na ang klase. Dumiretso ako sa classroom ko at gaya ng inaasahan ay mailap ang mga kaklase ko sa akin. Minsan ay nahuhuli ko ang mga tingin sa akin ni Persia pero pinagsawalang bahala ko lang iyon. Hindi pa ako handa na kausapin siya o pakinggan ang paliwanag nila. Pagkatapos ng klase namin nang umaga ay agad akong bumalik sa office ng Head Mistress, kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong malaman ang lahat dahil ayaw ko nang maging tanga. Ayaw ko na pinagmumukha akong tanga. Pagkarating ko sa harap ng pintuan ng office ng Head Mistress ay agad akong kumatok, pero nakakailang katok na ako ay wala pa ring sumasagot. Pinihit ko ang doorknob at nagtaka ako nang bumukas ito palatandaan na hindi naka-lock sa loob. Nagkibit-balikat lang ako at pumasok na sa loob kahit na alam kong wala a

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 60: MOMENT

    HISTORIA’S POINT OF VIEW, Napalingon ako sa likuran ko at kitang kita ko si Levi na hingal na hingal habang nakahawak sa mga tuhod niya. Tagaktak ang pawis niya at halatang galing siya sa pagtakbo. Pinunasan ko ang luha ko at nagtatakang nakatingin sa kaniya. Anong ginagawa niya rito? “Levi? Ano namang problema mo, Ijo?” tanong sa kaniya ni Head Mistress na animo’y may pinahihiwatig. “Please accept my apologies for disturbing your conversation, but can I take Historia with me?” seryosong tanong ni Levi na naging dahilan ng paglaki ng mga mata ko. Really?! Ang kapal naman ng pagmumukha niya para hingiin ako, I mean isama ako. Napalingon ako kay Head Mistress at napansin kong tila nakahinga siya ng maluwag pero mabilis din iyong napalitan ng takot nang may marinig kami na kung anong bagay ang nahulog mula sa kwarto na nasa loob lang ng office ng Head Mistress. “Of course, you can. Sa tingin ko ay may mga daga na rito sa office ko, mukhang kailangan ko nang ipalinis ang buong offic

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 59: SHE'S DEAD

    LEVI’S POINT OF VIEW,Napatigil ako at napatitig sa mukha niya, tila bumagal ang buong paligid. Nakatitig lang ako sa kaniya habang nililipad ng hangin ang mahaba niyang buhok na paminsan-minsan pa ay humaharang ang ilang hibla ng buhok niya sa kaniyang mukha.She's gorgeous as fuck!Tumingin siya sa akin at nanlaki ang mga mata ko nang lumipad siya patungo sa direksyon ko. Naging alerto ako at hinanda ang espada ko pero nang aamba ko na ang espada ko ay bigla siyang naglaho sa harapan ko. Napangisi ako, kahit na hindi ko siya nakikita ay nararamdaman ko kung na saan siya.Nagpalinga-linga ako sa paligid, nagkukunwari na hinahanap siya ng mga mata ko. Nang maramdaman ko na ang presensya niya na papalapit sa akin ay mabilis akong lumipad.“I’m summoning the God of Seasons— Mapulon, lend me your strength! Leaves proper sphere, release!” sigaw ko at nag

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 58: REVEALED

    HISTORIA’S POINT OF VIEW,Napatitig ako sa mga mata niya. Ito ba ang gusto mo, Levi? Ang nakikita akong nasasaktan? Puwes ipakikita ko sa iyo kung paano ako masaktan!“Ahh!” sigaw ko at mabilis na siyang tinulak palayo sa akin at saka humarap sa Fear Black na umatake sa akin sa likuran ko.Sunod-sunod ang pagwasiwas ko sa espada ko habang sunod-sunod silang nahahati dahil sa pagtama ng espada ko sa tagiliran nila. Galit na galit ako, gusto kong ilabas ang lahat ng galit ko.Nawalan ako ng balanse dahil sa biglaang pagtalsik ko nang tamaan ako ng black magic sa balikat.“Historia!” rinig kong sigaw ni Trigger. Lumapit silang dalawa ni Warren sa akin at tinulungan akong tumayo. Hingal na hingal ako habang nakayuko at pilit na pinapatatag ang mga binti ko.Nagpupuyos ako sa galit, hindi ko na makontrol pa ang sarili ko.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status