SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)

SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)

last updateLast Updated : 2024-03-25
By:  Plumarie02Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
63Chapters
7.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

SCHWERT ACADEMIA The Parallel Dimension is the existing world full of magic and various elements. Each nation has its own identity and elements assigned. The Avanguard is a country covered by the Parallel Dimension. The focus of Avanguard is the use of magics and various kinds of sword. Read at once to discover the hidden secrets of the SCHWERT ACADEMIA.

View More

Chapter 1

CHAPTER 1: TREE OF PORTALS

HISTORIA SNAPE'S POV,

Tunog ng kutsara at tinidor na sumasalpok sa babasaging plato lamang ang maririnig sa buong dining area. Lahat kami ay tahimik na kumakain, walang nagtatangkang magsalita. Ganito ang laging senaryo sa aming kusina na nakasanayan ng aming pamilya. Ngunit sa oras na ito, iba ang nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan ang kabang lumulukob sa akin. Napabuntong-hininga ako.

"Anong problema Historia?" tanong ni daddy. Pumikit ako at nagbuntong-hininga na naman.

Napatigil sa pagkain ang mga kasama namin sa lamesa at hinihintay ang sagot ko.

"Alam kong may gusto kayong sabihin sa amin. Ano po 'yon?" magalang kong tanong. Inilapag ni daddy ang hawak n'yang kutsara at tinidor tsaka pinunasan ng tissue ang kan'yang bibig.

This time, si daddy na ang nagpakawala ng buntong hininga. Tinitigan ako nito sa mata na ginawa ko rin sa kan'ya. Nakipagsukatan ako nang tingin kay daddy hanggang sa s'ya na mismo ang sumuko. Umiling-iling s'ya sa katigasan ng ulo ko.

"Lilipat ka na ng school, kailangan mo ng mag-aral sa Schwert. Gusto kong mas hasain mo pa ang kakayahang mayroon ka. I need you to go with your cousins," kalmado n'yang saad. Kinuyom ko ang kamao ko at napayuko.

"N-Nakalilimutan n'yo na ba ang nangyari kay Kuya Angelo? Nakikita n'yo ba ang kalagayan n'ya ngayon? He's in coma, for Pete's sake! Dahil sa lintek na eskwelahan na 'yan!" hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagsigaw na nakapagpasinghap sa lahat.

"You're shouting, Historia!" kalamadong sita ni daddy. Sinenyasan naman ako ni mommy na kumalma.

"S-Sorry," tanging naiusal ko.

"Unang-una sa lahat, isa kang Snape. Ang pamilya natin ay may kapangyarihang tinataglay. Tayo ay isa sa nabigyan ng mission upang protektahan ang bansa ng Avangard laban sa mga gustong sumira at umangkin sa yamang nakatago doon. Pangalawa, isa kang itlog na hindi pa napipisa. Hindi mo pa alam ang lahat nang dapat mong malaman at matutunan. Pangatlo, paano natin malalaman kung anong tunay na nangyari sa kuya mo kung tutunganga ka rito? Wala kaming makalap na impormasyon dahil may pilit na pumipigil sa pag-iimbistiga ng mga tauhan ng pamilya natin. Alam kong hindi sapat ang mga naituro ko sayo pero alam kong isa ka ng ganap na babae, handa ka na. Alam kong kaya mo na," mahabang paliwanag ni daddy.

Tila nagising ang natutulog kong utak sa mahabang explanation ni daddy. Tumahimik ang paligid at walang nagtangkang gumawa nang ingay.

"Kung gayon ay nakahanda na ang lahat, tama po ba?" tanong ko.

Tumango si daddy at mommy. Pinasadahan ko nang tingin ang mga kasama namin dito sa dining- buong angkan ng Snape. Sigurado akong makakasama ko ang mga pinsan ko sa eskwelahan na 'yon. Napabuntong-hininga na naman ako.

"Excuse me po, busog na ako." Tumayo ako at dumiretso na sa kwarto ko.

Pabagsak akong humiga sa kama ko at tumitig sa kisame. Pumasok sa isipan ko ang imahe ng aking kuya noong inuwi siya rito nina daddy. Sobrang putla n'ya at nangulubot ang balat na animo'y isang matanda.

'Paano at saan ba ako dapat magsimula Kuya Angelo? Naguguluhan ako. Ano ba talaga ang totoo?' saad ko sa isipan ko. Napapikit ako at napabuga ng hangin. Dumapa ako at sinubsob ang mukha sa unan. Kumuyom ang kamao ko at nagsimula nang ilabas ang sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko pwedeng bisitahin ang aking kuya sa kabilang kwarto. Nang unang beses na nagplano akong hawakan siya ay bigla akong napaso at nagmarka ang hawak ko na nagmistulang sunog sa kaniyang balat. Walang makapagbigay ng paliwanag sa nangyari kaya ngayon ay hindi ko magawang sulyapan ang aking kapatid.

Kung pagpasok sa eskwelahan na 'yon ang kailangan kong gawin upang malaman ko ang totoo ay gagawin ko. Gagawin ko ang lahat para mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kuya ko. Aalamin ko ang sikretong nakabalot sa aking hawak na apelyido.

Biglang pumasok sa isipan ko ang kwento ni daddy tungkol sa kanila ni mommy.

Sebastian Snape at Florida Hist ang pangalan ng magulang ko. Sikat at malakas na couple sa eskwelahan na nagngangalang Schwert Academia. Sa sobrang tunog ng mga pangalan nila, marami ang may galit sa kanila. Kung gayon, may posibilidad na ang mga kaaway ng magulang namin ang gumawa no'n kay kuya. Hindi ko lang maintindihan, bakit kailangan din namin pumasok doon kung may banta sa pamilya namin?

Nahulog na ako sa malalim na pag-iisip hanggang sa lamunin ako ng antok.

Kinabukasan, maaga akong ginising ni Manang Rosa upang mag-ayos ng aking sarili. Ngayong araw din na ito ang aming pag-alis. Nakahanda na ang lahat ng bagay na kailangan namin. Halatang sigurado na si daddy tungkol dito. Pinaliwanag ni daddy ang mga dapat naming malaman simula sa portal na aming papasukan hanggang sa Academia. Bumuntong-hininga ako at muling sumulyap sa buong bahay.

'Babalik ako. Sa pagbabalik ko sinisiguro kong babalik sa ayos ang lahat... Kuya Angelo.'

Sumakay na ako sa Van at hindi na muling nilingon ang labas. Kasama ko ang mga pinsan ko dito sa Van. Tama nga ang iniisip ko.

"Historia, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Ate Felicia- ang panganay sa aming magpipinsan.

Tumango naman ako. "Ayos lang ate."

"Gusto mo bang matulog muna? Mahaba raw ang biyahe patungo sa Tree of Portals," saad naman ni Herecie- kaedad ko lamang siya.

Tumango ako at hindi na muling nagsalita. Ipinikit ko ang mata ngunit hindi ako makatulog. Iniisip ko kung anong buhay ang naghihintay sa akin sa eskwelahan na iyon. Nag-ensayo ako sa paggamit ng mahika at espada ngunit hindi sapat ang knowledge na mayroon ako.

'Kuya, gabayan mo ako.'

Natauhan ako sa malalim na pag-iisip ng sumigaw si Aliyana na sinundan ng halakhak ni Havoc. Hindi ako nagmulat ng mata at nagkunwari na lang na natutulog.

"Ang ingay n'yo! Natutulog sina Historia at Kinaro," sita ni Ate Felicia. Hindi ko na narinig ang usapan nila dahil nilamon na ako ng antok.

Nagising ako sa mahinang yugyog sa balikat ko. Iminulat ko ang akin mata at bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Kinaro.

"Nandirito na tayo, bumangon ka na at ayusin ang sarili mo," sambit nito at umalis na sa harapan ko.

Huminga ako ng malalim. 'Ito na, malalaman ko na ang mga nais kong malaman.'

Bumaba ako sa Van at kinuha ang maleta ko. Dumiretso ako sa kinaroroonan ng mga pinsan ko. Nasa bukana na sila ng butas na mistulang kweba ang itsura sa katawan ng Tree of Portals- higanteng puno na kumukutitap ang paligid. Saang lugar ito? Ngayon ko lang nalaman ang lugar na ito. Napakaganda at ang sarap ng simoy ng hangin dito.

"Kompleto na tayo, wala na ba kayong nakalimutan sa Van?" paninigurado ni Ate Felicia. Tumango kaming lahat.

"Kung gayon, tara na. Naghihintay na ang gold portal patungo sa Academia," saad ni Havoc.

Pinangunahan ni Mang Caesar ang pagpasok sa puno. Namangha ako sa nasilayan pagkapasok namin sa loob. Kung titignan mo ang puno sa labas, higante subalit hindi katabaan ang katawan. Ngunit ang loob ng katawan nito ay sobrang lawak, animo'y isang basketball court ang laki.

Kitang-kita ko rin ang pagkamangha sa itsura ng mga kasama ko. Nilibot ko ang aking tingin sa paligid. Ang daming portal, iba't iba ang kulay. Pero ang sabi ni daddy ay gold ang aming dapat pasukan. Huminto kami sa tapat ng gold portal.

"Hanggang dito na lang ako mga bata. Hindi ko na kayo masasamahan sa loob. Mag-iingat kayo," nakangiting saad ni Mang Caesar. Tumango kami at ginawaran siya ng ngiti. Nauna na si Ate Felicia sa pagpasok sa portal na sinundan naman ni Kinaro hanggang sa ako na lang ang natira.

"Naniniwala ako sa kakayahan mo, Historia." Nginitian ko si Manong at sinabing, "salamat po sa paniniwala."

Pumasok ako sa portal at nilamon ako nito at nagpaikot-ikot na animo'y isang buhawi. Nakaramdam ako ng hilo bago tuluyang nawalan ng malay.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

Comments

user avatar
MaidenRose7
Wow, keep updating author. Looking forward for more stories.
2022-09-22 13:05:47
0
user avatar
oishiiii
oishiiii interesting storyyy... ganda ng concept... keep writing author!
2021-12-22 09:43:19
1
user avatar
Plumarie02
I recommended you to read this book, thankyou!
2021-07-07 09:24:33
3
63 Chapters
CHAPTER 1: TREE OF PORTALS
HISTORIA SNAPE'S POV, Tunog ng kutsara at tinidor na sumasalpok sa babasaging plato lamang ang maririnig sa buong dining area. Lahat kami ay tahimik na kumakain, walang nagtatangkang magsalita. Ganito ang laging senaryo sa aming kusina na nakasanayan ng aming pamilya. Ngunit sa oras na ito, iba ang nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan ang kabang lumulukob sa akin. Napabuntong-hininga ako. "Anong problema Historia?" tanong ni daddy. Pumikit ako at nagbuntong-hininga na naman. Napatigil sa pagkain ang mga kasama namin sa lamesa at hinihintay ang sagot ko. "Alam kong may gusto kayong sabihin sa amin. Ano po 'yon?" magalang kong tanong. Inilapag ni daddy ang hawak n'yang kutsara at tinidor tsaka pinunasan ng tissue ang kan'yang bibig. This time, si daddy na ang nagpakawala ng buntong hininga. Tinitigan ako nito sa mata na ginawa ko rin sa kan'ya. Nakipagsukatan ako nang tingin kay daddy hanggang sa s'ya na mismo ang sumuko. Umiling-iling s'ya sa katigasan ng ulo ko. "Lilipat ka na
last updateLast Updated : 2021-05-11
Read more
CHAPTER 2: GUILDESTERN
HISTORIA'S POINT OF VIEW, Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nakahandusay sa damuhan. Hindi ako makatayo dahil sa hilong nararamdaman. Agad rin akong napabalikwas nang may maramdaman akong basa sa mukha ko. "Ahh!" sigaw ko at dali-daling tumakbo papalayo sa bagay na pinanggalin ng basa sa mukha ko. "Aray!" Napaupo ako sa lakas ng impact nang pagkabunggo ko sa isang bagay. Nakapikit ako habang hinihilot ang noo ko na mas napuruhan. "Ayos ka lang Historia? Bakit ka sumisigaw?" nag-aalalang tanong ng isang boses- boses ni Kinaro. Minulat ko ang aking mga mata at inaninag kung si Kinaro nga ang nasa harapan ko. Nang mapagtanto, agad akong tumayo at dinamba ito ng yakap. "Buti dumating ka," naiiyak kong saad. Natawa ito na nakapagpakunot sa noo ko. "Kanina pa kami nandirito. Kanina ka pa namin hinihintay." Napakalas ako ng yakap sa kaniya at napalingon sa mga pinsan namin na na sa likod niya pala kanina pa. Napataas ang kilay ko dahil sa itsura ni Havoc, tila natatae ang mukha
last updateLast Updated : 2021-05-12
Read more
CHAPTER 3: COLOSSAL GATE
HISTORIA'S POINT OF VIEW, Pagkalipas ng ilang oras ay sa wakas, nakarating din ako sa dulo ng tulay. Nakahawak pa ako sa tuhod ko dahil sa sobrang pagod. Grabe! Hindi nakuwento ni Daddy na ganito pala ang mararanasan ko bago makarating ng Schwert. Huminga ako nang malalim at tumayo nang tuwid. Isang malaking gate ang bumungad sa akin. Sa tingin ko ay dalawang poste ang taas nito. "Nakalulula at nakasusuka," saad ko sabay hilot sa sintido ko dahil sa hilo na nararamdaman ko nang tumingala ako. Hindi ko na napigilan pa ang pagbaliktad ng sikmura ko, napasuka ako sa damuhan- sa gilid ng gate. "Hija, ayos ka lang ba?" Nakaramdam ako ng haplos sa aking likuran, tila pinapakalma ako. Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at pinunasan ang bibig ko bago hinarap ang may-ari ng boses. "Uhm! Ayos lang po ako. Maraming salamat po..." nakalimutan ko na hindi ko pa alam ang pangalan ng ginang na nasa aking harapan. "Selya, tawagin mo akong Manang Selya. Heto tubig, uminom ka," nakangiting sagot
last updateLast Updated : 2021-07-06
Read more
CHAPTER 4: GARDEN OF NYMPH
HISTORIA'S POINT OF VIEW, Manghang-mangha ako sa buong garden. Noon pa man ay hindi ako mahilig sa mga halaman ngunit nang makita ko ang lugar na 'to, pakiramdam ko ay gusto ko na rin magtayo ng sarili kong garden sa bahay namin. Masyado yata akong naaaliw sa paglilibot, hindi ko na naalala kung bakit ako nandirito. Kaso naaaliw pa ako, wala naman sigurong masama kung itutuloy ko ang paglilibot ko. Susulitin ko muna. Sa paglilibot, napadpad ako sa isang wishing fountain. Maraming barya sa tubig na nangahuhulugan na nagagamit ang fountain na 'to. Napaurong ako at nawala ang pansin ko sa pagsuri sa fountain nang may kaluskos akong narinig. 'Ano 'yon?' tanong ko sa isipan ko. Nilukob ako ng kaba nang marinig ko na naman ang kaluskos na iyon. "S-Sino 'yan? H-Huwag mo akong tinatakot. Lumabas ka!" utal kong saad. Nakaririnig ako ng maliliit na hagikgik mula sa likod ng fountain. Dahan-dahan akong naglakad papuntang likuran ng fountain pero napakunot ang noo ko nang wala akong naabut
last updateLast Updated : 2021-07-08
Read more
CHAPTER 5: NECKLACE
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Dala-dala ko ang uniform at ang iba pang mga gamit na kailangan ko sa eskwelahan na ito. Kasama ko na naman si Howard, patungo kami ngayon sa dormitory ng eskwelahan. Ihahatid n’ya ako patungo sa magiging bago kong tahanan dito. “Ang kwarto na mapupunta sa ’yo ay pang isang tao lang. Wala kang kasama pero tabi-tabi ang bawat kwarto kaya wala kang dapat ipag-alala. Aware ka naman siguro na hiwalay ang dorm ng lalaki sa babae.” Humarap ito sa ’kin at tinitigan ako ng seryoso. “Huwag kang basta magtitiwala sa mga estudyante na makasasalamuha mo, hindi lahat nang sa tingin mo ay mapagkatitiwalaan ay hindi ka lolokohin at lilinlangin. Tandaan mo, hindi ordinaryo ang mga tao rito. Mag-ingat ka.” Lumapit s’ya sa ’kin at nilagay sa palad ko ang isang susi. “Hanggang dito lang ako sa labas ng dormitoryo n’yo. Bawal pumasok ang mga lalaki sa dormitoryo ng babae, ganoon din kayo. Bawal kayong pumasok sa dormitoryo namin dahil iniiwasan ng eskwelahan ang mga pangyayar
last updateLast Updated : 2021-07-10
Read more
CHAPTER 6: CRESTRIA LIGHT'S SWORD
HISTORIA'S POINT OF VIEW, Kinabukasan, maaga akong ginising ng isang katok sa aking pintuan. Kahit na antok na antok pa ako ay pinilit kong tumayo. Tinali ko muna ang buhok ko bago ako nagtungo sa pinto at saka ito binuksan. “Goodmorning Ms. Historia, ito po ang iba n’yo pang gamit. Galing po ang mga ’yan kay Ms. Felicia.” Bungad agad sa akin ng isang babae na parang kaedaran ko lang. Nakayuko ito sa akin at sa tingin ko ay hindi ito estudyante base na rin sa kaniyang suot. “Nanggaling ba rito ang pinsan ko?” pagkaklaro ko sa kaniya. “Paumanhin po ngunit pinadala lang po ang kahon na ito at ayon sa sulat ay ibigay raw po namin ito sa ’yo,” paliwabag n’ya. Napabuntong-hininga ako, “maraming salamat.” Kinuha ko ang kahon sa kan’ya. “Pinasasabi rin po ni Mr. Howard na pupunta s’ya rito upang samahan ka sa bayan,” saad n’ya. Tumango ako sa kan’ya. “Uhm! Maraming salamat,” sagot ko ulit sa kaniya, tumango ito at umalis na. Sinara ko ang pinto at tumungo sa kama at saka nilapag ang k
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more
CHAPTER 7: CRESTRIA’S KNIGHT
HOWARD SMITH'S POIN OF VIEW, "Historia!" sigaw ko nang biglang humangin ng malakas kasabay ng malaking liwanag na nanggagaling sa espada. Nakasisilaw ang liwanag ngunit sandali lamang iyon at humupa rin ang liwanag at ang hangin. Hindi nasira ang tinadahan dahil tinayo ang tinadahan na ito na matibay dahil na rin sa kapangyarihan ng mga espada. Hindi rin ramdam ang kapangyarihan sa labas dahil protektado ang tindahan na ito. 'Pag mulat ko ng mga mata ko ay hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko. "Hindi maaari. . ." usal ni Mang Pio na halata ang pagkagulat sa kaniyang boses. Isang dalagang nakapikit habang nakalutang ang bumungad sa aming harapan. Nakabaluti na pabestidang puti ito na may pakpak ng anghel sa likod. Mahaba ang buhok hanggang ilalim ng tuhod at may suot na puting sapatos. May nakadikit sa noo nito na tila isang kwintas. Nagliliwanag ang dalaga at nakapatong ang kaniyang mga kamay sa dulong hawakan ng espada. "H-Historia?" hindi ko makapaniwalang tanong. "C-Cres
last updateLast Updated : 2021-07-18
Read more
CHAPTER 8: MOONSTONE
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Kinabukasan, maaga akong gumising. Nakararamdam ako ng excitement dahil first day ko ngayon. Nandirito ako ngayon sa harap ng salamin at sinusuklayan ang buhok ko. Hinayaan ko lang ito na nakalugay at inipit ang mga hibla ng buhok ko sa tenga ko. Nagpulbo lang ako ng mukha at lip gloss sa labi. Suot-suot ko ang kwintas na binigay ni lola sa aking leeg habang ang kwintas na puso ni Gab ay ginawa kong bracelet. Suot ko na rin ang uniform ko na hanggang tuhod ang palda. Sakto lang ang haba at hindi mainit sa katawan ang tela. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay sinuot ko na ang bag ko. Nagawi pa ang tingin ko sa espada, tila tinatawag ako nito pero winaksi ko ang iniisip ko at tuluyan ng nilisan ang dorm. Nagtataka ako kung paano ko nahanap ang espada na para sa akin, wala talaga akong maalala nang araw na iyon. Naglalakad ako sa pasilyo ng Building A. Galing ako sa office ng Head Mistress, kinuha ko ang stub na may nakasulat na 'Section C-1, Bb. Laura Or
last updateLast Updated : 2021-07-25
Read more
CHAPTER 9: HALLUCINATING
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Maaga akong umalis ng dorm at pumasok. Nagpasalamat ako na hindi ko nakasalubong ‘yong weird na babae kahapon, pero kasabay ko naman si Howard sa paglalakad dahil sabay kaming lumabas ng dorm. Kapag inaalat ka nga naman. Hinatid n’ya pa ako sa classroom ko, buti na lang kami lang estudyante. Ayaw kong ma-issue sa kan’ya. Mag-isa pa lang ako rito sa classroom, nakasalong-baba at nakatunganga sa labas ng bintana. Nanliit ang mga mata ko nang may mahagip na bulto ng isang tao sa tapat na puno. Bukas ang bintana kaya malinaw na tao ang nakikita ko. Hindi na ako nagulat nang lumingon ito sa akin. Dama ko agad ang aura n’ya, gano’n din s’ya sa ‘kin. Ngumisi ito sa akin at sa sobrang bilis ng pangyayari ay nakaramdam na lang ako ng malakas na hangin. Dumaan ito nang mabilis sa gilid ng kanang pisnge ko at nakaramdam ng hapdi roon. Tumalon ito galing sa puno patungo sa harapan ko. May apakan kasi sa labas ng bintana, para sa naglilinis ng bintana. Seryoso ko ito
last updateLast Updated : 2021-07-30
Read more
CHAPTER 10: SWORD MONSTERS
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Napunta ako sa grupo nila Levi, nagpapasalamat ako at kasama ko si Persia. Umiingay na ang paligid, mayroong nag-co-complain sa napuntahan nilang grupo at mayroon din namang excited. Excited na lumapit sa akin si Persia at nagtitili. Sobrang ingay ng babaeng ‘to. “Ahh! Magkagrupo tayo Historia! Tutulongan mo naman ako sa training ‘di ba? Hmm?” natutuwa n’yang tanong sa akin. Tumango na lang ako para hindi na humaba pa ang usapan namin about sa training. “Great!” saad n’ya at may pagpalakpak pa. “Listen!” Kinalampag ni sir ang lamesa para agawin ang attention namin. Tumahimik ang paligid, umupo naman si Persia sa tabi ko. “Pakihanda ng mga coat n’yo, lalabas kayo ng Academia upang bumili ng espada. Mayroon lang kayong 30 minutes para lumabas ng Academia.” Binalingan naman ni sir ang mga trainer namin. “Kayo ang in charge, inaasahan ko na walang magiging problema. Mauna na ako.” Tumango lang sila kay sir. Umalis na si sir kaya nagpuntahan na kami sa grup
last updateLast Updated : 2021-08-02
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status