HISTORIA’S POINT OF VIEW,
Dala-dala ko ang uniform at ang iba pang mga gamit na kailangan ko sa eskwelahan na ito. Kasama ko na naman si Howard, patungo kami ngayon sa dormitory ng eskwelahan. Ihahatid n’ya ako patungo sa magiging bago kong tahanan dito.
“Ang kwarto na mapupunta sa ’yo ay pang isang tao lang. Wala kang kasama pero tabi-tabi ang bawat kwarto kaya wala kang dapat ipag-alala. Aware ka naman siguro na hiwalay ang dorm ng lalaki sa babae.” Humarap ito sa ’kin at tinitigan ako ng seryoso.
“Huwag kang basta magtitiwala sa mga estudyante na makasasalamuha mo, hindi lahat nang sa tingin mo ay mapagkatitiwalaan ay hindi ka lolokohin at lilinlangin. Tandaan mo, hindi ordinaryo ang mga tao rito. Mag-ingat ka.” Lumapit s’ya sa ’kin at nilagay sa palad ko ang isang susi.
“Hanggang dito lang ako sa labas ng dormitoryo n’yo. Bawal pumasok ang mga lalaki sa dormitoryo ng babae, ganoon din kayo. Bawal kayong pumasok sa dormitoryo namin dahil iniiwasan ng eskwelahan ang mga pangyayari na hindi dapat mangyari. Nasa gitnang dulo ang kwarto mo.” Tumango-tango ako sa paliwanag n’ya.
“Magpahinga ka muna, bukas na bukas din ay to-tour kita rito sa Academia. Kukuha rin tayo sa mga shop sa bayan ng mga bagay na kailangan mo pa para sa pag-aaral mo rito,” dugtong n’ya na kinatango ko.
Yumuko ito sa aking harapan bago naglakad palayo. Gustuhin ko man na pigilan s’ya at itanong ang mga tanong na nais kong mabigyan ng sagot ay hindi ko magawa. Naalala ko ang sinabi n’ya na hindi n’ya masasagot ang mga tanong ko dahil pinsan ko lang ang makapagbibigay no’n.
Huminga muna ako nang malalim bago ko pinihit ang doorknob. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang mahabang pasilyo. Kaliwa’t kanan ang mga pinto na sa tinging ko ay mga kwarto. Tahimik lamang ako habang tinatahak ang pasilyo. Nagtungo ako sa pinakadulong kwarto— kwarto na sa tingin ko ay para sa ’kin. Akmang pipihitin ko ang doorknob nang may magsalita sa aking likuran.
“Newbie?” Humarap ako sa taong iyon. Isang babae na may itim at mahabang buhok, maputi, bilogan ang mata, matangos ang ilong, mala-rosas ang kulay ng labi at matangkad. Kitang kita ko rin ang sense n’ya sa fashion at sa make-up, ang gara n’ya manamit.
Ngumiti ako sa kan’ya at tumango. “Uhm!”
“Great! By the way, I'm Shanaya Briz. Good evening!” Nilahad nito ang kamay n’ya upang makipag-shakeshand.
“Historia Snape, Good evening too.” Tinanggap ko ang kamay n’ya. Sandali lang ang tinagal, binitawan din namin ang kamay ng isa’t isa.
“Nice meeting you, Historia. If you need anything just tell me, okay? Magkatabi lang naman ang kwarto natin,” nakangiti nitong saad.
“Sure, thank you!” sinsero kong sagot.
“Great! See yah later!” Pumasok na ito sa kwarto n’ya.
Humarap na rin ako sa kwarto ko at pumasok. Bumungad sa akin ang napakalinis na kwarto, puro itim ang mga gamit na talagang gustong gusto ko. Sinara ko ang pinto bago ko sinuri ang kabuuan ng kwarto.
Hindi ito maliit ngunit hindi rin malaki, masasabi kong katamtaman lang ito para sa ’kin. May isang kama sa kanang sulok na sa tingin ko ay kasya sa dalawang tao, sa gilid niyon ay bintana. Sa gilid ng kama ay may maliit na table at sa ibabaw nito ay lampshade. May bookshelves din sa gilid ng maliit na table at sa harapan nito ay study table na may maliit na lampshade.
Sa kaliwang bahagi ay may pasilyo sa gilid, siguro ay iyon ang daan patungong banyo. Sa tabi ng pasilyo na iyon ay isang malaking cabinet. Cabinet na tatlong layer— dalawang malaking pinto sa taas, tatlong katamtaman sa gitna at apat na maliit sa ilalim.
Nilapag ko ang mga dala kong gamit sa kama at saka lumapit sa cabinet upang masuri ang mga laman ng bawat pinto. Hindi na ako nagulat nang makita ang iba ko pang gamit dito. Napabuntong-hininga ako. ‘Talagang planado ang lahat.’
Dumiretso ako sa pasilyo at binuksan ang ilaw. Maikli lang pasilyo kung kaya’t narating ko agad ang inaakala kong banyo, bumungad sa akin ang maliit na kusina na may maliit na refrigerator at sa dulo niyon ay pinto. May bintana rin sa kabilang bahagi— sliding door. Binuksan ko ang pinto at dito ko na natagpuan ang banyo. May kurtina sa loob, hinawi ko ito at bumungad ang bathtub sa kanang bahagi at toilet sa kaliwa. Simple yet organized.
Pinatay ko ang ilaw at sinara ang pinto ng banyo at dumiretso sa kama. Pabagsak akong humiga, ngayon ko lang naramdaman ang pagod.
Nakatihaya ako at nakatitig sa ceiling. Ngayon ko lang napansin na de aircon pala ang kwarto na ito.
Halata mong napaghandaan ang kwarto na ito dahil kompleto ang gamit.
Paano nila nagawa ’to sa ’kin? Kaya pala sa tuwing nauuna sila ay nawawala sila sa panginin ko. Planado ang lahat. Kung ganoon, si Guildestern ay kasabwat nila? Kaya ba titig na titig sila kay Guildestern habang inaagaw ni Havoc ang atensyon ko? Si Manang Selya? Bigla na lang siyang sumulpot na may dala-dalang tubig. Si Howard, ganoon din. Punong puno ng katanungan ang utak ko. May kinalaman dito ang magulang ko, sigurado ako.
Kinabukasan din ay gagawa ako ng paraan para makausap sila. Bawal ang gadgets sa mundong ito, karamihan sa naninirahan dito ay hindi pa nakararating sa mundo ng mga tao.
Tumayo ako at hinubad ang sapatos ko. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit at ngalay ng mga paa ko. Hinilot ko ang mga paa ko pero wala pa ring nangyayari, masakit pa rin.
Napadako ang tingin ko sa dala-dala kong gamit kanina na naririto sa kama. Pumukaw sa pansin ko ang Book of Spells na binigay ni Howard. Inabot ko ang libro at sinuri. Kulay itim ang pabalat nito at ang nakasulat lang na titulo ay ‘Book of Spells’. Binuklat ko ito, puro letra at drawing lang ang makikita sa bawat pahina. Sinubukan kong hanapin ang healing spells at hindi naman ako nahirapan. Nahanap ko ito agad sa tulong ng Table of Contents.
†—
BASIC SPELLSMinor Injuries Healing Spells
Needed:
•Leaf, petal, root, branches or anything from natureProcedure:
•Put and hold the thing that you pick in your hands •Stay calm and clear your mind •Cast this spell‘Nature lend me your strength. Leaf proper sphere. Release!’—†Binasa ko ’to ng may tunog. Nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto at dumako ang pansin ko sa bintana. May isang paso roon na may buhay na halaman. Buti na lang mayroon dito. Pinilit kong makalapit doon kahit sobrang sakit na ng paa ko. Kumuha ako ng isang dahon at bumalik ulit sa kama.
Pinagsiklot ko ang mga kamay ko at huminga ng malamin. ‘Stay clam and clear your mind,’ saad ko sa isipan ko. Nang kalmado na ang isipan ko ay nagsimula na akong banggitin ang spell.
“Nature lend me your strength. Leaf proper sphere. Release!” mahina ngunit klaro kong saad.
Nagkaroon ng munting liwanag sa mga paa ko at unti-unting guminhawa ang pakiramdam ko kasabay nang paglaho ng liwanag.
Napangiti ako dahil gumana ang spell. “Ganito pala ang pakiramdam kapag nakagagawa ng mahika,” mahina kong usal.
Napalabi ako nang biglang tumunog ang tiyan ko. Gutom na ako.
Tumayo ako at nagtungo sa kusina. Ngayon ko lang napansin ang paper bag sa may gilid ng lababo. Nilapitan ko ito at sinilip ang laman.
“Pagkain!” excited kong saad. Buti na lang nag-iwan sila ng pagkain dito. Kumuha ako ng plato, tinidor at kutsara at nilagay sa mesa. Tinanggal ko rin ang laman ng paper bag. Tatlong Tupperware na may laman na kanin, regadilyo at cake— my favorites! Hinain ko na sila sa lamesa, kakainin ko na habang mainit-init pa at saka gutom na gutom na talaga ako.
Nagtungo ako sa maliit na refrigerator at binuksan ito. Kuminang ang mga mata ko nang bumungad sa akin ang maraming klase ng pagkain at inumin. Ayaw siguro nila akong magutom o baka suhol ’to para hindi ako magalit? Hmp! Basta busog ako, walang problema.
Kumuha ako ng isang baso na nasa ibabaw ng ref at nagsalin ng tubig. Kumuha rin ako ng pineapple juice in can at saka bumalik sa mesa. Umupo na ako at nagsimula nang kumain.
Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga lang ako saglit bago ako nag-ayos ng gamit ko. Tinanggal ko lahat ng mga dala ko sa maleta ko at sinalansan na sa cabinet. Sinama ko na rin ang mga gamit na binigay ni Howard.
Naglinis ako ng katawan bago ako tuluyang nagpahinga at hinayaan ang sarili kong lamunin ng antok.
HISTORIA'S POINT OF VIEW, "What's wrong with you?" tanong niya sa akin habng sinusundan ako. "No, what's wrong with all of you?" tanong ko pabalik sa kaniya at saka siya hinarap. Kitang kita ko ang pagsusumamo sa mga mata niya pero wala na akong ibang nararamdaman kung hindi galit at sobra na akong naguguluhan sa mga nangyayari."You should listen to me, you need to listen to me. Not everyone here is your friend, you need to teach yourself not to trust someone. Lalong lao na yung transferee na yon!" frustrated niyang sagot sa akin. Napasinghap ako at sarcastic na tumawa. "Wow! Just wow! Coming from you! Coming from someone like you!" sagot ko at sinabayan pa ng pagpalakpak na tila ba natutuwa ako sa sinabi niya. Nagulat siya sa naging sagot ko at halata ang pagkalito sa hitsura niya."Historia I'm sorry I-""Stop! Shut up Levi! Hindi ko kailangan ng sorry mo or kahit na sino sa inyo. Ang gusto ko ay malaman ang nangyari sa kuya ko sa eskwelahan na ito. Anong mayroon sa inyong tatl
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Habang naglalakad kami patungo sa Cafeteria ay napapansin ko ang tingin ng mga kapwa namin estudyante sa kasama kong lalaki. Minsan pa ay nagbubulungan sila pero dinig na rinig ko naman ang mga sinasabi nila. “Bakit kasama ni Historia ang transferee na iyan? Baka may masamang binabalak iyan sa eskwelahan natin,” dinig kong bulong nang naraanan naming babae kasama ang kaibigan niya. Napaisip naman ako dahil sa narinig, kaya pala hindi familiar ang mukha niya dahil transferee lang siya. Kung ganoon, saang eskwelahan siya galing? Kaya ba pinag-uusapan siya ng mga kapwa naming estudyante? Napalingon ako sa kaniya at bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatingin din siya sa akin. Napaiwas ako ng tingin at bahagyang namula, kanina pa siya ganiyan kung makatingin sa akin. Napamaang ako nang tumabi siya sa akin, kaya sabay na ang lakad naming dalawa. “Nagdududa ka rin ba sa akin?” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tanong niya. “Hindi naman, pero nga
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Pagkatapos ng nangyari sa aming dalawa ni Levi kanina hindi na kami nakapag-usap pa nang maayos dahil tunog ang bell hudyat na simula na ang klase. Dumiretso ako sa classroom ko at gaya ng inaasahan ay mailap ang mga kaklase ko sa akin. Minsan ay nahuhuli ko ang mga tingin sa akin ni Persia pero pinagsawalang bahala ko lang iyon. Hindi pa ako handa na kausapin siya o pakinggan ang paliwanag nila. Pagkatapos ng klase namin nang umaga ay agad akong bumalik sa office ng Head Mistress, kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong malaman ang lahat dahil ayaw ko nang maging tanga. Ayaw ko na pinagmumukha akong tanga. Pagkarating ko sa harap ng pintuan ng office ng Head Mistress ay agad akong kumatok, pero nakakailang katok na ako ay wala pa ring sumasagot. Pinihit ko ang doorknob at nagtaka ako nang bumukas ito palatandaan na hindi naka-lock sa loob. Nagkibit-balikat lang ako at pumasok na sa loob kahit na alam kong wala a
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Napalingon ako sa likuran ko at kitang kita ko si Levi na hingal na hingal habang nakahawak sa mga tuhod niya. Tagaktak ang pawis niya at halatang galing siya sa pagtakbo. Pinunasan ko ang luha ko at nagtatakang nakatingin sa kaniya. Anong ginagawa niya rito? “Levi? Ano namang problema mo, Ijo?” tanong sa kaniya ni Head Mistress na animo’y may pinahihiwatig. “Please accept my apologies for disturbing your conversation, but can I take Historia with me?” seryosong tanong ni Levi na naging dahilan ng paglaki ng mga mata ko. Really?! Ang kapal naman ng pagmumukha niya para hingiin ako, I mean isama ako. Napalingon ako kay Head Mistress at napansin kong tila nakahinga siya ng maluwag pero mabilis din iyong napalitan ng takot nang may marinig kami na kung anong bagay ang nahulog mula sa kwarto na nasa loob lang ng office ng Head Mistress. “Of course, you can. Sa tingin ko ay may mga daga na rito sa office ko, mukhang kailangan ko nang ipalinis ang buong offic
LEVI’S POINT OF VIEW,Napatigil ako at napatitig sa mukha niya, tila bumagal ang buong paligid. Nakatitig lang ako sa kaniya habang nililipad ng hangin ang mahaba niyang buhok na paminsan-minsan pa ay humaharang ang ilang hibla ng buhok niya sa kaniyang mukha.She's gorgeous as fuck!Tumingin siya sa akin at nanlaki ang mga mata ko nang lumipad siya patungo sa direksyon ko. Naging alerto ako at hinanda ang espada ko pero nang aamba ko na ang espada ko ay bigla siyang naglaho sa harapan ko. Napangisi ako, kahit na hindi ko siya nakikita ay nararamdaman ko kung na saan siya.Nagpalinga-linga ako sa paligid, nagkukunwari na hinahanap siya ng mga mata ko. Nang maramdaman ko na ang presensya niya na papalapit sa akin ay mabilis akong lumipad.“I’m summoning the God of Seasons— Mapulon, lend me your strength! Leaves proper sphere, release!” sigaw ko at nag
HISTORIA’S POINT OF VIEW,Napatitig ako sa mga mata niya. Ito ba ang gusto mo, Levi? Ang nakikita akong nasasaktan? Puwes ipakikita ko sa iyo kung paano ako masaktan!“Ahh!” sigaw ko at mabilis na siyang tinulak palayo sa akin at saka humarap sa Fear Black na umatake sa akin sa likuran ko.Sunod-sunod ang pagwasiwas ko sa espada ko habang sunod-sunod silang nahahati dahil sa pagtama ng espada ko sa tagiliran nila. Galit na galit ako, gusto kong ilabas ang lahat ng galit ko.Nawalan ako ng balanse dahil sa biglaang pagtalsik ko nang tamaan ako ng black magic sa balikat.“Historia!” rinig kong sigaw ni Trigger. Lumapit silang dalawa ni Warren sa akin at tinulungan akong tumayo. Hingal na hingal ako habang nakayuko at pilit na pinapatatag ang mga binti ko.Nagpupuyos ako sa galit, hindi ko na makontrol pa ang sarili ko.