Share

CHAPTER 3

CIERRA RAVEN FIOR

Natutuwa ako na gustong gusto ng mga bata ang nakikita nila dito sa Ocean park. "Raven, paano kapag nakita ni Laxus ang mga bata? Baka pag kalaman niyang anak niya ang mga ito?" tanong ni Luna.

"Paano mangyayari yan? Nakaka limutan mo na ba na bahagi sila ng implantation?" tanong ko dito. Hawak ko ang kambal habang pinapanood nila ang mga Fish na nakakulong sa malaking aquarium.

"Baka kasi pag kamalan niya?" tanong nito sa akin.

Nagkibit balikat ako at umiling, tama kayo ang bumuo sa mga anak ko sa sinapupunan ko ay isang sp*rm donor. Implantation ang tawag dito.

Ito ang sinasabi na pwede ka mabuntis kahit na hindi ka nakipag interc*se s*x sa isang lalaki. Doon nabuo ang mga anak ko, kaya anak ko lang sila.

At sinigurado ko na hindi sa kahit sino sa pamilyang Ferrer ang makukuha kong sp*rm. Kaya alam ko na hindi nila kadugo ang kambal, tanging ako lang ang ka match ng mga bata.

Hindi dahil b*liw ako kundi ayoko bigyan ng rason sila para gamitin ang mga anak ko para makuha nila ang gusto nila. Hindi ako tang* para mag pa uto na lang ganun ulit.

At hindi rin ako papayag na gagamitin ang mga anak ko, sa sarili nilang kapakanan. Anong klase akong ina kung ang mga anak ko ang mag sasakripisyo ng kasalanan at kasakiman ang ibang tao?

Kaya alam ko na hindi namin ito anak ni Laxus, hindi ko siya bibigyan ng dahilan para makahanap ng bala laban sa akin.

Not my daughters.

"Mommy can we go home now? I'm tired and super inet po." tanong ng anak kong si Heather. Binuhat ko ito at tumango.

"Okay sweetie. Honey Tilly gusto mo na rin ba umuwi?" mahinahon kong tanong sa anak ko.

Nakita kong nilagay ni Luna ang camera ni Tilly sa bag at nag ready para umuwi. "Opo mommy, i want to sleep too and Mamita she promise us na tatawag po siya mamaya.." naka nguso nito pa nitong sagot.

Tumango naman ako nag salita. "Sige, kuya Tommy pakibuhat na po si Tilly uwi na tayo." aya ko at utos ko.

Narinig kong humikab na si Heather kaya alam kong antok na talaga ito. Mabilis akong umalis kasama ang mga bata sa lugar na iyon. Sinakay ko ang ang mga bata sa likod ng sasakyan hanggang maka alis na kami ng tuluyan.

Habang nasa byahe ako kami nag salita si Luna sa likod. "Miss Cierra. Gusto makipagkita sayo ng anak ng mga Ferrer, you're ex-husband.." wika nito.

Umiling ako at nag salita. "No need, may party diba hindi ba sila makapag hintay?" iritang tanong ko.

Natawa naman ito at tumango na lang. Mabilis akong mag maneho pauwi ng bahay upang maka higa ng maayos ang kambal kong anak, si kuya Tommy naman ay naka sunod sa amin..

LAXUS TIMOTHY FERRER

Pakiramdam ko napahiya ako ng sumagot ang sekretarya nito na hindi pumayag ang amo nito. Wala itong binigay na ibang rason, "Hey babe, are you in the bad mood?" tanong sa akin ni Mildred katatapos lang namin mag talik.

"Yes, itong Fior na ito tumanggi sa akin imbatasyon for a dinner para man lang makita ko siya in person. At ang nakaka ines walang sinabing rason!" inis na sagot ko

Naramdaman ko ang haplos nito sa hubad kong katawan agad kong pinigilan ito. " Enough i need to go magpasukat pa ako!" ines na pag pigil ko at tumayo na ako ng walang kahit anong saplot.

"Sama ako? Sabay na tayo tutal ako naman ang date mo." nakangiti nitong wika kahit hindi ko ito lingunin alam kong naka ngiti ito.

"No, hindi ako ang ka date mo gusto ni dad ako ang sasalubong sa Fior na ito. " sagot ko.

"What? Hey I'm your soon to be your wife! Ang unfair ni Tito Lyndon!" galit na tanong nito.

Pasagot pa lang ako ng mag ring ang cellphone ko at agad kong sinagot ito. "Laxus, change plan ayaw ni Ms. Fior na salubungin siya upang bigyan ng special treatment. She want to go alone." wika ni Dad.

Napa hilot ako sa sentido ko, "Bakit ba napaka hirap i-approach ng taong yan? Una ayaw pumayag sa kahit anong imbatasyon natin, sunod ayaw din makipag kita sakin. Tapos ito? Really dad!? " hindi maka paniwalang kong tanong.

"Relax anak babae lang yan makukuha din yan..." confident na sagot ni Daddy.

"Okay dad. Uuwi ako d'yan tell mom too." sagot ko at binaba ko na ang tawag ko.

"Babe, talaga bang dikit ka parin sa parents mo? Hindi ba parang naging Mama's boy ka-----" hindi ko ito pinatapos ng hablutin ko ang braso nito na kina daig nito sa sakit.

"Baka nakakalimutan mo na hindi naman talaga kita mahal. Pakakasalan lang kita para makuha ko ang akin, kung tutuusin dapat matagal ko ng nakuha kaso umepal ka sa marriage ko kay Cierra so suffer the consequences.." bulong ko dito at binitawan ko ito na kinaupo niya.

Hinagis ko ang pills sa mukha niya. "Inumin mo yan! Ayoko mabuntis ka baka ano pa magawa ko sayo kapag nalaman kong buntis ka!" sigaw ko dito at nagbibihis na ako, padamog akong lumabas ng unit ko at sumakay ng elevator.

HINDI NAGTAGAL naka baba na ako sa parking saktong paglingon ko sa kabilang kalsada kung saan nakatayo ang isang mall.

Nakita kong bumaba ang isang matangkad na babae na sa motor nito. Naka itim ito na ripped jeans at puting t-shirt. Pag tanggal nito ng helmet doon ko na mukhaan ito.

Si Cierra ito, "What the? " yun lang at nag madali akong sumakay sa kotse ko.

Tumawid ako sa kabilang kalsada at ng maka parada ako agad akong bumaba at sumunod sa loob. Doon ko nakita itong nag lalakad kaya mabilis at malaki ang hakbang na ginawa ko.

Hanggang makita kong sumakay ito ng elevator, I'm really curious about my ex-wife's doing now. She's not the old Cierra I know.

Luminga ako sa paligid at nakita kong wala na ito hanggang mag lakad ako sa second floor ng mall. Sumilip ako sa loob ng mga store but still I can't find her.

"Where is she?" tanong ko. Hanggang may mag salita sa likod ko.

"Bakit mo ako sinusundan? Do you think hindi ko malalaman na sumu-sunod ka?" tanong nito sa akin sa pinaka malamig na tono ng boses.

Nilingon ko ito at humarap ng tuluyan, ngumisi ako at nag salita. "Well, ikaw ang sumusunod sa akin. I saw you from outside of my condo, did you stalk me?" tanong ko sa dati kong asawa.

"Oh come on don't stare at me like that my dear ex-wife! I know you miss me and are still in love with me.. well we can eat out what do you think?" tanong ko rito

But she's still quiet and staring at me in a cold way. Ngumiti ako at nag salitang muli, "Come on! Don't tell me hindi ka naka move on? Pwede natin ibalik marry me again I'm sure papayag ka agad.." pagmumungkahi ko.

She's still staring me, magsasalita pa lang ako ng unahan ako nito. "Sa ating dalawa mukhang ikaw ang hindi pa nakaka move on. Sumunod ka pa pipilayan kita at gagapang kang pauwi.." malamig nitong pag babanta at umalis. Pero hindi ako nakinig sinundan ko ito.

At mabilis kong hinila ito papasok sa isang kwarto na tingin ko ay storage. "Bakit ang tapang mo na? Sino ba ang pinagmamalaki mo? Yung lalaking sinasabi ni Mommy na nakabuntis sayo?" tanong ko dito.

Kapag naalala ko ang bagay na yun gusto ko siyang sakalin sa galit. "Bakit kapag kayong mga lalaki? Kapag kayo ang babae ayos lang, pero kapag kami? Marumi agad. Una mas marumi ka pa kesa sa'kin!" sigaw nito at parang isang bagay lang ako na tinulak nito.

"Wala akong pakialam sa sasabihin mo at sasabihin ng kahit sino! Kung tingin sa akin ng buong pamilya mo marumi? Kayo naman nuknukan ng kaplastikan at peke! Sumunod ka pangalawa na 'to! Hindi mo magugustuhan ang susunod kong gagawin!" banta nito.

CIERRA RAVEN FIOR

Patalikod na ako ng hawakan ako ni Laxus sa balikat at sa galit ko humarap ako isang malakas na pag tuhod ang ginawa ko sa pagka lalake nito.

"I told you.." bulong ko

"Ooohhh! F*cking h*ll! You --- aray!" sigaw na d***g nito at lumabas na ako at printing naglalakad.

Nag tungo ako sa kilalang boutique dito sa Pilipinas. Ang Les Valencia, pumasok ako agad sa loob at agad sumalubong sa akin ang mga ngiti ng empleyado.

Ngumiti ako at lumapit sa Information desk nila dito. "Hi, i have appointment on Ms. Ingrid Valencia. I'm Cierra Fior." pakilala ko.

"Oh Hello ma'am. Inaasahan po kayo ni Miss Valencia. This way Ma'am," sagot nito.

Ngumiti ako at tumango, sumunod lang ako dito, ang alam ko may isa pa silang clothing line kung tama ako pagmamay-ari ito ni Francine Valencia. Sila ang sikat na pamilya sa buong bansa, Hindi lang sa bansa kundi sa iba pang mga bansa.

"May kausap lang po si Miss Ingrid ang pinsan niya po si Miss. Flame, pero patapos na rin po." wika ng babae na ang pangalan at Gisele.

"It's okay hindi ako nag mamadali." sagot ko.

Mag sasalita pa lang ito ng bumukas ang pinto bago pa kami maka lapit. Lumabas ang babaeng mahaba ang buhok na naka mask ito at naka pulang leader jacket. "Take care Miss Flame!" paalala ng Gisele at yumuko ito bilang pag galang.

Tumango lang ang babae at nag lakad na ito palayo. Siya ba ang sinasabi ng head quarters na notorious na Mafia Boss? Never kami naka kuha ng information sa taong 'yan. Matagal na rin namin itong sinusundan ngunit magagaling mga IT nito. Kaya kami nitong bigyan ng maraming virus ng ganun kadali at kabilis.

But wala namang mission na binigay sakin tungkol sa kanya, kaya wala akong dapat ikilos pa. Kung may gusto man akong habulin walang iba kung sino ang nasa likod ng Black Organization. Isa din silang Mafia, ngunit wala pang utos sa taas kaya wala akong dapat gawin.

"Hi ako si Ingrid come inside, pasensya kana ha Miss. Fior kailangan ko kasi unahin ang pinsan ko lagi kasi nag mamadali yun.." sincere na paghingi nito ng paumanhin.

"Okay lang yun, ako nga ito last minute kung mag sabi." sagot ko. Umupo ako at doon nito nilabas ang pag pipiliin kong gown na susuotin ko.

Gusto ko kasi ng black then paparisan ko ng diamond necklace, earrings and bracelet from Tiffany and co.

"You can pick one of them, no worries size mo na yan konting adjust na lang then tomorrow morning we can deliver this gown to your house." nakangiti wika ni Miss. Ingrid.

Ngumiti ako at tumayo. "Wow this so gorgeous, mas lalo yung pagka black niya i love it!" manghang papuri ako at hanggang makita ko ang isang..

Off shoulder gown na V shape ang parteng dibdib nito. May long slit ito sa kanan. "Of course. You want that?" tanong nito.

Kinuha ko ito at tiningnan ko sa salamin ang sarili ko. "Bagay yan sa'yo lalo kung ilalad-lad mo ang buhok mo, then slight wavy hair then light make up. I'm sure you look so Beautiful!" nakangiting suhistsyon ni Ingrid sa akin.

"Alam mo tama ka d'yan, yan din ang gagawin ko. Kunin ko na ito." nakangiti kong wika.

Ngumiti ito at inutusan akong sukatin ang gown kung kailangan pang baguhin o tahiin man lang. Paglabas ko ng fitting room doon ko nakita ang sarili ko. "Wow bilib ako sa ganda mo ha? Bagay sa'yo, you look seductive in this gown.." bulong ni Ingrid sa akin habang inaayos ang likuran ko.

Ngumiti ako at umirap lang, "Well thank you for that compliment, but it's okay for me wala na kailangan pang ayusin. Hindi siya maluwag o masikip man lang.." pasasalamat ko, at wika ko.

"Oh? That's good dear, ano dadalhin no na ipapahatid mo pa?" tanong sa akin nito.

Ako naman ay bumalik sa fitting room, "Paki deliver na lang bukas, naka motor kasi ako. "sagot ko habang binabalik ang suot ko kanina..

Hawak ko ang gown ng lumabas ako. "Okay sige, ako na bahala paki sulat dito ang address." sagot nito at sinulat ko naman ang address ng mansion.

Kinuha nito ang gown at inabot sa kanyang assistant. "Here, thank you!" pasasalamat ko at inabot na sa kanya ulit.

Nagpapasalamat din ito kaya lumabas na ako upang bayaran ang gown. Matapos ito ay umuwi na ako agad.

Dumaan muna ako sa isang stiletto store, wala akong nadala na gamit ko na tulad ng ganito. Pag pasok ko sa store na YSL. Pumasok ako sa loob at agad akong sinalubong ng babae, "Good day Ma'am pili lang po kayo." nakangiti nitong bungad.

Tumango ako at binati din ito. Nag lakad ako at tumitingin tingin hanggang makita ko ang black and gold YSL heels ito agad ang dinampot ko.

"Yan po ba ang gusto niyo ma'am?" tanong ng babae sa'kin.

"Yeah, please size 38. Thank you.." pasasalamat ko at inabot ko na sa kanya.

Tumango ito at umalis na hanggang may nag salita sa kanilang shelf na nasa likod ko. "So ibig sabihin hindi talaga kayo mag boyfriend at Girlfriend ni Laxus? So ano tawag sa inyo f*ck buddy?" tanong ng pamilyar na boses sa akin.

Siya si Venice kung tama ako kaibigan siya ni Mildred. Bumuntong hininga muna si Mildred bago sumagot. "Ganun na nga.." mahinang sagot nito.

"Don't tell me hindi parin siya maka move on sa ex wife niya?" tanong ng kasama nito.

"Of course not! Naka move on na siya and i think nakalimutan na niya." sagot ni Mildred.

Cheater is always a cheater yun ang katotohanan na ayaw tanggapin ng lahat. "Ma'am ito na ho." wika ng babae.

Nag lakad na ako at bago mag salita. "Bayaran ko na ito." sagot ko at nag tungo na ako agad a cashier.

Malamig ko lang tiningnan ang babae sa harap ko, inabot ko ang black card ko dito hanggang mag salita si Mildred. "So totoo nga talaga na pumatol ka sa isang matanda para mag ka pera at yumaman? " tanong nito.

Nilingon ko ito saglit at bumalik sa pagkaka tayo ng tuwid. "Hey! No one can ignore me! " wika nito at hinablot ako nito paharap.

"Tama na ho yan!" awat ng mga babae

"Shut up b*tch! Ikaw sino ka para hindi ako pansinin? Bakit pa ba bumalik ha para ba akitin ang boyfriend ko?!" galit na tanong nito.

Inalis ko ang kamay nito sa braso ko at nag lakad ako palapit. "Saan ba nang gagaling yang inggit at galit na yan? Nasa sayo na diba? Bakit naamoy ko ang sang-sang ng amoy ng pagka inggit, takot at galit. Wag ka mag iskandalo dito baka sabihin ko sa kaibigan ko na si Miss. Fior wag tanggapin ang application mo as her perfume model." sagot ko at kinuha ko ang binili ko at ang card ko.

"Ho-how did you--- you b*tch!" sigaw nito sa'kin.

"Huwag kang tang* kasasabi ko lang kaibigan ko. Wala akong oras sayo kung gusto malalabasan ng sama ng loob? Pumunta ka kay Laxus at bumukaka sa harap niya, yun naman gawain ng katulad niyong aso!" mataray kong sagot at umalis na ako ng tuluyan.

Narinig ko ang tawa ng mga tao sa loob na nakarinig ng sinabi ko. Nag lakad na ako palabas hanggang makarating ako ng parking. Tinawagan ko si Luna agad naman itong sumagot. "Luna, accept mo ang application ni Mildred." utos ko at binaba ang tawag nito.

After her service aalisin ko agad siya, pero hindi ko ilalabas ang billboard niya for my company. Gusto ko lang iparamdam sa kanya ang pag ka excite at ang pagka bigo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status