CIERRA RAVEN FIOR - YOUNGMATAPOS ang kaarawan ng mga bata ay nag si balikan na kaming lahat. Ngayon ay hinahanda na namin ang pagkain para sa aming Noche Buena.Tama kayo lumipas na ang ilang araw matapos ang kaarawan ng kambal. Hindi ko na idi-detagle ang buong nangyari. Naging masaya ang lahat ng araw na 'yun. "Dalian niyo malapit na mag alas dose at magbubukas na tayo ng regalo!" Pag mamadali ni Mama na kina taranta naman namin.Dahil limang minuto na lang ay 25 na ng December. Nang mailagay ko ang handa namin sa mesa ay agad kami nag hintay ng tamang oras.Ang mga bata ang mas higit na excited, naka ngiti lang ako habang pinapanood ang mga bata na nauna pang kumain. Hindi ko naman sila pwede gutumim dahil mga bata 'yan.Tumabi ako sa fiancée ko, sa nagdaan na araw lahat ng gusto namin sa kasal ay nagawa na namin. Nakausap na namin sa aming kinuha na organizer kahit ang catering, wala na kaming po-problemahin dito.Kung kailan ang kasal? Ay sa araw mismo ng kaarawan ko. January 6,
CIERRA RAVEN FIORKINAUMAGAHAN HINATID KO LANG SILA MAMA sa labas ng gate kasama ang mga bata. Kahit si Cassie at sila Manang, Yaya ay kasama na.Kumaway ako hanggang mawala na sila sa paningin ko, ngumiti lang ako at pumasok na ako ng gate. "Hon?" tawag ko kay Trevor na nag presinta na mag hugas ng plato."Yes?" sagot nito sa akin."May cash ka ba? Ibibigay ko lang sa naka duty mamaya na guard. Saka ang pinamili natin para sa kanila sa Christmas and new years eve.." tanong ko dito ng maka lapit ako dito.Sakto naman na tapos na ito mag hugas. "Yeah, nag abot din si Daddy kanina. Ibigay ko daw sa mga guards natin, and the grocery." sagot nito habang nagpupunas ng kamay."Ano kaya papuntahin na lang natin dito?" tanong ko dito. Tiningnan naman ako nito habang sumisimsim ng kape."Pwede Honey, para personal nila makuha." sagot nito, ngumiti ako at tumango.Lumapit ako sa may TV kung saan nakalagay ang telepono namin, agad kong tinawagan ang line sa guard house."Hello ma'am?" sagot ng i
CIERRA RAVEN FIORTATLONG LINGGO ANG LUMIPAS, ito ako ngayon nasa harapan ng Columbarium kung saan nakalagak ang abo ni Laxus.Hawak ko ang bulaklak na kulay puti, pinasok ko ito sa loob may maliit itong pinto. "Patawad kung kailangan humantong sa ganito, hindi man kayo nag ka ayos ni Cassie. Pangako aalagaan ko si Cassie at gagabayan ko siya hanggang kaya na niya ang sarili niya." pagka usap ko dito."Alam ko, hindi ka masaya dahil sa nangyari at alam ko naririnig mo ako. Laxus pakawalan mo na ang sarili mo sa galit at bigat. Patawad dahil hindi ko magawang mahalin ka ulit, mahal ko ang sarili ko Laxus, sana matanggap mo na 'yun. Noong minahal kita nakalimutan ko ang sarili ko." wika ko.Huminga ako ng malalim. "Sa ginawa ko na 'yun, parang ako na rin ang pumat*y sa sarili ko. Laxus, walang may gusto na mangyari ito ngunit nag matigas ka." wika ko.Huminga ako ng malalim at nag salita. "Hindi ako nandito para isumbat sa'yo ang nangyari. Gusto ko lang marinig mo ako, Laxus gabayan mo
CIERRA RAVEN FIORSame hospital ang pinag dalhan kay Agent Trevor at kay Laxus.Nasa loob ako ng isang kwarto kung saan ginagamot ang mga sugat ko habang nasa harap ko si Agent Venus. "Kamusta si Trevor? May balita ka ba? How's the operation?" sunod sunod na tanong ko kay Agent Venus.Bumuntong hininga na ito, "Still ongoing ang operation. Don't worry dumating kami on time, isang malaking pasasalamat na lang din namin na tumulong ang mga tauhan ni Flame sa atin. Hindi nila tayo iniwan, pero umalis agad sila ng maihatid na si Trevor dito." mahabang paliwanag nito.Nakagat ko ang ibabang labi ko ng ibaon ulit ang karayom sa likod ko. Naka dapa ako habang tinatahi ang sugat ko sa likod."Mabuti kung ganun, paano si Laxus?" tanong ko dito, humawak ako ng mahigpit sa unan."Nasa isa pa siyang operating room, ang sabi kailangan na putulin ang dalawang hita niya, kung hindi kakainin ito ng mga bacteria galing sa bakal." paliwanag nito muli."And kapag hindi niya kinaya mamat*y siya.." dugton
CIERRA RAVEN FIOR"Itigil mo ang sasakyan Laxus! May anak ako at may pamilya pa ako! " sigaw ko dito, tumingin ako sa daan dahil lalong binilisan nito ang takbo."No! Hindi ako papayag na maging masaya kayo ng hay*p na lalaking 'yun! Walang magiging masaya!" sigaw nito."Laxus! Makakaya ba ng konsensya mo alisan ng ina ang mga anak ko?! Maliit pa ang mga anak ko!" sigaw na tanong ko dito.Nang kumabig ito pakaliwa, kumapit ako ng mahigpit sa hawakan at sa seat belt na nakalagay sa akin. Pumikit pa ako ng diin at nag dasal.D'yos ko panginoon, 'wag niyo po ako pabayaan may anak pa ako.."Still no! Wala akong pakialam sa mga anak mo!" sagot nito, dahil doon napa dila ako at sa galit ko sa narinig ko.Malakas kong tinadyakan ito sa tagiliran na kina bitaw nito sa manibela. "Wala kang puso! Walang hiya ka!" sigaw ko dito, inalis ko ang seat belt ko at lumuhod ako sa upuan ko at pinag susuntok ito sa mukha."Wala kang karapatan bawiin ang buhay ko o kunin ang buhay ko dahil lang sa gusto m
TREVOR YOUNGTulad ng sinabi sa amin, gabi ililipat si Laxus ng kulungan, lahat ng police at sundalo naka deploy ngayon."Hindi ba talaga kayo sasama sa parada?" tanong ni Agent John."Hindi, tapos na ang trabaho namin mula dito kaya hindi na kami sasali d'yan." pagsisinungaling ko.Sinabi ko sa kanila na si Cierra ay busy sa bahay, ngunit ang totoo ay naka abang lang si Cierra sa hindi kalayuan.Napa tingin ako kay Agent willis, nakatitig lang ito sa lalaking nakatali ng kadena at naka posas pa.Napa tingin ako sa kulungan kung saan nakalagay ang pekeng si Laxus. Kung totoo nga na lalabas posible si Laxus ngayon?Sino ang dapat kong tapusin? Si Laxus o ang pekeng ito.Naka kulong ito sa isang bakal na heras at nakatali ang mga katawan at kamay upang hindi ito maka takbo.Ang suot nito sa leeg ni isang beses hindi man lang umilaw. Nag search ako sa bagay na ito, kapag gamit ito kailangan umiilaw ito.Yun kasi ang paraan para malaman na naka activate ito sa kung sino man ang gagamit. M