CHAPTER 9 – Allergic to Feelings Kawashima-Inoue Law Firm, BGC – Tuesday, 8:42 PM Tahimik na ang karamihan sa floor. Sa hallway, may iilang cleaning staff na lang na naglalakad, bitbit ang mop at cart habang may soft jazz na nagpe-play mula sa speaker ng guard station. Pero sa corner office, may iisang ilaw pa rin na bukas. Cesca walked quietly, hawak ang folder na kailangang i-print para sa affidavit revision ni Atty. Rica. Hindi na ito part ng trabaho niya—overtime na naman—but she was used to it. Minsan, pakiramdam niya, mas maraming oras pa siya sa opisina kaysa sa mismong apartment niya sa Pasay. Nadaanan niya ang opisina ni Atty. Seiichi Kawashima. Glass walls. Dim lights. Ang silhouette ni Boss Presinto ay bahagyang nakayuko sa desk, concentrated sa screen habang nakapatong ang isang kamay sa gilid ng templo niya. He looked... drained. Pero hindi ‘yung tipong wasak. More like... contained exhaustion. Alam niyang hindi niya dapat pansinin. Pero for some reason, tumigil
CHAPTER 8 – Client Drama, Team LabanLunes. Panibagong linggo, panibagong laban.Bumangon si Cesca na parang sundalong sinanay para sa corporate warfare. Nakaready na ang cream blouse, slacks, at hindi mawawala ang signature pink bunny slippers niya habang nagkakape bago pumasok. May background music pa siyang piniplay sa phone habang nagsusuklay sa harap ng salamin—theme song daw ng survivor.Pagdating sa office, inabutan niya agad si Atty. Rica sa pantry, nagtitimpla ng 3-in-1 habang may hawak na sticky note na may scribbles ni Boss Presinto."Bes, may client meeting kayo today ni Boss Presinto. Big case daw, high-profile client," sabi ni Rica na may halong excitement at awa sa tono."Great," sagot ni Cesca, habang kinagat ang sandwich. "Another chance para matahimik sa harap niya habang iniisip kung valid pa ba 'yung pangarap ko.""At least may free aircon," pahabol ni Rica.Bandang 10 AM, pinatawag sila ni Seiichi sa conference room. Pagpasok ni Cesca, nakaupo na ang kliyente—isan
CHAPTER 7 —Biyernes ng umaga. Mainit ang araw, puno ang inbox, at ubos ang pasensiya ni Cesca.Wala pa man siyang isang oras sa office ay may dalawa nang memo, tatlong "urgent" email na hindi naman talaga urgent, at isang post-it na may nakasulat lang na "Kindly double check your last summary. - SK.""Kindly?" bulong niya habang nilalagyan ng konting concealer ang eyebags niya gamit ang camera ng laptop. "Hindi naman ako sure kung 'kindly' nga 'yon o 'I'm watching you.'"Nasa kalagitnaan siya ng pagre-reply ng email nang lumapit si Atty. Rica. "Cesca, hanap ka ni Boss Presinto. Sabi niya, may ipapa-verify daw siya sa record room.""Ugh. Another record room mission," reklamo ni Cesca sa sarili.Ang record room ng firm ay kilalang may sariling klima: minsan sobrang lamig, minsan parang sauna. Laging may alikabok. Parang lugar na puwedeng magmulto ang mga expired na kontrata.Bitbit ang clipboard at kaunting pag-asa, naglakad siya papunta roon. Pagbukas niya ng pinto, agad siyang sinalu
CHAPTER 6 – Trial by SarcasmPangalawang linggo pa lang ni Cesca bilang legal assistant sa Kawashima-Inoue Law, pero pakiramdam niya, para na siyang contestant sa isang reality show kung saan ang premyo ay: isang buwan ng trabaho na hindi mababaliw sa boss.At ang kalaban niya?Walang iba kundi si Boss Presinto a.k.a. Mr. Seiichi Kawashima.Mula noong insidenteng natapunan niya ito ng kape, naging parang personal mission na ng boss niya na subukan ang pasensiya niya. Kung dati’y parang misteryoso lang itong boss na hindi marunong ngumiti, ngayon, para itong walking Excel sheet—precise, emotionless, at may built-in sarcasm settings.At ngayong araw, habang nakaupo si Cesca sa kanyang desk na may katabing electric fan na siya rin ang bumili sa Shópee dahil aircon is life but not enough, dumating na naman ang daily surprise mula kay Boss Presinto.Isang thick folder ang ibinagsak sa desk niya ni Atty. Mico. May nakalagay sa cover na, “FOR MISS ILAGAN – ASAP.”Napakunot-noo siya. Binuksan
CHAPTER 5 —Kinabukasan maagang gumising si Cesca hindi dahil sa alarm, hindi dahil sa maingay na kapitbahay, kundi dahil sa malakas na sigaw ng kapatid niyang si Marga mula sa kwarto."Ate Cesca! Nasunog 'yung plantsa! Yung braso ko halos maluto! Help me!"Nagmulat siya ng mata na parang galing sa battle zone. Isang tingin lang sa wall clock, halos tumigil ang puso niya nang makitang 7:00 na ng umaga."Late ako, late ako, late ako!" sigaw niya saka nagmamadaling nagpunta ng banyo. Wala pang ten minutes ay tapos na siyang maligo— ligong manok ika nga.Habang nagto-toothbrush at isinuot na rin niya ang kanyang office uniform at stockings, kasabay pagsusuklay ng buhok. Matapos niyon ay mabilisan siyang naglagay ng kaunting powder at ginuhitan ang kanyang kilay, habang umiinom ng kape na singlamig ng bangkay dahil kagabi pa iyon sa mesa. Hindi niya naubos dahil nakatulugan niya ang panonood ng Extraordinary Attorney Woo.Pagkatapos magbihis ng cream blouse at i-clip ang ID sa kwelyo, tin
CHAPTER 3 —"Mark! Marga! Ilang beses ko bang sasabihin-kapag exam week, walang cellphone, walang Wi-Fi, at walang K-drama!"Ito ang sigaw ni Cesca habang abalang naghuhugas ng pinggan sa maliit nilang kusina. Suot pa rin niya ang kanyang cream slacks at blouse mula sa trabaho, pero tinanggal na niya ang heels at ipinalit ang paborito niyang pink bunny slippers. Sa baba ng kanilang simpleng rent-to-own two-storey house, abalang nanonood ang kanyang mga kapatid ng variety show na may kasamang TikToók challenge."Ate naman! Isang episode lang ng 'Start-Up: The Return!'" reklamo ni Marga, sixteen, habang naka-pajama at may hair roller pa sa bangs."Si Kuya Mark nga 'di mo sinisita, oh?" dagdag pa niya, sabay turo sa kapatid na lalaki na abala sa pagse-cellphone."Eh kasi si Mark nag-top 2 sa class! Ikaw, kamusta naman ang Math mo, aber?""...Passed with feelings po.""Feelings mong gusto ko kayong balatan nang buhay pag 'di kayo grumadweyt ng may honors," ani Cesca, sabay punas ng kamay