CHAPTER 93 – Mga Tanong at Pag-aalinlanganMahimbing ang tulog ni Elle nang biglang maramdaman niya ang maliit na kamay na humihila sa kumot niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at bumungad sa kanya ang mukha ng anak.“Mommy…” mahinang tawag ni Kieran, may kasamang ngiti. “When can we see Knox again?”Parang nawala ang antok ni Elle sa tanong na iyon. Napaupo siya agad, tumingin sa anak, at pinagmasdan ang inosenteng mga mata nito. Hindi pa nga nag-aalmusal, iyon agad ang nasa isip ng bata.“Kieran,” malumanay niyang sabi, “Knox is busy today. He has work.”Nakita niyang agad nagbago ang ekspresyon ng anak. From smiling to frowning in just a second. “But I want to see him…”Hinaplos ni Elle ang buhok ng bata. “I know, baby. Pero hindi laging pwede. Grown-ups have things to do. Work, meetings, marami.”Nag-cross arms si Kieran at umupo sa paanan ng kama. Kita ang simangot. “But he’s nice. He’s kind. I like him.”Napalunok si Elle. Simple lang para kay Kieran, pero para sa kan
CHAPTER 92 – Unang Hakbang---Maaga pa lang ay abala na si Elle sa opisina. Pero ngayong araw, mas kabado siya kaysa karaniwan. Kahapon lang ay pumayag siyang bigyan ng pagkakataon si Knox na makilala si Kieran. Simula pa lang iyon, at alam niyang mahaba pa ang proseso, pero hindi maikakaila—parang may pinto siyang muling binuksan na matagal na niyang pinilit isara.Naka-setup ang schedule niya sa araw na iyon. Nag-setup sila no Knox na susunduin nila si Kieran sa daycare malapit sa building. Elle had already informed the nanny to expect Knox, pero strictly under her supervision. Walang extra privileges. Walang madalian.Pagdating nila sa daycare, kita agad ang makukulay na dingding at mga batang naglalaro sa loob ng play area. May mural ng alphabet, posters ng animals, at shelves ng laruan. Elle stood by the glass door, arms crossed, habang hinihintay lumabas ang anak. Knox stood a step behind her, tahimik, halatang kinakabahan.Lumabas ang teacher, bitbit si Kieran na may hawak pan
CHAPTER 91 – Ang PagkikitaMabigat ang pakiramdam ni Elle buong gabi matapos ang unexpected na encounter nila ni Knox sa convenience store. Kahit anong pilit niyang ipikit ang mga mata para makatulog, bumabalik lagi sa isip niya ang itsura ng lalaki—yung sincerity sa boses, yung concern kay Kieran, at yung simpleng please, let me do this na sinabi nito habang binabayaran ang gamot.Umikot siya sa kama, tinitingnan ang maamong mukha ng natutulog niyang anak. Tulog na tulog si Kieran, mahigpit na yakap ang paboritong stuffed toy. Sa sandaling iyon, naisip niya—siguro tama si Knox, siguro deserve din nito kahit konting chance na makausap siya nang maayos. Hindi para sa kanya, kundi para kay Kieran.Kinabukasan, habang nag-aayos para pumasok sa opisina, kinuha niya ang phone at mabilis na nag-type ng mensahe. “Let’s talk. 7 PM. I’ll text you the place.”Sandali lang, nag-reply agad si Knox.“Thank you, Elle. I’ll be there.”At doon nagsimula ang buong araw ni Elle na puno ng kaba.---Ala
CHAPTER 90 – “’Di Inaasahang Tagpo” Kapansin-pansin na ibang-iba na ang aura ni Elle at napapansin iyon ni Nathan. For the past few days, halatang-halata ang pagbabago. Dati, para itong laging may dinadalang mabigat. Ngayon? May something different. Just this morning, sa gitna ng isang meeting, nahuli niya itong nakatulala sa bintana habang may maliit na ngiti sa labi. Tulala while smiling? That’s new. Yung kislap sa mga mata niya, bumalik. Deep inside, alam ni Nathan kung sino—o ano—ang dahilan. Hindi kailangan ng henyo para malaman na nagsimula ang lahat ng ito mula nang bumalik si Knox sa eksena. Nakakainis isipin. Yung lalaking sumira sa rito, ito rin pala ang may kayang bumuo ulit. Life’s ironic like that. “You seem… lighter these days, Elle,” sabi ni Nathan nang magkasabay silang kumuha ng kape sa pantry. “Masaya ako para sa’yo.” Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mga mata ni Elle bago ito mabilis na ngumiti. “Ha? Ah, siguro dahil sa sales report. Ganda ng numbers, eh. Nakak
CHAPTER 89 – “Crossroads”Pagkatapos ng gabing iyon, bumalik si Elle sa normal niyang routine sa condo—o kahit pilit niyang gawing normal. Maaga siyang gumising para asikasuhin si Kieran bago pumasok sa opisina. Nakaupo si Kieran sa baby chair habang sumubo ng cereal, habang si Elle ay mabilis na naglalagay ng mga gamit sa maliit nitong backpack.“Mommy, dinosaur,” bulong ni Kieran habang tinuturo ang stuffed toy sa sofa.Ngumiti si Elle kahit mabigat ang dibdib niya. “Of course, sweetheart. Hindi pwedeng maiwan si Dino.”Inilagay niya ito sa bag, saka hinalikan ang pisngi ng anak. Simple moments lang iyon, pero iyon ang nagbabalik ng lakas niya. Kahit anong gulo sa paligid, si Kieran ang dahilan para magpatuloy siya.---Pagdating niya sa Eurydice, sinalubong agad siya ng sunod-sunod na meeting at email. Nagbabalik na rin ang sigla ng kumpanya matapos ang huling motor expo. Habang binabasa niya ang report ng marketing team, nahuli niya si Nathan na nakatingin sa kanya mula sa kabilan
CHAPTER 88 – “Aftermath”Lumabas si Elle ng restaurant na para bang hinigop lahat ng lakas niya sa loob. Ang mga ilaw ng kalye sa Makati ay maliwanag, pero sa pakiramdam niya, lahat ay malabo, lahat ay malayo. Humigpit ang hawak niya sa strap ng bag, parang iyon lang ang tanging kumakapit sa kanya para manatiling matatag.Nang makasakay siya ng kotse, hindi niya mapigilang titigan ang mga palad niya—pawis na pawis, nanginginig pa. She pressed them together, whispering under her breath, “Kailangan kong maging matatag. Para kay Kieran.”Pagdating sa condo, tahimik ang paligid. Si Kieran ay mahimbing na natutulog sa maliit na kama sa tabi ng kwarto niya. Hawak pa rin nito ang paboritong dinosaur plushie, bahagyang nakabuka ang bibig habang mahimbing ang tulog.Elle sat at the edge of her bed, staring blankly at the wall. Her chest rose and fell in uneven breaths. Alam niyang kailangan niyang magpakatatag, pero hindi madaling bitbitin ang bigat ng katotohanan: Knox knew. At hindi lang bas