CHAPTER 53 – Morning PorcelainMaaga pa, pero gising na ang buong bahay. Mula sa hallway, maririnig ang mahinang kaluskos ng mga kasambahay, ang pagtama ng porselana sa mesa, at ang malinis na tunog ng cutlery na inaayos sa dining hall. Sa master’s wing, halos sabay bumukas ang dalawang pinto.Lumabas si Elle, maaliwalas ang mukha pero may bahid ng puyat sa ilalim ng mata. Naka-white blouse siya at navy pencil skirt, malinis ang ponytail—corporate simple, walang sobra. Sa tapat, bumukas din ang pinto ng guest room. Lumitaw si Knox, naka-white shirt at charcoal slacks, may navy jacket sa braso. Crisp, calm, and cold.Nagkatinginan sila sa gitna ng corridor. Sandaling katahimikan. Tila parehong naghintay kung sino ang unang babati.“Good morning,” mahinang sabi ni Elle, pilit na steady ang tono.“Morning,” tipid na sagot ni Knox, halos walang emosyon, pero tumango ng konti bilang tugon.Kumirot ang dibdib ni Elle sa malamig na sagot nito pero pinilit niyang itago ang nararamdaman saka s
CHAPTER 52 – "Shadows of Possession."Tahimik ang biyahe ng itim na SUV palabas ng Makati. Nakatitig si Knox sa city lights habang hawak ang whiskey tumbler na dala niya mula sa opisina. Nakakuyom ang panga, mabigat ang dibdib, at paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang eksena kanina. Si Elle, kasama ang bagong empleyado, at ang kabaitan nito sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang mas nakakainis, ang ngiti ni Elle o ang pakiramdam na baka may ibang makakakita sa mga bagay na dapat siya lang ang may karapatan.Maya-maya, nilapag niya ang baso sa cupholder at kinuha ang telepono. Pinindot ang pangalan ng kaibigan.“Eros.” Mababa ang boses niya.Sa kabilang linya, rinig ang background noise ng hospital. “Knox? Gabi na ah. What’s wrong?”“Imperial Palace. Join me. I need a drink.”Tahimik si Eros ng ilang segundo bago sumagot. “Alright. Give me thirty minutes. I’ll be there.”---Pagdating nila sa Imperial Palace, sinalubong agad si Knox ng pamilyar na ambience, dim lights, jazz music sa b
CHAPTER 51 – “Shadows of Possession.”Alas-otso na ng gabi at tahimik na ang executive floor. Halos wala nang tao; patay na ang karamihan sa ilaw, tanging mga fluorescent sa hallway at ilang desk lamps na lang ang nagbibigay ng ilaw.Si Elle, nakaupo sa cubicle niya, tahimik na nag-aayos ng mga gamit pauwi. Nakalagay na sa shoulder bag ang ibang folders, pero nire-review pa niya ang notes para siguruhing wala siyang naiwan. Tahimik ang paligid, kaya’t rinig na rinig niya ang mahinang ugong ng aircon at tunog ng relo sa dingding.Bago pa siya makatayo, biglang umilaw ang maliit na pulang button sa intercom ng desk niya. Kasabay niyon, narinig niya ang malamig na tinig ni Knox.“Elle. Inside. Now.”Napatingin siya agad sa glass office nito. Mula roon, nakita niyang nakatayo si Knox, nakaharap sa kanya, ang dalawang kamay nasa bulsa ng pantalon. Malamig ang ekspresyon, walang kangiti-ngiti, at mabigat ang aura.Bahagya siyang kinabahan. Huminga nang malalim, mabilis na inayos ang mesa, a
CHAPTER 50 – The Jealous GlanceMainit ang hapon, at halos wala nang tao sa executive floor dahil karamihan ay nasa pantry para sa break. Nasa printing room si Elle, bitbit ang makapal na folders na kailangang i-photo copy para sa meeting mamaya.Inayos niya ang papel at sinimulang i-feed sa photocopy machine. Ilang minuto lang ang nakalipas nang biglang nag-red light ang panel. “Paper jam detected.” Napakagat siya ng labi, napatingin sa screen, saka dahan-dahang binuksan ang tray.“Great,” mahina niyang bulong, pilit inaayos ang nakastuck na papel. Pawis na pawis ang kamay niya habang maingat na hinihila ang piraso ng papel na naiipit sa loob.Habang abala siya, dumaan si Knox sa hallway, hawak ang phone at may kausap tungkol sa reports. Napahinto siya nang mapansin si Elle sa loob ng printing room. Nakakunot ang noo nito, tila nahihirapan sa machine. Saglit siyang nanood, pinigilan ang sarili na lapitan ito at sa halip ay akma na sana siyang tatawag ng technician.Pero bago pa siya
CHAPTER 49 – Kinagabihan, gaya ng nakasanayan, nauna nang bumaba si Elle sa basement parking. Tahimik siyang nakaupo sa loob ng itim na SUV, nakatanaw sa malamlam na ilaw ng fluorescent lamps na kumikislap-kislap sa kisame. Walang magandang view, puro linya ng sasakyan at konkretong haligi pero para kay Elle, iyon ang tanging pahingahan niya mula sa maghapong puno ng tensyon.Habang hinihintay si Knox, dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili, pero ramdam pa rin ang kirot sa dibdib niya sa tuwing naaalala ang “convenient” at “safest choice.” Kahit pa nagbigay ito ng pagkain kanina, kahit pa may sticky note pa iyon, hindi pa rin naalis ang malamig na imaheng paulit-ulit na bumabalot sa kanya sa opisina.Maya-maya, bumukas ang elevator exit. Bumungad ang pamilyar na presensiya ni Knox na composed pa rin, steady ang bawat hakbang. Nakasampay sa braso niya ang coat at tie, at bahagyang nakabukas ang dalawang butones ng kanyang long-sleeved shirt. S
CHAPTER 48 – The Quiet GesturesMainit ang araw pero preskong hangin ang dumadaloy sa loob ng private restaurant sa Makati. Tahimik ang ambience, maaliwalas ang paligid, at may mga planters sa gilid na nagbigay ng eleganteng simplicity. Nakaupo si Knox sa isang corner table, nakasandal, naka-suit na navy pero walang necktie—malinis at commanding pa rin ang aura.Sa harap niya, nakaupo si Veronica, ang asawa ng matalik niyang kaibigang si Eros. Elegante itong tingnan sa black halter dress na suot. Natural ang dating nito, ni walang shout na alahas maliban sa relo at wedding ring. Parang effortless ang ganda.“Sorry if I disturbed you sa office, Knox,” bungad ni Veronica habang inaayos ang nakaladlad na buhok. “Pero I really don’t know who else to ask. Eros has been on a 36-hour shift, sobrang drained siya. Ayokong istorbohin pa siya kaya naisip ko, maybe you can help me.”Malapad namang ngumiti si Knox. “Sure. What do you need?”“Car shopping.” Napatawa ito nang mahina. “I know, it sou