“HE JUST looks heartless, but every time it's his birthday, he always cries...”“Kaya ang hiling ko sana sa'yo, hija, na sa t'wing birthday n'ya ay lagi kayong magkasama at tulungan mo akong alalayan siya sa hinaharap...”Iyon ang unang pagkakataon na nabanggit ni Lola Mathilde ang ina ni Knives. Sa tagal na nilang nag-uusap ng matanda, ni minsan ay hindi ito nakapagkuwento tungkol doon. Maging si Knives ay hindi rin nagbabanggit tungkol sa mommy nito na para bang ipinagbabawal na pag-usapan ito. Marahang tumango si Lalaine sa matanda at saka ginagap ang kulubot na kamay nito. “Makakaasa kayo, lola. Lagi akong nasa tabi ni Knives at hindi ko siya pababayaan,” ani Lalaine na nakangiti ng masuyo.Bigla namang nanlabo ang mga mata ni Lola Mathilde dahil sa sinabing iyon ni Lalaine. Naisip niyang hindi talaga siya nagkamali sa pagpili kay Lalaine dahil alam niyang lumaki itong mabuting tao.“Siya nga pala, apo. Naikuwento ko ba sa'yo na magkakilala kami ni Lola Chandria mo? Sa katunayan
“BINASA kong maigi ang autopsy report ni Leila Mendoza na ibinigay mo sa'kin at may nakita akong abnormality,” pagbabalita ni Eros kay Knives. Si Leila Mendoza—ang babaeng may gusto kay Knives at pinagtangkaan ng masama si Lalaine noon ay kasalukuyang nasa mental hospital at biglang namatay dahil sa cardiac arrest. According to the doctor who examined Leila, before she died, she repeatedly looked for Knives because she had something important to say. Itinuro ni Eros ang hawak na chart at sinabing, “The symptoms of shock and coma within a few seconds, and the suspicious white spots on the lungs are very similar to Uncle Kennedy. Although mild lang ang sintomas kay uncle at stable naman sa ngayon ang kalagayan n'ya.” Kunot-noong tumingin si Knives sa kaibigan. “You mean, iisa lang ang naglason kay dad at kay Leila?” “I think this conclusion is 97% likely,” sagot naman ni Eros. “Alam mo ba kung sinu-sino ang kasama ni Uncle Kennedy ng gabing 'yon sa party?” Sandaling nag-isip si
“HE DIED from a cardiac arrest,” anang doktor na sumusuri kay Luke sa rehabilitation center.'Cardiac arrest? Una si Leila, sunod si dad, ngayon si Luke naman. Posible kayang iisa lang ang may gawa ng lahat?’ Nahulog sa malalim na pag-iisip si Knives. Posible kayang iisang tao lang ay may kagagawan ng lahat? Kung gano'n, sino? Si Gwen? Pero alam niyang imposible iyo dahil hindi nito kilala ang kapatid ni Lalaine. ‘Hindi kaya...’Knives clenched his fist when suddenly someone entered his mind, who could have committed those atrocities. Ipinapangako n'ya sa sarili na sa oras na mahanap n'ya ang taong iyon ay siya mismo ang papatay rito. “Cardiac arrest, doc?” pag-uulit ni Knives. Tumango naman ang doktor bilang sagot. “The cause of the patient's cardiac arrest was arrhythmia, where his heart beat became abnormal, making it difficult to pump blood to the brain.”“Where is he now, doc?” tanong niya sabay sulyap kay Lalaine na nakaupo sa waiting area na magang-maga ang mata sa kaiiyak
NAGMULAT ng mga mata si Lalaine at ang puting kisame ang kaagad niyang nakita. Doon pa lang ang alam niya kung nasaan siya, nasa hospital.“Bruh? Gising ka na?”Isang pamilyar na boses ang narinig ni Lalaine mula sa gilid ng hospital bed kung saan siya nakaratay. At kahit hindi pa niya nakikita iyon ay kilalang-kilala niya kung sino ang nagmamay-ari niyon.Dumako ang tingin niya kay Abby na matagal-tagal din niyang hindi nakita. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng kanyang kaibigan habang nakatunghay sa kan'ya.“Bruh, okay ka lang ba? Natatandaan mo pa ako? Ako si Abby. Best friend tayo, Lalaine—”“Para kang timang,” putol ni Lalaine sa sinasabi ng kaibigan habang mahinang natatawa. “Bakit naman kita makakalimutan. Hindi ka naman nagka-amnesia.”Napalitan ng ngiti ang nag-aalala ni Abby sa mga mukha saka ginagap ang kamay ng kaibigan. “Nag-alala ako sa'yo. No'ng tinawagan ako ni Mr. Miller at sinabing nasa hospital ka, mag-alala ako ng sobra. Buti na lang pinayagan akong mag-half day ng
“GAGA KA! Buntis ka tapos makipaghiwalay ka? Naloloka ka na ba, Lalaine?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Abby sa kaibigan. “Ano naman ang pumasok sa isipan mo, bakit mo naisipang makipaghiwalay, bruh?” Sandaling natahimik si Lalaine at pinag-isipan ang mas tamang sabihin sa kaibigan. Ang totoo'y wala naman talaga s'yang balak na makipaghiwalay kay Knives dahil mahal na mahal niya ito. Natatakot lang talaga siya sa magiging reaksyon ni Knives kapag nalaman nitong nabuntis siya, lalo pa't biglaan lang iyon at wala pa sa kanilang plano.“A-Ano kasi...” kagat-labing ani Lalaine na para bang nag-iisip.“Anong ano kasi?” tila inis ng tanong naman ni Abby. “Wag mo na akong ibitin. At pag 'di valid 'yang reason mo bruh, babatukan kita.”Napayuko si Lalaine sa kanyang tiyan at saka marahang hinaplos-haplos iyon. “N-Narinig ko kasi na nag-uusap sila ng lola n'ya. S-Sabi n'ya, wala raw sa plano n'ya ang magkaanak. Ayaw niya sa bata...”Ngayong buntis na si Lalaine at narinig niya iyon sa bi
SAMANTALA, nagbalak si Gwyneth na dalawin ang daddy ni Knives pero nagtaka siya nang harangin siya ng bodyguard sa may pinto pa lang ng kwarto nito.Masama ang mukha na hinarap niya ang isa sa mga bodyguards at saka tinaasan ito ng kilay. “What are you doing? Gusto kong makita si Uncle Kennedy kaya umalis ka d'yan,” pagtataboy niya.Nagpatay-malisya naman ang lalaki at saka sinabing, “Sorry Ma'am, pero sumusunod lang kami sa utos. Walang ibang p'wedeng pumasok bukod sa pamilya ni Sir Kennedy.”“What? Sinong nag-utos? Si Knives Dawson ba? Don't you know me, bastard?” galit na galit tanong ni Gwyneth.•••“Pasens'ya na po Ma'am, pero hindi ko talaga kayo pwedeng papasukin,” anang guard saka ang isa sa mga ito ay minaniobra ang kanyang wheelchair paalis sa tapat ng pinto.Dahil sa ikinilos ng mga bodyguards ay nagalit nang husto si Gwyneth. “Sino ba kayo sa tingin n'yo? Mga guard lang naman kayo! Don't touch me!” sigaw niya sa mga ito.Hindi naman nagpakita ng anumang takot ang mga body
“OKAY. I'll give you ten minutes...” ani Eros saka ihinatid sa Gwyneth pinto ng ward ni Uncle Kennedy.Bago tuluyang umalis ay nagbilin pang muli si Eros sa babae. “Gwen, you have to be out in ten minutes.” Tumango naman si Gwyneth bilang sagot.Nang tuluyang makaalis ang lalaki ay pinagmasdan ni Gwyneth ang namumutlang mukha ng matanda na nakaratay sa hospital bed. Nakaramdam siya ng panic ng mga sandaling iyon. She really didn't intend to harm the old man because it would ruin her plans. Who would have thought that old man would be this useless? Now, she has no choice but to destroy the evidence that would point to her as a suspect.Napangisi si Gwyneth nang makita ang thermos na pinaglagyan niya ng tsaa. Minaniobra niya ang wheelchair saka kinuha ang thermos. Balak niyang hugasan iyon at lagyan muli ng tubig nang sa gayon ay hindi maghihinala si Knives na doon n'ya inilagay ang lason. Pero laking gulat n'ya nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at sumulpot doon si Knives na mad
“AKO po si Lalaine Aragon...”Napatango-tango si Kenji nang marinig ang pangalan ng dalaga. Bakit hindi n'ya naisip na maaaring pinalitan ng mga taong dumukot sa kanyang anak ang pangalan nito?Lalaine Aragon bears a striking resemblance to his wife, Amelia, especially her round, puffy eyes. But he knows he can't just trust his gut feeling. He needs proof that she could be his long-lost daughter, Keiko.“It's nice to meet you two,” nakangiting sagot ni Kenji sa dalawang dalaga. “By the way, if it's okay with you, can I treat you to lunch? As a token of my gratitude for saving me,” tanong pa niya.Nagkatinginan si Lalaine at Abby. Bagaman nararamdaman nilang mabait naman ang lalaking kaharap, alam nilang dalawa na hindi sila dapat basta-basta maniniwala sa taong kakikilala pa lang nila.“Sorry po, Sir Kenji. May part-time job pa kasi ako ngayong hapon kaya 'di ako p'wede,” ani Abby na nauna nang sumagot.Napatango-tango naman si Kenji. “I understand,” sagot niya sabay baling naman kay
KINABUKASAN, magkakaharap na dumulog sa dining table para sa breakfast sina Abby, ang best friend niya, si Tito Kenji at ang Kuya Kairi nito. Ang dalawang sobrang cute na anak ng kanyang best friend ay natutulog pa kaya hindi nila kasabay sa almusal na iyon.Hindi magawang tumingin ni Abby sa lalaki dahil hiyang-hiya pa rin siya kaya habang kumakain ay para siyang tangang nakayuko lang at halos dumikit na ang mukha sa plato.“Hija, what's wrong? Ayaw mo ba ng pagkain?” puna ni Kenji sa dalagang si Abby nang makita niyang nakayuko lang ito at tulala.Napilitang nag-angat ng tingin si Abby dahil sa sinabing iyon ng matanda. Ayaw niyang isipin nito na bastos siya o kaya naman ay nag-iinarte sa pagkain. “H-Hindi po, Tito Kenji. May naalala lang po ako,” sagot niya na may pilit na ngiti sa labi.“Tungkol ba kagabi? Don't worry, hindi naman big deal 'yun para kay Kairi. Right, son?” saad naman ni Kenji sabay tingin sa anak na tahimik lang na kumakain.Dahil sa narinig ay wala sa sariling
“BRUHA... Grabe! Hiyang-hiya ako sa katangahang ginawa ko kanina. Kung p'wede lang akong magpalamon sa lupa, ginawa ko na.”Kasalukuyan nasa pool area si Abby at ang best friend niya dahil nagyaya itong mag-night swimming habang umiinom ng wine. Pinaunlakan naman niya ito pero hati pa rin ang isip niya ng mga sandaling iyon dahil sa nangyaring eksena kanina.Hiyang-hiya talaga siya sa nagawa at Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ano na lang ang mukhang ihaharap niya sa lalaki pagkatapos ng kagagahang ginawa niya? Paano niya ito haharapin pagkatapos ng lahat? “Don't mind him. Masungit lang talaga si Kuya Kairi pero mabait naman ang isang 'yun,” nakangiting sagot naman ng kaibigan niya habang tumitipa sa kaharap na laptop.Mangiyak-ngiyak naman si Abby sa narinig. “Paanong 'wag intindihin? Galit na galit s'ya sa'kin, bruh! Sinabihan ko siyang magnanakaw at maniac!” bulalas pa ni Abby napahawak sa kanyang noo na parang stress na stress.“Well kahit ako naman magagalit,” pagbibiro nam
“WHO the hell are you?”Awtomatikong nanigas ang katawan ni Abby nang marinig ang baritonong boses na iyon ng lalaki na nasa ilalim niya. At dahil tanging lampshade lang ang nakabukas na ilaw sa kwartong iyon kaya umahon ang matinding takot sa kanyang dibdib dahil sa pag-iisip na baka masamang tao iyon. “I-Ikaw sino ka?! Bakit ka nandito? Magnanakaw ka ba?!” bulalas ni Abby saka nagpa-panic na tumayo mula sa kandungan ng lalaki pero nanlaki ang kanyang mga mata nang hapitin siya nito sa kanyang baywang. Hindi lang iyon, naramdaman pa niyang ang pagkabuhay ng pagkalalaki nito sa kanyang pang-upo.“This is my fucking house! Who are you? Are you a thief?”sigaw naman nito na hindi pa rin siya pinakakawalan.Ginawa ni Abby ang lahat para makawala sa lalaki pero dahil malakas ito kaya hindi nito ininda ang pagpupumiglas niya. Takot na takot na si Abby kaya dahil sa pagiging desperado, ang tanging naisip niyang gawin ay kagatin ito sa kamay.“What the fuck!” bulalas naman ni Kairi saka wala
“BRUH!”Mangiyak-ngiyak na tumakbo si Abby papalapit sa kanyang best friend na si Keiko. Niyakap niya ito nang mahigpit dahil sa wakas, nagkaroon na rin siya ng kakampi.“Bruh, how are you? Bakit gan'yan ang itsura mo?” nag-aalala namang tanong ng kanyang kaibigan habang kumot nakatingin sa kan'ya.Alam naman ni Abby kung ano ang tinutukoy nito. Malaki na kasi ang ipinagbago niya simula noong naghiwalay sila nito. Bumagsak ang kanyang katawan dahil sa stress at nanlalalim at kanyang mga mata dahil may mga gabing nahihirapan siyang makatulog kapag naiisip niya ang kahayupan ni Henry.Nagbitiw sa pagkakayakap ang dalawa matapos ang ilang sandali. Matagal silang hindi nagkita kaya sobrang na-miss nila ang isa't-isa.Nang hindi sumagot si Abby sa tanong ng best friend niyang si Lalaine ay inakay siya nito paupo sa mahabang sofa at puno ng pag-aalalang pinagmasdan siya. Pero ang isip ni Abby ay kasalukuyang lumilipad sa kabuohan ng opisina ng kanyang kaibigan. Hindi niya akalain na magigi
“I'M sorry, Kairi. I can't marry you...”Naomi returned the ring to Kairi with tears in her eyes. Kairi couldn't understand why her fiancé did that. They were planning to get married but why is she suddenly returning the ring to him now? What the fuck is really happening?“But why? Did I do something wrong, babe?” gulong-gulo na tanong ni Kairi sa nobya saka hinawakan ang kamay at bakas ang matinding pagtatanong sa mga mata.Pero iwinaksi ni Naomi ang kamay na hawak ng nobyo at saka tinakpan ang mukha gamit ang palad at umiyak. “Akiko-san to no o miai ga kimarimashita. Gomen'nasai, Kairi. (My arranged marriage meeting with Akiko has been arranged. I'm so sorry, Kairi.)”Nang marinig iyon ni Kairi ay natigilan siya. Si Akiko ay ang lalaking gusto ng mga pamilya ng kanyang nobya para rito. Kairi thought the man had completely backed out of the agreement, but why would the two get married now? No! Hindi siya makakapayag. Noong una pa lang niyang makita si Naomi, alam niyang ito ang baba
“MASAKIT ba, hija? Pasensya ka na. Wala akong magawa sa t'wing sinasaktan ka ni Sir Henry. Natatakot din kasi akong baka pag-initan n'ya ang pamilya ko.”Mula sa kawalan ay bumaling ang tingin ni Abby kay Manang Ising. Kasalukuyan niyang nilalagyan ng ointment ang sugat niya sa bibig, braso, at binti na katulad ng dati ay tinamo niya mula sa pagmamaltrato ng demonyong si Henry.Her whole body was covered in bruises and scratches, a sign of Henry's sadism. Mas lalo kasi siyang ginagahan kapag nakikita niyang nagmamakaawa ang dalaga sa kan'ya. He feels like he's the lookking and she's his slave. “O-Okay lang po, Manang Ising. Naiintindihan ko po kayo,” saad ni Abby na pilit ngumiti sa matanda.Muling kumuha ng cotton buds si Manang Ising at muling nilagyan ng ointment saka magaang ipinahid sa mga sugat ng kawawang dalaga. Habag na habag siya rito pero wala naman siyang magawa para matulungan ito.“Bakit ba kasi hindi ka na lang umalis? Magpakalayo-layo ka. Magtago ka kahit saan. Basta
ALAS-SINGKO ng hapon ang eksaktong labas ni Abby, at awtomatikong nanginig ang kanyang mga kamay nang makita ang isang itim na Rolls Royce na naka-park sa tapat ng banko kung saan siya nagtatrabaho. Isang bodyguard ang nakatayo sa labas habang hinihintay siya. Habang papalapit ay nanlumo si Abby dahil alam niya na kahit anong gawin niya ay hindi na siya makakatakas pa sa kamay ni Henry Scott. Ni mga pulis ay ayaw tumulong sa kan'ya dahil marinig lang ang pangalan nito ay parang asong nababahag ang buntot.Gustuhin man niyang tumakbo at tumakas kay Henry ng mga sandaling iyon, alam ni Abby na magiging useless lang ang lahat dahil magkikita't makikita din siya nito. Nang minsan ngang sinubukan niyang magtago, sa halip na hanapin siya ay ang kanyang pamilya sa Capiz ang pinuntahan ng mga ito. Sa takot niya na may mangyaring masama sa pamilya ay kusa na siyang lumabas sa pinagtataguan.“Good evening, Ms. Del Rosario,” bati ng bodyguard ni Henry sabay bukas ng pinto ng back seat. Doon, ki
“LET'S break up, Abby. I can't do this anymore...”Tila pinagbagsakan ng langit at lupa si Abby sa narinig. Ang mga salitang iyon ay para bang kutsilyo na paulit-ulit na sumasaksak sa kanyang puso. Maging ang kanyang luha ay biglang bumalong na para bang isang ulan na walang tigil sa pagbuhos.Paano na lang siya kung iiwan siya ni Jake? Si Jake na lang ang tanging kakampi niya pero iiwan pa siya nito. Bakit? Paano nito nagagawang makipaghiwalay sa kan'ya gayong pitong taon na sila nito? Ganoon lang ba talaga kadali para kay Jake na iwan siya pagkatapos ng lahat? Ang akala niya ay tanggap siya nito, tanggap nito ang pagkatao niya. Pero bakit bigla na lang itong makikipaghiwalay sa kan'ya? Did she do something wrong? Aren't they planning to get married? Hinawakan ni Abby ang kamay ng nobyo habang umiiyak. “Jake naman. Seven years na tayo. B-Bakit ngayon ka pa makikipaghiwalay sa'kin? Did she do something wrong? Don't you love me anymore?” umiiyak niyang tanong. Nagulat si Abby nang
•••••“ANAK, sigurado ka na ba? Pwede namang dito ka na lang sa probinsya natin maghanap ng trabaho habang nag-aaral. Bakit kailangang sa Maynila pa? Ang balita ko, maraming masasamang tao doon sa Maynila,” nag-aalalang tanong ni Letisha sa anak na si Abby. Matamis na ngumiti si Abby sa kanyang Nanay Letisha. “Naku nay! Kung kailan naisangla na natin ang lupang sakahan, saka mo pa sasabihin sa'kin 'yan? Paano ko matutubos ang lupa natin kung aatras ako?” pabirong sagot naman ni Abby.Ang totoo, nasasaktan si Abby dahil ang lupang iyon ang tanging alaala ng kanilang tatay na maagang nawala dahil sa pneumonia. Kaya naman bilang panganay, ipinangako niya sa sariling magsisikap siya at magtatrabaho nang sa gayon ay matubos nila iyon sa lalong madaling panahon.“Nag-aalala lang naman ako sa'yo, anak. Mag-isa ka lang doon. Paano ka na lang kapag may sakit ka? Sinong mag-aalaga sa'yo?” Hindi pa rin mapalagay ang puso ni Letisha para sa pag-alis ng panganay na anak, dahil iyon ang unang be