Chasing my True Love: Betrayed by My Love

Chasing my True Love: Betrayed by My Love

last updateLast Updated : 2026-01-29
By:  Sapphire DyaceUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
7Chapters
10views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sa pag aakalang pinikot ni Samantha si Billy sa mismong gabi ng engagement niya kay Hera, limang taon niyang minaltrato ang babae, ginawang kasangkapan, na papansinin lang kapag maglalabas ng init ng katawan. Subalit matapos lumabas ang katotohanan, bumaliktad ang kanilang mundo.. si Samantha na ngayon ang nang aabuso, habang patuloy na hinahabol ng dating asawa. "Nagkamali ako.. ano ang dapat kong gawin, para mapatawad mo ako?" nakikiusap ang tinig ni Billy. "Mawala ka sa paningin ko, habang buhay!" matigas na tugon ni Samantha.

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

"BILISAN  niyo! bago pa magising ang lalaking yan!" utos ni Lucy sa mga tauhan ng kanyang asawa.

"Saan po namin ilalagay si sir, ma'am?" tanong ng isa.

"Ipasok sa silid na tinutuluyan ni Samantha! gawing malinis ang lahat, para walang bulilyaso!" mariing utos ni Virgilio.

********************

Ngayong gabi, sa seaside na malapit sa isang Bar sa isang kilalang Mall.. ang MOA, naroon ang pares ng tao na mukhang magkasintahan.. Si Edward ay nakaupo na tila ba ninanamnam ang lamig ng hangin, habang ang babaeng kasama niya, ay nakahilig sa kanyang kanang balikat.

Tila ba, inaalo niya ito sa isang napaka romantikong posisyon..

Hindi nila alam, na sa hindi kalayuan, naroon ang isang pares ng mata, na matigas, may galit at puno ng poot na nakatitig sa kanila, si Samantha. Tahimik siyang lumapit sa mga ito, walang ingay, walang bakas.

Napansin na siya ni Billy, subalit tila ba wala lamang siya sa buhay nito, na parang isa lamang siyang ordinaryong tao na dumaan. Malalig ang mga mata ng lalaki habang nakatingin sa kanya. Yumuko ito ng bahagya, na parang kinukuha ang atensiyon ng babaeng kasama na nakahilig sa balikat nito. Napakasakit niyon para kay Samantha. Walang kasing sakit!

Walang patid ang pagluha ni Hera, na tila ba batang nagsusumbong, na hindi man lang namamalayan ang presensiya ng kapatid sa kanilang likuran. Patuloy pa rin ito sa pagsasabi ng mga bagay na nagbibigay lungkot sa puso ni Billy.

"Masaya sana tayo ngayon, kung hindi ka lang inagaw sa akin ng aking kapatid," humahagulhol na wika ni Hera, "tayo sanang dalawa ang nagkatuluyan.. Wala sanang nangyaring pangit sa buhay ko.. Kasalanan lahat ng kapatid ko ang nangyari. Siya ang may kagagawan ng aking kamalasan!"

Masyadong obvious ang ginagawa ni Hera. Ang siraan siya sa harapan ng kanyang asawa, at palabasing siya ang masamang tao, na kung tutuusin, siya naman talaga ang biktima dito! Ang kahuli hulihang pisi ng kanyang pagtitimpi ay biglang naputol.

Bigla niyang kinuha ang isang bote ng redhorse na nakita niya sa gilid ng mesa. Halos kalahati pa iyon, mukhang hindi naubos ng umiinom kanina, at lumapit siya sa bandang seaside kung saan nakatambay ang dalawang taksil na iyon. Ibinuhos niya iyon sa ulo ng kanyang kapatid.

“Samantha! Ano’ng ginagawa mo?!” sigaw ni Billy. "Nababaliw ka na ba? bakit mo siya binuhusan ng alak?!"

Nabasa ng husto ang ulo ni Hera, pati na rin ang damit ni Billy. Nagmamadali silang tumayo, at puno ng galit ang mga mukha. Agad na kinuha ni Billy ang panyo sa kanyang bulsa, saka marahang pinunasan ang mukha ng kasamang babae. Matapos iyon, marahas na kumuyom ang kanyang mga kamao, at puno ng galit ang mga mata habang nakatingin sa kanyang asawa. Subalit agad siyang pinigilan ni Hera sa kung anuman ang nais niyang gawin.

"Wag mo na siyang patulan, Billy.. Likas na sa kanya ang pagiging arogante. Kahit noong mga bata pa lang kami, ganyan na siya sa akin. Madalas niya akong sinasaktan at binubully. Saka--"

"Hera!" untag ni Samantha sa babaeng nagsusumbong, "bakit? anong naging kasalanan ko sayo, at pati asawa ko, na bayaw mo ay nakuha mo pang landiin? nauubusan ka na ba ng lalaki?"

Lumingon si Hera sa kanya, subalit ang tinging iyon ay may bahid ng pang uuyam at pagmamataas. Saka muling lumingon kay Billy, suot ang mapagkunwaring maskara ng isang api. "Nagmamahalan na kami ni Billy noon pa. Ikaw ang sumingit sa aming eksena. Inagaw mo siya sa akin!"

Parang walang pakialam si Billy, habang hinahamak ni Hera ang kanyang asawa. Wala siyang pakialam sa kung anuman ang nararamdaman ni Samantha. Para sa kanya, isa lang itong palamuti sa bahay, at aso na sunod ng sunod sa kanya.

Maganda ang tanawin sa harapan ni Samantha. Isang babaeng maganda, at isang guwapong lalaki. Perfect match! Parang pinilas ang kanyang puso, subalit hindi siya nagpahalata. Lumapit siya kay Hera, saka marahas na nag akusa.

Nagpadala ka sa akin ng larawan niyong dalawa, bakit? para saan? para galitin ako at ipakita sa akin na ikaw ang pinili niya? Huh! nananaginip ka ata? Hindi dahil nasa iyo siya, ay bibitawan ko na siya! Akin ang asawa ko. Akin si Billy! at ikaw? mananatili ka lang kabit niya habang buhay!"

"Wala akong pakialam sa sinasabi mo, Samantha! matagal ng gustong makipaghiwalay ni Billy sayo dahil sukang suka na siya sa pagmumukha mo!" parang nawawala na ng tuluyan sa sarili si Hera, "Wag mo ng ipilit ang sarili mo, sa taong ayaw naman sayo!"

Napangisi na lang si Samantha ng marinig ang sinabi ng kanyang kapatid. Dahan dahan siyang tumalikod, pinipigilan ang galit at ang kanyang luha, saka muling humarap.

"Kung ganoon, managinip ka na lang! dahil ang panaginip mo, na maging asawa ng asawa ko, ay mananatili na lang pangarap! Mas nanaisin ko pang mamatay, kaysa hiwalayan siya!"

Aalis na sana siya, ng biglang maramdaman ang mabigat na kamay ni Billy na nakahawak sa kanyang pulso. May gigil sa mukha nito, at mababakas ang labis na galit, "Anong sinabi mo? mas gugustuhin mo pang mamatay, kaysa hiwalayan ako?"

"Oo, mabuti pang mamatay na lang ako, kaysa maagaw ka ng kapatid ko!" gigil na wika ni Samantha.

"Talagang baliw ka!" bulyaw ni Billy, saka pibilipit ang kamay niya patalikod, "humingi ka ng tawad sa ginawa mo kay Hera!"

"Hihingi ako ng tawad sa taong umaagaw sa asawa ko? ang galing mo naman!" galit na sagot ni Samantha. Hinding hindi siya hihingi ng tawad sa huwad na babaeng ito! Wala siyang planong maging isang martir!

"Humingi ka ng tawad!" muling sigaw ni Billy. Marami ng nakakapansin sa kumosyong nagaganap sa pagitan nilang tatlo.

Parang tinusok ang dibdib ni Samantha sa pamimilit ng kanyang asawa.

"Hinding hindi!"

Lumapit si Hera kay Billy, saka niyakap ang lalaki, at pinipigilan ito sa ginagawa kay Samantha, kahit ang totoo, masayang masaya siya. Nais niyang mapanatili ang mahinang image na ipinapakita niya kay Billy.

"Okay lang ako, Billy. Wag mo na lang siyang piliting humingi ng tawad, wala ito sa akin.."

"Kaya ka inaabuso ng babaeng ito, masyado kang mabait. Kailangan, maturuan siya ng leksiyon!" gigil na sagot ni Billy.

"Hindi ako hihingi ng tawad sa kanya, kahit kailan!" bulyaw ni Samantha.

"Ah, ganoon ba?" bigla na lang kinarga ni Billy ang asawa sa kanyang balikat.

"Ibaba mo ako! hayup ka!" sinusuntok ni Samantha ang likod ng lalaki. "Taksil ka! taksil!"

"Di ba, sabi mo, mas gugustuhin mo pang mamatay kaysa hiwalayan ako? pwes, pagbibigyan kita. Humanda ka!" nakakakilabot ang galit na maririnig sa tinig ni Billy.

Naiwan si Hera sa gitna ng kahihiyan. May mga kumukuha ng video, at may mga naririnig pa siyang mga tawanan.

"Maganda sana, kaso, sa dami ng lalaki, asawa pa talaga ng kapatid niya ang ginusto niya? nakakahiya."

"All is fair ba talaga sa love and war?pero ito, napaka unfair!"

"Mas maganda yung kapatid, kaso nag downgrade yung lalaki."

Halos lahat iyon, sumiksik sa isipan ni Hera.

Nais na lang niyang maglaho sa labis na kahihiyan. Tumakbo siya papalayo.

*****************

Mabilis ang takbo ng sasakyan. Kalmado na rin si Samantha. Marahas namang nakatingin sa daan si Billy. Pakiramdam niya, masyado na atang naging kumportable si Samantha sa kanya, kaya ganito na ito umasta.

Babasagin sana niya ang katahimikan sa loob ng sasakyan, ng biglang tumunog ang kanyang phone.

"Sir, si Miss Hera, tumalon sa dagat!" tinig mula sa kabilang linya.

"Ano?!" bigla niyang tinapakan ang preno, saka lumabas ang kanyang mga ugat sa noo, "anong sinabi mo?"

"Opo, tumalon po siya. Kasalukuyan namin siyang hinahanap ngayon!"

Matapos iyon, galit na galit siyang bumaba ng sasakyan, saka nagtungo sa passengers seat. Binuksan iyon, at marahas na hinila si Samantha palabas ng sasakyan. Isinalya niya ito sa kalsada.

"Kapag may nangyaring masama kay Hera, ako mismo ang papatay sayo!" Saka siya nagmamadaling bumalik sa sasakyan at pinaharurot iyon sa napakabilis na speed. Iniwan si Samantha na nakadapa sa gitna ng kalsada.

"Billy!" sigaw ni Samantha, kasabay ang pagbagsak ng malalaking butil ng ulan. "Billy wag mo kong iwan!"

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
7 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status