“BUT please...don't ever tell me to forget you and move on because I can't, Lalaine. Paano kita makakalimutan kung kahit minsan...sa loob ng nakalipas na walong taon, hindi ka nakalimutan ng puso ko?”Pinigilan ni Keiko na ipakita ang emosyon kahit pa malaki ang epekto sa kan'ya ng sinabing iyon ni Knives. Hindi siya magpapa-ipokrita. Sa nakalipas na walong taon hindi niya nakalimutan si Knives. Iniyakan n'ya ito nang marami taon... Lalong-lalo na noong mga panahong nagdadalang-tao siya at wala ito sa tabi niya.Napakahirap ng pinagdadaanan niya. May mga gabing umiiyak siya sa t'wing naaalala niya si Knives at pinagmamasdan ang kanyang mga anak. Nasasaktan siya sa t'wing iniisip na lalaking walang kikilalaning ama ang mga ito.Nang nagkaisip ang kanyang mga anak, palaging nagtatanong ang mga ito tungkol sa kanilang ama. Pero parati siyang nagsisinungaling sa mga anak at sinasabing nasa malayong lugar ang kanilang daddy at nagtatrabaho. Sobra siyang nasasaktan sa t'wing nagsisinungalin
DAHIL hanggang 5PM lang ang oras ng trabaho ni Abby, paglabas sa banko ay dumiretso siya sa apartment para mag-impake. Kakapalan na n'ya ang mukha at tatanggapin ang offer ni Lalaine na doon tumira sa mansyon.Natatakot na siya sa seguridad n'ya dahil kung saan-saan sumusulpot ang mga tauhan ni Henry Scott para takutin siya. Minsan ay nagpupunta ang mga ito sa banko at kunwari ay magde-deposit, 'yun pala ay tatakutin siya. Kung minsan naman ay sa apartment nagpupunta ang mga ito at tatakutin siyang ipagkakalat ang kaugnayan nila.Wala ng choice sis Abby. Feeling n'ya ay araw-araw na nasa bingit ng kamatayan ang buhay n'ya dahil sa pangha-harras na ginagawa ng mga ito. Paulit-ulit din siyang tinatakot na papatayin ang kanyang pamilya sa oras na tumanggi siya sa gusto nito.Dahil doon, madalas na hindi siya nakakatulog ng maayos sa takot na basta na lang siya pasukin ng mga ito sa kanyang apartment at gawan ng masama. She couldn't report it to the police because she knew that Henry Scot
“DO you like the food, hon?” untag ni Seiichi kay Keiko.Naroon sila sa isang fine dining na maganda ang ambiance at mayroong masarap na pagkain. Pero balewala kay Keiko ang ganda ng restaurant, maging kung gaano kasarap ang pagkain dahil ang isip niya ay naglalakbay sa kung saan.Hindi maalis-alis sa kanyang isip ang nabasang text mula kay Knives. Bakit ba kailangan pa talagang ipaalala ng lalaking 'yon ang date kung kailan sila ikinasal? “Hon? May problema ba?” nag-aalalang tanong ni Seiichi sa fiancee. Kanina pa n'ya ito napapansin na parang may malalim itong iniisip.“H-Huh?” Wala sa sariling napatingin si Keiko sa boyfriend. “May sinasabi ka ba, hon?”Lihim na bumuntong-hininga si Seiichi. Ilang taon na niyang kilala si Keiko kaya alam n'ya kung may gumugulo sa nobya ng mga sandaling iyon. “Hon, may gumugulo ba sa'yo? Tell me,” nag-aalalang tanong ni Seiichi at saka masuyong ginagap ang kamay ng nobya.Doon naman nagbalik sa tamang wisyo si Keiko. Masyado na yata siyang nagpapa
“LALAINE, mahal na mahal kita. Ni minsan hindi nawala ang pagmamahal na 'yon. Alam kong may mahal ka nang iba, pero hangga't hindi kayo naikakasal, hindi ako titigil na suyuin ka. So go ahead, hurt me, but I won't stop until I hear from you that you still love me...”Tulala pa rin si Keiko pagkatapos ang message na iyon ni Knives. Bakit ba ang hilig ng lalaking 'yon na magpadala ng mga ganoong messages sa kan'ya? Bored ba ito at walang magawa sa buhay? Or maybe he's just drunk and doesn't know what he's saying.Pero kung ano pa man ang reason nito sa pangungulit sa kan'ya ay nakakairita iyon dahil nadi-distract siya. Ginugulo ni Knives ang isip n'ya at hindi s'ya makapag-isip ng maayos. Kung p'wede nga lang niyang i-block ang lalaki ay ginawa na n'ya pero dahil ito ang kompanya nito ang kinuha niyang contractor ng kanyang itatayong kompanya kaya wala siyang choice.“Bruh? May problema ba? Kanina pa ako nagsasalita pero 'di mo naman ako pinapansin,” nakangusong untag ni Abby sa kaibiga
“REALLY? Sayang naman. Sasabihin ko na lang kay Lola Mathilde na ayaw mo ng mga pagkaing ipinaluto n'ya...”Lihim na naikuyom ni Keiko ang kamao nang marinig ang pangalan ni Lola Mathilde. Sure siyang ipinaluto iyon ng matanda kay Nanay Delia, kaya paano n'ya matatanggihan ang pagkain na iyon?Bumuntong-hininga si Keiko saka walang magawa kundi kunin ang kutsara at tinidor at sumandok ng kaunting kanin at ulam. At katulad ng dati, masarap pa rin magluto si Nanay Delia lalo na ang specialty nitong chicken afritada.“Akala ko ba busog ka?” nanunukso pang tanong ni Knives nang mapansin na maganang kumain ang babae.Tumaas ang magagandamg kilay ni Keiko. “'Diba ang sabi mo kumain ako?”“Ang lakas talaga ni Lola Mathilde sa'yo. Narinig mo lang ang pangalan n'ya, napakain ka nang wala sa oras. Sana ako rin malakas sa'yo...” hirit pa ni Knives.“Kakain ka ba o magdadaldal?” inis na tanong ni Keiko. Hindi siya makakain ng maayos dahil panay ang salita nito. “Oo na po. Kakain na po, Kamahalan
DIRE-DIRETSONG naglakad si Knives papalabas sa opisina ni Lalaine at hindi na pinansin pa ang mga nagsidating, pero isang babae na may malamyos na tinig ang tumawag sa kan'ya dahilan para mapahinto siya at mapalingon.“Knives! Is that you?” tanong ng babaeng kasama ni Seiichi, dahilan para mapatingin din ito kay Knives. “Oh my god! It's really you!” bulalas pa niyo sabay lapit kay Knives at humalik sa pisngi ng lalaki.Sakto namang lumabas si Keiko para alamin kung bakit hindi pa pumapasok si Seiichi sa kanyang opisina, iyon ang eksenang nabungaran niya. She couldn't explain why, but she felt annoyed when she saw that scene. Iyon kasi ang unang beses na nakita niyang hindi pumalag si Knives nang halikan ito ng isang babae sa pisngi.“What a coincidence! What are you doing here?” anang babae na hindi makapaniwala. Maganda ito at mukhang modelo, pero hindi tulad ng iba, simple lang itong manamit at hindi malaswa. Isang sleeveless floral dress na kulay pink ang suot nito at isang white h
SA BUONG ng dinner ay halos hindi magsalita si Keiko. Naiinis siya na hindi n'ya maintindihan kung bakit. Tuloy ay halos hindi n'ya nagalaw ang mga pagkaing nakalagay sa kanyang plato. Naiirita siyang makita na hindi naman baldado si Analeigh pero halos ni Knives na ang nagsandok ng mga kakainin nito. Maging ang paghimay ng hipon ay ito pa ang gumawa para sa babae na never nitong ginawa sa kan'ya.“Are you okay, hon? You don't seem to be in the mood?” mahinang bulong ni Seiichi na dumukwang palapit sa girlfriend.Humarap si Keiko sa fiancé saka pilit na ngumiti. “Yeah, I'm okay,” aniya. “I'm going to the restroom. I need to freshen up,” paalam pa ni Keiko saka tumayo na.“Are you going to the restroom?” nakangiting tanong naman ni Analeigh nang makita tumayo ang babae.“Yup.”“Me too.” Magkasabay na nagtungo sa restroom ang dalawang babae at naiwan sa table ang dalawang lalaki. The atmosphere between the two men suddenly became intense, even though they weren't talking and were just
“DAD? What should I do? Should I introduce the twins to their father?”Nasa pool area si Keiko, kasama ang kanyang daddy at masinsinang nag-uusap. Bukas na ang birthday ni Lola Mathilde ay nangako siyang pupunta siya. But she still can't decide whether she should introduce Knives to their children or not.Bukas, tiyak na makakaharap niya ang Dawson Family, at hindi n'ya alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga ito kapag nakita nito ang kambal. Lalo na si Kennedy Dawson, ang lolo ng kambal. Alam niyang noon pa man ay gustong-gusto na nitong magka-apo, as well as Lola Mathilde.“I'll be frank, hija. I think it's the right time to introduce him to the twins,” ani Kenji. “Malapit na kayong ikasal ni Seiichi, mas mainam na habang hindi pa kayo kasal ay makilala na ng mga anak mo ang kanilang tunay na ama nang sa gayon ay maiwasan ang confusion.”Napatango-tango naman si Keiko. Mukhang tama ang kanyang daddy. Wala rin namang ipinagkaiba kung patatagalin pa niya dahil makikilala't makikila
KINABUKASAN, magkakaharap na dumulog sa dining table para sa breakfast sina Abby, ang best friend niya, si Tito Kenji at ang Kuya Kairi nito. Ang dalawang sobrang cute na anak ng kanyang best friend ay natutulog pa kaya hindi nila kasabay sa almusal na iyon.Hindi magawang tumingin ni Abby sa lalaki dahil hiyang-hiya pa rin siya kaya habang kumakain ay para siyang tangang nakayuko lang at halos dumikit na ang mukha sa plato.“Hija, what's wrong? Ayaw mo ba ng pagkain?” puna ni Kenji sa dalagang si Abby nang makita niyang nakayuko lang ito at tulala.Napilitang nag-angat ng tingin si Abby dahil sa sinabing iyon ng matanda. Ayaw niyang isipin nito na bastos siya o kaya naman ay nag-iinarte sa pagkain. “H-Hindi po, Tito Kenji. May naalala lang po ako,” sagot niya na may pilit na ngiti sa labi.“Tungkol ba kagabi? Don't worry, hindi naman big deal 'yun para kay Kairi. Right, son?” saad naman ni Kenji sabay tingin sa anak na tahimik lang na kumakain.Dahil sa narinig ay wala sa sariling
“BRUHA... Grabe! Hiyang-hiya ako sa katangahang ginawa ko kanina. Kung p'wede lang akong magpalamon sa lupa, ginawa ko na.”Kasalukuyan nasa pool area si Abby at ang best friend niya dahil nagyaya itong mag-night swimming habang umiinom ng wine. Pinaunlakan naman niya ito pero hati pa rin ang isip niya ng mga sandaling iyon dahil sa nangyaring eksena kanina.Hiyang-hiya talaga siya sa nagawa at Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ano na lang ang mukhang ihaharap niya sa lalaki pagkatapos ng kagagahang ginawa niya? Paano niya ito haharapin pagkatapos ng lahat? “Don't mind him. Masungit lang talaga si Kuya Kairi pero mabait naman ang isang 'yun,” nakangiting sagot naman ng kaibigan niya habang tumitipa sa kaharap na laptop.Mangiyak-ngiyak naman si Abby sa narinig. “Paanong 'wag intindihin? Galit na galit s'ya sa'kin, bruh! Sinabihan ko siyang magnanakaw at maniac!” bulalas pa ni Abby napahawak sa kanyang noo na parang stress na stress.“Well kahit ako naman magagalit,” pagbibiro nam
“WHO the hell are you?”Awtomatikong nanigas ang katawan ni Abby nang marinig ang baritonong boses na iyon ng lalaki na nasa ilalim niya. At dahil tanging lampshade lang ang nakabukas na ilaw sa kwartong iyon kaya umahon ang matinding takot sa kanyang dibdib dahil sa pag-iisip na baka masamang tao iyon. “I-Ikaw sino ka?! Bakit ka nandito? Magnanakaw ka ba?!” bulalas ni Abby saka nagpa-panic na tumayo mula sa kandungan ng lalaki pero nanlaki ang kanyang mga mata nang hapitin siya nito sa kanyang baywang. Hindi lang iyon, naramdaman pa niyang ang pagkabuhay ng pagkalalaki nito sa kanyang pang-upo.“This is my fucking house! Who are you? Are you a thief?”sigaw naman nito na hindi pa rin siya pinakakawalan.Ginawa ni Abby ang lahat para makawala sa lalaki pero dahil malakas ito kaya hindi nito ininda ang pagpupumiglas niya. Takot na takot na si Abby kaya dahil sa pagiging desperado, ang tanging naisip niyang gawin ay kagatin ito sa kamay.“What the fuck!” bulalas naman ni Kairi saka wala
“BRUH!”Mangiyak-ngiyak na tumakbo si Abby papalapit sa kanyang best friend na si Keiko. Niyakap niya ito nang mahigpit dahil sa wakas, nagkaroon na rin siya ng kakampi.“Bruh, how are you? Bakit gan'yan ang itsura mo?” nag-aalala namang tanong ng kanyang kaibigan habang kumot nakatingin sa kan'ya.Alam naman ni Abby kung ano ang tinutukoy nito. Malaki na kasi ang ipinagbago niya simula noong naghiwalay sila nito. Bumagsak ang kanyang katawan dahil sa stress at nanlalalim at kanyang mga mata dahil may mga gabing nahihirapan siyang makatulog kapag naiisip niya ang kahayupan ni Henry.Nagbitiw sa pagkakayakap ang dalawa matapos ang ilang sandali. Matagal silang hindi nagkita kaya sobrang na-miss nila ang isa't-isa.Nang hindi sumagot si Abby sa tanong ng best friend niyang si Lalaine ay inakay siya nito paupo sa mahabang sofa at puno ng pag-aalalang pinagmasdan siya. Pero ang isip ni Abby ay kasalukuyang lumilipad sa kabuohan ng opisina ng kanyang kaibigan. Hindi niya akalain na magigi
“I'M sorry, Kairi. I can't marry you...”Naomi returned the ring to Kairi with tears in her eyes. Kairi couldn't understand why her fiancé did that. They were planning to get married but why is she suddenly returning the ring to him now? What the fuck is really happening?“But why? Did I do something wrong, babe?” gulong-gulo na tanong ni Kairi sa nobya saka hinawakan ang kamay at bakas ang matinding pagtatanong sa mga mata.Pero iwinaksi ni Naomi ang kamay na hawak ng nobyo at saka tinakpan ang mukha gamit ang palad at umiyak. “Akiko-san to no o miai ga kimarimashita. Gomen'nasai, Kairi. (My arranged marriage meeting with Akiko has been arranged. I'm so sorry, Kairi.)”Nang marinig iyon ni Kairi ay natigilan siya. Si Akiko ay ang lalaking gusto ng mga pamilya ng kanyang nobya para rito. Kairi thought the man had completely backed out of the agreement, but why would the two get married now? No! Hindi siya makakapayag. Noong una pa lang niyang makita si Naomi, alam niyang ito ang baba
“MASAKIT ba, hija? Pasensya ka na. Wala akong magawa sa t'wing sinasaktan ka ni Sir Henry. Natatakot din kasi akong baka pag-initan n'ya ang pamilya ko.”Mula sa kawalan ay bumaling ang tingin ni Abby kay Manang Ising. Kasalukuyan niyang nilalagyan ng ointment ang sugat niya sa bibig, braso, at binti na katulad ng dati ay tinamo niya mula sa pagmamaltrato ng demonyong si Henry.Her whole body was covered in bruises and scratches, a sign of Henry's sadism. Mas lalo kasi siyang ginagahan kapag nakikita niyang nagmamakaawa ang dalaga sa kan'ya. He feels like he's the lookking and she's his slave. “O-Okay lang po, Manang Ising. Naiintindihan ko po kayo,” saad ni Abby na pilit ngumiti sa matanda.Muling kumuha ng cotton buds si Manang Ising at muling nilagyan ng ointment saka magaang ipinahid sa mga sugat ng kawawang dalaga. Habag na habag siya rito pero wala naman siyang magawa para matulungan ito.“Bakit ba kasi hindi ka na lang umalis? Magpakalayo-layo ka. Magtago ka kahit saan. Basta
ALAS-SINGKO ng hapon ang eksaktong labas ni Abby, at awtomatikong nanginig ang kanyang mga kamay nang makita ang isang itim na Rolls Royce na naka-park sa tapat ng banko kung saan siya nagtatrabaho. Isang bodyguard ang nakatayo sa labas habang hinihintay siya. Habang papalapit ay nanlumo si Abby dahil alam niya na kahit anong gawin niya ay hindi na siya makakatakas pa sa kamay ni Henry Scott. Ni mga pulis ay ayaw tumulong sa kan'ya dahil marinig lang ang pangalan nito ay parang asong nababahag ang buntot.Gustuhin man niyang tumakbo at tumakas kay Henry ng mga sandaling iyon, alam ni Abby na magiging useless lang ang lahat dahil magkikita't makikita din siya nito. Nang minsan ngang sinubukan niyang magtago, sa halip na hanapin siya ay ang kanyang pamilya sa Capiz ang pinuntahan ng mga ito. Sa takot niya na may mangyaring masama sa pamilya ay kusa na siyang lumabas sa pinagtataguan.“Good evening, Ms. Del Rosario,” bati ng bodyguard ni Henry sabay bukas ng pinto ng back seat. Doon, ki
“LET'S break up, Abby. I can't do this anymore...”Tila pinagbagsakan ng langit at lupa si Abby sa narinig. Ang mga salitang iyon ay para bang kutsilyo na paulit-ulit na sumasaksak sa kanyang puso. Maging ang kanyang luha ay biglang bumalong na para bang isang ulan na walang tigil sa pagbuhos.Paano na lang siya kung iiwan siya ni Jake? Si Jake na lang ang tanging kakampi niya pero iiwan pa siya nito. Bakit? Paano nito nagagawang makipaghiwalay sa kan'ya gayong pitong taon na sila nito? Ganoon lang ba talaga kadali para kay Jake na iwan siya pagkatapos ng lahat? Ang akala niya ay tanggap siya nito, tanggap nito ang pagkatao niya. Pero bakit bigla na lang itong makikipaghiwalay sa kan'ya? Did she do something wrong? Aren't they planning to get married? Hinawakan ni Abby ang kamay ng nobyo habang umiiyak. “Jake naman. Seven years na tayo. B-Bakit ngayon ka pa makikipaghiwalay sa'kin? Did she do something wrong? Don't you love me anymore?” umiiyak niyang tanong. Nagulat si Abby nang
•••••“ANAK, sigurado ka na ba? Pwede namang dito ka na lang sa probinsya natin maghanap ng trabaho habang nag-aaral. Bakit kailangang sa Maynila pa? Ang balita ko, maraming masasamang tao doon sa Maynila,” nag-aalalang tanong ni Letisha sa anak na si Abby. Matamis na ngumiti si Abby sa kanyang Nanay Letisha. “Naku nay! Kung kailan naisangla na natin ang lupang sakahan, saka mo pa sasabihin sa'kin 'yan? Paano ko matutubos ang lupa natin kung aatras ako?” pabirong sagot naman ni Abby.Ang totoo, nasasaktan si Abby dahil ang lupang iyon ang tanging alaala ng kanilang tatay na maagang nawala dahil sa pneumonia. Kaya naman bilang panganay, ipinangako niya sa sariling magsisikap siya at magtatrabaho nang sa gayon ay matubos nila iyon sa lalong madaling panahon.“Nag-aalala lang naman ako sa'yo, anak. Mag-isa ka lang doon. Paano ka na lang kapag may sakit ka? Sinong mag-aalaga sa'yo?” Hindi pa rin mapalagay ang puso ni Letisha para sa pag-alis ng panganay na anak, dahil iyon ang unang be