LOGINGalit, poot, at paghihiganti ang nag-udyok kay Emma na pumasok sa mundo ni Edward—ang kilalang playboy na naging sanhi ng pagpanaw ng kanyang kapatid. Bilang sekretarya, nagtagumpay siyang mapasok ang buhay ni Edward, ngunit ang kanyang plano ba ay magiging ganap na tagumpay, o siya mismo ang malulunod sa sariling bitag? Isang kwento ng galit, pagnanasa, at mga lihim na hindi madaling limutin.
View More“I’m pregnant!.”
Parang bombang sumabog ang salitang iyon sa pandinig ni Edward Dela Vega, pero nanatili siyang kalmado sa harap ng babae. Walang bakas ng gulat, wala ring emosyon. “So, anong gusto mong gawin ko sa batang ’yan?” malamig niyang tanong.Ayaw niyang marinig ang salitang panagutan. Ayaw niya ng anak. At higit sa lahat—hindi siya naniniwala na sa kanya ang bata. Baka niloloko lang siya. Baka pera lang ang habol.
Hindi siya tanga. Alam niyang maraming babaeng sumusubok lumapit sa kanya para sa sariling interes. At hindi siya nagpakayaman para lang ibigay iyon sa mga gold digger. “Alam ko na iyan ang isasagot mo,” mahina pero matatag na sabi ng babae. “Alam kong ayaw mo ng bata.” “Kung alam mo naman pala, bakit ka pa pumunta dito?” iritadong sagot ni Edward. “Sinasayang mo ang oras ko.” Umiling ang babae. “Gusto ko lang marinig mula sa’yo. Don’t worry, hindi kita hihingan ng responsibilidad.” “Then get out,!” malamig na sabi ni Edward. “At huwag kang magpapakita ulit dito. Mas maraming mahalagang bagay Ang kailangan Kong gawin, kaysa makipag-usap sa’yo.” Bahagyang yumuko si Edward at tumitig ng matalim. “At tandaan mo ’to bago ka lumabas sa office na ito huwag mong subukan mag skandalo at ipagkalat sa lahat. Masama akong kalaban. Kaya kong pumatay ng tao sa isang iglap.” Nanlamig ang katawan ng babae mula sa pagbabanta ni Edward. “Out. Now!” Mabilis siyang lumabas ng opisina habang nanginginig ang tuhod sa sobrang takot. Pagkasara ng pinto, napahilot sa sentido si Edward. Hindi niya maalala kung paano niya nabuntis ang babae. Hindi siya nakikipag-contact kung walang proteksyon—hindi iyon ang estilo niya. At sa dami ng babaeng nakasama niya noong huling buwan, imposible. Lagi siyang maingat. Wala siyang balak magka-anak o magkaroon ng sakit. Kaya imposibleng kanya ang bata.Siya si Edward Dela Vega, isang kilalang negosyante. Sa edad na 32, malayo na ang narating niya sa mundo ng negosyo. Dahil sa galing niyang magpatakbo ng kompanya, maraming gustong mag-invest sa negosyo niya.
Dagdag pa dito ang kagwapuhan niya, kaya hindi na bago sa kanya na maraming babae ang nahuhumaling at sumusulpot sa buhay niya. May ilan pa ang nagsasabing nabuntis daw niya at pinapaako sa kanya ang bata. Pero lahat ng iyon ay hindi nakakalusot. Sigurado si Edward sa sarili niyang wala pa siyang nabubuntis ni isa sa mga babaeng nagamit na. Malinis siyang kumilos, maingat sa bawat galaw, at wala siyang bakas na naiiwan.Halos madapa si Maya nang makalabas ng building. Diring-diri sa sarili, wasak ang puso, at puno ng pagsisisi. Ano ang sasabihin niya sa ate niya?
Ang totoo ang ate niya ang nagpumilit na pumunta siya rito. Dahil kung hindi siya, ang ate niya ang pupunta. At ayaw na ayaw niyang mangyari iyon. Kilala niya ang ate niya matapang, palaban. Baka magka problema pa.Pagkarating sa labas, biglang bumuhos ang luha. Hindi niya alam ang gagawin. Naisip niyang tapusin na lang ang buhay. Bakit siya nagpadala sa matatamis na salita ng lalaki yon? Bakit siya naging tanga?
“Hoy, miss! Magpapakamatay ka ba?! Huwag mo akong idamay sa katangahan mo!” sigaw ng isang motorista nang muntikan na siyang masagasaan.
Napalayo si Maya at natigilan. “Sana na tuluyan na nga ako!”” bulong niya habang nagpupunas ng luha, pero hindi pa rin tumitigil ang pag-agos. Naglakad siyang tulala sa gilid ng highway. Nanginginig Ang kalamnan, tila Hindi alam Ang direksyon kung saan patungo.Galit na galit ang ate niyang si Emma nang malaman ang totoo.
“Let me go, Maya! Ako ang pupunta sa lalaking ’yon!” “No, ate! Huwag kang pumunta doon. Ayaw niya talaga sa bata!” “Hindi ko hahayaan iyon! Kailangan niyang panagutan ang ginawa niya sa’yo!” Pigil ni Maya ang braso ng ate niya, halos nakaluhod. “Please, ate,! huwag kang pumunta. Binantaan niya ako. Sabi niya papatayin niya ako kapag nagpakita pa ako roon.” Natigilan si Emma, kita ang poot sa mga mata. “He’s a dev*l!” “Kaya nga ayaw kong may mangyari sa’yo,” umiiyak na sabi ni Maya. “Mas pipiliin kong maghirap kaysa makita kang mapahamak dahil sa akin.” Patawad ate, nadamay kapa sa nagawa Kong pagkakamali .” Niyakap siya ng ate niya. “Sige, hindi na ako pupunta.” Mahinahong saad ni Emma habang banayad na hinahaplos Ang likod ng kapatid. “Thank you, ate,” Pero sa loob-loob ni Emma, kumukulo ang dugo. Hindi ko mapapalampas ang ginawa mo sa kapatid ko, “EDWARD DELA VEGA!”. Ipaghihigante ko siya.!Tatlong araw pagkatapos, sa huling gabi ng lamay, nakatayo si Emma sa harap ng kabaong ng kapatid.
Patay na si Maya. Natagpuan niya itong walang buhay sa kwarto, nagpakam*tay. Hindi niya matanggap. Silang dalawa na lang ang magkasama mula nang mamatay ang mga magulang nila sa sunog. Pinangarap niya na unti-unti silang aangat sa buhay… pero ngayon, wala na. “Dahil sa’yo… nawala ang nag-iisang pamilya ko,” bulong niyang nanginginig ang boses. “Pagbabayaran mo ang ginawa mo. Ipinapangako ko ’yan!.”Pagkatapos ng libing ng kapatid ni Emma, tahimik siyang bumalik sa kwarto nito.
Pakiramdam niya ang bigat ng bawat hakbang. Pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kanya ang mga gamit ng kapatid—mga damit, notebooks, paboritong stuffed toy, at ilang larawan nilang dalawa. Dahan-dahan niyang nilapitan ang study table. Umupo siya roon, parang nanghihina, habang pinagmamasdan ang bawat bagay na naiwan. “Maya,,” bulong niya na halos hindi lumalabas ang boses sa bibig. Para bang muling sumikip ang dibdib niya. Ang alaala ng kapatid, ang mga tawa, kwento, lambing, lahat bumalik sa isip niya. Habang inaayos niya ang mga gamit, pinili niya ang mga pwedeng ipamigay. Mga damit na hindi pa luma, mga bag at notebook na halos hindi nagamit. Pero habang inaabot niya ang isa-isang bagay, may luha na namang tumulo sa pisngi niya. “Kung hindi dahil sa kanya… hindi ka mawawala sa akin” Halos mapasigaw siya pero pinigilan. Ayaw niyang marinig ng ibang tao ang galit at sakit na pinipilit niyang itago. Sa gilid ng kama, may nakita siyang isang kahon, kulay brown, may maliit na lock sa harap. Mukhang mga mahahalagang gamit ang laman dahil hindi ito basta naiwan, kundi maayos na nakatabi. Hinawakan niya iyon. Malamig. Mabigat. Parang puso niyang halos hindi na kumikilos. Gusto na sana niyang buksan. Pero nanginig ang kamay niya. “Hindi pa, hindi ko pa kaya,” mahina niyang sabi. Inilapit niya ang kahon sa dibdib niya at marahang niyakap. Doon na siya napaiyak nang tuluyan, hindi ungol, hindi hikbi, kundi tahimik na pag-iyak na parang unti-unting nababasag ang buong mundo niya.Dahan-dahan niyang itinabi ang kahon sa isang sulok.
Alaala ito ng kapatid niya, nang kapatid na nawala dahil sa isang taong si “Edward Dela Vega!”. Lumuhod siya sa sahig, napayuko, at mahigpit na napakapit sa kumot ng kapatid. “Pangako, Maya… hindi ko hahayaang mamatay ka nang walang hustisya.” Ramdam ang poot, halong sakit at pangungulila.Isang buwan ang lumipas.
At matagumpay na nakapasok si Emma sa kumpanya ni Edward bilang bago nitong secretary. Ito na ang simula. Makukuha niya ang tiwala ng lalaki. At sisirain niya ito, dahan-dahan.Isang araw habang nasa trabaho nadatnan niya Ang amo abala sa trabaho mula sa table nito, agad siyang lumapit sa mesa ng amo.
“What are you doing here? Hindi kita tinawag—” Napatigil si Edward nang bigla niya itong halikan. Nagulat ito, pero ngumisi. “Ang tapang mo, babe.” Lumapit pa si Emma, humihingal, hawak ang kwelyo ng coat ng lalaki. “I really like you, sir”Mapang akit na saad nito na lalong linapit Ang sarili sa amo. Humawak si Edward sa bewang niya, hinila siya palapit. Sanay na sanay ang kamay nito. Sanay sa ganitong laro. Nakapikit na sana si Emma nang bigla siyang umurong. “Wait, sir. Nandito tayo sa office. Baka may makakita.” Naging Masama ang ngiti ni Edward. “Hindi ako papayag na bitinin mo ako—” Sinunggaban niya ang labi ni Emma, isinandal pa siya sa table. Mainit, agresibo. Pinipigilan ni Emma ang sarili, pero para sa kanya, bawat halik ay parang lason na unti-unting pumapasok sa puso niya.”Nakarinig sila ng Katok mula sa pinto.
“Shit!” sigaw ni Edward, galit na galit.Maagap na Binuksan ang pinto.
“Ano’ng problema mo?!” Nanginginig ang staff. “Sir, d-dokumento po, sabi niyo po ibigay ko agad pag dating—” “Get out!”Pag-alis ng babae, saka lamang lumabas si Emma mula sa banyo ng office ni Edward.
Huminga siya ng malalim, halatang kinakabahan pa rin. Malaki ang pasasalamat niya dahil pumasok ang isang staff kanina, kung hindi, baka kung saan na nauwi ang ginagawa nila ni Edward. Napahaplos siya sa dibdib niya, pilit pinapakalma ang sarili. “Hindi dapat nangyari ‘yon, hindi dapat,” bulong niya sa sarili, habang nanginginig pa ang kamay. Parang nanunumbalik sa isip niya ang bawat segundo, na ang lapit ni Edward, at ang init ng hininga nito, ang sandaling muntik na siyang bumigay kung hindi lang may pumasok. Pinikit niya ang mga mata, huminga ulit ng malalim. “Ayusin mo sarili mo, Emma, hindi mo siya dapat hayaan na lumagpas sa boundary.”Kinagabihan, nagpunta si Edward, isa sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya upang ilabas ang init ng katawan. At pagkaraan ng halos isang oras na pagpapaligaya ng babae sa kanya, agad niyang inutusan na umalis.
“Get out of here.!You know my rules. I don’t repeat.” Tinapon niya sa mukha ng babae Ang libo-libong pera. Yon lang naman Ang katapat ng mga babaeng kinakama nito. “Pera” Umirap ang babae, at the same time malawak Ang ngiti habang isa-isang pinupulot Ang salapi mula sa sahig. Pagkatapos kunin lahat ng pera sa sahig nag damit na ito saka lumabas. Nagshower si Edward at bumalik sa trabaho.Pagkadating naman ni Emma sa sariling apartment, tahimik siyang naupo sa gilid ng kama.
Isang buwan na ang lumipas pero parang kahapon lang namatay Ang kapatid. Kinuha niya ang picture frame ng kapatid at mahigpit na niyakap. “Miss na miss kita, Maya,” bulong niya. “Sabi mo walang iwanan, pero iniwan mo rin ako.” Pumapatak ang luha habang yakap ang larawan. “Sana masaya ka na, kasama si Nanay at si Tatay. Mahal na mahal ko kayong lahat.” Nalaglag ang luha niya sa frame, at dahan-dahan siyang humiga, yakap pa rin ito, parang doon na lang siya kumukuha ng hininga.Mahigpit ang yakap ni Edward sa kanya—para bang magkasintahan talaga sila. Kung makayakap naman, kala mo mahal mo ’ko, bulong ni Emma nang siya ang unang nagising kinabukasan.Tahimik ang buong kwarto. Si Edward, mahimbing pa ang tulog. Dahil doon, malaya niyang napagmamasdan ang mukha ng lalaki—ang matangos nitong ilong, makapal na kilay,ang maamo pero lalaking-lalaki na panga, at ang bahagyang pagkakunot ng noo nito habang natutulog.Fake,, lahat ’to peke lang, paalala ni Emma sa sarili.Napabuga siya ng hangin, bahagyang umiiling.“’Yan ka kasi,,, babaero ka.! Hindi MAKONTENTO Sa isa,” mahinang dagdag nito, na Hindi namalayan napalakas Ang boses nito sa huling salita.Pero kahit anong pilit niyang kumbinsihin ang sarili, may kung anong kirot sa dibdib niya habang nakikita ang payapang mukha ni Edward—para bang may isang bahagi sa kanya ang ayaw maniwalang peke lang lahat.“Anong hindi makontento?” paos at antok na tanong ni Edward, hindi inaalis ang braso sa pagkakayakap sa kanya.
“Iha!” masayang bungad ng mama ni Edward kay Emma pagpasok nito sa maliit na opisina.“Tita, ano po ang ginagawa n’yo dito?” masayang tanong ni Emma. Agad niyang itinigil ang ginagawa at sinalubong ng mahigpit na yakap ang ginang. Totoong namiss niya ang kabaitan ng mama ni Edward.“Namiss kita, iha,” malambing na sabi nito. “Dalawang araw ka raw naka-leave kaya hindi na ako nakatiis na bisitahin ka.” Napalingon ito sa paligid ng opisina. “Ito pala ang negosyo mo.”Ngumiti si Emma, bahagyang nahiya.“I’m so proud of you, iha,” dagdag pa ng mama ni Edward, bakas sa mga mata nito ang paghanga.Napangiti si Emma, at sa sandaling iyon, nakaramdam siya ng kakaibang init sa dibdib—isang pakiramdam na matagal na niyang hindi naramdaman mula sa taong May mabuting kalooban.“Maraming salamat po, Tita. Maliit man ito, pero kahit papaano may matatawag akong akin,” mahinahong sabi ni Emma.“Anyway po, anong gusto ninyong inumin? Baka gusto n’yo rin ng dessert.”“Wow, hindi ko tatanggihan ’yan, ih
“Emma, ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Edward?” maingat na tanong ni Eddie.Napa Buntong-hininga si Emma. “Ayoko munang pag-usapan, Eddie. Kasi ang totoo, wala naman talaga kaming relasyon ni Edward. Nagpanggap lang kami sa harap ng mama mo, pati na rin sa’yo.”Nanatiling seryoso si Eddie. “Hindi ako kumbinsido, Emma. Matagal na kitang tinatanong kung masaya ka ba talaga kay Edward. At ngayon, lumabas na rin ang totoo.”“Please,” mahinang pakiusap ni Emma. “Huwag mo muna sabihin kay Tita ang lahat. Mas mabuting si Edward mismo ang magsabi ng totoo. Siya naman ang may pakana ng lahat. Ayokong masaktan si Tita dahil naging mabuti siya sa akin.”Tumango si Eddie. “Ikaw ang bahala, Emma. Pero ayos ka na ba? Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?”“Hindi na,” sagot niya. “Salamat sa pag-aalala, Eddie. Magiging okay rin ako.”“Kung kailangan mo ng tulong, huwag kang mag-atubiling tumawag,” seryosong sabi nito.“Salamat, Eddie,” mahina niyang tugon.“Pakiabot nga ng wallet ko. Kumuha ka
Hindi pa ako natutulog, at tila hindi pa dumarating ang antok. Narinig ko ang tunog ng pinto—hudyat na dumating na si Edward. Sumulyap si Emma sa wall clock; mag-aala una na ng gabi. Maingat siyang bumangon at lumabas ng kwarto. Nakita niya si Edward na nakaupo sa sala, nakahawak ang ulo, para bang pasan niya ang buong mundo.May problema ba?" tanong niya, kahit alam na niya ang sikreto ng lalaki. Wala siyang maisip na salita para komprontahin siya. Pero naisip niya, hayaan na lang dahil personal na buhay ni Edward iyon at wala siyang kinalaman sa nakaraan niya.Tumaas ng tingin ang lalaki."Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong nito, Sa halip na sagutin ang Tanong ni Emma.“Nag-drive ka ba ng ganyan? Nakainom ka pa. May balak ka bang tapusin ang buhay mo?" sermon ni Emma habang lumalapit sa lalaki. Napansin niya ang pamumula ng mukha ni Edward at bahagyang mamasa-masa—halatang galing sa iyak. Amoy din niya ang alak."Napainom lang ako ng kaunti. Bakit hindi mo ako tinawagan para sabay






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.