Share

"MOVIE"

PAGKATAPOS naming magsimba ay sa mall ako niyaya ni Marius. Nagkape muna kami sa isang coffee shop at doon napasarap ng husto ang aming kwentuhan.

“Bakit hindi tayo doon sa coffee shop ninyo nagkape?” tanong niya sa akin.

Nang mga sandaling iyon ay kasalukuyan kong ine-enjoy ang bibingka na inorder ko kasama ang black coffee sa nasa aking tasa.

Nagkibit ako ng mga balikat saka humigop ng kape bago sinagot ang tanong ni Marius.

“Ayoko lang kasing isipin ng mga empleyado namin na nag-i-store visit kami.,” sagot ko. “At isa pa, gusto ko ring matikman ang kape at bibingka nila dito para naman magkaroon ako ng idea kung paano namin sila matatapatan,” dugtong ko pa saka ko sinadyang hinaan ang huli kong sinabi para hindi marinig ng kahit sino.

Tumawa si Marius sa sinabi kong iyon. At masasabi kong naging mas attractive siya sa paningin ko. Although hindi iyon ang unang beses na narinig ko ang kanyang tawa na totoong nagmimistulang musika sa aking pandinig.

“Negosyante ka nga,” sagot niyang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status