INICIAR SESIÓNIpinagbili si Patricia ng kanyang mga magulang sa halagang 20 milyong piso. Nakaraan ang labinlimang taon, siya na ngayon si Yasmine Villafuente, ang nag iisang tagapag-mana ng Villafuente, ang self-made billionairess galing Paris, at CEO ng Valeroux Jewelry. Sa araw ng pagharap ni Yasmine sa publiko, malalaman niya na ang stepsister pala niya ang ambassador ng Jewelry company niya. Ngayon na haharap na siya sa mga magulang niyang ipinagbili siya at pinili ang stepsister niya, si Yasmine Villafuente na ang haharap sa kanila at hindi na si Patricia Castillo.
Ver más“Ipapaampon ka na namin.”
“P-Po? Mommy, ano’ng ibig ninyong sabihin? Nagbibiro lang po ba kayo?” Napatunayan ko lamang iyon nang may dumating sa bahay na mag-asawa. Pareho silang maayos na manamit at halatang may kaya sa buhay. Sa unang tingin, mukha naman silang mababait, kaya lalo kong hindi maintindihan kung bakit sila narito.Mayaman sila sa tingin pa lamang. Maayos ang kanilang pananamit at mukha naman silang mababait, kaya lalo akong naguguluhan kung bakit sila narito. “Please, have a seat,” paanyaya ni Mommy. Naupo ang mag-asawa sa sofa at ganoon din si Daddy. Umupo siya sa tabi ni Mommy habang nasa pagitan nilang dalawa si Bea, ang ampon nilang anak at stepsister ko. Ako naman ay nanatili lamang sa isang sulok, tahimik na nakikinig at sinusubukang intindihin ang nangyayari. “Pasensiya na kayo. Hindi kami nakapaghanda sa pagdating ninyo, kaya wala kaming maihain,” ani Mommy, halatang nahihiya. “Ayos lang. Biglaan din kasi ang desisyon ng asawa ko,” sagot ng lalaki. “Gusto na kasi niyang makita si Yasmine.” Napakunot ang noo ko. Yasmine? Sino si Yasmine? Wala naman akong kilalang Yasmine. Hindi ko pa man maitanong kung sino ang tinutukoy nila, biglang napalingon sa akin si Daddy. Malawak ang ngiti niya habang itinataas niya ang kamay niya upang tawagin ako. “Patricia! Halika dito!” sigaw ni Daddy. Sandali akong nag-alinlangan bago dahan-dahang lumapit sa kanila. Nang makarating ako sa harap nila, yumuko ako bilang paggalang. “Hello po.” “Maupo ka, iha,” sabi ng babae habang tinatapik ang bakanteng puwesto sa pagitan nilang mag-asawa. Hindi na ako tumutol. Tahimik akong umupo sa tabi niya, ngunit hindi ko maiwasang mapatingin kina Mommy at Daddy habang nananatili akong tahimik. “Mula ngayon, sila na ang mga bago mong magulang. At ang bago mo nang pangalan ay Yasmine,” paliwanag ni Mommy. O kung matatawag ko pa ba siyang ganoon matapos niyang sabihin iyon. Sa pagkakataong iyon ko lamang tuluyang napagtanto na hindi pala biro ang sinabi nila sa akin. Totoo pala ang lahat. Ipapaampon nila ako at papalitan pa ang pangalan ko na para bang ganoon lamang kadaling burahin ang buhay na nakasanayan ko. Hindi ako agad nakasagot. Sa halip, napatingin ako kay Bea. Malawak ang ngiti niya at halatang nasisiyahan siya sa lahat ng nangyayari. Para bang matagal na niyang hinihintay ang sandaling ito at wala siyang ibang nakikita kundi ang magandang kinabukasang naghihintay sa kanya. At magsisimula iyon kapag nasolo na niya sina Mommy at Daddy. Maya-maya, may lumapit na isang lalaking nakasuot ng itim na suit. May dala siyang isang malaking case na agad niyang inilapag sa harap namin. Nang buksan niya iyon, bumungad sa amin ang napakaraming perang maayos na nakasalansan sa loob. Napatingin ako sa laman nito, saka sa mag-asawa. Hindi ko alam kung bakit naroon ang ganoon kalaking halaga ng pera, pero pakiramdam ko ay may kinalaman iyon sa akin. “Iyan ang sampung milyon, gaya ng napag-usapan,” ani ng babae. Nanatili siyang kalmado habang nakatingin kina Mommy at Daddy. “Lahat ng tungkol kay Yasmine ay hindi na magiging kaugnay pa sa inyo kailanman. Siya ay isa nang ganap na Villafuente.” Natauhan ako. “Anumang ilegal na aksiyon na inyong gagawin upang kunin muli si Yasmine ay maaaring gamitin laban sa inyo,” dagdag pa niya. “Kaya sana ay wala na tayong magiging problema pagkatapos nito.” Napatitig lamang ako sa kanila. May isang abogado na lumapit sa amin at may dalang ilang dokumento. Isa-isa niyang ipinaliwanag ang mga ito bago niya pinirmahan ang bawat panig. Matapos iyon, pinapirmahan niya ang mga papeles kina Mommy at Daddy, gayundin sa mag-asawa. Binigyan din niya ng tig-iisang kopya ang bawat panig bilang katibayan ng napagkasunduan. Habang pinagmamasdan ko sila, wala akong makitang bakas ng pag-aalinlangan o pagsisisi sa mukha nina Mommy at Daddy. Wala man lamang silang pagtingin sa akin na para bang nanghihinayang sila sa desisyong ginawa nila. Ang tanging malinaw sa kanilang mga mukha ay ang kasabikang matanggap ang perang ipinangako sa kanila. “Oo naman, Mrs. Villafuente. Makakaasa kayo. Sa inyo na siya,” mabilis na sagot ni Mommy. “Ang karagdagang sampung milyon ay ipapadala ng assistant ko kapag naiayos na ang lahat ng papeles ni Yasmine. Maliwanag ba, Mrs. Castillo?” tanong ng lalaki sa malamig na tono. “Maliwanag, Mr. Villafuente,” tugon ni Mommy. Nagkamayan na ang dalawang panig matapos ang kanilang kasunduan. Bago tuluyang umalis ang mag-asawang Villafuente, hinintay muna nila akong kunin ang mga gamit na gusto kong dalhin. Hindi na nila pinadala ang lahat ng aking gamit dahil sinabi nilang maaari naman nila akong bilhan ng mga bagong damit at iba pang kailangan ko pagdating sa kanila. Kaya kumuha lamang ako ng ilang bagay na gusto kong isama. Masakit. Sobrang sakit. Umaasa pa rin siguro ang isang bahagi sa akin na pipigilan nila ako. Na baka biglang magbago ang isip nina Mommy at Daddy at sabihing hindi na nila ako ipapaampon. Ngunit walang sinuman ang lumapit upang pigilan ako. Wala ring nagsabi na ayaw nilang umalis ako. Nang tuluyan kong maisara ang bag, ilang segundo akong nanatiling nakatayo at nakatingin sa bahay. Pinilit kong pigilan ang mga luhang nagbabantang kumawala. Ayaw kong umiyak sa harap nila. Kung kaya nila akong bitawan nang ganoon kadali, ayokong ipakita sa kanila kung gaano ako nasaktan sa bagay na iyon. Sa huli, tahimik akong huminga nang malalim at humakbang palabas. Kasama ang mag-asawang Villafuente, tuluyan akong umalis sa bahay na minsan kong tinawag na tahanan. Habang nasa sasakyan, wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Paminsan-minsan ay nagpapakiramdaman ang mag-asawang Villafuente habang palihim na nakatingin sa akin, na para bang hindi rin nila alam kung ano ang dapat nilang sabihin. Ako naman ay nanatiling tahimik sa kinauupuan ko, mahigpit na hawak ang paborito kong stuffed toy habang nakatingin lamang dito. Hindi ko pa lubos na naiintindihan ang lahat ng nangyayari dahil bata pa ako. Marami pa akong hindi alam at hindi ko rin alam kung bakit kailangan kong sumama sa dalawang taong ngayon ko lamang nakilala. Pero kahit bata ako, naiintindihan ko na ipinagbili ako ng sarili kong mga magulang kapalit ng pera. Mas pinili nilang manatili si Patricia bilang anak nila kaysa sa akin, na sarili nilang laman at dugo.“Bea, itigil mo ’yan!”Napahinto si Bea nang marinig ang boses ni Nate. Agad siyang napalingon sa kanya at mabilis na lumapit, habang ako naman ay nanatili lamang sa kinatatayuan ko. Halata sa mukha ni Nate na hindi niya inaasahang ganito ang sasalubong sa kanya pagdating niya sa main hall. Mas lalong nagbago ang ekspresyon niya nang makita niya kung sino ang kaharap ni Bea.“Babe, buti na lang dumating ka,” agad na reklamo ni Bea. “Sabihin mo sa kanya na hindi siya si Ms. Valeroux. She has been pretending to be the CEO, and she even had the nerve to slap me.”Tumingin si Nate sa akin. Saglit siyang natigilan bago niya ako tinawag. “Yasmine?”Bahagya akong ngumiti. “Nate.”Napatingin siya kay Bea, saka muling bumalik ang tingin sa akin. “Ano bang nangyari?”“Bakit hindi mo tanungin ang girlfriend mo?” mahinahon kong sagot. “Mukhang marami siyang gustong sabihin tungkol sa akin.”“Because she’s lying!” mabilis na singit ni Bea. “Sinabi ko sa kanya na hindi siya si Ms. Valeroux, tapos s
Nagtinginan ang mga tao sa paligid at isa-isa silang napalingon sa direksiyon ko. Sakto pa talaga na hindi ko pa naipapakilala nang maayos ang sarili ko bilang CEO ng Valeroux Jewelry nang sila na agad ang gumawa ng eksena.“Iha, what’s happening? Bakit nandito sila?” nagtatakang tanong ni Mommy habang tinitingnan sina Cynthia, Theo, at Bea.Nginitian ko lamang siya at marahang tinapik siya sa balikat upang pakalmahin siya. Ayokong maistorbo ang araw na matagal naming pinaghandaan dahil lamang sa kanila.“Okay lang, Mommy. They’re not worth your worries. Ako na ang bahala sa kanila.”Tumango siya, kahit halatang nag-aalala pa rin. Bago pa man siya makapagsalita, tumalikod na ako kina Mommy at Daddy at naglakad papunta kina Cynthia. Habang papalapit ako, ramdam ko ang mga matang nakatutok sa amin, ngunit hindi ko iyon pinansin. Nanatili akong kalmado at diretso ang tingin sa kanila.Hindi pa man ako tuluyang nakapagsasalita, nauna nang bumuka ang bibig ni Cynthia.“Hindi kita pinalakin
Tiningnan ko sila nang diretso bago ako nagsalita. “And who gave you the invitation to come here to my party?”Agad na nanlaki ang mga mata nila. Ilang segundo silang natigilan bago tuluyang napalitan ng pangungutya ang kanilang mga ekspresyon.“Party mo?” Bea scoffed bago humagalpak ng tawa. “Nagpapatawa ka ba?”Napangisi naman si Theo, ang biological father ko. “Akala siguro niya, palibhasa afford ng pamilyang umampon sa kanya ang bayad sa pagkuha sa kanya, siya na rin ang pinakamayamang self-made billionaire na si Ms. Valeroux.”Hindi ako natinag sa sinabi nila. Sa halip, hinayaan ko lamang silang magsalita hanggang sa matapos.“And excuse me lang, ha,” dagdag ni Bea, sabay ayos ng buhok niya. “The reason I’m here is that my boyfriend happens to be a manager of Valeroux Jewelry. He’s also friends with the CEO of Valeroux, kaya nakuha nila ako bilang brand ambassador.”Ngumiti siya nang mayabang bago niya akong tinitigan mula ulo hanggang paa. “Kaya, Pat—” Napahinto siya at tila sin
15 years later…Labinlimang taon na ang nakalipas. Ibinaon ko na sa limot ang pangalang Patricia Castillo. Matagal ko nang iniwan ang babaeng iyon kasama ng lahat ng alaala at buhay na mayroon ako noon. I am now Yasmine Villafuente, ang nag-iisang anak ng mga Villafuente, ang kanilang unica hija, nag-iisang tagapagmana, at higit sa lahat, ang youngest self-made billionaire na nagmula sa Paris. Gusto sana akong sunduin ng mga magulang ko sa airport, pero tumanggi ako. The more bodyguards I have around me, the more people are going to suspect who I really am. Ayokong pagkumpulan ako ng media, lalo na't kakauwi ko pa lamang. I have spent years building my name and keeping my identity away from unnecessary attention. Wala akong balak sirain iyon sa unang araw ng pagbabalik ko.Nang makarating ako sa bahay, agad na bumungad sa akin si Mommy na naghihintay sa harapan ng mansion. Halatang matagal na niya akong hinihintay dahil agad siyang lumapit sa akin nang makita niya akong bumaba ng sas


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.