UMUWI kami nang gabing iyon na tila wala ako sa sarili. Dahil sa ginawa namin sa CR ng hotel na iyon. Naulit pa ang pag-angkin nito sa akin sa kwarto ng hotel.Kinukuskos ko ang sarili ko. Nagiging marupok na naman ako. Dapat ko na talaga siyang iwasan. Dapat ko na siyang layuan. Hindi pwede na ipilit ko ang nararamdaman ko sa kanya. Dahil baka ako lang din ang masaktan.Lumabas na ako ng banyo at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Brandon na nakaupo sa kama ko. I know he is Brandon. Dahil ang paraan nang pagtitig nito sa akin ay kasamang pagnanasa. Habang si Grand ay hindi. Purong kaibigan lang talaga. Walang pagnanasa sa mga mata nito.Nakakatitig lamang ito sa akin. Habang ako ay panay ang lunok at hinawakan nang mahigpit ang tuwalya na nakapulupot sa aking katawan."What are you doin' here?" tanong ko sa kanya. Pero nanatili ang titig nito sa akin."Visiting my fianceé," walang emosyong nitong sambit."I am not your fianceé, so stop that crap!" madiin kong sambit.Tumayo ito.
KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Ako na nagluto ng ulam sa bahay namin. Since tulog pa sila papa at Mama Delyn ay ako muna ang gumagalaw sa kusina.Hindi maalis ang ngiti sa aking labi. Dahil lang sa nangyari kagabi. First time iyong isinayaw ako ni Alexander. Hindi ko makakalimutan ang gabing iyon.Pagkatapos kong magluto at umakyat na ako sa kwarto ko para maligo, pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako. Para bumaba at kumain na. Maaga pa naman baka maglalakad lang ako mamaya. Nauna na akong kumain kina papa. Dahil alam ko na mamaya pa ang gising ng mga iyon.Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko ang pinagkainan ko, tapos ay pumunta ako sa sala para kunin ang bag ko na nasa sofa. Lumabas na ako ng bahay. Hindi ko na inaantay si Eliza, dahil mamaya pa iyon magigising. Ayaw din naman niya akong makasabay. Naglalakad ako, nang mapansin ko na para bang may sumusunod sa akin. Hindi ko iyon pinansin, nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Isang bosena ng sasakyan ang nagpahinto sa aki
KINABUKASAN ay para bang ayaw kong bumangon sa kama. Dahil ayaw kong makita ang lalaking una kong minahal pero sinaktan lang ako. Pero wala akong magagawa, dahil nasa isang paaralan kami..Bumangon na ako at ginawa ang nakasanayan kong gawain. Nagluto ako ng almusal, pagkatapos kong magluto ay umakyat ulit ako at naligo. Bumaba ako para kumain at nagtungo na sa paaralan.Naglalakad ako papalabasa ng subdivision nang maramdaman ko muli na para bang may tumitingi sa akin. Napalingon ako sa kanang bahagi ko, nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa beranda ng bahay na iyon. Hindi ko alam pero iba ang nararamdaman ko sa kanya. Nakatitig ito sa akin, pero agad akong umiwas ng tingin at naglakad nang mabilis.Nakarating ako sa labas ng gate. Tinanong ko si Manong Berting kung sino ang nakabili ng bahay na iyon. Ayon dito ay Acosta daw ang apelyido ng nakabili sa bahay na iyon. Agad akong nagpaalam kay Manong Berting para pumasok na sa paaralan. Pero hindi pa ako nakakalayo ay may bumusina m
PUMASOK ako sa sasakyan na susundo sa akin. Dahil hindi ako tumitingin sa katabi ko ay sinabihan ko na lang driver na aalis na aalis na kami."Tayo na, manong," sambit ko sa kanya. Abala ako sa pagkalkal sa bag ko.Pero napalingon ako sa kanang bahagi ng sasakyan dahil para bang may isang pares ng mga mata na nakatingin sa akin.Nagulat ako sa nakita ko. "Kanina ka pa?" kinakabahan kong tanong. Maaga nga akong umuwi dahil ayaw kong magpang-abot ang landas namin ni Brandon.Pero nanatili ang seryoso nitong mga tingin sa akin. Ako na lang ang umiwas dahil hindi ko kayang salubungin ang mga tingin nito na kung makatingin ay tila ba hinahalukay ang buo mong pagkatao."Who's that guy?" malamig nitong tanong sa akin. Ayaw kong siyang tignan. "Answer me, Brianna Kara," matigas nitong sambit.Pumikit ako. "Wala kang pakialam doon. Pwede ba wag mo akong pakialaman. Buhay ko ito," sabi ko sa kanya."Buhay mo?" ngumisi ito.'Shit, parang alam ko na kung ano ang sasabihin nito.'"Baka nakakalimut
NASA kwarto ako ngayon, ayaw kong lumabas dahil baka makita ko na naman si Brandon. Napalingon ako sa may pinto nang may kumatok."Kara," tawag nito sa akin.Hindi ako nagsalita. Ayaw ko siyang kausapin. Gusto kong mag-isa."Please, Kara. Buksan mo ito."Nanatili akong nakaupo sa kama. Hindi ko alam kong bakit ginawa niya iyon. Nakita ko mismo sa dalawang mga mata ko kung paano niya… hindi ko mapigilan ang umiyak. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako s takot.Akala ko, hindi siya noon kasama. Pero, sobrang sama pala niya. Naalala ko pa ang nangyari kanina.WALANG pasok ngayon, dahil panay ang buhos ng ulan. Sobrang lakas pa naman. Lumabas ako sa kwarto ko at tinignan ko ang kwarto na pinagdalhan ni Brandon sa babae.Wala nang ingay doon. Bumaba ako, dahil walang tao ay balak kong maglibot sa buong mansion. Dahil kahit kailan ay hindi ako nakapaglibot noong una kong tapak dito. Sinimulan ko sa itaas. Wala naman masyadong laman ang second floor. Kaya bumaba ako at lumabas. Pumunta
DAHIL sa nakita ko ay talagang nagpatulong ako kay Grand na magtago kay Brandon. Natatakot kasi ako na baka saktan ako ni Brandon. Kung kaya nitong pumatay. Tiyak na kaya din niya akong patayin.Ilang buwan na mula nang magtago ako. Kahit na alam ko na malapit na akong magtapos sa kolehiyo ay mas pinili kong magtago na lang. Napatitig pa rin ako sa kawalan. Pag nakikita ko kung paano kalabitin ni Brandon ang baril sa mismong harapan ko. Kasalanan ko din naman iyon, kung bakit pa kasi ako sumunod sa kanya. Malay ko bang may papatayin pala ito.Agad akong nagpunta sa main door nang may nagdoorbell. Binuksan ko ito. Nakatalikod sa akin ang lalaki."Yes?" tanong ko sa kanya. Humarap ang lalaki. Naging masaya ang bukas ng mukha ko nang makilala ko ito."Grand. Mabuti naman ay dinalaw mo ako." Isang buwan na kasi mula ng huling dalaw nito sa akin."Am I Grand to you?" Isang malamig na boses ang ibinigay nito sa akin at alam ko kung sino ang may-ari noon."Brandon," wala sa sarili kong sambi
NGINITIAN ko ang bawat madadaanan ko. Dahil nga naging kaibigan ko na ang iba sa kanila."Kara," tawag nito sa akin.Nginitian ko ito."Kumusta ka na?" nakangiting tanong nito sa akin."Okay lang naman. Masyadong busy!"Halos malagutan ako nang hininga nang lumapit sa akin si Brandon at inilagay sa baywang ko ang isang kamay nito.Napatingin tuloy si Claire sa kanya."Sino siya, Kara?" tanong ni Claire sa akin. May nakita ako sa mga mata nito, na para bang may gusto ito kay Brandon."Amo ko," ikling sambit ko."Amo? Bakit nakahawak sa baywang mo?" tanong nito."Wala iyan. Ganyan lang talaga iyan.""Dadalaw ako sa bahay mo ahh! Matagal na din akong hindi nakapunta doon."Tango na lang ang tanging nasagot ko. Alam kong hindi ako ang nais nitong dalawin, kundi si Brandon."Doon muna kami." Hinawakan ko ang kamay ni Brandon. Pinagsalikop naman niya iyon.Dumalaw ako sa isang pamilya doon. Ang pamilyang iyon ang naging sandalan ko nang nandito ako, sa sobrang bored ko ay naisipan kong magl
HINDI nagtagal ay umuwi na ako sa mansion. Sumama na ako kay Brandon. Sumama na din si Claire sa amin.Ibinaba muna namin si Claire sa isang mansion ni Brandon. Pagbaba namin ay nagprotesta agad si Claire."Akala ko ba ay dito ka nagta-trabaho, Kara.""Hindi, sa isang mansion ni Brandon ako nagta-trabaho.""Doon na lang ako, Kara. Ayaw kong mag-isa dito," sabi pa nito sa akin."Mas okay dito. Kesa doon, Claire.""Basta sasama ako." Wala na kaming magawa ni Brandon. Dahil sumama talaga si Claire.Pagkababa namin ay agad kaming sinalubong ni Nanay Jossy."Kara," masayang sambit nito."Nay Jossy namiss ko kayo." Mahigpit na yakap ang ibinigay ko sa kinilala kong ina dito."Ito na ba ang bagong katulong?" tanong ni Nanay Jossy."Oo, nay. Pakidala na lang siya sa kwarto niya," sabi ko.Umakyat na ako sa itaas. Hindi ko pinansin ang mga mata ni Claire na nakasunod sa akin."Saan ang kwarto mo, Kara?" tanong nito sa akin."Sa itaas.""Bakit hindi sa ibaba.""Halika na, Claire. Wag nang maram