Share

MAFIA 03

ISANG LINGGO ang nakalipas simula ng mangyari ang pagdukot at pagtakas ni Bella sa mga hindi kilalang mga tao na balak siyang ibenta sa mga banyaga. Sa mga araw na nagdaan ay natakot na si Bella umigib ng gabi para sa tubig na kailangan niya, bago siya pumasok sa club ay pinupuno na niya ng tubig ang palikuran niya. Hindi rin niya sinabi sa mga kasama niya sa club lalo ang nangyari sa kaniya, isang linggo na niyang tinatago ang pangyayaring ‘yun sa kaniya, bahagya lang siyang na trauma dahil sa tuwing uuwi siya ng gabi ay pakiramdam niya ay may dudukot na naman sa kaniya, at nakakahinga siya ng maluwag sa tuwing nakakauwi siya sa bahay niya ng matiwasay.

Sasapit na naman ang oras ng pagtatrabaho ni Bella, nakaupo lang siya sa papag niya, nakabihis na at hinihintay ang oras ng kaniyang pag-pasok. Hindi maalis kay Bella ang kabahan dahil sa nangyari sa kaniya, pero tinatapangan niya ang kaniyang sarili dahil hindi iyon pwedeng mak-apekto sa trabaho niya. Huminga ng malalim si Bella at napabuga ng hangin ng mapalingon siya sa pintuan niya ng may kumatok doon.

Mabilis na napatayo si Bella at hindi maiwasan na kabahan, agad na may tumakbo sa isipan niya baka nahanap na siya ng mga taong dumukot sa kaniya at natakasan niya. Hindi niya maisip kung sino ang pwedeng kumatok sa bahay niya dahil wala naman siya kahit isang close sa mga mlalayo niyang kapitbahay at wala din namang pakialam sa kaniya ang mga ito, kaya hindi niya mawari kung sino ang maaring nasa labas ng bahay niya at kumakatok sa pintuan niya.

Kinakabahang hindi makapagsalita si Bella sa kaniyang kinatatayuan habang naririnig niya parin ang mga pagkatok sa pintuan niya.

“Tama kaya ang direksyon na binigay nila sa akin? I doubt na ito ang bahay ni Bella.” Rinig ni Bella na boses ng isang lalaki na pamilyar sa kaniya, dahilan upang magsalubong ang mga kilay nito.

“S-sino ‘yan?”

“Oh? Bella? Ikaw ba ‘yan Bella? Si Calix ‘to.” Sambit nito dahilan upang agad na mawala ang kaba ni Bella at nakahinga ito ng maluwag bago naglakad palapit sa pintuan niya at pinagbuksan si Calix na agad malawak na ngiting ibinagsak ang tingin sa kaniya.

“Bella! I never thought na dito ka talaga nakatira sa isang---“

“---isang tagpi-tagping bahay? Mahirap ako Calix, expected mo na dapat na sa ganitong klaseng bahay ako tumitira. Ano bang ginagawa mo dito?”pagpapatuloy na saad ni Bella kay Calix.

“Wala naman akong ibang ibig sabihin sa sasabihin ko, hindi ko lang inasahan na ang magandang babaeng gaya mo ay sa ganito nakatira. Sigurado ka bang safe ka sa bahay mo? Sa isang tingin ko lang isang ihip lang ng bagyo pwede na itong liparin.”kumento na ani ni Calix na flat look ang ibinigay ni Bella dito.

“Alam mo, kung mamaliitin mo lang ang bahay ko lumayas-layas ka nalang. Bakit ka ba kasi napadpad dito?”masungit na singhal ni Bella.

“Mag-iisang linggo na kasi tayong naging mag-kaibigan, syempre inalam ko kung saan ka nakatira. Isang linggo mo na din akong costumer, ang laki na ng nagagastos ko para ikaw ang maging host ko.”

“So? Bakit parang kasalanan ko kung napapagastos ka? Sinabi ko bang ako lagi ang kunin mong host?”pagsusungit na ani ni Bella na ikinangiti lang ni Calix sa kaniya.

After ng pagdukot at pagtakas ni Bella at kahit natatakot siyang pumasok at umuwi sa madaling araw ay patuloy siyang nagtrabaho, at si Calix ay mag-iisang linggo nang pabalik-balik sa club at siya ang kinukuhang host nito. Lagi silang lumalabas at nagkukwentuhan lang, nagpapahatid siya pero hanggang kanto lang at masasabi niyang napalapit na si Calix sa kaniya bilang kaibigan kaya lantaran na niya itong sinunsungitan.

“Masyado mo na akong sinusungitan, Bella, masasabi kong naglevel up ang pagiging mag-kaibigan natin.”ngiting ani ni Calix na napailing nalang si Bella na pumasok sa loob ng bahay niya at kinuha ang gamit niya.

Hindi na niya pinapasok si Calix dahil aalis na din naman siya upang pumasok, nang dala na niya ang gamit niya ay lumabas na siya ng bahay niya at sinara ang kaniyang pintuan.

“Hindi ko alam kung bakit sinadya mo pang hanapin ang munting bahay ko, pero papasok na ako sa club. Bakit ka ba kasi narito, Calixto?”ani ni Bella bago ito naglakad na at ikinasabay ni Calix sa paglalakad niya.

“Hihingi sana ako sayo ng favor, maliit lang na favor ‘to.”ngiting ani ni Calix na nagpakita pa ng gesture na nagpapakita na maliit na pabor na hinihingi nito na ikinalingon ni Bella sa kaniya.

“May pakiramdam ako na ‘yang maliit na pabor na ‘yan ay malaki para sa akin.”

“Sige na, pumayag ka na.”pagpapa cute ni Calix na inalis ni Bella ang tingin dito.

“Sabihin mo muna sa akin kung anong pabor ang hihingin mo, nakadepende sa pabor na ‘yan kung papayag ako o hindi.”tanong ni Bella habang patuloy sila sa paglalakad.

“Pwede ba kitang maging girlfriend?”

Napahinto si Bella sa narinig niyang sinabi ni Calix kaya napatigil siya sa kaniyang paglalakad at kunot noong napalingon kay Calix na nakangiting nakatingin sa kaniya.

“Gusto mo akong maging girlfriend? Tinanong mo ba ang sarili mo kung gusto kitang maging boyfriend, Calixto?”

“Bella naman, favor lang naman ‘to. I mean, pwede ba kitang maging girlfriend mamayang gabi? Pumayag ka na, ikaw parin naman ang kukunin kong host kaya pagbigyan mo na ako.”ani ni Calixt na nagdaupang palad pa at nagpa kyut sa harapan ni Bella.

“Can you ex---Ipaliwanag mo nga sa akin bakit kailangan mo ng nobya ngayong gabi, aber?”

“Birthday party ng daddy ng ex-fiancée ko, my dad wants me to attend dahil magkasosyo sila sa negosyo. Kahit alam nila ang nangyari sa amin hindi ‘yun naging dahilan para masira ang samahan nila sa business. Gusto ko lang makita ni Arianne na kaya kong makahanap ng babae matapos niya akong ipagpalit sa bestfriend ko.”paliwanag ni Calix na hindi alam ni Bella kung masisimpatiya siya sa binata o maawa.

“So gusto mo akong magpanggap para ipakita mo sa ex-fiancée mo na naka move on ka na agad-agad. Host ako sa isang club, hindi rent for a girlfriend.”ani ni Bella na naglakad na at iniwan si Calix sa kinatatayuan nito.

“I will add ten thousand pesos for you service, basta sumang-ayon ka lang.”pahabol na saad ni Calix na ikinatigil ni Bella sa paglalakad.

“Ngayong gabi lang, be my girlfriend just this night, Bella.”ani ni Calix na ramdam ni Bella ang urgency sa tining ni Calix.

Nakikita niyang hindi pa makapag move on ang bago niyang kaibigan at gustong ipakita sa ex nito na hindi na ito nasasaktan kahit ang totoo ay apektado pa din.

“Isang libo ang madadagdag kada may extra service akong dapat gawin habang nagpapanggap na nobya mo, walang kiss sa lips, pisngi pwede ba. Deal or no deal?” saad ni Bella na nilingon si Calix na ngiting tumakbo palapit sa kaniya.

“Deal.”

“Tatawag lang ako kay mami Gwen para ipaalam na ikaw ulit ang costu—“

“Huwag ka ng mag-alala sa boss mo, naitawag ko na at nag advance payment na nga ako eh.”malawak na ngiting ani ni Calix na ikinatunganga ni Bella dito.

“Grabe. So planado na pala, talino mo Calixto.”

“Graduate ata ito ng Harvard, so paano? Let’s go, kailan pa kitang i-turn into Cinderella para sa party na pupuntahan natin. Ibabahin natin ang story, ang prince charming mo ang magbibihis sayo para sa ball.”ngiting ani ni Calix,

“Hindi ka mukhang Prince Charming, at hindi ako si Cinderella. Mas bagay sa akin ang maging Belle, ayoko ng masyadong pa prince charming, gusto ko ‘yung pa bad boy.”pabirong ani ni Bella na nag flip pa ng buhok nito bago muling naglakad na bahagyang ikinatawa ni Calix at sinabayan na ulit itong maglakad.

“Cinderella o Belle, parehas namang bagay sayo dahil mukha kang prinsesa.”

“Kahit banggitin mo ang pangalan ng lahat ng Disney princesses na kilala mo, wala ka paring discount kaya halika na, dami mo pa sinasabi Calixto.”ani ni Bella na napangiti nalang si Calix sa dalaga.

Pagkarating nila sa kotse ni Calix ay agad din silang nagpunta ng mall kung saan aayusan si Bella para sa party na pupuntahan nila ni Calix, at bilang host ng binata ay hindi siya umangal sa pinagbibili nito sa kaniya dahil hindi naman siya ang gumagastos. At dahil masquerade ball ang theme ng party nila ay bumili na rin si Calix ng gagamitin nila at nang ayos at ready na sila ay nagpunta na sila sa venue kung saan gaganapin ang party. Sa isang Luxury hotel ang ganap at lahat ng businessman ay imbitado, Pagkarating nina Bella sa tapat ng hotel ay si Calix ang unang bumaba para pagbuksan si Bella ng pintuan.

Black Off Shouldre dress ang suot ni Bella na pinarisan ng itim din na maskara na tanging mga labi lang ni Bella ang nakikita. Nakalugay ang buhok nito na pinakulot para bumagaya sa suot nito, silver high heels naman ang suot niya sa kaniyang paanan. Si Calix naman aay nagsuot ng tuxedo na babagay sa suot ni Bella.

“Mukhang kaiinggitan ako ng mga tao sa oras na pumasok na tayo sa loob, ang ganda ng kasama ko.”puring kumento ni Calix kay Bella.

“Kanina mo pa sinasabi ‘yan, alam kong maganda ako kaya huwag mo ng paulit-ulitin.”sagot ni Bella na parehas silang natawa ni Calix ng ialok na nito ang kanang braso nito.

“Let’s go, mi lady.”ngiting aya ni Calix na ikinahawak na ni Bella sa kanang braso nito bago sila naglakad na papasok sa loob ng hotel.

Pagkapasok nila Bella sa pinaka venue sa loob ng hotel ay malapit ng mapuno ng mga bistang mayayaman ang buong lugar, nagkatipon-tipon sa iisang lugar ang mga businessman. Inikot ni Bella ang paningin niya sa kabuuan ng venue at masasabi niyanag pinaghandaan ang kasiyahan na pinuntahan nila ni Calix.

“Naiilang ka ba?” baling na tanong ni Calix kay Bella.

“First time kong pumunta sa ganitong party, malamang naiilang ako. Pero magaling akong makibagay, kaya ko ding umarteng mayaman para naman worth it ang ibinayad mo.”sagot na ani ni Bella.

“Calix?”

Sabay na napalingon sina Bella sa isang babaeng naka one shoulder mermaid evening gown na kulay silver na inalis ang silver nitong maskara. Mula ulo hanggang paa na tiningnan ni Bella ang babaeng nasa harapan nila at masasabi niyang maganda ito at halata ang pagka elegante.

“Hey.”rinig ni Bella na bati ni Calix sa babaeng nasa harapan nila na ngiting naglakad pa palapit sa kanilang harapan.

“Akala ko hindi ka pupunta.”

“Well, wala naman talaga akong balak pumunta but my parents insist this party to me kaya wala na akong nagawa.”sagot ni Calix.

“Ang cold.”mahinang kumento ni Bella na sa tingin niya ay ang babaeng nasa harapan nila ang ex-fiancée ni Calix.

“Calix, pwede ba tayong mag-usap?” request na ani ng babae ng hawakan ni Calix ang kaliwang kamay ni Bella na sabay ikinalingon ng dalawa sa ginawa nito.

“Sorry, pero hindi ko pwedeng iwan ang girlfriend ko.”saad ni Calix bago ibinaling ng babae ang tingin kay Bella.

“Wala namang problema sa akin, well kailangan niyo din naman ng closure. Nasabi na naman sa akin ni Calixto ang tungkol sayo, so I wouldn’t mind kung mag-uusap kayo.”ngiting ani ni Bella.

“Bella…”

Ngiting nilingon ni Bella si Calix na alam niyang hindi napaghandaan ang ginawa niya.

“I can wait, besides may tiwala naman ako sayo. Ex is already ex right? Ang mahalaga ay ‘yung present, doon lang ako.”wika ni Bella na nilingon ang ex-fiancée  ni Calix.

“Take care of my boyfriend.”paalam ni Bella bago inalis na ang pagkakahawak ni Calix sa kamay niya at naglakad na papunta malapit sa bar counter at iniwan ang dalawa.

“Halata namang may feelings pa sa isa’t-isa, bakit ayaw nalang mag-usap ng ayos. Atleast may bayad ang gabi ko ngayon, pwede pa akong maging kupido.’pagka-usap ni Bella sa kaniyang sarili.

Nang makarating na siya sa bar counter ay agad siyang sumandal lang siya doon habang hinihintay na matapos ang pag-uusap ni Calix sa ex nito. Nagsisimula ng mabored si Bella lalo pa at ayaw niya sa party ng mga mayayaman, inaalok siya ng alak ng mga waiter pero tinatanggi ninya dahil ayaw niyang malasing.

“Sige na Mr. Monte Carlo, sumayaw na tayong dalawa.”

Napalingon si Bella sa right side niya dahil sa boses na narinig niya kung saan isang babaeng naka tube dress na above the knee ang haba at pwede ng makitaan ng kaluluwa dahil sa suot nito. Hinihila nito ang isang lalaking nakasandal lang sa bar counter na walang suot na maskara kaya kahit gilid lang ng mukha nito ang nakikita ni Bella ay masasabing gwapo ito at may matangos na ilong.

“You didn’t brought me here in this party just to jstand up, right? Isayaw mo na ako…”

“I brought you here not as a date but a fling woman, but hindi ibig sabihin nun ay pwede mo akong hawakan casually. Bitaw.” Malamig na tinig ng gwapong lalaking hindi alam ni Bella kung bakit ramdam niyang nagtaasan ang mga balahibo niya sa klase ng boses nito.

Binitawan ng babae ang kamay ng gwapong lalaki na hinihila nito at kita niyang natakot ito sa sinabi ng lalaki.

“Pero…”

“Leave at my sight, you dirty bitch.”walang emosyong pagtataboy ng lalaki sa babaeng agad na tumakbo palayo na hindi mapaniwalaan ni Bella.

May ganito palang klaseng lalaki sa panahon ngayon, ang harsh niya sa babae. Kumento ni Bella habang nakatingin sa lalaking napalingon sa kinatatayuan niya na hindi alam ni Bella kung bakit biglang kumabog ang dibdib niya.

Agad niyang inialis ang tingin niya dito at nagkunwaring walang nakita o narinig, piping hiling nalang ni Bella sa kaniyang sarili na hindi nito napansin na nakatingin siya at narinig niya ang usapan nito at kung paano nito tinaboy ang babaeng kasama nito.

“You.”

Gulat na bahagyang napaigtad si Bella sa malamig na boses na narinig niya malapit sa kaniya, agad siyang napalingon sa kanan niya kung saan dahan-dahan siyang napatingala sa lalaking may malamig na tingin sa mga mata nito at walang kahit isang emosyon siyang makita. Pero hindi maipagkakailang sobrang gwapo nito lalo na sa malapitan at masasabi ni Bella na sobrang tangkad nito sa kaniya.

“You’re listening aren’t you?” walang emosyon na tanong nito na itinuro ni Bella ang sarili.

“A-ako? W-wala naman akong nakita o narinig, I’m innocently standing here, Mr.” sagot ni Bella na hindi niya maiwasang kabahan pero itinago niya ang kabang ‘yun habang nakatingalang nakatingin s gwapong lalaking nasa harapan niya ng magulat siya ng alisin nito ang suot niyang maskara dahilan upang deretsong magkatitigan ang kanilang mga mata.

Walang makitang emosyon si Bella sa mga mata nito, at malamig itong makatingin pero hindi niya maialis ang tingin niya sa lalaki na bahagya niyang ikinalunok at ilang beses na napakurap dito. Nagulat nalang siya at lalong napasandal sa may bar counter ng itaas ng gwapong lalaki ang dalawang kamay nito na pinatong sa bar counter kung saan nakakulong si Bella sa mga bisig nito dahilan upang magkalapit ng bahagya ang katawan nila at maamoy ni Bella ang mabangong pabango ng lalaking nasa harapan niya.

“Are you sure?” malamig na tanong ng lalaki na ikinatango ni Bella habang nakatingalang nakatingin dito nang makita niyang bumaba ang malamig na tingin nito sa mga labi niya na hindi alam ni Bella kung bakit bigla siyang napakagat labi dahilan upang bumalik ang tingin ng malalamig na mata ng lalaki sa kaniya.

“Biting your lips woman is an invitation for a man in a kiss, don’t you know that?” walang emosyon na ani nito na bahagyang ikinaawang ng mga labi ni Bella dahil sa sinabi nito.

“H-Huh?”

Natuod nalang ang katawan ni Bella at parang nahigit niya ang kaniyang hininga ng bigla siyang halikan ng gwapong lalaki sa mga labi niya na hindi niya ikinagalaw. Napakurap lang siya ng ilang beses ng maramdaman niyang gumalaw ang labi ng lalaki sa labi niya at nanlaki nalang ang mga mata niya ng naramdaman niya ang dila nitong pumasok sa bibig.

 

Agad na napahawak si Bella sa matitipunong braso nito upang pigilan ang gwapong lalaki sa paghalik na ginagawa nito sa kaniya pero hindi niya alam kung bakit napahawak lang siya sa balikat nito.

Hindi makapaniwala si Bella na may isang estrangherong gwapong lalaki ang humahalik sa kaniya sa isang party na pinagdalhan ni Calix sa kaniya, at hindi man lang niya magawang itulak ito ng tumigil na ito sa paghalik sa kaniya na ikinabalik ng mga tingin nila sa isa’t-isa. Ramdam ni Bella ang pag-init ng mukha niya kaya agad niyang tinakpan ang labi niya gamit ang dalawa niyang kamay habang hindi inaalis ang gulat niyang tingin sa lalaking walang emosyon na nakatingin lang sa kaniya.

“Next time woman, don’t give a damn heed the things you don’t need to give a fvcking attention.”malamig na sambit ng gwapong lalaki sa kaniya ng may lumapit sa kanang gilid nilang isang gwapo ding lalaki na bahagyang yumuko.

“We’re done el señor.” Pahayag ng bagong dating na lalaki sa gwapong lalaking hinalikan si Bella, inalis na nito ang pagkakatuon ng dalawang kamay nito sa bar counter at nagpamulsang tinalikuran si Bella.

“Let’s go.” Malamig na ani ng gwapong lalaking hindi na tinapunan ng tingin si Bella at naglakad na palayo na ikinasunod na ng lalaking tumawag dito.

Napahawak si Bella sa bar counter ng makaalis na ang gwapong lalaking biglang nalang siyang hinalikan sa mga labi niya, labis ang pag-iinit ng mukha ni Bella dahil hindi lang simpleng halik ang ginawa nito sa kaniya. Pakiramdam ni Bella ay bibigay ang mga tuhod niya pero pinilit niyang makatayo ng ayos habang nakahawak siya sa mga labi niya na basta-bastang hinalikan ng hindi naman niya kilalang lalaki.

“Good evening every one! Labis na nagpapasalamat si Mr. Carlos Arevalo sa pagdalo niyo sa kaarawan niya, at isang karangalan na narito din sa lugar na ito ang kilalang architect-businessman na sa murang edad nito ay nagawa nitong maging number 1 business young bachelor ng ating bansa. Palakpakan naman natin si Mr. Elijah Rijm Monte Car---“

“Ahhhhhh!”

Bahagyang nahulasan si Bella sa halik na kaniyang natanggap mula sa estranghero at gwapong lalaki ng makarinig silang lahat ng malakas na sigaw na pumuno sa venue, at miya-miya pa ay nakita ni Bella na bahagyang nagkagulo ang crowd.

“Someone is bloodily lying on the floor, someone is dead here!?” malakas na sigaw ng boses na nahihintakutang babae na ikinagulat ng lahat at ikinaalis ni Bella sa kaniyang pagkakasandal sa counter bar ng makita niyang nagsisimula ng mag-umpukan ang mga tao sa isang direksyon.

“A-Anong nangyayari?” mahinang sambit ni Bella nang mapalingon siya sa may exit ng venue kung saan nakita niya ang lalaking humalik sa kaniya na nakapamulsang naglalakad na palabas at may kasunod na ilang mga naka tuxedo na mga lalaki.

“Bella!”

Napalingon si Bella kay Calix na patakbong papalapit sa kaniya hanggang sa makalapit ito sa kaniya.

“A-anong nangyayari Calix?” naguguluhang tanong ni Bella dito.

“Nakitang naliligo sa sarili nitong dugo ang isang businessman sa may terrace, may gilit ang leeg nito habang may telang nakatakip sa bibig nito. Someone killed him here, hindi safe ang lugar na ‘to. Umalis na tayo.”pahayag ni Calix na kinuha ang kamay ni Bella at hinila na paalis ng party.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
oh mga tsuhan ni elijah ang may gawa ng kaguluhan
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status