Share

KABANATA 21 "ANG LAHAT NG SA IYO AY AKIN 2"

"MAGPAHINGA ka muna, ako na ang bahala sa kusina," iyon ang narinig niyang sinabi sa kaniya ni Erik bago siya nito dinampian ng isang simpleng halik sa kaniyang noo.

Tumango lang si Mia saka nahahapong ipinikit ang kaniyang mga mata. Ilang sandali pa tuluyan na nga siyang tinangay ng nararamdaman niyang antok patungo sa isang mahimbing na pagtulog.

Tanghali nang maramdaman niya ang banayad na paghaplos ng kamay sa kaniyang pisngi. Nang magdilat siya ng paningin nakita niya ang isang gwapong mukha na noon pa mang bata siya ay totoong nagpapasaya na sa kaniya. 

"Okay ka na? Ready na ang lunch, kain na tayo?" tanong sa kaniya ni Erik sa mabait na tono.

Tumango lang siya saka inabot ang mga damit niyang pinulot na ng binata sa sahig. Nang mapuna niyang nakatayo parin sa harapan niya ang lalaki ay saka siya nahihiyang nagsalita. 

"O-Okay lang ba? Magbibihis lang ako?" aniyang tiningnan pa ito ng makahulugan na nakuha naman ng

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status