공유

Chapter 2

Mas dumami ang mga costumer, wala akong nagawa kundi lumabas at asikasuhin silang lahat, nasanay na ang katawan kong mapagod. At naki sang ayon naman ang lahat dahil walang gulo, na nangyari 'di tulad nung nakaraan medyo magulo kasi nalito ako nagpalit-palit yung mga  na serve ko sa kanila. Buti nalang talaga 'di sila nag reklamo. Lumapit ako sa counter, dahil may isang costumer na hinihingi niyang kailangan.

"Francine, pahingi naman ako ng tissue at tubig. " Paki-usap ko sa kaniya.

Habang nakangiti sa kaniya para naman maganda ang aming araw kailangan mga nakangiti.

"Ito, oh." Abot niya sa akin kaya naman kinuha ko na ito at bumalik sa costumer. Binigay ko sa kaniya ang inutos niya sa'kin

"Thank you, hija." sabi niya sa'kin habang nakangiti  'to sa'kin.

Tumango nalang ako at bumalik sa puwesto ko, kung saan ako nakatayo para mag alok sa mga luto na mayro'n samin.

Masakit na ang mga paa ko dahil sa kakatayo at kakalakad ko isama mo pa na gusto ko na maupo.

"Good aftie! Ma'am, Bulalo po with rice na po 'yan ?" isang babae na lumapit sa akin kaya nilapitan ko ito. Tinanong na din kung gusto nito umorder at ipinakita ang menu namin para makapili pa ito lalo.

"Best seller po namin iyan Ma'am! Masarap po 'yong bulalo galing batangas pa po, ang bawat matitikam niyo." dagdag ko pa kahit alam kong nakikita niya ang mga pangalan nagsasalita pa rin ako para mas malinaw kung anong klaseng mga ulam.

"Mga ilang gram ang tawilis?" tanong niya sa tawilis with soup na. Pero focus pa rin siya sa pagpipili ng kaniyang bibilhin.

"150grams po iyan Ma'am! Sa laman ng soup ng bulalo may laman na din 'to  4 to 5 pcs naman po iyan." masayang dagdag ko pa.

Tumango-tango pa siya sa mga sinabi ko kaya napangiti ako.

"Magkano?" tanong niya sa'kin kaya napangiti ako,

"120 po. Kasama na po ang kanin, kung gusto niyo po ng one rice pa, 15 pesos po ang isang order Ma'am! " paliwanang ko naman sa kaniya.

Habang nakatingin sa kaniya gano'n din ito malawak ang kaniyang mga ngiti na nagpaganda sa kaniya lalo.

"Sige. One tawilis with bulalo soup and one rice na din, baka mabitin eh!" nakangiting sabi niya sakin kaya naman nilista ko sa pina note namin ang kaniyang order.

"Drink's Ma'am? May softdrink din po kami? Para mabusog po lalo kayo," dagdag ko din para naman mas malaki ang kikitain kapag marami kang aalukin. Mas pabor samin ang maraming nabibili lalo na may group meal  din kami sa buong pamilya na.

"Royal nalang, how much?" Tanong niya at kinuha ang kaniyang wallet, samantala ako ay tinotal ko na din sa calculator  para ma's sigurado akong tama ang nabibilang ko.

"155 po lahat Ma'am," sagot ko habang pinapakita ang total tumango ito.

Binigay na niya sakin ang bayad kaya naman pina upo kona din siya sa malapit na table, at inabot na din kay Francine.

"Nice one." sabi niya pa na may halong asar sa'kin.

Ngumiti nalang ako at binigay ang note sa bintana kong  asan nilalabas ang mga pagkain na mainit ang sabaw ng bulalo dahil fresh  ito at nakasalang lang sa apoy ang mga ulam ng 'di 'to lumamig kaya kapag sasandok ka maghinay ka kong  ayaw mo mapaso at mag ingat sa pagdala. Dahil umuusok 'to sa sobrang init ng sabaw.

At marami pang pinagsilbihan ko. Para sa mga gusto nilang kainin, medyo nakakapagod kasi ako lang andito sa labas. Medyo inaantok pa ko, kapag gantong oras na 'di na matao dahil hapon na naman tapos na din, kami mag meryenda sakit na ng likod ko at mga paa kakatayo dito.  Habang walang costumer nag kukuwentuhan naman kami ni Francine.

"Sakit kaya nun nung naapakan paa ko, tas 'di man lang nag sorry sakin ang hayop! " gigil na sambit niya habang inaalala ang mga nangyari nung nag aaral pa kami.

" Ba't kasi hinayaan, sayang 'di ko yun naabutan haha!" sabi ko pa na inaasar siya.

Habang nakatingin sa kaniya dahil pa iba-iba ang kaniyang reaction  kapag nag kukuwento.

"Buang ka! Syempre nasa canteen ka na no'n diba? kasi nauna ka dahil gutom ka na langya!" wika niya pa. Habang inaalala niya ang nangyari dati kahit ako naalala ko lahat ng mga kalukuhan naming dalawa noon.

Na halos pinatulan namin noon dahil malalakas ang mga topak namin ng mga oras na 'yon.

Ng bigla naman kami sinaway ni ate dahil nagdadaldalan  na kami.

"Kayong dalawa diyan nagdaldalan na kayo. " biglang singit ni ate Jen samin pero naki sali, din sa usapan namin kaya ang ending 'di namin napansin na gabi na. Kaya nagdagdagan ulit ang mga tao para kumain sila kaya kami tinigil ang pag chichikahan namin.

Buti nalang 'di pumunta si Madam Rei namin, kundi mayayari kami dahil isipin niya nag kukuwentuhan lang kami sa oras ng trabaho. Ayaw niya kasi ng gano'n kapag nasa oras ka ng trabaho dapat kailangan focus ka, para di mapunta sa iba ang costumer kapag walang pumansin.

Natapos ang araw namin sa pagod, at ngayon ay uwian na sabay kami ni Francine umuwi habang nag lalakad tamang kuwentuhan mo na kaming dalawa.

"Nakakamiss lang mamasyal, kailan kaya tayo mag o-off ano?" tanong sakin habang naka kapit sa braso ko.

Akala mo naman tatakbuhan ko tong bruha na to!

"Ewan. Ako ba si Madam duh! Siya kaya tanungin mo haha," sagot ko at inaasar siya at tinaasan ako ng kilay.

Habang sabay kami maglakad para makasakay at makauwi na din.

"Buang! Ka talaga ayaw ko nga baka mawalan pa ko ng trabaho, dahil sa tanong ko na iyon ano." sagot niya pa.

Hampas niya bigla sa'kin nakaka-ilan na 'to sa'kin.

"Ba't mo kasi naisipan iyon, alam mo namang diba na ayaw niya may pahinga. Akala mo naman mawawalan ng costumer eh." medyo inis kung sagot. Kasi buong linggo kaming walang pahinga talaga tuloy-tuloy ang pasok namin. Kaya sana bigyan kami ng pahinga every Sunday.

"Sana may pagkakataon na mag off man lang tayo." lungkot na sabi nito.

Kahit ako sa isip ko 'yan din  para naman makabonding ko mga kapatid ko dahil wala na akong oras sa kanila at alam kung naiintindihan nila. Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay do'n ko lang napansin na andito na pala kami sa sakayan ng mga jeep.

"Sige. Mauna na ko andito na 'yong jeep, mag ingat ka best." Paalam ko sa kaniya at nag beso-beso at sumakay na. Sa unahan ako umupo pero bago 'yon nag paalam na din si Francine sa'kin.

"Ingat best." sabay kaway niya habang papalayo ang jeep napangiti ako.

Ilang minuto lang nakarating ako agad ng bahay, umakyat mo na ako para magbihis ng pambahay bago bumaba ulit. Kumain ako kahit kunti dahil gusto ko na mahiga ang sakit na ng likod ko.

Matapos kumain ay nagligpit mo na ako at nagsara ng pintuan. Tulog na siguro sila mama kaya umakyat na ko, nahiga na ko sa aking kama at naginwanahan ako dahil na relax na aking katawan.

Sa aking pag muni-muni ay nakatulog na din ako, dahil na din sa pagod buong maghapon.

Kinabukasan

Nagising ako sa maingay kong alarm, kaya bumagon na ko at nag inat. Sabay ligo na din ginawa ko na ang lagi kong ginagawa tuwing papasok. Ilang minuto bumaba na ko at nakita ko sila na gising na dahil may mga pasok din ang mga ito sa kanilang skuwelahan.

Napangiti ako ng makita nila ako, kaya naman binigyan agad ako ng matatamis na halik sa aking pisngi.

"Sarap naman ng mga kiss niyo." Wika ko sabay upo katabi nila  at sabay kuha ng pagkain sa harapan.

"Para po, maging masaya kayo sa trabaho niyo ate," sabi ni Keshley habang umiinom ng kaniyang gatas gano'n din si Aya at may laman na mga plato nila upang 'di ito magutom sa paaralan nila.

"At ganahan kayo ate, kaya may kiss ka po." singit naman ni Aya ang aming bunsong kapatid palayaw lang namin ang Aya niya kasi medyo mahaba ang pangalan. Matamis niyang ngiti sa'kin kahit ako nahawa sa mga ngiti ng bunso kung kapatid.

Dahil silang dalawa ang nagbibigay ng lakas sakin, para mawala ang aking pagod. Gano'n din ang aking ina na kahit wala siyang trabaho basta ako ang magtataguyod para sa amin. Na dapat ang aking ama ang gumagawa kaso iniwan niya kami, at ayaw kona isipin pa iyon.

Masaya ako na sila ang kasama ko, at sabay namin haharapin ito ng wala siya. Di ko siya kailangan dahil kinalimutan na niya kami at gano'n din ako sa kaniya.

Kahit ang mga kapatid ko, gusto alamin kung asan nga ba ang ama namin. Pero ako ayaw ko banggitin kung asan na lupalop man siya, dahil wala na siyang pakialam pa sa aming magkakapatid. Nalungkot ako sa naisip ko kasi 'di nila ito nakita baby palang si Keshley ng iwan kami samantala si Aliyah o Aya kung tawagin namin sa kaniya, siya naman ay nasa sinapupunan pa ni mama, kaya 'di nila ito kilala or hindi nila matandaan kahit nga ang mukha, dahil na din sinunog ni mama lahat ng mga gamit niya. Bilang ako tinaggap ko na din na hindi na siya parte ng pamilya namin, dahil na din pinagpalit niya kami sa iba.

"Anak. Ayos kalang ba?" tanong ni mama habang nakatitig sa mukha ko.

Kaya nagbalik-ulirat ako, at tinanguan siya kasi  ano-ano naman naiisip ko. Ngumiti nalang ako at tinapos ang aking kinakain, pagkatapos nauna umalis mga kapatid ko dahil anong oras na, ako naman sinadya kong malate ayos lang kay ate lalo na wala si Madam.

Ilang minuto umalis na ko at nagsimula na akong lumabas, At habang naglalakad ako ka text ko si Francine na papasok na din ito ngayon.

Habang nag ta-type ako, akala ko walang sasakyan sa kabilang kalsada, kasi do'n ang sakay ko. Papuntang trabaho.

Ng may biglang bike ang sumulpot at muntik na akong mabangga. Buti at na preno niya ito agad,

"Shit! Ano ba? bulag kaba!?" gulat na tanong ko. Muntikan na kasi ako mabunngo ng lalaking nakabisekleta, dahil muntik na ko mabangga mabuti nalang at nai-preno niya ito. At napatingin sa kinatatayuan ko.

"Sorry Miss, hindi ko sinasadya kahit ako nagulat sa biglang sulpot mo," sabi pa nito sabay baba niya sa kaniyang bisekleta. At lumapit sa'kin ito para siguro na ayos  lang talaga ako.

Napairap ako dahil sa nangyari.

"Gusto mo dalhin kita sa malapit na clinic? Para masiguro ko lang na maayos ka, na walang masakit," pag-alala nitong sabi sa'kin, pero umiling lang ako, wala naman masakit sa akin kaya ok lang ako. Medyo lumayo ako sobrang lapit kasi niya eh.

"No. Im ok, basta mag iingat ka na sa sunod ng wala ka na mabangga," mahinahon kong sabi sa kaniya at tinitignan ang jeep kung may dadating na ba.

"Sure ka, walang masakit sayo pero thank you 'di ko talaga sinasadya yung nangyari hindi ko lang napansin." sabi pa nito at balik tingin ko sa kaniya at nagulat pa ko kasi  nakatingin ng seryoso sa'kin .

"Yeah. Im ok sige mauna na ko," aalis na sana ako kaso, nagsalita pa ito na ikinagulat ko pa.

"Anyway im Chester, and you are?" malaking ngiti niya habang nakatitig sa'kin ng sobrang seryoso medyo  nailang pa ako.

"Im Ayumi." sagot ko. At ngumiti  din sa kaniya.

"Nice. Beautiful name." wika niya pa at matamis ang ngiti sa'kin 'di ko alam ba't nailang ako sa sinabi niya siguro nga ngayon lang may nagsabi sa'kin ng ganiyan.

"Sige. Mauna na talaga ako, ingat sa sunod bye." Paalam ko at tinalikuran na hindi ko na siya hinintay sumagot, lalo na mahuhuli na ako sa aking trabaho.

Pasalamat siya maganda ang araw ko ngayon, kaya 'di ko siya nasigawan sa nangyari.

Sobrang kinabahan talaga ako, akala ko madadanggit niya ang paa ko, nirelax ko ang sarili ko dahil hanggang ngayon lakas ng kabog ng dibdib ko sa nangyari. Saktong pag-alis ko ay may jeep kaya naman pumara ako at sumakay na ilang  minuto lang andito na ko at bumaba na.

Nakarating na din ako sa harapan ng store namin.

"Woi! Bruha ka ang tagal mo ah!" Sigaw ni Francine.

Habang nakaduro sakin at lumapit pa talaga ito sa'kin.

"Sensya naman, ayos na ba ang lahat?" Sagot ko.

Habang inaayos ko ang bag ko sa lagayan namin.

"Yes, dahil nahuli ka ikaw ang mag wawalis nalang ako na ang nag ayos ng mga ito." sambit niya pa at umupo siya sa kaniyang pahingahan.

"Sige. Ako na bahala teka asan si ate Jen!?" taka kong tanong habang hinahanap ito dahil ngayon ko lang napansin na 'di namin kasama.

"Lumabas may biniling prutas at pinapa utos niya ikaw na daw mag lagay ng slab ng baka para pagbalik niya kumukulo na," sagot pa nito habang nakatingin sa labas  at Baka kasi may costumer.

"Ah, sige. Best samahan mo ko maya pag uwi, " biglang sabi ko.

" Saan naman!?" taka nitong tanong na napatingin sa puwesto ko kung saan  ako.

"Sa puregold wala na kasing stock sa bahay, ayaw ko naman si mama pa ang gumastos," paliwanag ko pa sa kaniya habang naghihiwa na ng pechay.

"Sige. Basta libre mo ko ah," pa cute niya pang sabi sa'kin.

"Nambuburaot ka na naman, wala ka bang pera gaga ka!" sabi  ko pa dito.

"Tag hirap ang bestfriend mo kaya pasensya ka haha." Tawa niya na mapang asar at balik sa harapan.

"O sige na nga, ikaw pa malakas ka sa akin eh basta ba sunod ikaw naman ang manglibre 'wag puro ako, baka maubusan pa ako sa mga gastos mo haha." Biro ko sa kaniya.

Nilagay ko na ang pechay sa lagayan at sinunod ang sibuyas at bawang para pang gisa . At napatingin sa gawi nito.

"Gaga. Oo naman sunod sahod libre ko." sagot niya pa at sabay wink kahit kailan talaga buang.

At 'di na nasunod ang usapan naman dahil mayron na kaming costumer, hanggang hapon ay walang pahinga.

Natapos ang araw na mga pagod kami at nauna na kong umuwi, kaya hindi na kami nagsabay ni Francine.

Pag ka uwi ko sabay akyat na ako sa kuwarto ko, at nagpalit ng pantulog nag hilamos na din ako bumaba ulit ako para kumain mo na.

Saktong may ulam pa kaya naman kumain na ko. Mga ilang minuto natapos na din at nagligpit na din naglinis na ko para bukas wala ng lilinisan si mama, umakyat na ko dahil nagawa ko na ang mga kailangan sa baba pag akyat ko ay nahiga ako, pero ilang minuto na hindi pa din ako makatulog kaya naman tumayo ako at nanuod ng tv para antukin na ako. Ilang drama na ang natapos ko ay hindi pa din ako inaantok kaya pinatay ko na ito at tumingin sa orasan shit! 11:30 na pala diko napansin kaya naman humiga na ako at sinubukan ko makatulog na pagod na ang katawan ko, pero ang diwa ko gising pa.

Naalala ko bigla ang nasabi ko kay Francine kanina,  siguro bukas nalang lalo na wala daw  kaming pasok.

Mga ilang minuto siguro bago ako antukin, kaya tuluyan na akong dinalaw ng antok.

Kinabukasan

Nagising ako sa ingay sa baba anong mayron kaya dali-dali akong nagising saktong walang pasok sabihin na  nating pina day off din kami ngayon, at dahil iyon kay ate Jen na pahingahin man lang kami kahit linggo kaya napapayag naman niya ito. Pag baba ko nakita ko si Francine maingay habang nakikipag usap sa mga kapatid ko, himala napadalaw ang bruha.

"Anong atin naligaw ka bigla?" Wika ko bago tumabi sa kaniya at yumakap.

"Bawal na ba bumisita, teka almusal na mo na tayo hinintay kasi kita e tara," aya niya sakin kaya tumungo kami sa kusina at sabay kami kumain samantala mga kapatid ko sarap na sarap sa ulam na paborito nilang hotdog.

"Tara lakwatsya tayo!" Masayang aya niya sa'kin habang kumain ito ng ulam kaya napatingin  ako sa sinabi niya.

"Saan naman tayo?" Tanong ko sa kaniya at balik sa kinakain ko na itlog na may ketchup at sinangag 'di talaga nakakasawa ang gantong luto lalo na si mama ang nagluluto kaya masarap.

"Mall san pa ba, do'n lang naman ang puntahan natin kapag day off diba?" biglang sagot nito kaya tumingin naman ako sa kaniya at napa isip na tama naman siya kasi 'yon lang ang lagi namin napupuntahan kahit noon pa.

"Ah ok sige pagkatapos nalang nito." Sagot ko naman kaya kumain na kami mga ilang minuto ay umakyat ulit ako para maligo . Natapos din ako at bumaba nakita ko pa si mama nilapitan ko ito.

"Ma, aalis po pala kami ni Francine baka  hapon na din ang balik ko," paalam ko sa kaniya kaya naman napatigil siya sa kaniyang ginagawa.

"Ah, sige anak ingat kayo do'n 'wag kayo magpagabi." sabi pa nito sa'kin.

Kaya tumango nalang ako at nagsimula na kaming lumabas at saktong may jeep agad kaya sumakay na kami. At ilang minuto ay nasa mall na kami at  pumasok na sa loob at pumasok kami sa isang store ng mga damit at nag hahanap ng bagong damit na gusto namin saktong sahod namin ay gusto ko din mabilhan ang mga kapatid ko.

"Wah! So cute best!" Tili niya habag hawak ang isang dress na ka kasya kay Aya kulay pink siya at hanggang tuhod ito at may mga pusong naka design sa dress .

"Oo nga ito nalang puwede na 'to kay Aya, bagay sa kaniya ito." Sabi ko pa at sabay Kuha ko at ibinigay sa counter para mabayaran na din pagkatapos nag ikot pa kami.

Makalipas ng ilang oras na pagtatambay namin ay marami na akong nabili para sa mga kapatid ko at hindi mawawala ang kay mama.

Napagod kami ni Francine kaya naman nagpahinga kami sa isang bench at umupo mona.

"Tara kain tayo libre ko!" Sabi ni Francine na excited pa, kaya ang gaga  nauna sa paglalakad kaya medyo binilisan ko ang lakad ko upang makapantay ko ito.

" Sige. Sabi mo iyan ah tara." sagot ko pa  at sabay kaming tumungo sa isang fastfood dito sa baba.

"Jollibee talaga bata lang best haha." biro ko pa bago nakapasok sa loob.

"Buang ito lang naman ang masarap dito noh!" Tawa niyang sabi kaya naman pumila kami at nag order na din siya na pina pili ko basta may makain lang.

Pagkatapos na kahanap agad kami ng puwesto para makakain na pero bago kumain nag picture mo na kaming dalawa dahil ipopost niya daw.

"Nakakapagod talaga yung gawain sa bulalohan, bukas pasok na naman wah! Parang ayaw ko na pumasok," maktol niya natawa ako at uminom ako ng coke.

"Buang ka! Wala ka ng trabaho kapag iniwan mo iyon mahihirapan ka na naman mag apply," sagot ko dito at tumingin sa ibang lamesa iilan lang pala ang tao ngayon para kumain.

"Eh! Kasi naman si Ma'am grabe, ang laki na ng utang ko dun kapag may kulang kairita!" inis niya pang sabi, dahil kapag may kulang na barya or sa kapag sa panunukli siguro ay siya nag aabuno kapag sa sahod.

"Hays! Kaya ayaw ko maging Cashier eh."  Sabi ko pa at sumubo sa chicken at isinawsaw sa gravey at kumuha din ng fries at gano'n din ang ginawa ko sawsaw din sabay subo.

"Sobra hirap kaya." naka ngusong sambit niya pa natawa ako parang bata.

"Mukha kang pato kapag nakanguso!" asar ko sa kaniya kaya natawa ako sa naging reaction niya at nag iba lalo ang mukha niya na lalo kong  ikinatawa.

"Luh! Impakta ka, ma's maganda pa ako sa pato excuse me, duh!" pagtataray niya habang nanguya.

"Yuck! Saan banda sa puwet mong may balat hahaha," tawa kong malakas kasi nakita ko na ang puwet niyang may balat.

"Huy... Mahiya ka maraming tao baka isipin nila sinasaniban ka na diyan!" saway sa'kin.

"Sus, iniba mo lang ang usapan kasi yung balat mo na ang topic haha," pang aasar ko pa sa kaniya na ikinapula ng mukha niya lalo.

"Che! Manahimik ka diyan susungal-ngalan kita ng manok," pananakot niya sa'kin.

"Kaya mo ba!? Haha ulol ka, kumain na nga tayo." sabi ko sa kaniya kaya naman nagsimula na ko kumain.

Ilang minuto ay natapos din kami, kaya naman nag ikot pa kami sa mall pero wala ng binili, halos kasi na bili na namin lalo na ang mga importante 'di mawawala ang grocery para may stock kahit ilang weeks lang ay sapat na. Ng mapagod na kami ay umuwi na din lalo na hapon na pala kaya naman hindi na siya sasabay sa'kin ibang direksyon na niya kasi.

"Salamat best, sunod ulit nag enjoy akong kasama ka!" Masayang sambit niya at nagyakapan na kami.

"Wala iyon basta sunod naman bonding tayo kapag walang pasok at magkikita pa naman tayo bukas haha sige na, mauna na ako ingat ka pag uwi bruha tanga ka pa naman haha," biro ko pa sa kaniya habang papalayo na siya.

"Che! Bye din ikaw mag ingat gaga!" sigaw niya sakin at nakasakay na din siya.

Kaya naman sumakay na din ako pag ka stop ng jeep sa unahan ko. Pagkarating sa bahay sinalubong ako ng mga cute kong kapatid.

"Wah! Ate ano iyan?" excited na sabi pa ni Aya.

Pumasok na kami sa loob at nilapag ang mga nabili ko. At silang dalawa mga naka abang  kong  ano ang dala ko. At inilabas ko ito at binigay Kay Aya ang napiling dress ni Francine kanina.

"Wow! Dress akin ito ate!?" masayang tanong niya habang 'di na binibitawan ang napili ni Francine kanina.

"Oo nagustuhan mo ba?" tanong ko tumango siya kaya napangiti ako. At kinuha ko din ang para Kay Kreshley na isang school supplies na halls andiyan na lahat.

"Hala! Ang ganda nito this is for me ate?" biglang sabi ni Keshley habang nanlalaki ang mga mata nito sa sobrang tuwa.

"Yup, do you like it?" ngiting sabi  ko pa dito ng nakatingin.

"Yes ate thank you po sobrang ganda magagamit ko sa school," masayang sabi niya sa isang school supplies halos lahat andiyan na gano'n din kay Aya .

Lumapit din samin si mama at tumingin sa mga dala ko.

"Ma, ito po ang inyo 'di ko kasi alam ano ang gusto niyong damit kaya iniba-iba ko na lang ito para naman may mapili ka." Sabay bigay ko sa kaniya na parang maluluha pa.

"Oh, ma  'wag kang umiyak baka isipin nila Aya pina iyak pa kita e," biro  ko pa rito na ikinatawa na sa biro ko sabay kuha at inisa-isa ang mga napili kong  mga damit na ma's babagay sa kaniya napangiti ako ng makita na nakangiti ito sa tintignan niyang damit na kulay pink na may design na bulaklak na iba-ibang kulay pa.

"Salamat. Anak may bago na naman akong mga damit ang dami naman nito ilan ito mga sampo ata ito, pero salamat,"  masayang sabi nito 'yong dalawa kung kapatid ay naglalaro na sa sala.

"Nako ma, wala 'yon maliit na bagay para sa inyo ang ginagawa ko." Sagot ko at niligpit mga kalat na mga paper bag 'tsaka tinapon sa basurahan at tumabi Kay mama para yakapin ng mahigpit gumanti siya ng yakap sa'kin na nagpagaan ng pakiramdam ko.

Natapos ang buong maghapon ko na naging relax ako kasama sila.

Pagkatapos ay kumain na din kami sabay kami kumain ng tahimik kunting kuwentuhan. Natapos kami at naglinis na din ako para bukas wala ng lilinisin ulit si mama. Umakyat na ko para matulog may pasok na naman bukas, nagpaalam na ko kay mama na aakyat na ako ang mga kapatid ko maaga nag si-tulog ayaw ko nagpupuyat nakakasama din kasi ito sa katawan. Nagbihis na ako ng pantulog ko at nagsimulang humiga, ilang minuto sa pag iisip ko 'di ko namalayan na nakatulog na pala ako, dahil na din sa pagod.

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status