Share

Sa Ngalan Ng Pag-ibig
Sa Ngalan Ng Pag-ibig
Author: artatesleslie

Chapter 1

[ AYUMI POV ]

Sa hirap ng buhay kailangan mo talagang maging masipag para sa pamilya mo lalo na kung ikaw lang ang maasahan. Ako nga pala si Kresha Ayumi Sanchez mas madalas itawag sa'kin ay Ayumi.

Hiwalay na sila mama at papa nung maliit palang ako sobrang hirap  na tanggapin sa una na ang ama mo pinili ang babae kaysa sa tunay niyang pamilya, pero nasanay na ko na wala siya sa tabi namin at nasanay na kong walang ama .

Kaya bilang panganay nagsipag ako kahit high school lang makatapos ako at natulad 'yon kahit di na ko nakapag aral ng kolehiyo sapat na para sakin basta may natutunan ka dahil 'di na din kaya ni mama gastusin ang pagkolehiyo kaya di nako tumuloy kumuha ng kursong gusto ko.

Marami akong inapplyan pero sabi tatawagan nalang ako sa sobrang tagal naisipan kong sa mall ako mag apply baka sakaling matanggap ako kahit ano basta makapagtrabaho lang ako ng sa ganon makatulong kay mama at sa ibang gastusin sa bahay .

Marami na akong napuntahan sobrang pagod na din ako kaka ikot at naisipan ko naman pumunta sa mall.

Mga ilang oras ang nilakad ko bago ako makarating  sa mall may nakita akong hiring kaya naman pinuntahan ko ito lalo na alam ko na marunong din naman ako pagdating sa pag seserve. Lumapit ako sa babae sa tingin ko mga 30 years old na.

"Excuse me po. Puwede po magtanong kung hiring pa po kayo?" magalang kung tanong sa kaniya napatingin ito sa aking gawi at ngumiti ito sa'kin kaya ginantihan ko ito ng matamis na ngiti.

"Yes. Hiring pa naman mag-aaply ka Ms.?" tanong din nito sa'kin napatango nalang ako dahil sa aking kabang nararamdaman.

"Opo. Ito po 'yong resume ko." Pinasa ko ito sa kaniya na may matamis na ngiti sa aking mga labi.

"Sige. Pakihintay nalang ang tawag namin at saktong kailangan ng tao dito at kung may kaibigan ka ay puwede mo ito ialok sa'kin." sabi niya pa sa'kin.

Habang nilagay niya sa isang dora-box ang aking resume.

Swerte ko ngayong araw na ito, dahil kailangan ng tao pala sa kanila at lalo na parang bagu palang bukas, saktong may kaibigan akong wala pang naaplyan kaya naman tatawagan ko ito para mag apply ng sa gano'n magkasama kami ulit .

"Ah sige po. Mauna na po ako salamat po ulit." Paalam ko rito at nagsimulang maglakad na para maka usap ko ang kaibigan ko ng kailangan pa ng isa sa kainan nila.

Nagpahinga mo na ako sa isang bakanteng upuan dito at kinuha ang aking cellphone upang matawagan ang matalik kong kaibigan.

Sakto nag riring na ito mga ilang minuto ay sinagot na niya din.

"Hello, best napatawag ka!?" sa kabilang linya alam kung nagulat ito dahil ngayon ko lang ulit ito natawagan.

Umayos ako ng upo.

"Oo, best alam kung kailangan mo din ang trabaho may na applayan kasi ako dito sa malapit lang sa'tin mall  nakapasa na ako ng resume ang sabi pa puwede daw ako mag alok pa ng kaibigan para magpasa so. Ikaw naisip ko," mahaba kong paliwanag

Panay ikot lang ang aking mga mata sa paligid lalo na ang daming tao kumakain sa harapan ko para naman akong nagutom.

"O-Omy! Di nga andiyan ka pa ba punta ako diyan ng makapasa agad," sabi niya pa alam kung aligaga na siya lalo na sasakay pa medyo malayo kasi sa kanila.

"Sige hihintayin kita dito tumawag ka  kapag malapit ka na," sabi ko pa.

"Ok bye na." Paalam niya at bigla nalang namatay ang linya.

Kaya ginawa ko tumayo mo na ako mag iikot-ikot lang ako para 'di ako mainip sa babaeng 'yon. Mga ilang oras tumutunog ang cellphone ko at sinagot ko ito

"Hello, andito na ako saan ka bruha!" excited nito kahit 'di ko nakikita mukha niya ay naiimagine ko na.

"Andito ako sa may tabi ng photo print makikita mo naman ako agad." Paliwanag ko habang nagpalinga-linga baka kasi lagpasan ako may pagka tanga pa naman 'yon.

"Binggo! Wait." biglang sigaw sa kabila at napatay ang  linya.

Napatingin ako ba't niya pinatay kaya binalik ko na lang ang cellphone ko sa bag ko.

"Woi!" biglang may sumigaw sa tabi ko kaya nagulat ako sa ginawa niya natawa ito sa naging reaction  ko.

"Siraulo ka talaga! Tara na nga." Sabi ko.

Sabay hampas ko sa kaniya at nagsimula na kaming maglakad para balikan ang inapplayan ko saktong pagdating ay naalala ako ni ate, kaya naman pinakilala ko mo na ang aking kaibigan at sinabing mag aapply din ito kaya naman binigay na din ni Francine ang resume at nagpasalamat ulit sa kaniya bago kami umuwi dahil iyon lang aming pakay at maghihintay na lang kami sa tawag nila.

Ilang linggo na ang nakakaraan matapos kong mag apply sa nakita kong trabaho sa mall. Napatingin na lang ako sa hawak kong cellphone ng bigla itong mag ring, number lang ito at hindi ko matandaan na may pinagbigyan ako ng ibang numero ko. Naco-confuse kung sinagot ang tawag at halos tumalon ang puso ko sa labis na saya ng mabosesan ko ang nasa kabilang linya. 

"Hello, is this Kresha Ayumi Sanchez?" tanong ng nasa kabilang linya. " I called you because I want to inform you that can start working with us starting  on Monday, also the day that you can get your uniform for your job. That's all, congratulations and thank you." sabi sa kabilang linya.

Malapad na ngiti ang nakaguhit sa aking natural na mapulang labi at bahagya pa itong nakaawang dahil sa labis  na ligayang nararamdaman ko ngayon.

"O-okay po, Ma'am, " nauutal ngunit masaya kung tugon 'di ako makapanilawa na tanggap na ko.

" Sige po, maraming salamat po ms.Jenny! " masayang sabi ko pa dahil sa tuwa.

" Your welcome, congratulations. " pag uulit niya pa

" Ok po, thank you din po. " Masayang sabi ko pa bago ito patayin ang tawag sa sobrang tuwa ko 'di ko mapigilan na mayakap si  mama  natawa nalang siya sa pagyakap ko.

Ilang linggo na ang nakakaraan simula ng mag umpisa ako sa bulalohan kaya nasanay na ako sa trabahong ginagawa ko sa araw-araw ko na umagahan, ay maaga ako kumilos para pumasok kaya kailangan ko ng mag asikaso para 'di ako mataranta kapag malalate nako .

Habang naliligo ako ay magkukuwento ako tungkol sa aking pamilya ako ang panganay sa aming magkakapatid. May dalawa pa kong kapatid na nag aaral sa elementary at si mama naman syempre dito lang sa bahay, wala na kaming ama kasi nga iniwan na kami maliit palang ako. Sumama na sa iba 'di ko nga alam ba't naghanap pa si papa ng iba, at ayaw ko na ikwento lahat sobrang sama ng loob ko sa kanya ba't kami niya pa kami iniwan para sa babae.

At ako ang tumutulong kay mama sa ibang gastusin sa bahay, tulad ng pam-bayad ng bahay at sa pagkain namin pag wala naman akong pasok tumutulong ako sa lahat ng gawain dito.  Kaya kahit service crew ang aking trabaho kahit nakakapagod kakayanin ko, para lang sa pamilya ko gagawin ko ang lahat para makatulong ako.

Natapos ako hanggang sa umalis ng bahay, nagpara ako ng jeep para makasakay agad baka punuan na naman mahirap na at malate sa trabaho. Medyo strict kasi amo namin kaya kailangan talaga nasa tamang oras ka .

"Bayad po, paki abot salamat." Sabi ko sa katabi ko

at iniabot niya naman hanggang sa manong driver.

Tamang tingin lang mo na sa paligid at iniisip ko na  sana 'di ako mapagod ngayong araw na ito,

at sana 'di maraming tao kasi sobrang nakakapagod 'yong pabalik-balik ka para kunin ang order nila at hanapin ang mga number. Ang lawak naman kasi ng kainan  ilang table ba naman, ewan ko lang kong 'di ka mahilo kakahanap ng number nila .

Minsan nga sa dami nila nakakapagod magbalik-balik, tas 'yong ibang costumer naman isa-isa yung inuutos sayo kaya ang ending do'n ka napapagod. Biglang nabalik ako sa realidad ng sumigaw si manong driver na nandito na ang babaan kaya naman nagmadali akong bumaba nakakahiya ang lalim ng iniisip ko kaya 'di ko napansin na nakarating na pala. Pumasok na ako sa mall at bago ka maka pasok ng maka akyat sa hagdan. Ipapakita mo, mo na ang id mo kung ganap na nagtratrabaho ka dito. Pinapasok naman ako agad ni kuya guard kaya sa hagdan nalang ako dadaan para naman lumakas tuhod ko.

Nakakahingal din talaga umakyat kung hanggang tatlong palapag ang aakyatan mo talagang mapapagod ka.

Pagdating ko nandito na iyong taga luto at ung kaibigan ko na si Francine isa siyang pinakamalapit kong kaibigan, sa tagal ba naman naming magkaibigan simula nag aaral palang kami magkasama na hanggang dito buti nalang niyaya ko siya dito para may makasama ako. Inayus ko mo na ung gamit ko sa lagayan samantala si Francine nag aayus na sa harapan at binuksan na din ang harapan.

"Anong oras ka naka uwi kagabi Ayumi?" Tanong sakin ni Francine habang naglalagay ng tuyo sa maliit na lagayan.

"Siguro saktong seven mabilis lang ang byahe. " Sagot ko sa kaniya habang nag lilinis at inayos ko na din ang mga gulay at mga pinakulong karne para naman 'di na kami malito kong  asan 'to dapat kunin.

Naging seryoso na kami sa aming mga gawain hanggang sa medyo may mga tao na din para kumain kaya ako lumabas na para taga hatid ng pagkain nila .

"Puwede makahingi ng tubig? 'Wag lagyan ng yelo. " Paki-usap ng ali

"Ah, sige po. " magalang kong sagot  saka ko siya nginitian bago ako tumalikod

at agad ko naman itong ginawa kumuha ng tubig na 'di malamig at bumalik sa kaniya. Naging aligaga kaming lahat dahil ang daming kumakain sa tinda namin lalo na masasarap ang luto ni ate kaya naman patok ito sa karamihan ang masarap na bulalo .

Natapos kami sa pag asikaso at sobrang pagod ako kaya kumain na kami ng sabay-sabay nakaka gutom pa .

"Grabe sobrang nakakapagod! " biglang sabi ni Francine habang 'di na maipinta ang kaniyang mukha habang sumusubo ng kanin na may ulam 'tong babae 'to kala mo naman aagawan eh ang takaw niya kumain at wala siyang pakialam sa paligid niya basta kakain siya.

"Ikaw lang ba? Ako nga nahihilo sa mga numero," sabi ko habang sumusubo ng ulam na pritong baboy at may gulay at di mawawala ang mainit na sabaw ng bulalo at humigop ng masarap at matamis-tamis na sabaw at mainit pa ninamnam ko ang bawat kain ko.

" Maganda nga 'yong marami para maraming kota tayo diba para 'di magalit si madam. " Dagdag ko pa at nagtuloy na kami sa kinakain namin. Di na kami ulit nag salita at tinapos na mo na naming kumain ng makapag pwesto ulit  para makakota kami mamaya .

Makalipas ng ilang oras ay uwian na namin, kaya naman nag linis mo na kami at malaki ang kota namin ngayon kaya naman sinara  na namin ang tindahan at sabay naglakad pababa .

"Kapagod ang buong maghapon! " Biglang sabi ni ate samin na halatang pagod at sabay kaming naglakad.

"Syempre ikaw yung taga luto, at taga sandok hihi. " sabi naman ni Francine na nakapulupot pa sa braso ko napa-iling  nalang ako sa babaeng 'to.

Habang sabay sila nag chi-chikahan ako parang 'di interesado, lalo nat pagod na ko gusto ko na humiga agad ang sakit na ng likod at mga paa ko. Mga ilang minuto lang bago ako nakarating samin.

Pagdating sa bahay mga tulog na sila kaya kumain nalang ako kahit kaunti, natapos naman ako agad kaya pumasok na ko sa aking silid nagbihis mo na bago mahiga sa aking papag, 'di ko namalayan kaka isip ko nakatulog na ko.

Pag ka gising ko ng umaga nag inat mo na ko medyo inaantok pa ko kakatamad kumilos kapag sobrang aga ng gising mo. Naligo na ko at pagkatapos naghanda na para mag almusal, bago pumasok sa trabaho kailangan may lakas ka tuwing papasok para 'di ka agad mapagod sa trabaho.

Nakita ko si mama at mga kapatid ko kumakain ng almusal na luto ni mama kaya tumabi ako sa kapatid ko, at kumuha ng plato at nagsandok ng sinangag at kumuha ng itlog na may ketchup na marami tas pinaghalo-halo ko sila masarap ko pag ganto .

"Ate ano oras ka po naka uwi? " bigla niyang tanong sakin ng kapatid kong bunso na si Alihya mae.

Habang hinahalo ko ang aking gatas kaya naman si keshley at seryoso din itong kumakain.

"Mga 10 na bunso, 'tsaka 'wag mo na ko hintayin kapag ganong oras. Bawal ka magpuyat papanget ka . " kunwari kong pananakot pigil ang tawa ko ng makita ko ang reaction niya sa sinabi ko.

"Hala! totoo, ate! Papanget ako kapag nagpuyat? " seryosong tanong nya sakin at gulat na gulat pa, pinigilan kong 'di matawa sa kaniyang reaksyon hanggang ngayon nanlalaki na ang mga mata nito.

" Oo kaya 'wag ka mag pupuyat para maganda ka tulad ni ate, Sige na kumain ka na jan 'wag na madaldal. " sabi ko at nagsimula na siya kumain .

Hanggang sa natapos ako kaya naman nagpaalam na ko sa mga kapatid ko at kay mama para makapasok na .

Buti nalang paglabas sa may kanto namin nakasakay agad ako ng jeep papuntang mall at di puno. Mabilis naman ang byahe di sya traffic ngayun araw kaya mas maayos yun sakin na 'di malate. Ilong minuto ang lumipas sa byahe ay nakarating agad ako.

Pagpasok ko agad din naman akong nakapasok para maka akyat naghagdan lang ako medyo kahingal kasi ang bilis ng akyat ko. Pagkarating ko sa Store namin ay andun na din si Francine, kaya naman nagmadali akong makarating sa loob ng store at agad akong tumulong sa kanila sa pag aayus ng gamit sa unahan, at sa pag aasist kay ate ako ang taga hiwa ng kailangan para sa mga lulutuin niya at ako na din ang nag saing dalawang kaldero na malalaki ang sinaingan ko .

Nag linis na din ako pagkatapos para 'di maruming tignan, ang store samantalang si Francine nagsisimula na din siyang mag alok sa mga pagkain na mayro'n kami. Lalo na lahat bagong luto ito. Kaya naman tinulungan kona din si Francine kaya lumabas ako para ako mag serve ng mga order nila kahit marami nang tao, di ako nagpakita ng pagod at kailangan magsipag ka sa trabaho na ito para sa pamilya mo .

Lalong dumami ang bumibili samin kaya naman seryoso kami sa mga ginagawa namin ngayon. Pagkatapos ng ilang oras na pag aasikaso sa mga costumer namin, ay oras na para kami naman ang kumain dahil hapon na.

Sabay kaming kumaing tatlo, ulam namin sinigang na baboy, at ampalaya kasi ito 'yong ulam din na binbenta namin. Dahil gutom na kami kaya naman wala mo nang pakielaman sa gantong gutom ka na pagod ka pa.

Masarap at nabusog ako para naman maging malakas ka sa trabaho na 'di ka kitaan ng oanghihina sa katawan.

Pagkatapos ay bumalik sa kaniya-kaniyang pwesto kaya ako naghugas na din ng plato, dahil natambakan na kaya minadali ko siyang matapos. At naghiwa na din ako ng mga ipanghahalo sa lulutuin ni ate kaya ako ang taga hiwa lahat ng gagamitin sa pagluluto .

Buti nalang 'di na marami yung tao, kaya medyo makakapagpahinga din ako mas nakakapagod kasi 'yong nandito sa loob para mag assist kuntra sa pagiging take order sa labas para sa mga bibili. Kaya naman ako sobrang sakit na ng balakang ko at mga paa, dahil di pa ko nakaka upo ng matagal tuloy-tuloy yung gawain mo .

Makalipas ng ilang oras ay magsasara na kami bago kami magsi uwi maglilinis mo na, at magbibilang ng benta kung naka magkano kami ngayung araw na 'to. Pagkatapos ay nagsara na kami at sabay bumaba. Pagkarating sa sakayan ay naghiwalay-hiwalay na kami lalo na ibang kuta yung pupuntahan ko kaya naman nag paalam na kami sa isat- isa at bukas ulit. Saktong pang huli yung pasahero ay nagmadali akong sumakay sa jeep.

Habang nag ba-byahe ay sobrang antok na ko minsan pa na kakatulog ako nagigising lang ako kapag biglang s-stop ang sinasakyan ko at nagigsing ang diwa ko dahil do'n.

Pagkarating ko sa amin ay medyo maaga aga pa, kaya bukas pa ang mga ilaw kaya pumasok na ko at si mama nga ang gising pa kasi nagkakape ito habang nanunuod ng telebisyon .

"Andiyan ka na pala, kumain ka na may ulam diyan sa lamesa. " sabi sakin ni mama habang tutok sa television na pinapanuod niyang drama.

" Sige ma, Bat gising ka pa? " Tanong ko sa kaniya at nagsimula na akong maglakad para pumunta sa kusina.

"Di pa ako inaantok. Kaya nag timpla mo na para makatulog ako. " Rinig kong  sagot naman ni mama habang umiinom ng kape.

" Sige ma pagkatapos mo diyan matulog ka na, Kain na mo na ko. " sabi ko may harang kasi ang kusina pader Kaya 'di ko nakikita si mama kasi nasa loob  ako ng kusina para kumain. Siguro umakyat na din si mama kasi tumahimik ang television.

At Nagsandok na ko ng kakainin ko. Pagkatapos ko naman kumain naghugas ako ng pinagkainan at naglinis na din ako saglit lang naman kasi nag walis lang ako kaya natapos ko ito agad at nagsara ng mga bintana at pati pintuan para walang pumasok na masama .

Umakyat na ko para magbihis nilagay ko lang ang bag ko sa higaan at nagpalit  na ko ng pantulog ko at nag toothbrush para masarap ang tulog ko.

Diko na malayaan na nakantulog na ko sa sobrang pagod sa araw na ito .

Kinabukasan

Nagising ako sa maingay kong cellphone kaya 'di na ko nakatulog ulit naligo na ko at naghanda na din. Pagkatapos ng pag aaayus ko ay bumaba na ko, para kumain ng maka alis agad naabutan ko sila mama na kumakain na din kasama mga kapatid ko tumabi ako at pinagsandukan naman ako ni mama ng pagkain .

" Ubusin mo ito, ng 'di ka agad mapagod sa trabaho at itong inumin mo gatas wag kape baka antukin ka. " Sabi sakin ni mama habang inaabot ang gatas na tinimpla niya tinanggap ko naman ito at ininom.

"Salamat ma." Ngiting sabi ko at kumain na kami Ng tahimik ayaw kasi namin na nag iingay habang nasa harapan kami ng hapag kainan .

Natapos na ko kaya nagpaalam na ko kila mama na pasok na ko kaya binigyan mo na ko ng halik sa pisngi ng aking mga kapatid kaya natuwa ako sa lambing nila. At masayang umalis para 'di ako mapagalitan ng amo namin mahirap na, lalo na bago ka palang. At kailngan mo mag pursigi para may makain kami sa pang araw-araw.

Nakarating na ko sa store at nadatnan ko sila ate Jenny at ang aking kaibigan na si Francine na 'di niya napansin na nakarating nako, ginulat ko siya .

" Wah! Impakta ka! Bat ka ba bigla diyan ng gugulat ah?! " sigaw niya sakin na may halong masamang tingin dahil nagulat talaga siya, paano napatalon.

"Hahahaha. Grabe ka magulat best!" Tawa ko at inayos na ung mga gamit ko samantala siyang tuloy  pa din  ang maktol.

"Che! Eh nakakaloka ka! " inis niya sakin kunwari pa siya at lalong sumimangot ang mukha niya natawa pa ako.

"Oa mo! " Kunwaring sabi ko at tinalikuran siya, ako naman kunwari magtatampo sa kaniya.

"Hala! bat ikaw na nagtatampo ?" Gulat niya ng mapansin na nagtatampo ako sa kaniya Kunwari lumapit siya sa akin at niyakap ako sa likod, diba buang lang? napangiti ako kasi 'di niya ko kayang tiisin.

Natawa naman ako at hinarap ko siya na nakasimangot na kahit kailan tampororot na .

" Ano ka ba joke ko lang 'yon 'wag ka na mag simangot diyan bagay pa naman sayo ganiyan." biro ko pa sa kaniya bigla akong hinampas. Di ako naka ilag sa hampas niya.

" Ewan ko sa iyo, ayusin na nga natin ito,"  wika niya pa at bumalik sa pwesto niya

Kaya naman tinulungan ko na din siya sa mga aayusin bago dumating si mam malinis na lahat. Isa pa nakaluto na din si ate Jen .

Naging seryoso na kami sa mga oras na 'to lalo na tanghali kaya naman marami na ang costumer namin, halos 'di na kami nag ka usap nila Francine dahil kailangan namin asikasuhin sila.

Mahigit dalawang oras bago kami natapos at 'tsaka lang kami nakapag pahinga kasabay kumain, naghugas na din ako ng plato dahil sobrang tambak na nga ito at nagligpit na din ng kalat sa loob ng kusina para naman malinis tignan.

Hanggang hapon gano'n ang nangyari dahil 'di naman nawawala ang mga kumakain kasi mayro'n na din sa aming pang meryenda kaya naman may mga bumibili . Inutusan naman ako ni ate Jenny bumili sa baba ng meryenda namin.

"Ito bayad bilhin mo yong kakanin ah! " Ngiting sabi sa'kin ni ate kaya tumango ako sa kaniya bago ko 'to tanggapin kasabay kay Francine. Kahit ang akin mayro'n na din ako pambili.

"Ikaw best! ano ang sa'yo?" Tanong ko sa kaniya habang nagpupunas sa counter. Kahit di nakatingin alam kong  narinig niya.

"Kwek-kwek nalang akin best." sagot niya habang busy sa ginagawa.

"Sige, alis na ko!" Paalam ko sa kanila  at nagsimula na akong maglakad palabas ng mall.

Habang naglalakad tumitingin ako sa mga paninda ng iba baka kasi may magustuhan ako para sa mga kapatid ko, para sa linggo bili ako ng pasalubong .

Nakarating ako sa mga bilihan ng puweding meryenda at nabili ko agad ang mga utos nila sa'kin, bumalik agad ako at wala namang costumer kaya pagpasok ko  pag akyat ko ulit ay nagmadali na din ako maglakad papasok sa store namin. Pagpasok ko ay nadatnan ko si ate na nag hihiwa ng pechay napansin niyang nakarating na ako kaya ibinigay ko na sa kaniya mga pinabili nila.

"Ito na mga pinabili nyo." Abot ko sa kanila at ngumiti sila sakin kaya naman kumain mo na habang wala pang bumibili.

Balik trabaho ulit pagkatapos mag meryenda hanggang sa gumabi na at sa wakas uwian na namin kaya nagligpit na kami nagtulungan maglinis, Natapos ang lahat kaya sinara na namin ang store.

Naglakad na kami para makasakay na dina din kami nag usap-usap dahil sa pagod na din namin. Sumakay na kami at nag paalam sa isa't-isa.

Nakauwi na din ako sa amin pagpasok ko sa bahay tahimik na kaya naman nagtuloy-tuloy na ko sa kuwarto ko at nagpalit ng damit pantulog.

Bumaba ako para kumain buti may tinira sakin na ulam kaya kumain ako ng tahimik. Pagkatapos nagligpit na ko bago umakyat sinara kong mabuti ang pintuan namin. At umakyat ulit para matulog na pagpasok sa kuwarto ay humiga na ko para makatulog agad may pasok na naman ako bukas kaya hindi ako puweding mag absent ng isang araw dahil sayang ang araw ko lalo na ako lang ang tumutulong kay mama sa bayarin kaya kailangan ko magpursigi para sa kanila. Hindi nagtagal sa kakamuni ko ay naka tulog na din ako dahil sobrang pagod  ng aking katawan ngayong araw na ito.

Kinabukasan

Nagising ako sa alarm ng cellphone ko medyo antok pa ko ng bumangon ako at nag inat-inat ng mawala ang antok tumalon na din ako dahil parang gusto ko pa humiga. Pagkatapos ng aking ginawa sa tuwing papasok ko ay natapos na din.

"Goodmorning!" masayang bati ko.

Kahit wala akong kausap maging maganda lang aking araw ngayon at ni ready ko na ang aking mgadadalhin sa pagpasok bago ako bumaba ng makasabay ko sa almusal ang mgakapatid kong magaganda at nakita ko si mama naghahanda ng aming almusal sa lamesa ang bango ng mga niluto niya nagutom ako.

"Hmmm. Ang bango naman niyan ma!" Masayang sabi ko habang nakuha na ng sinangag habang inaamoy ang mga ulam nakahain sa lamesa.

"Nambola ka pang bata ka sige na kumain na para maaga ka makaalis." Sabi niya pa sa'kin

At binigyan ako ng itlog tsaka gatas nginitian ko na lang siya at nagsimula ng kumain at nalaman kong mga tulog pa ang dalawang makulit mamaya pa ang pasok nila. Napa aga pala ako. Binilisan ko na lang ang aking kain para makaalis na ko. Natapos ako agad at nagpaalam na kay mama na papasok na at nagsimula na kong maglakad para sa sakayan ng jeep mismo saktong isa nalang kulang kaya naman nagmadali ako. Pagkarating ko dating gawi mag-aayos ng mga kailangan, nilagyan ang mga dapat lagyan lalo na sa mga sawsawan. Sa buong maghapon ay wala kami nagawa kundi maging busy na walang kasamang kuwentuhan dahil dagsa ang mga costumer ngayon kaya wala kaming oras makipag chikahan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status