Seraphina's POV
Hindi pa rin ako makapaniwala na hindi totoo si Sister Teresa. Matagal ko na siyang nakikita dito sa simbahan, at siya lang ang madreng naging kaibigan ko. Totoong-totoo siya sa tuwing nag-uusap kami; nararamdaman ko pa nga ang presensya niya. Kaya hanggang ngayon, naguguluhan pa rin ako. "Diyos ko! ano ba talaga ang totoo?" Napahawak ako sa noo habang nakaupo sa kama ko, dito sa loob ng silid sa kumbento. Ngayon na sinabi nilang walang madreng nagngangalang Teresa dito, sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip. Totoo ba si Sister Teresa o hindi? Kung ako lang ang tatanungin, totoo siya. "Hindi siya guni-guni lang kasi marami beses na kaming nagkausap. Hindi rin naman siya likha ng imahinasyon ko dahil nasa tamang katinuan pa naman ako, sa palagay ko." Lumuhod ako sa harap ng kama, kung saan may nakasabit na krus sa bubong, at idinampi ang aking mga palad habang nagsimulang magdasal. "Mahal na Panginoon, tagapagtanggol ng lahat, humihingi po ako ngayon ng gabay. Bigyan mo po ako ng liwanag sa gitna ng madilim na daang tinatahak ko. Bigyan mo po ako ng kaliwanagan ng isip upang maintindihan ko ang lahat ng pangyayaring nararanasan ko." Huminga ako nang malalim at napansin ang sugat ko sa binti nang tumayo ako nang maramdaman ko ang bahagyang paghapdi nito. Umupo ako sa kama at yumuko, tinitignan ang sugat na natamo ko nang mahulog ako sa hagdanan kaninang umaga. Ano'ng gagawin ko dito? Wala akong panglunas dito sa loob ng kumbento. Hindi ko pa kabisado ang lugar kaya kahit may first aid kit man dito, hindi ko rin alam kung saan ito nilalagay. "Ipagbubukas ko na lang ito. Hindi na rin naman masyadong mahapdi." Humiga ako sa kama at pumikit, sinubukang matulog. Pero bigla kong naalala si Asmodeus. Hindi ako nagpaalam sa kanya na hindi na ako makakabalik sa mansyon at dito na ako maninirahan. Wala pa naman siyang ibang katulong doon. Sana sinabi ko nalang na magmamadre ako. Magagalit kasi yong taong 'yon pag nalaman niyang tinuloy ko ang plano ko at nagmadre ako. "Wala na rin akong cellphone para makapagpaalam kay Sir Asmodeus. Naiwan ko doon sa loob ng silid na 'yon." Kung balikan ko kaya ngayon para mapaayos ko bukas ng umaga. Tumayo ako mula sa pagkakahiga tsaka nagtungo sa labas ng silid ko. Nakakabulag ang dilim sa labas at parang may umaalingawngaw sa loob ng tenga ko dahil sa sobrang katahimikan dito sa loob ng kombento. Habang naglalakad patungo sa kung saang direksyon ay nalalanghap ko ang malakas na amoy ng insenso. "Nasaan ba ang pintuan palabas." Naglakad na lang ako na parang isang bulag, pilit na hinahanap ang pintuan palabas. Sinubukan kong alalahanin kung saan kami dumaan kanina nung pumasok kami dito, hanggang sa wakas ay nakalabas din ako. Malamig at madilim din sa labas, pero dahil sa malaking bilog na buwan na nagbibigay ng kaunting liwanag, naaninag ko nang mas maayos ang paligid. "Maaga yata natutulog ang mga madre," Malapit lang naman ang simbahan mula dito sa kumbento kaya agad na akong dumako sa simbahan. Dumaan ako sa pintuan sa likod ng simbahan at pumasok sa loob. Madilim sa loob kaya kumuha ako ng kandila sa isang altar ng santos at sinindihan ito, umaasa na sapat na ang liwanag nito para gabayan ako. Hawak-hawak ko ang kandila habang bumababa sa silid na pinasok namin kanina ni Sister Teresa. Ang mga hakbang ko'y maingat dahil sa makitid na hagdan at sa takot na muling masira ang anumang bahagi nito. "Asan na ba 'yon?" mahina kong bulong sa sarili habang yumuyuko, pinapadaan ang sinag ng kandila sa maalikabok na sahig nagbabakasakaling makita ang nawala kong cellphone. "Hayy salamat naman-" Napangiti ako nang makita ko na ang cellphone ko pero hindi ko na naituloy ang sinasabi ko at natigilan ako nang may mukhang sunog na kamay akong nakita na dumampot ng cellphone ko. Dahan-dahan kong itinaas ang kandila, nanginginig ang kamay ko habang sinisikap kong aninagin ang mukha ng taong dumampot ng cellphone ko. Sa lumalawak na sinag ng kandila, unti-unting lumitaw ang isang mukha—hindi ko mapigilan ang sarili ko na maging mabigat at mabilis ang paghinga nang makita ko si Sister Teresa. Pero hindi na siya ang madreng kilala ko. Ang balat niya ay kulay-abo na parang sunog at warak-warak, ang mga mata'y malalalim na butas, at ang kanyang bibig ay nakangisi, nagpapakita ng mga itim na ngipin na parang mga pangil. Napasigaw ako ng napakalakas, halos mabitawan ko na ang kandila habang bumabalot sa katawan ko ang malamig na hangin na parang sinasabayan ang nakakapangilabot na presensya ni Sister Teresa na ngayo'y isa nang halimaw. "S-Sister Teresa," sambit ko habang halos mamilipit ang bibig ko sa takot. Nanginginig ang boses ko na parang wala na ako sa sarili nang tinawag ko ang pangalan niya, umaasang mali lang ang nakikita ng mga mata ko. Pero bago ko pa man lubos na maisip kung totoo nga ba ang nakikita ko, narinig ko ang hagulgol ng isang babae sa aking gilid. Napalingon ako at dahan-dahang itinaas ang hawak kong kandila. Ang liwanag nito'y gumapang sa kadiliman, at unti-unting lumitaw ang isang babae na halos magkandasira-sira na ang suot na damit pangmadre. Patuloy siyang umiiyak habang hinahaplos ang mga kamay niyang balot ng dugo. "Kasalanan mo 'to, Calista," wika niya, ang boses niya'y puno ng hinagpis at galit. Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang ulo, at sa bawat pulgada ng kanyang mukha na naaninag ng kandila, lumalabas ang mas matindi at mas nakakatakot na itsura. Ang kanyang mga mata ay malalim at malabo, parang bangkay na sinubukang muling mabuhay, habang ang kanyang labi'y punit-punit. Sa bawat segundo na tumititig ako sa kanyang mukha, Mas lalong lumalalim ang takot ko —parang sinasakal ako ng malamig na kamay na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko na kayang manatili pa sa lugar na 'to. Pero kahit pa anong pilit kong tumayo at tumakbo, ang mga binti ko'y nananatiling parang nakatanikala sa sahig at hindi gumagalaw na parang hindi na sumusunod sa utos ng utak ko. Patuloy na tumutulo ang malamig kong pawis, at ang dibdib ko'y para nang gustong kumawala sa pagkalunod sa takot. "Kasalanan mo 'to, Calista," muling sabi ng babae, habang ang mga mata niyang nakatutok sa akin ay naglalabas ng pagdurusang tila ba ay naglalagos sa mismong kaluluwa ko. Kahit nanginginig ang aking mga kamay, idinampi ko ang mga ito sa aking dibdib at pumikit. "Ama naming makapangyarihan, tanggapin niyo po ang mga kaluluwa ng mga kapatid naming nahulog sa kadiliman. Iligtas niyo po sila mula sa anumang pighati at ihatid niyo po sila sa liwanag ng iyong kaharian." Mahina ngunit mariing wika ko, pilit kong inaalis ang takot na bumabalot sa akin. Narinig ko ang mas malakas na pag-iyak ng madre habang ipinagpapatuloy ko ang panalangin ko para sakanila. "Nawa'y mapatawad niyo po ang kanilang mga kasalanan at tanggapin niyo sila sa iyong mga bisig para makapagpahinga na sila. Gawin niyo pong gabay ang kanilang mga kaluluwa para sa mga naligaw na landas." Habang patuloy akong nagdarasal, naramdaman kong unti-unti nang humuhupa ang bigat ng presensya ng madre. Pero hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib ko. "Ama, nawa'y magkaroon sila ng kapayapaan iyong piling. Amen." Nang matapos ang dasal, idinilat ko ang mga mata ko at nakita kong ang mga madre ay unti-unting naglaho sa harapan ko.Seraphina's POVKung hindi dahil kay Michael, hinding-hindi namin matatalo si Draegan. Buti nalang at nakaisip siya ng paraan upang linlangin si Draegan."He's still here, I can feel him," wika ni Astaroth habang tinitignan ang paligid namin. "Draegan is somewhere close. We need to draw him out, but we have to be careful. His power to manipulate emotions and create illusions can easily trap us." dagdag niya."May naiisip akong paraan," wika ni Michael na ikinagulat ko. Wala namang salita na lumalabas sa kanyang bibig pero malakas at malinaw ang narinig ko. Kaya sigurado akong boses niya 'yon."Seraphina, makinig ka ng mabuti. Wag kang magsalita, wag mo kong sagutin. Alam kong naririnig mo 'ko ngayon. Gagawa ako ng kwentas na kahawig sa kwentas na pagmamay-ari ni Draegan at ilalagay ko ito sa bulsa mo. Magpanggap ka na yan ang totoong kwentas, kung saan naipasa ang iyong kapangyarihan.""Nakakainip na!" wika ko pagkatapos kong bumuntong hininga. "Tumigil na kayo," sambit ko sabay kuha
Seraphina's POVHabang patuloy na naglalabasan ang mga itim na usok mula sa lagusan, ako naman ay napaupo na lamang sa lupa at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari sa akin. Paano? Anong nangyayari?"Seraphina!" sigaw ni Michael, ang boses niya ay puno ng pangamba. "Kailangan mong lakasan ang iyong loob!""Hindi!" wika ko habang tinitignan pa rin ang aking mga kulubot na kamay."Seraphina, makinig ka sa akin. Ikaw lang ang may kakayahang isarang muli ang lagusan. Kaya tumayo ka dyan!" singhal ni Michael."Wala na kong kapangyarihan kinuha na ni Draegan. Wala na akong kakayahan na isara ang lagusan na yan," sagot ko habang nagugulohan pa rin sa nangyari sa akin."Teka nga! You already replaced Seraphina as the Angel of Vengeance, right? So, bakit kailangan niyo pang pilitin si Seraphina dito?" tanong ni Astaroth na halatang nalilito sa kinikilos at nais ng anghel na si Michael."Anong gusto mo? Dalhin ko dito ang anghel na 'yon? Kailangan naming magpaalam sa diyos upang maisama namin a
Seraphina's POV"Pakawalan mo na ako," usal ko na halos ako nalang ang nakakarinig sa sobrang hina ng boses ko dulot ng panghihina.Napapikit ako habang nararamdaman ko ang dahan-dahang pagkawala ng init sa aking katawan. Hindi ko na mabuksan nang buo ang aking mga mata, at lalo pang dumadagdag ang bigat sa aking mga braso at binti."Sa wakas!" Halos humiyaw si Draegan sa tuwa, na tila nakakakita ng isang napakagandang premyo sa harap niya. Ang kanyang mga mata ay kumikislap habang nakatingin sa akin, at ang mga ngiti sa kanyang labi ay halos umaabot sa kanyang tainga.Ramdam ko ang panginginig ng aking mga tuhod, ngunit pilit kong pinanatili ang sarili kong nakatayo. Hindi ko gustong magpakita ng kahinaan, kahit na alam kong halos wala na akong natitirang lakas. Gusto ko nang mahulog, gusto ko nang mahiga at magpahinga, ngunit ang kadena na nakatali sa aking katawan ang pumipilit sa akin na manatiling nakatayo."Napakahina mo na ngayon, Seraphina," bulong ni Draegan habang papalapit
Seraphina's POVNang magising ako, nadama ko kaagad malamig na metal na nakadikit sa aking balat. Muli kong ipinikit ang aking mga mata nang hindi ko masyadong maaninag ang aking paligid dulot nga ng bagong gising pa lang ako. Nang muli ko itong idinilat ay mas malinaw na ang paligid ko dahilan upang makita ko ang mga apat na malalaking bato sa paligid ko.Napakunot ang aking noo nang mapansin ang gintong kadena na nakatali sa aking katawan. Napakabigat at nakakabahalang tingnan ito, lalo na nang marinig ko ang tunog ng bakal habang sinusubukan kong kumilos."Nasaan ako?" bulong ko sa aking sarili, sinusubukang kilatisin ang aking paligid.Muli kong iginala ang aking paningin upang tignan ng mas malawak ang aking paligid dahilan upang makita ko ang gubat sa likod ng malalaking bato na nakapalibot sa akin."Anong ginagawa ko dito?" tanong ko, na puno ng pagkalito at takot. Sinubukan kong gumalaw, ngunit ang mga kadena ay masyadong mahigpit."Gising ka na pala, Seraphina. Kamusta naman
Seraphina's POV Nangangapa pa ako sa sakit habang pilit na bumabangon mula sa pagkakahiga sa malamig na lupa. Tumutulo ang dugo mula sa aking labi, at pakiramdam ko'y halos mabali ang aking mga buto dahil sa tindi ng impact.Tinitigan ko ang lalaking nag-aabot ng kamay. Maliwanag ang sikat ng buwan, ngunit nakakapagtaka na hindi ko maaninag ang kanyang mukha, na tila natatakpan ng anino."Hindi ako sasama sa 'yo!" Pilit kong inalis ang tingin sa kanya, tinatanggihan ang alok, kahit alam kong wala akong laban kay Asmodeus nang mag-isa."Seraphina!" sigaw ni Astaroth nang makita niya ako.Napalingon ako agad sa kanya. Nakita ko siyang mabilis na lumabas mula sa loob ng mansyon, kitang-kita ang gulat sa kanyang mga mata habang nakatingin sa direksyon ko."Watch out!" muling sigaw ni Astaroth, nakatingin sa misteryosong lalaki, na ngayo'y may hawak nang itak at bahagya na itong itinaas, handang salakayin ako.Mabilis kong itinaas ang aking kanang kamay upang subukang pigilan siya gamit a
Seraphina's POV"What the hell?!" singhal ni Astaroth, halos sumabog sa galit. "Ganun na lang 'yon?" tanong niya, halatang hindi makapaniwala sa sinabi ko.Pinagmasdan ko siya, tahimik ngunit may halong pagka-irita. Hindi na ako katulad ng dati, at hindi ko na kailangan ang kahit sino para diktahan ako. Asmodeus? Para saan pa?"Bakit naman ako magsasayang ng lakas para palayain si Asmodeus doon?" malamig kong tanong habang umupo ako sa swivel chair sa opisina ni Asmodeus, ang upuan kung saan siya palaging nakaupo. Pero ngayon, ako na ang nakaupo dito. Bahagya akong napangiti, isang ngiting puno ng kumpiyansa at kayabangan. Tumagilid ako, at pinagkrus ang mga braso, tsaka tiningnan siya nang matalim."Hindi ko na siya kailangan. Kung gusto mo siyang palayain, gawin mo 'yan ng mag-isa," dagdag ko pa."You know, only Asmodeus can help you. You can't control your power on your own!" wika niya, pilit sinusubukan akong kumbinsihin, pero halata sa tono ng boses niya ang takot. Alam niyang