Zombie Apocalypse-Tagalog

Zombie Apocalypse-Tagalog

last updateПоследнее обновление : 2021-08-29
От :  DarrenChen858950Полный текст
Язык: Filipino
goodnovel12goodnovel
9.5
55 Рейтинг. 55 Отзывы
56Главы
36.6KКол-во прочтений
Читать
Добавить в мою библиотеку

Share:  

Report
Aннотация
Каталог
SCAN CODE TO READ ON APP

The zombies.... Are coming! Sa gitna ng epidemyang kumakalat at pinoproblema ng mundo, Ang mga zombies. Sa gitna ng Apocalypse ay ang dalawang pusoay patuloy pa ring mag-iibigan. Pag-iibigang handang isakripsisyo ang sarili para lamang mailigtas ang taong minamahal.

Узнайте больше

Chapter 1

Prologue

PROLOGUE

"Mama! Ayokong maiwan dito!" sigaw ko kay Mama habang lahat ng tao ay nagpa-panic na sa nangyayari.

Ang bagay na hindi ko inaasahang magkakatotoo, Ay talagang mangyayari nga. Ang mga zombies ay nag-eexist.

Ginagawa ng mga tauhan ng gobyerno pati na rin ng pulisya at mga militar ang lahat upang mailigtas ang mga Pilipino. Ganun din sa ibang bansa. Halos lahat ng tao ay natatakot sa posibleng mangyari at higit sa lahat, Hindi sila sigurado kung makakaligtas pa ba kami sa panganib na dulot ng mga zombies na ito.

"Walang hihiwalay anak. Walang maiiwan" matigas na saad ni Papa dahil halos hindi na din mapakali si Mama sa pag-aasikaso ng mga gamit namin.

Ang lahat ng ito ay nagsimula dahil sa isang scientist. Si Dr. Rewil Wilson lll. Nadiskubre niya ang formula na maaaring bumuhay ng patay at nangyari nga. Ngunit dahil sa kasakimang taglay niya, Dahil sa hangarin niyang masakop ang mundo, Yumaman, Galangin at Kilalanin ng lahat, Hindi na niya naisip ang magiging epekto nito sa sangkatauhan.

Nang malaman niya ang formula, Sinuri muna niya ito ng maigi at sinubukan sa mga hayop. Nagtagumpay siya, Nagawa niya. Pero, Ang ka-dimonyohan niya ay mas lalong lumawak at eto, Pati sa mga tao ay itinurok din niya sa pamamagitan ng patagong galawan.

Hanggang ngayon ay hindi pa din mawari ng mga awtoridad kung paano nila susulosyunan ang epidemyang ito. Halos kalahati na ng populasyon ng mundo ang nahahawaan at nakakagat ng mga zombies na ito kaya't nahihirapan silang gumawa ng mga hakbang dahil maaaring buhay din nila ang maging kapalit.

Lahat ng tao ay may pangamba sa pamilya at nangyayari sa mundo. Maging ako at ang pamilya ko. Halos ang iba ay naiiyak na lang dahil hindi din sila makapaniwala sa nangyayari sa mundo. Bakit may mga taong handang gawin ang ganitong bagay upang yumaman at maging makapangyarihan?

"Bilisan niyo!" sigaw ni Papa habang ini-start ang kotse.

Patungo kami ngayon sa lugar na sinabi ng gobyerno sa balita. Ligtas daw doon at protektado dahil hindi basta-basta ang mga bagay pamproteksyon ang gamit doon. Mabuti na lamang at hindi ganoon kalayo sa lugar namin ang pook na iyon kaya't may posibilidad na makaligtas kami.

Halos sunod-sunod na pitada ang ginagawa ni Papa dahil halos nag-cause na ng traffic ang mga taong nag-uunahan. Hindi ko mawari at hindi ko kayang tingnan ang mga kotseng ngayon ay gutay-gutay na at maraming bahid ng dugo. May mga tao din sa loob non na wala ng buhay.

"Makakarating tayo roon" saad ni Mama sa dalawa kong nakababatang kapatid na naiiyak na sa sitwasyon namin ngayon.

Niyakap silang dalawa ni Mama para pagaanin ang kalooban nila. Alam kong hindi sapat iyon pero napaka-espesyal na noon sa talambuhay namin dahil yakap iyon ng aming ina. Sana lang ay hindi iyon ang huling yakap na aming madadama mula sa mga magulang namin.

"Tangina! Tumabi kayo!!" sigaw ko mula sa bintana.

Aayaw umusad ng trapiko dahil sa napakaraming sasakyan ang nag-uunahan papunta sa Safe Area.

Ilang saglit lamang ay umusad na ang mga sasakyan kaya't umandar na din ang sasakyan namin. Medyo mabagal ang usad dahil halos wala ng espasyo sa mga sasakyan sapagkat napakarami nito. Akala ko ay sa palabas ko lamang ito makikita ngunit ngayon ay aktwal na. Hindi ako makapaniwala.

"Magdasal tayo. Alam kong ang Diyos lamang ang makakapagligtas sa atin sa sitwasyon natin ngayon" naiiyak na sabi ni Mama.

Kumuha siya ng rosaryo mula sa bag na bitbit-bitbit niya kanina. Binigyan niya kami ng maliliit na imahe ng santo at sinabing hawakan iyon at itapat sa aming dibdib na siya naman naming ginawa.

"Diyos ko, Tulungan niyo po kami sa sitwasyon namin ngayon. Patnubayan niyo po ang mga awtoridad at militar ng gobyerno upang sa gayon ay mailigtas at maproteksyunan kami sa epidemyang unti-unting nagpapaguho ng mundo..." lumandas ang luha ni Mama na kanina pa niyang pinipigilan. Hindi na din namin mapigilan ang pag-iyak. Halos hagulhol at iyakan ang naririnig sa sasakyan.

Nakita ko naman si Papa na pinupunasan ang mga luha niya. Alam kong sa sitwasyon namin ngayon ay aayaw niyang ipakitang nasasaktan siya. Siya dapat ang nagpapakita ng kalakasan kahit alam kong hindi na din niya alam ang gagawin niya.

"....Nawa po ay pagbayarin niyo ang taong may kagagawan nito. Sa ngalan ni Hesus at ng butihing Diyos.... Amen"

Nagsign of the cross kami saka niyakap ang isa't isa.Pinapalakas ang kalooban ng isa't isa para malabanan ang problemang ito. Ngayon, Hindi lang ako o ang pamilya ko ang namomroblema kundi pati na din ang buong mundo.

"Kung sakali mang ito na ang huli nating pagkikita----" Pinutol ni Mama ang sinasabi ni Papa.

Pati ako ay nagulat sa mga katagang sinabi ni Papa. Hindi dapat siya mawalan ng pag-asa ngayon!

"Hindi matatapos ang buhay natin ngayon Eduardo!" matigas na saad ni Mama.

Kitang-kita ko kung paano lumandas ang mga luha sa mata niya. Parang sasabog ang puso ko sa nakikita ko. Hindi ko magawang tingnan ang mga kapatid ko na nahihirapan na din sa sitwasyon namin ngayon.

"Pero hindi sigurado ang bu---"

"Eduardo!"

"Papa!" halos sabay-sabay naming sambit.

"Ngayon ka pa ba mawawalan ng pag-asa mahal ko? Hindi dito magtatapos ang lahat Eduardo! Hindi tayo magiging Zombie, Tandaan mo iyan!" umiiyak na saad ni Mama habang hawak-hawak ang pisngi nito.

"Tandaan niyo..." hinarap kami ni Papa "...Kung sakali mang hindi tayo makaligtas sa nangyayaring ito, Patawarin ninyo si Papa ha? Gagawing lahat ni Papa para makaligtas kayo dito. Kahit hindi na ako basta..... Basta ligtas kayong pamilya ko. Mahal na mahal kayo ni Papa, Tandaan ninyo iyan?"

Hindi ko matingnan si Papa sa kaniyang mga mata. Nang lingunin niya ako ay nagpilit siya ng ngiti. Yung ngiting nagsasabi na mahal na mahal niya kami. Ngunit sa likod non ay ang takot at pangambang dinadala niya sa kaniyang kalooban. Ang lungkot na posibleng nararamdaman naming lahat ngayon.

"Papa..."

"Bella, Anak....." hinawakan niya ang kamay ko "....Ikaw ang unang prinsesa namin ng mama mo. Kung hindi man kami makaligtas dalawa ng mama mo, Siguraduhin mong magiging mabait kang ate sa mga kapatid mo o kung tayo mang lahat ang mapanganib, Siguraduhin mong lalaban ka at papanatilihin mong makakaligtas ka"

Napayuko ako nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Ewan ko pero parang untu-unting dinudurog non ang puso ko. Parang sinasabi na ito na ang huli naming pagkikita at pagsasama. Na ito na ang pamamaalam namin sa isa't isa.

"Papa. Lahat tayo makakaligtas.... S-Sabihin mo iyan please?"

Naramdaman kong mas lalo niyang hinigpitan ang kapit sa mga kamay ko. Ayoko nang bumitaw pa sa mga kamay na ito. Pakiramdam ko, Ligtas at protektado ako sa mga kamay na ito. Yung araw-araw na may gigising sa'yo at sasalubungin ka ng maiinit na yakap at matatamis na halik.

"Bella, Gusto ko mang palakasin ang loob mo pero, Hindi din kaya ni Papa. Hindi din niya alam ang gagawin niya. Patay na patay na siya sa loob at sinusubukan niyang lumaban para sa inyo." saad niya bago tingnan ang mga kapatid ko na ngayon ay yakap-yakap ni Mama at pinatatahan.

"Papa...."

"Mahal na mahal kita, Bella. Prinsesa ko"

"Mahal na ma---"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang may sumalpok na sasakyan mula sa likuran ng sasakyan namin. Dahil sa napakalakas na impact ay napahiwalay at napatalsik ako papunta sa isang convinient store. Nabitawan ko ang mga kamay ni Papa.

"Papa....Mama..." saad ko bago tuluyang ipikit ang aking mga mata. 

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Комментарии

10
95%(52)
9
0%(0)
8
2%(1)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
4%(2)
9.5 / 10.0
55 Рейтинг · 55 Отзывы
Write a review
user avatar
Jhen Fherj
ang ganda ng story. May pa plot twist. at ang ganda ng characters ng bawat isa. ...
2024-02-24 23:05:16
0
user avatar
ハンサム
base sa pagkakaalam ko eh Hindi imposibleng magkaroon ng zombies sa totoong Buhay lalo't na sa huling araw na tayo. sa panahon Ngayon Hindi malabong mag instinct ang mga tao, kasi limitado lang ang mga pinagkukunang resources sa mundo, at dahil sa kasakiman ng tao unti unting nasisira ang mundo.
2023-07-31 17:44:43
1
user avatar
ハンサム
tsaka kahit na naiintindihan mo, maboboring ka talaga, ang gusto ko kasi sa kwento yung about sa adventure, cultivation, magic , humour at pwede ring action
2023-07-31 17:38:59
0
user avatar
Janna Roylo
Ang ganda naman ng kwento pero dipa ko tapos wait lang
2021-10-10 00:43:06
3
user avatar
Petunia Protacio
nice plot! I like it
2021-09-02 20:28:51
4
user avatar
Danu Tian
Cool...........
2021-08-29 15:50:43
3
user avatar
Enaj Aehbur Odnorazil Gamba
Ang ganda niya
2021-08-18 23:20:28
2
user avatar
kenji kyo kazuya
nice story
2021-08-18 15:18:52
2
user avatar
Modelyn Haron
ganda ng kwento
2021-07-29 10:10:56
7
user avatar
Mickey Francisco
magandang nobela
2021-07-29 06:38:58
6
user avatar
Lydia Garlito
...️...️...️...️...️
2021-07-28 09:27:16
2
user avatar
Julius Opleda P A K Z
nice story
2021-07-28 08:19:51
1
user avatar
Aninipot Jomari Eria
Ang ganda promise
2021-07-27 15:42:50
1
user avatar
DCbabqao
.....................
2021-07-26 21:50:08
2
user avatar
Mickey Francisco
good and entertaining
2021-07-26 04:01:52
1
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
56
Prologue
PROLOGUE "Mama! Ayokong maiwan dito!" sigaw ko kay Mama habang lahat ng tao ay nagpa-panic na sa nangyayari. Ang bagay na hindi ko inaasahang magkakatotoo, Ay talagang mangyayari nga. Ang mga zombies ay nag-eexist. Ginagawa ng mga tauhan ng gobyerno pati na rin ng pulisya at mga militar ang lahat upang mailigtas ang mga Pilipino. Ganun din sa ibang bansa. Halos lahat ng tao ay natatakot sa posibleng mangyari at higit sa lahat, Hindi sila sigurado kung makakaligtas pa ba kami sa panganib na dulot ng mga zombies n
last updateПоследнее обновление : 2021-05-20
Читайте больше
Chapter 1
Chapter 1
last updateПоследнее обновление : 2021-05-20
Читайте больше
Chapter 2
Chapter 2Narinig kong kinatok ni Klarence ang isang kwarto. Halos gibain na niya ito dahil sa pagkatok niya. Ang sakit ng ulo ko at sobrang lamig din."Ano ba? Gabi na Klarence" narinig kong sambit ni Zach."Check her!" sabay turo sa akin ni Klarence.Nakita kong lumabas na din ng kwarto ang iba pa pati na din si Ben na kinukusot pa ang mata. Mukhang nagising siya kasi wala ang kuya niya sa tabi niya. Agad na tinungo ni Zach ang kinahihigaan ko at hinawakan din
last updateПоследнее обновление : 2021-05-20
Читайте больше
Chapter 3
Chapter 3   Isang linggo na ang nakaraan simula nang dito ako manirahan sa pinagtataguan nina Klarence. Akala ko nung una ay palalayasin din nila ako kapag gumaling na ako at gumaan na ang pakiramdam ko pero hindi nila ako pinaalis.     Naging maayos na din ang pakiramdam ko dahil sa mga gamot na ibinigay nina Zach sa akin. Medyo humuhupa na din ang mga sugat ko.     "Kayo ni Bella ngayon ang kukuha ng pagkain, Klarence." sabi ni Aiden.  
last updateПоследнее обновление : 2021-07-07
Читайте больше
Chapter 4
Chapter 4 Ako na ang nag-presenta na tutulong kay Dan na magluto. Gusto ko rin namang matutong magluto kahit simpleng sangkap lang yung gagamitin ko.  "Dan.." tawag ko sa kaniya habang naghihiwa ng sibuyas.  "Hmm?"  "Marunong ka ba mag-bake ng cake?" nakatingin na ako sa kaniya ngayon.
last updateПоследнее обновление : 2021-07-09
Читайте больше
Chapter 5
Chapter 5  Pumunta ako dito sa underground garden pagkatapos naming kumain. Nakita ko naman si Klarence na naghihintay sa akin. Nauna siya sa akin kanina kaya nandito na siya.  "Sorry ulit." sabi niya pagkaupo ko.  Ngumiti naman ako sa kaniya pero hindi ko maiwasang hindi magdamdam. Ang sasakit ng mga salitang ibinato niya sa akin kanina kahit na prank lang yun. Grabe yung bigat sa dibdib nun at nasaktan ako dun masyado.  May kinuha siyang paper bag at saka iyon iniabot sa akin. May nakasulat na 'Happy birthday' dun at For Bella. Na-appreciate ko naman yung regalo niya lalo na at alam kong mahirap maghanap ng regalo sa sitwasyon namin ngayon.  "Paano niyo nga pala nalaman na birthday ko ngayon?" tanong ko habang tinatanggal ang mga stapler sa paper bag.  
last updateПоследнее обновление : 2021-07-12
Читайте больше
Chapter 6
Chapter 6  Maaga akong nagising para ihanda ang mga gagamitin este dadalhin namin ngayon. Kailangan daw ay sama-sama kami ngayon na kukuha.  "Kasama pati si Ben?" tanong ko kay Klarence.  Tumango siya sa sinabi ko. Naliligo si Ben ngayon sa CR kasama yung robot niya. Aayaw pa nga niya nung una dahil malamig daw ang tubig. Ipinag-init pa siya ng kuya niya para makaligo siya. 
last updateПоследнее обновление : 2021-07-12
Читайте больше
Chapter 7
Chapter 7  Sinabihan kami ni Klarence na bilisan namin ang mga kilos namin para maaga kaming makauwi. Nakita din naming paparating ang iba pa niyang mga kasamahan.  "Bwisit na kanta yan." saad ni Zach habang hinihingal.  Gusto kong matawa sa mga pinaggagawa nina Dan dun sa bar. Siguro nga eh nakikiparty-party na din sila dun sa zombie. Bakit kasi kailangang patunugin pa yung ganung kanta. Pwede namang classic HAHAHA.
last updateПоследнее обновление : 2021-07-15
Читайте больше
Chapter 8
Chapter 8 "Hmm... Ang talino mo talaga. Ikaw ba gumawa nito?" tanong ko habang nakatuon ang tingin sa device na 'to. "Oo ako." sabi niya. Gulat akong napatingin sa kaniya. Siya ang gumawa nito? Naks! Galing ah. Ang galing galing!! "Talaga? Ang galing mo naman!" proud kong sabi sa kaniya. "Actually, Wala pang zombie apocalypse, Nagawa ko na yan."
last updateПоследнее обновление : 2021-07-17
Читайте больше
Chapter 9
Chapter 9 Lukas's POV "Hoy Lukas tangina ka!" pagmumura sa akin ni Dan habang patuloy na tinutuyo ang sarili niya.  Ayan, Hindi kasi kaagad maligo. Ako tuloy nagligo sa'yo.  "Sinabi ko naman sayong maligo ka!" Ambaho mo! Nahahawaan ako ng germs mo. Eeww...  "Maliligo ako
last updateПоследнее обновление : 2021-07-17
Читайте больше
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status