Share

Kabanata 1

Author: nerdy_ugly
last update Last Updated: 2025-11-02 14:54:26

Hindi mapigilan ni Aialyn ang mabilis na pagkabog ng kanyang dibdib sa sobrang kaba, at ang panlalambot ng kanyang mga tuhod, pansin niya sa kanyang peripheral vision ang mga matang nakatitig sa kanya habang inilalapag ang mga pagkain sa harapan ng binata. Pinipigilan ni Aia ang mga kamay at daliri na huwag  manginig. Damn. Nang matapos siya sa ginagawa ay pormal na hinarap niya ang binata.

"May ipag-uutos pa po ba kayo, sir?" pormal na tanong niya sa binata. Saka siya yumuko dito bilang paggalang. 

"Have a seat at saluhan mo akong kumain," pagdakay sagot ni Hercules sa kanya, wala siyang choice kundi sundin ang nais nito. Tumikhim siya at saka hinila ang upuan para maupo doon. Naiilang na pinulot niya ang kutsara at tinidor. Sh-t! Kulang nalang mabingi siya sa katahimikang bumabalot sa pagitan nilang dalawa.

"I guess, hindi mo naman siguro iisipin na lalasonin kita since ikaw ang naghanda ng pagkaing nasa harapan natin?" maya't maya'y saad ng binata sa kanya.

"Ba't ko naman po iisipin iyon since sa inyo naman nanggaling ang mga katagang iyan?" pamilosopa ni Aialyn sa binata. 

Ngumisi lang nang nakakaloko si Hercules. Hindi niya akalaing palaban ang babaeng ito? He's thinking kung totoo bang buntis ito o niloloko lang siya nito, ilang buwan na ba itong nandito sa pader niya? Kung bibilangin niya almost one month and  three weeks na. 

Habang kumakain si Aialyn ay bigla niyang tinakpan ang kanyang ilong, sumulyap siya sa inihanda ng isang katulong na kalalapag lang nito sa mesa, beef steak iyon. Napatakip siya sa kanyang bibig. What the! Ba't hindi niya gusto ang amoy na tila ba parang nasusuka siya. Ano ba 'yan!

Samantalang tila naman sinagot ang kaninang tanong ng isipan ni Hercules. Napansin niya kung paano nag-react ang dalaga nang inilapag ng isang katulong ang beef steak. Bigla itong tumayo at nagmamadaling tinungo ang sink at doon ito nagsusuka ng nagsusuka.

Shit! Biglang kinabahan si Aialyn. Paano kung buntis siya sa anak nila ni Hercules? Gosh, hindi pwede. Napahawak siya sa kanyang tiyan. At talagang nagkatotoo pa talaga ang mga kasinungalingan niya? Gaga lang gurl?

Hinagod ni Aling Vicky ang kanyang likod. "Wala ka bang planong sabihin sa kanya?" turan nito, gulat na sumulyap si Aialyn sa matandang mayordoma. Napalunok siya, huwag nitong sabihin na may alam ito?

"Nakita kita sa loob ng kwarto niya noong nagdaang party, sisitahin sana kita kaya lang napansin kong papasok na si Hercules sa kwartong yaon. Ano sa tingin mo ang iisipin ko?" hindi makatingin ng diretso si Aialyn sa matandang mayordoma, ngunit sa kabila ng kaba na nararamdaman mas pinili pa rin niyang biruin ito.

"Siguro po naglalaro kami ng tagu-taguan," nakuha pa niyang magbiro sa matandang mayordoma. Kailangan niya kasing tanggalin ang pressure sa kanyang utak. Sa inis ni Aling Vicky pinalo siya nito sa pwet. Saka siya napangisi.

"Ikaw talaga na bata ka napakakulelat mo, at nakuha mo pa talagang magbiro sa sitwasyon mo ngayon? Anong balak mo ngayon, ha?" parang nanay na sermon nito sa kanya.

"Aling Vicky naman sobra naman po kayo, alangan namang manginsay ako sa iyak, e, nandito na 'to? Alangan naman po na ibalik ko pa ito sa amo ko, hindi na po ito kasya sa bayag niya?" ang kaninang seryosong mukha ng matandang mayordoma ay napalitan ng ngisi. Nakatikim tuloy siya ng kurot sa singit. Napahiyaw siya sa sakit dahilan para mapalingon sa kanila si Hercules.

"Nanay Vicky naman, e, promise niyo po sa akin na wala pong makakaalam nito, please po," pakiusap ni Aialyn sa matandang mayordoma. Matagal muna bago ito sumagot. 

"Bahala ka, pero lagi mong isipin nandito lang ako nakaalalay sa iyo," napangiti si Aialyn sa sinabing iyon ng matandang mayordoma. Napatakip ulit siya sa kanyang bibig at pagdakay muli na naman siyang sumuka. Gosh!

Kapwa sila napatalon sa gulat nang marinig nila ang baritonong boses na iyon ng binata. "Sir, ano po ba ang atin?" tanong ni Aling Vicky sa amo.

"How is she, Aling Vicky?" takang tanong ni Hercules sa kanyang mayordoma.

"Hindi po maganda ang pakiramdam niya, sir. Ganyan naman talaga 'pag buntis," sumulyap siya sa dalaga habang nagsasalita. Tila naman nakikiusap si Aialyn na huwag sabihin sa binata ang totoo.

Natatakot siyang baka palayasin siya nito, kawawa naman ang supling na nasa kanyang sinapupunan. Ang advance lang talaga niyang mag-isip no? Iniisip niya kase ang telenobela niyang love story. Ipinilig na lamang ni Aialyn ang ulo para alisin ang mga walang kwentang iniisip.

Tila nanghihina na si Aialyn sa palaging pagsusuka. Napahigpit na napahawak siya sa sink. At pagdakay bigla siyang nilamon ng kadiliman.

Mabuti nalang at maagap si Hercules at nasalo niya ang hinimatay na dalaga. At agad niya itong binuhat.

IMINULAT ni Aialyn ang kanyang mga mata, nasilaw siya sa puting ilaw kaya hindi niya gaanong maaninag ng maayos ang nasa kanyang paligid, palibhasa'y blurred pa ang kanyang paningin hanggang sa maging malinaw na ito.

At saka niya napansin si Aling Vicky. Bigla niyang naalala ang nangyari sa kanya kamakailan lang. Oo nga pala, ang joke niyang buntis siya ay naging katotohanan pa. At take note, buntis siya sa anak ng demonyong kumidnap sa kanya. Speaking of the handsome demon, wait, sinabi ba niyang handsome? Ganun na pala, gwapo na pala para sa kanya ang kanyang kidnapper? Really Aialyn?

Biglang bumukas ang pintuan ng kanyang silid at niluwa doon ang gwapo este demonyong si Hercules. At eksaktong nagising naman si Aling Vicky.

Biglang napaisip si Aialyn, si Hercules ba ang nagdala sa kanya dito sa hospital? Don't tell me ang demonyong 'to ang bumuhat sa kanya? At alangan namang si Aling Vicky, e, matanda na yan, kontra ng kanyang isipan.

"Here, take this. Mga vitamins yan, by the way you are three weeks pregnant," bakas sa anyo ng binata ang pagkairita. Hindi na lamang iyon pinansin ni Aia. Pero confirm, buntis siya sa anak ng demonyo niyang amo. Patay na! Jusmiyo Aialyn!

"Salamat dem- ay este sir," muntik na siyang ipahamak ng kanyang sariling dila, palihim na kinagat niya ito. Muntik na ako don a, damn! Gosh! Anong nang gagawin niya?

Muling bumukas ang pintuan ng ospital at narinig nila ang tila nagwawalang babae. Nagulat si Aialyn nang tila pukulin siya nito ng nakamamatay na tingin. Para itong tigre na gustong mangalmot. Oh no!

"You! Ang kapal ng mukha mong babae ka! Hindi ba't ang sabi mo'y magbabayad ka ng upa mo sa apartment, walangya ka umalis ka lang ng walang paalam! Akin ng bayad mo!" asik nito. Mabuti nalang at pinigilan ng dalawang guard ang magkabila nitong braso.

Lihim na nainis si Hercules sa narinig mula sa bagong dating. Napalingon siya sa gawi ni Aialyn. Really? At talaga bang mahirap pa ito sa daga at ang pagbabayad ng sariling apartment ay hindi nito magawa? The worst scenario ay buntis pa ito.

"Excuse me, and who told you to get inside without any permission?" may awtoridad na tanong ni Hercules sa nagwawalang babae. Bigla naman itong tumahimik nang mapalingon ito sa gawi ng binata.

"Pinipigilan po namin siya sir kanina, kaya lang mas lalong nagwawala at nagpupumilit pumasok dito," napakamot sa batok ang naturang guard.

Tumaas ang kilay ni Aialyn nang mag-pacute ang naturang babae sa amo niyang si Hercules. Aba't ang landi ng bruhang 'to a, sa inis niya'y kinuha niya ang mansanas na nakalagay sa side table at  wala sa sariling ibinato niya dito, ngunit sa malas niya'y si Hercules ang natamaan. Napakagat-labi si Aia. The heck! bull's-eye sa noo ang binata.

"F-ck!" malutong na mura ni Hercules.

Napakagat-labi si Aialyn. Napangiwi siya ng mapa-sulyap kay Aling Vicky na ngayo'y pinipigilan ang sariling matawa. Damn. Nang ibaling niya ang tingin sa gawi ng binata nagtagpo agad ang mga makakapal nitong kilay.

"I'm sorry, hindi naman talaga para sa'yo iyon, para 'yon sa bruhang 'yan!" kunway inis na saad niya sa binata. Sabay kagat ng kanyang pang-ibabang labi.

Akmang susugurin na sana si Aialyn nung babae ng maagap iyon na napigilan ni Hercules. "Here, take this and never come back!" mula sa leather wallet ng binata ay kumuha ito ng pera at ibinigay sa babae. Agad na ngumisi ang bwisit na babae at saka ito mabilis na umalis doon, pero bago pa ito tuluyang umalis nagpa-cute ulit ito kay Hercules at saka siya nito pinukol ng nakamamatay na tingin.

Inis na nag-tangis ang mga bagang ni Aialyn. Sobra ang binayad ni Hercules. Hindi niya napigilang maikuyom ang mga kamao. "Sir naman, ba't pa kayo nakialam? Sobra po iyong bina-"

"Shut up! She's annoying at naka-kairita ang bunganga," may awtoridad na sagot ni Hercules sa kanya.

Maagap na itinikom ni Aialyn ang bibig. May magagawa pa ba siya? Pero lihim siyang nagpasalamat sa supladong binata. Pero muli rin niyang naramdaman ang kalungkutan.

Ano na nga bang mangyayari sa kanya? Paano niya bubuhayin ang anghel na nasa kanyang sinapupunan? Hindi pa maganda ang status ng income niya, hinahabol pa nga siya ng mga taong pinagkakautangan ng kanyang mga magulang. Hindi lang isa, idagdag pa lalaking 'to na sa malas niya'y binuntis pa siya ng hindi nito alam. Hindi ba't ang saklap ng kapalaran niya?

Napukaw ang atensyon niya ng biglang marinig ang malakas na pagsara ng pintuan ng kanyang silid. Saka siya bumalik sa reyalidad.

"Lutang ka na naman, kanina ka pa kinakausap ni sir, Hercules pero nganga ka lang, ano bang problema mo?" tanong sa kanya ni Aling Vicky.

"Marami Aling Vicky, lalo na itong kagandahan ko," biro niya dito at saka siya nito mahinang hinampas sa kanyang braso. Minsan dinadaan na lamang niya sa biro ang lahat, sabi nga sa Biblia, ang masayang puso ay mabuting kagamutan: Ngunit ang bagbag na diwa ay tumutuyo ng mga buto.

SI HERCULES ang sumundo kay Aialyn sa ospital dahil kailangang umuwi ni Aling Vicky sa kanilang probinsiya dahil nagkasakit ang anak nitong lalaki. Lihim na nalumbay si Aialyn, heto lang kase ang nakakasundo niya sa looban ng mansion ni Hercules.

Ramdam ni Aia ang malakas na kabog ng kanyang dibdib. Sh-t! Ba't ba kase kailangan pang umuwi ni Aling Vicky? Naiilang siya sa tuwing magkasama sila ni Hercules.

Mula sa ospital lumabas na sila. Sumunod lang siya sa binata. Mabuti na lang at okay na ang pakiramdam niya. Akmang sa backseat sana siya tutungo nang biglang sitahin siya ng binata.

"I'm not you're driver," iritadong turan ni Hercules sa dalaga. Tahimik nama na tinungo ni Aialyn ang front seat. Sh-t lang, ang bango naman ng lalaking 'to. Hindi niya tuloy napigilan na pumikit at damhin ang bango nito, hindi niya tuloy napansin na nasa may balikat na siya ng binata at inamoy-amoy ang polo nito.

"What are you doing?" narinig niya ang baritonong tinig ng binata, saka iminulat ni Aia ang kanyang mga mata. Nagulat siya nang mapansing nasa may gilid pala siya ng balikat ng binata. Mabilis ang kilos na dumistansya siya dito. Jusmiyo! Agad na inaayos niya ang kanyang pagka-upo.

"Sorry sir. Baka kayo po ang pinaglilihian ko," tugon niya sa binata. Hindi sumagot si Hercules at seryoso lang itong nagmamaneho. Feeling awkward ang moment nila. Inaliw na lamang ni Aia ang sarili sa nadadaanan nilang mga tanawin. 

Pagdating nila sa mansion, agad na sumenyas si Hercules sa mga tauhan nito na kunin ang mga gamit na nasa loob ng kotse. Akmang gagawin na sana ni Aialyn ang mga gawaing bahay ng marinig niya ang pagtawag ng binata. Napalingon siya sa gawi nito. Lumapit ito sa kanya, bakas sa anyo nito ang awtoridad.

"Avoid carrying heavy objects, 'yan ang isa sa mahigpit na ipinagbabawal sa iyo ng doktor," hindi makatingin ng diretso si Aia sa mga matang iyon kaya mas pinili na lamang niyang yumuko. At  magalang na napatango sa sinabi na iyon ng binata. 

Nang tumalikod na si Hercules sa kanya ay agad na nakahinga ng maluwang si Aialyn. Paano nga ba kung malaman nitong anak niya ang ipinagbubuntis nito? Nang bigla niyang maalala ang matalik na kaibigang si Norain. Malalim na nag-isip si Aia. Kailangan niya ang tulong ng kaibigan.

"Aba naman te, oras na ng trabaho feeling amo ka masyado," pasaring ni Yana sa kanya, napalingon siya dito at saka ito kinurot sa tagiliran.

"Gaga ka ginulat mo 'ko!" gigil na turan niya sa kasamahan.

"Anong ganap? Ang balita ko'y buntis ka raw bruha ka!" pabirong angil nito sa kanya. 

"Oo, at si sir Hercules ang ama," wala sa sariling nasabi niya. Nagulat siya nang bigla siyang sabunutan kunwari ni Yana.

"Aray naman!" reklamo niya dito at saka ito umikot paharap sa kanya na tila tinatantiya ang kanyang sinasabi. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Pagdakay umalis ito saglit at pagbalik nito'y may dala na itong Biogesic.

"Heto inumin mo, saka safe ang Biogesic sa mga buntis baka sakaling mahimasmasan iyang lagnat mo at kung anu-ano na lang iyang mga pinagsasabi mo," sabay abot nito sa kanya, nakasimangot si Aialyn sa sinabi na iyon ni Yana.

"Totoo ang sinasabi ko bruha!" 

"Weh, asa ka naman na maniwala ako sa'yo? Sabagay, okay lang mangarap, saka gumising ka na te, baka resulta na 'yan sa kababasa mo ng mga romance novel sa D****e at kung anu-ano nalang iyang mga sinasabi mo, mabuti pa kumain ka na jusmiyo ko Aia, maloloka ako sa iyo nang bongga, sumasakit ang bangs ko sa iyo," mahabang palatak sa kanya ni Yana.

"Che! asa ka naman na may bangs ka? Bruha!" sagot niya sa kaibigan at saka siya napangiti sa mga pinagsasabi nito. Hindi niya ito masisisi na hindi ito maniwala sa kanya. Sino ba naman siya para patulan ng isang bilyonaryong si Hercules?

Aaminin niyang gwapo ang binata. Pero hindi ito ang tipo niyang lalaki, saka siya napatingin sa kanyang tiyan, hinaplos niya ito ng may buong pagsuyo. Ipinangako niya sa sarili na pakamamahalin niya ang anak.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mercy Villafuerte
may alam siguro si Hercules
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Sagad ng Pagnanasa   Special Ending

    Ayon sa Psychiatrist na tumingin kay Aialyn ay wala naman daw problema sa dalaga. It was their first appointment with a Psychiatrist. Si Aialyn mismo ang nag-suhestiyon na magpatingin dahil para daw sa dalaga hindi biro ang imahinasyong naglalaro sa isipan niyang iyon, natatakot ang dalaga na baka lumala ang kalagayan niya at baka dumating sa puntong mabaliw siya.Nakasandal ngayon ang dalaga sa upuan ng kotse ng asawa habang hinilot ang sariling sentido. Nakikiramdam lang si Hercules. Imbes na sa bahay ang punta nila iniliko ni Hercules sa isang private ospital para doon mapa-check-up ang asawa.Pumikit saglit si Aialyn. Feel niya parang umiikot ang paningin niya. Mayamaya ay bigla siyang napatakip sa sariling bibig. Damn! Hindi kaya? Sumulyap siya kay Hercules. "I think your pregnant, ilang buwan mo na akong hindi inutusan na bumili ng napkins mo, kaya we have to make it sure," turan ng binata at saka sumilay ang kakaibang ngiti sa mga labi nito. It was full of excitement. Saka la

  • Sagad ng Pagnanasa   Kabanata 29

    "Sweetheart, the judge asking you," bulong ni Hercules. Lihim na kinabahan si Hercules. Tila wala sa reyalidad ang isipan ng kanyang bride- to-be. At dahil do'n ay walang sabing sinakop niya ang mga labi nito. Gulat na bumalik sa reyalidad si Aialyn? Damn it! Akala niya totoo ang lahat ng nangyayari. Damn! What was that? "Kanina pa ba siya nagtatanong?" kagat-labi na tanong niya kay Hercules nang putulin nito ang halikan nila. Sinita pa nga si Hercules ng judge dahil wala pa naman daw itong sinasabing you may kiss the bride. Nagtatawanan ang mga bisita nila. Naging comedy tuloy ang kasalan na naganap. Nilibot ni Aialyn ang paningin sa buong venue. Still nasa Palawan sila. At nahagip ng tingin niya ang magandang si Levi Montenegro with his husband Mike Montenegro. So, that was her imagination. Nakatulog ba siya na nakadilat ang mga mata?"Something wrong? Alam mo bang ilang minuto kaming naghihintay sa I do mo," bulong ni Hercules sa punong-tenga niya. Nanlaki ang mga mata niya. So,

  • Sagad ng Pagnanasa   Kabanata 28

    Imbes na sa Cebu ang venue ng kasal ay nasa Palawan sila. Si Levi Montenegro mismo ang wedding planner sa kasal nila na sobrang ikina-sorpresa ni Aialyn. The Hawaiian beach wedding looks so glamorous. Namangha si Aialyn sa napakagandang designs ng naturang lugar. Hindi niya akalaing kumpleto ang lahat pati ang lolo at ang kapatid niyang si Nuan na ngayo'y napakaganda sa suot nitong satin silk summer dress. She was so lovely. Levi Montenegro was so glamorous in her tulle beach attire. Takaw pansin ang mataray nitong aura kahit man lang nakangiti ang naturang babae. Kasama nito ang matikas at takaw pansin na presensiya ni Mike Montenegro na tinaguriang remarkable beast in terms of business. He was wearing a chinos and a button down shirt. He looks so hot and full of authority the way he act and the way how he talked. Kung titingnan mo ang dalawa ay talagang napaka-perfect match. "Paano mo nagawa ng mabilis ang arrangement na ito sweetheart, nagtataka ako kung paano mo na convinced ang

  • Sagad ng Pagnanasa   Kabanata 27

    Bago ang kasal binisita ulit nina Hercules at Aialyn ang venue. Since glamorous wedding ang theme ng kasal ng dalaga, she makes sure to check the tablespaces color pallet kung same ba sa kulay na gusto niya, like gold. She won't need much else to make the place settings feel luxurious. Pinuntahan ni Aialyn ang kanilang glamorous wedding cake table, she make sure that it should be as opulent as her confection. Napangiti si Aialyn at napatangu-tango, sumulyap siya kay Hercules na ngayo'y busy sa cellphone nito na halatang may kausap, sana may update na regarding sa taong sumusunod sa kanila. Binalingan ng tingin ni Aialyn ang cake, it was consisted of seven tiers and featured lifelike sugar flowers that referenced the celebration's elaborate floral chuppah. Wala nang masabi si Aialyn the venue is definitely perfect! Lalo na sa lugar kung saan ang paglalagyan ng cake, the opt for one with lofty ceilings, gilded elements, and intricate architecture to really highlight her chosen aesthet

  • Sagad ng Pagnanasa   Kabanata 26

    Nang makababa na ang chopper sa mismong rooftop ng kanilang mansion ay bakas sa mukha ni Aialyn ang excitement. She was dying to see her two little kiddo. Ramdam niya ang pag-alalay sa kanya ni Hercules. "Careful sweetie," bakas sa boses nito ang labis na pag-aalala. Hinila niya agad si Hercules pababa ng hagdanan, nang makarating sila sa elevator door ay mabilis na pinindot ni Aialyn ang 3rd floor kung nasaan ang playroom ng dalawang bubwit niya. Ngunit nagulat sila pareho ng wala doon ang mga bata. Biglang nabundol ng kaba si Aialyn. Sumulyap siya sa binata, nagtatanong ang mga mata."Hey, relax will you. Secured ang mansion na 'to and remember sweetheart, malaki ang mansion natin at kung naghahabulan tayo ngayon malamang matagal bago kita mahuli. Maybe they were at the pool," pilit na pinakalma siya ng binata. Nang hindi pa rin siya kumalma ay walang-gatol na sinakop nito ang kanyang mga labi. Saka siya ngumiti dito."Thank you sweetheart, I just can't help it. Nangangamba lang ta

  • Sagad ng Pagnanasa   Kabanata 25

    Namangha si Aialyn nang ipasyal siya ni Hercules sa pag-aari nitong underwater home, nakarating sila gamit ang speedboat. Unang tingin ay makikita mo sa kalagitnaan ng dagat na para itong nakalutang na luxurious seahorse edition style. Pero sa malapitan hindi mo akalaing isa pala itong underwater home. Pansin ni Aialyn that it was complete with massive floor-to-ceiling windows. The main living space includes a large outdoor deck for soaking up the sunshine, while reception room on the upper deck provides panoramic vistas of the surrounding.Hercules tour her to explore the place, the spectacular master bedroom and bathroom, which benefit from breathtaking views of coral garden. Hindi napigilan ni Aialyn na mapamangha sa ganda ng lugar. Napansin din ng dalaga pati ang mga blinds at ng lighting. Makikita din ang whirlpool bath, mini bar, and a cleverly hidden kitchen accessed by the sliding wood panel, it's almost like living on their very own private island."Hope that you're enjoying

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status