Share

Chapter 65

RAMDAM na ramdam na ni Sahara ang init ng sikat ng araw na nagmumula sa butas-butas na bintana ng kuwarto kaya kahit antok na antok pa siya ay wala na siyang magawa kundi ang tumayo. Ayaw na sana niyang gumising nang umagang iyon, o kahit kailan dahil alam niyang isang nakakaumay na araw na naman ang haharapin niya. 

Kalagitnaan noon ng linggo at ilang araw pa lamang siya roon sa lungga’ng iyon pero pakiramdam niya ay parang isang daan taon na siyang nagtitiis. Pakiramdam niya ay kahit ilang beses siyang maligo ay hindi maaalis ang alikabok sa kanyang katawan. Pagkatapos i-ipit ang mahabang buhok at tiklupin ang kumot ay bumaba na siya sa marupok na hagdan. Yari iyon sa iba’t-ibang klase ng kahoy, na sa sobrang luma ay makariringgan ng ‘crack’ sa tuwing tatapakan.

Alas sais na ng umaga, at dapat ay nakabihis na siya sa ganoong oras. Pero ni hindi pa siya nakakapag-almusal, o nakakapaligo. Nanlalata siyang kumuha ng isang la

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status