Share

chapter 5

    "Ruianne!, Anak umuwi ka na, kailangan ka ng papa mo, paki-usap." tinig ng kanyang ina. Nasa kalagitnaan siya ng misyon ng bigla itong tumawag. 

    "We'll talk later, Mama." and she end the call. alam ni Rui kung ano ang kanilang pag-uusapan. Ilang taon na ang lumipas , Pilit siyang ipinapakasal sa isa sa mga anak nang kanilang kasosyo sa negosyo. isa iyon sa dahilan kung bakit siya umalis sa puder nang kanyang mga magulang at sa tuwing tatawag ang kanyang ina, iyon lagi ang sinasabi nito sa kanya. Naririndi na siya sa paulit-ulit na diskusyon na iyon. ilang buwan ang lumilipas wala siyang tawag na natanggap mula sa mga magulang, nalaman na lang niya na may sakit na ang kanyang ama, ngayon tumawag ulit ito alam niyang gagamitin ng mga magulang niya ang sitwasyong iyon upang ipilit ang kanilang gusto.

      Ilang araw mula ng maka-uwi sila galing argentina, dumeretso na si Rui sa bahay ng kanyang mga magulang. 

    "Nakaka-inis" iyon na lamang ang kanyang nabanggit. wala naman siyang magagawa. nang makapasok siya sa loob ay kaagad siyang sinalubong ng kanyang ina.

    "Ruianne, Anak! mabuti at umuwi ka na." agad siya nitong niyakap. "halika sa kuwarto ng iyong papa, matagal ka na niyang hinahanap anak." 

    "Umuwi lang naman ako gaya ng sinabi mo. Pero mama, kung iyon pa din ang pag-uusapan natin. my answer is still no!" sagot niya sa kanyang ina.

    "Ruianne anak, mabuti pa makinig ka muna sa amin ang iyong papa." hinawakan nito ang kanyang kamay at inaya sa kuwarto ng kanyang ama. Nang makapasok sila nakita niya ang kanyang ama, tahimik lang na nakatingin sa bintana habang nakahiga. lumapit rito ang kanyang ina. 

    "Mahal ko, narito na si Ruianne." pagbabalita nito sa kanyang asawa at unti-unti itong lumingon sa kanya. Nang makita siya nito ay agad na sumilay ang ngiti sa labi.             

    

          MAHAL naman niya ang kanyang mga magulang ngunit nang dahil sa kagustuhan ng mga ito na ipakasal siya sa lalaking hindi pa niya nakikita o nakikilala. Kaya agad siyang nagdesisyon na lumayas sa kanila. 

          Hanggang sa nakilala nga niya si Mark San Andres. inalok siya nito nang trabaho. Bilang isang Secret Agent. Ngayon nagbabalik siya sa lugar kung saan iniwan niya ang lahat, karangyaan kung saan nasusunod ang lahat ng kanyang gusto ngunit sa bawat kahilingan ay may kapalit. hindi niya gusto ang palakad sa kanilang tahanan, walang laya. Istrikto ang mga ito kaya malaking tanong sa kaniya. "Ano ang nangyari at nagbago sila?" nang mag desisyon siyang umalis, ganoon na lamang ang galit nang mga ito dahil sa kahihiyang idinulot niya sa kanilang pamilya.   

        "Ano ba ang dahilan at pinabalik niyo pa ako dito?, hindi ba't kayo na ang nagsabi na huwag na akong babalik." akala niya wala na siyang galit at tuluyan na niyang nakalimutan, ngunit nang makita lamang niya ang mga ito ay nagbalik na naman ang lahat ng sakit at sama ng loob niya sa mga magulang.

    "Ruianne, listen to us." wika ng kanyang ina.

    "Ginawa kong makinig sa inyo noon, pero ano ang napala ko! ayoko makipag plastikan mama, I hate you both, really really hate you!" Galit na wika niya pilit na pinapakalma ang sarili upang hindi makagawa o makapagsalita pa ng masasakit sa mga magulang. tumayo ang kanyang ina at lumapit sa kanya. 

    "Anak, We're sorry for everything, please forgive us." at bigla itong lumuhod sa harap niya. Nabigla si Rui sa ginawa ng kanyang mama, kilala niya itong matigas at walang puso. "bakit ngayon humihingi ito nang tawad?" ito ang tanong na pumasok sa kanyang isipan. 

    "I know you mama, hindi ka gagawa ng isang bagay na walang kapalit."

    "No, there's nothing to do with that, i know that i did a lot of bad things to you, naging masama akong ina and I am sorry. Nang umalis ka, narealiazed namin nang iyong papa kung gaano ka kahalaga sa amin." Wika nito habang lumuluha. nanatiling nakatalikod lang si Rui at pilit na iniintindi ang mga sinasabi ng kanyang ina. ngunit ang tanging nararamdaman niya ng mga oras na iyon ay galit. 

    "Anak, patawarin mo kami ng iyong ama" 

    "Mabuti pa tumayo na kayo riyan, may puso pa din naman ako ngunit wag muna kayong umasa na mapapatawad ko kayo. hindi ganoon kadali na kalimutan ang ginawa niyo sa akin." lumapit siya sa ama na nakahiga sa kama at nakatingin lamang sa kanya.

    "Yung pagmamahal ko sa inyo, bilang magulang unti-unti nang naglalaho, ang tanging natititra na lamang ay ang respeto, dahil kahit paano utang na loob ko pa din ang paluwal niyo sa akin sa mundo. kung wala na kayong sasabihin aalis na ako. may iniwan akong trabaho dahil akala ko mahalaga ang sasabihin ninyo, aalis na ako!" at naglakad na siya palabas ng pinto ngunit bigla siyang natigil nang marinig ang tawag ng kanyang ama.

    "R-ruianne, my P-princess. P-please Don't leave." wika ng kanyang ama, kahit nahihirapan itong magsalita.

    "Papa!" as Rui heard the word endearment from her father, she walks back to him and gave it a hug. akala niya hindi na niya maririnig pa ang mga katagang iyon. simula ng naging abala ito sa negosyo. madalang na silang magkita even reading books at night before she go to sleep, hindi na nito nagagawa. kaya nang marinig nito ang salitang "My Princess" mula sa kanyang ama tila nagiba ang pader na nakapalibot sa kanyang puso. tuluy-tuloy na pumatak ang luha mula sa kanyang mga mata bunsod ng pagka-ulila sa pagmamahal mula sa kanyang ama. Yes she's a daddy's girl. 

    binabalot na sila ng matinding emosyon, lalo na nang niyakap si Rui ng kanyang ina. at hinalikan sa kanyang ulo. simula't sapul na nagka-isip siya hindi niya naranasan ang ganoong halik mula sa kanyang ina. mahigpit silang nagyakap na tila ayaw nang pakawalan ang isa't isa. 

    ilang minuto din silang magkakayakap. doon na lamang naramdaman ni Rui ang init ng yakap ng kanyang mga magulang. hanggang nagsalita ulit ang kanyang papa. 

    "My princess, dito ka na muna, we want to spend more time with you please" Dahil sa paki-usap ng kanyang ama pumayag si Rui sa kagustuhan nito. Naging masaya naman ang mga ito sa kanyang pagpayag.

    "Your room is still there, lagi namin iyon pinalilinis, hindi namin alam kung magugustuhan mo ang ayos niyon. dahil ilang taon na ang lumipas nang umalis ka dito sa bahay. pero hindi namin pinabayaan ang mga gamit mo." nakangiting wika ng kanyang ina.    

     "No, its fine. let it be hindi talaga ako pwedeng magtagal. ilang araw lang ang hiningi kong pahinga kay boss." paliwanag niya. hindi alam ng kanyang mga magulang kung ano ang kanyang trabaho.

    "Baka nagugutom ka anak, gusto mo ipagluto kita?" Alok ng kanyang ina habang hinihimas ang kanyang buhok.

    "Okay, gusto ko iyon." Wika niya habang nakangiti sa Ina. muli siya nitong hinalikan sa noo at tumayo na upang ipagluto siya ng pagkain. nang makalabas ang ina tumingin siya sa ama at hinawakan ang mga kamay nito. 

    " Papa kailan pa natutong magluto si mama?" At nakita na lamang niya itong natawa. 

    "Princess, kung alam mo lang, She nearly burn the kitchen" Natatawang pahayag nito sa anak "Pero ngayon mukhang medyo, medyo lang. nagiging expert na siya." at sabay silang natawa. "I miss you so much, akala ko mamamatay akong hindi ka nakikita. Aaminin kong natakot ako kanina anak. ibang-iba ka na. My princess, you have grown now, your full of authority ang braveness. ang malambing kong anak ngayon matapang mo nang sinasabi ang lahat ng gusto mo, without hesitation. Im proud of you!" at pinisil nito ang kanyang kamay  "Masaya akong makita kang muli anak."  

    "Me too papa, me too." at niyakap niyang muli ang kanyang ama.

    

    

    MAGANA siyang kumakain sa hapag-kainan, habang naghuhugas naman ang kanyang ina ng mga ginamit nito sa pagluluto. 

    " Mama, kailan ka pa natutong magluto?" tanong niya sa ina. habang patuloy pa din ang paghuhugas nito.

    "I have to, dahil nagbawas na kami ng mga katulong. and ofcourse responsibilidad ko naman talaga ito bilang asawa at ina. Noong umalis ka napakarami kong narealized, napakadami kong pagkukulang sa iyo anak naging masama ako sa iyo." lumapit ito sa kanya. "Sana mapatawad mo ako."

    "Aaminin ko sa iyo mama, galit pa din ako. pero nakikita ko ngayon kung gaano mo pinagsisisihan ang mga nagawa mo noon. Pero hindi ganoon kadali ang magpatawad lalo na kung malalim na ang sugat na dinulot niyon. hayaan niyo in time, maghihilom din ang lahat ng sugat na dinulot ng nakaraan." wika niya sa kanyang ina. ipinagpatuloy niya ang kanyang pagkain at inubos lahat ng inihain ng kanyang ina. matapos noon ay tinulungan niya itong hugasan ang kanyang pinagkainan.

    

    

    PAPASOK na siya ng kanyang dating kuwarto, Nang buksan niya ito, bumalik ang lahat ng alaala na pinilit niyang kinalimutan ng mga nagdaang taon. kaya lumabas na lang siya at lumipat sa guess room. hindi pa niya kaya. masakit pa.

    Nang makapasok siya roon ay agad niyang ibinagsak ang katawan sa kama. naisip niya si Maynard kaya tumawag siya rito. ilang ring lang ay agad itong sumagot. 

    "Hi baby! kumusta ka na, Ayos ka lang ba diyan sa bahay ng parents mo?"

    "yeah, im fine. But everything change in here"

    "Bakit?" tanong ni maynard sa kanya.

    "nagbago na sila mama at papa, they said their sorry from everything they've done." wika niya sa kasintahan.

    "So napatawad mo na sila?" 

    "Not actually, ang hirap pa kasi gawin ang bagay na iyon lalo na kung malalim na ang nagawa nitong sugat sa puso ko."

    "Don't push too hard baby, magagawa mo din silang patawarin. sa ngayon hayaan mo muna silang ipakita kung gaano kasensiredad ang paghingi nila nag tawad sayo."

    "Iyan din ang iniisip ko, sinabi ko naman kay mama na hindi madaling kalimutan ang mga nangyari," kuwento niya sa kasintahan. 

    "Just give them some time, darating din ang araw na mapapatawad mo din sila." saad ni Maynard sa kanya. "mahal na mahal kita." 

    "Mahal na mahal din kita, sige na namimiss tuloy kita eh," natatawang wika niya rito.

    " i miss you more, Baby, Sige na tatapusin ko na muna itong trabaho ko. See you soon, Baby Ru!" 

    "okay, see you soon! May naiwan pa akong misyon, ipinasa ko lang muna kasi kay shane dahil nagkaroon nga ng emergency dito sa bahay." paliwanag niya.

    "kung ganoon hihintayin kita, bye, love you!" 

    "love you too!" at in-end na niya ang tawag. "para tuloy gusto ko nang bumalik sa Argentina, gusto ko na siyang makasama." kaya tumayo na siya at naligo na muna bago matulog.

    "mukhang may mangyayari bukas, nararamdaman ko. my instinct never fails me" kaya nang matapos siya sa pagligo agad niyang nilibot ang buong bahay, just to check na perimeter, a momrnts later, Nothing suspisous. at pumasok na siya ng bahay at sinigurado na naka lock ang lahat ng pintuan at bintana. habang pabalik siya ng guess room nakasalubong niya ang kanyang ina. nagulat ito ng makita siya kaya agad niya itong nilapitan.

    "Mama, anong ginagawa mo dito? akala ko natutulog ka na." wika niya sa ina.

    "I was just checking your father, tulog na siya at naka-inom na rin ng gamot." nakangiti nitong wika sa kanya. " ikaw, bakit ka nandito sa labas?" tanong nito sa kanya.

    "nagpahangin lang po ako, namiss ko din naman itong lugar natin kaya naisip kong magpalakad lakad na muna." paliwanag niya sa ina.

    " that's good, mabuti pa magpahinga ka na. gabi na at baka mapuyat ka." malambing nitong wika sa kanya at niyakap siya."masaya ako na bumalik ka anak." ngumiti lamang siya at naglakad na pabalik sa guess room.

    "there is something wrong about mama, hindi maganda ang pakiramdam ko. mukhang matatagalan ako dito." kaya nahiga na siya sa kama at nagpahinga. 

    "I have to Investigate, may hindi tama sa ikinikilos ni mama." kaya natulog na siya.  

    

    KINABUKASAN, maaga siyang nagising dahil sa narinig na ingay mula sa labas ng kanyang kuwarto, kaya agad niyang kinuha ang kanyang baril sa ilalim ng kanyang unan at itinago sa kanyang likuran, bumangon siya at binuksan ang pinto. nakita niyang nagkakagulo ang mga katulong sa hindi malamang dahilan. kaya lumapit siya sa isang katulong at nagtanong.

    "Anong nangyayari?" 

    "naku po, señorita. may mga lalaking dumating dito at puro sila armado. kinakausap na sila ni señora. hindi ko po alam kung ano na po ang nangyayari." wika ng katulong sa kanya.

    "Sige salamat mabuti pa gawin niyo ang normal niyong ginagawa wag kayong matakot." 

    "sige po" at agad itong umalis. dahan-dahan siyang naglakad patungo ng hagdan, bahagya niyang sinilip kung ano ang nagyayari sa baba. nakita niyang mahinahong nakikipag-usap ang kanyang ina, nang biglang lumapit ang isang lalaki sa kanyang mama at pinisil ang mukha nito. iyon ang naging senyales ni rui para kumilos. 

    "Sinasabi ko na nga ba." kaya bumalik siya sa kanyang kuwarto at kinuha ang kanyang paboritong baril. her two favorite hand gun just like lara croft in the movie.

    kaya naglakad siya nang dahan-dahan, at inestima muna ang situwasyon. nang makita niyang sinampal ng lalaki ang kanyang mama hudyat na ito para siya'y magpakilala.

    "Hey, mukhang seryoso naman yata kayo dito" Wika niya habang bumababa ng hagdan at nakatutok ang kanyang mga baril sa mga armadong lalaki.

    "Sino ka?" tanong ng isa sa mga ito.

    " wala ka nang paki-alam kung sino ako, kayo ang sino at bakit kayo nandito"

    Nakita niyang hinawakan sa buhok ang kanyang mama at pilit na pinatatayo. 

    "May utang sa amin ang babaeng ito at hanggang ngayon hindi pa din nagbabayad, narito kami upang maningil."

    "Bakit, magkano ba ang utang niya sa inyo at kailangan niyo pa siyang saktan ng ganyan." 

    "Fifty million pesos, kasama ang interes" 

    "Barya lang pala ang utang niya sa inyo, Ako mismo ang magbabayad. inilagay niya ang isang baril sa kanyang holster ngunit ang isa ay nakatutok pa din sa mga lalaki, nakita niyang gumalaw ang isa sa mga lalaki at binantaan niya ito.

    "Hey, Fucker!, one wrong move and i can kill you all." kinuha niya ang cellphone sa bulsa at may tinawagan. 

    "Macey, yeah its me, can you transfer fifty million pesos on my bank account right now, okay thank you," then she end the call. "there, siguro naman ayos na iyon. magsi-alis na kayo bago ko pa kayo mapatay at yung pera ako mismo ang magdadala sa inyo." 

    "paano kami makasiguro na madadala mo ang pera?" tanong ng lalaking nanakit sa kanyang ina.

    "trust me, kapag sinabi ko na dadalhin ko, gagawin ko." seryoso niyang sagot dito.

    Nang marinig nila iyon ay agad  nang umalis ang mga ito, nilapitan niya ang kanyang ina, at inalalayang makatayo.

    "Are you okay, Mama?" tanong niya rito.

    "Ayos lang anak, Salamat." nang maka-upo ito sa sofa kinuha kaagad ni rui ang first aid kit upang gamutin ang sugat sa labi ng kanyang ina. napasinghap ang kanyang ina nang madikitan na ng bulak na may gamot ang kanyang sugat. 

    "Mama, bakit hindi ninyo sinabi sa akin ang bagay na ito. sino ba sila at paano ka nagka-utang sa kanila nang ganoong kalaking halaga?." tanong niya rito.

    "Pasensya na anak, hindi ko na kasi alam kung saan ako kukuha ng pera ng maospital ang iyong papa, Dahil na bankrupt na ang mga negosyo niya. kaya nang lumapit sila sa akin at pinahiram nila ako ng malaking halaga ng pera. tinanggap ko na, para mabayaran ang mga bill sa ospital at mabili ko ang lahat ng pangangailangan ng iyong ama, despirado na ako ng mga oras na iyon, lahat nang kaibigan at kasosyo ng iyong ama ay iniwan siya sa ere, samantalang noon nangailangan sila hindi nagdalawang isip ang iyong ama na tulungan sila." at umiyak na ito sa kanyang harapan. "sorry talaga anak, nahihiya ako sa iyo." hingi nito ng paumanhin.

    "Wala iyon mama, marami naman akong naipon, kung kinakailangan ninyo ng pera magsabi kayo sa akin at tutulungan ko kayo. Kung gusto ninyo bumalik na kayo ng Argentina, kung saan mas makakapamuhay kayo ng tahimik." Dahil sa kanyang sinabi. nakita niyang natuwa ang kanyang ina at niyakap siya nito ng mahigpit.

    "Salamat anak, salamat talaga." walang tigil ang pag-agos ng luha nito habang nakayap sa kanya. mahigpit lamang niya itong niyakap habang marahang tinatapik ang likod nito. ilang saglit pa ay tumahan ito at kalmado na. 

    "The day after tommorow tayo aalis, kaya ayusin niyo na ang mga gamit niyo. at ang bahay na ito ibebenta na natin, ang pinagbentahan iyon ang gamitin ninyo ni papa para makapagsimula ulit sa Argentina. Doon sa mga natitirang katulong ako na ang bahala sa kanilang magbigay ng huling sahod nila. Sige na mama magpahinga ka na muna at may aasikasuhin na muna ako." Wika niya rito at tumango lamang ito bilang sagot.

    Nang maihatid niya ang ina sa kuwarto nito, nagpaalam siya at sinabing babalik din kaagad. ngunit iba ang kanyang gagawin.

    "Humanda sila, pagsisisihan nila ang pananakit sa aking mama." wika niya habang nakatiklop ang mga kamay na tila gustong manakit. 

    

    NAGHAHANDA na siyang umalis ng tumunog ang kanyang cellphone, kaya sinagot niya ito.

    "Baby, how are you?"wika ng nasa kabilang linya 

    "im fine yabang, ikaw?" sagot niya

    "ito nami-miss ka, Uwi ka na dito sa Argentina." malambing na wika sa kanya ng kanyang kasintahan.

    "Speaking of that, can i have a favor to make, Its important." 

    "Sure, Ano ba iyon?" sagot nito sa kanya.

    "Can i borrow your private plane" wika niya rito.

    "Walang problema" 

    "Thank you, cause i'm going back with my parents." 

    "Really?, Okay pupunta na din ako diyan, para naman makilala ko na din sila personally." saad ni Maynard sa kasintahan.

    "No need, Baby, hintayin mo na lang ako diyan." natatawang wika niya kay Maynard.

    "Fine! hurry back, Okay? Maghihintay ako sa inyo sa Airport."

    " Okay, love you!

    "Love you more,Baby! " And the call ends. natatawa na lamang siya sa asal ni Maynard pagdating sa kanya. para itong batang naglalambing. 

    Nakahanda na ang lahat, pera, baril, higit sa lahat ang kanyang sarili. pagsisisihan nila ang mga ginawa nila. Buhat ang bag ng pera sumakay si rui sa motorbike na kabibili lang niya at pinaandar ito 

    "they better be ready, cause i am!" at mas mabilis pa niyang pina-andar ang motor.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status