Enver’s POV“Congrats, bro. Hindi ko alam na talagang seryoso ang pagsali mo sa legal racing team,” bati sa akin ni Leo sabay tapik sa aking balikat. I just smirked as I shook my head. “Kailangan ko lang.”“Kailangan ba talaga o sadyang napilitan ka lang dahil kay Sayna?”“Hindi naman sa napilitan pero gusto ko rin talagang gawin para sa kanya… para na rin sa sarili ko.” Ngumuso siya at marahan na tumango. Mukhang hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawa kong pag-alis sa grupo niya at lumipat sa legal race.Kung gusto kong magpatuloy sa passion ko at hindi mag-alala sa akin si Sayna, kailangan ko itong gawin kahit na mahirap para sa akin. I don’t know if I would be able to get the thrill I found in my own type of racing before. There’s so much fun and excitement there. Hindi pa naman ako sumusubok ngayon sa legal na race dahil kakasali ko lang kahapon. Naging mabilis lang din ang pagpasok ko dahil sa kilala naman ako.My name brings me privilege.“So, wala na talagang balikan?” he c
Enver's POV (Part II) Nagtiim bagang ako sa sinabi ko. Tuwing naiisip ko na boyfriend ni Sayna si Vince, kumukulo ang dugo ko. Tiningnan niya lahat ng papel. I already emailed him beforehand. Galing din naman ito sa kanya kaya alam niya ang lahat ng tinutukoy. “Gusto ko pang maibestigahan ang tungkol sa buhay ni Vince Poblacion. His personal life. Family life,” pagdidiin ko sa huli kong sinabi. Tumingin siya sa akin na kita kong naintindihan niya agad ang gusto kong malaman bago napatingin siya ulit sa papeles na nilapag ko. Ito naman ay mga college application at ilan pang dokumento kung saan pare-parehiong naroon ang pangalan ni Dad. Mr. Nichael dela Torre read it. Muli pa siyang napatingin sa akin bago niya kinuha ang mga iyon. “It says here that her father is Clinton Ven Servencio. My father is Clinton Ven Servencio…” biglang may kung anong bumara sa aking lalamunan kaya tila napapaos ko itong nasabi. “To be honest, I’m confused. Wala akong kilala na may half brother ako
Enver's POV (Part I) Hindi naman sa nawala ako sa focus sa aking trabaho pero hindi ako mapakali sa nitong mga sumunod na araw. Ayokong maapektuhan ang iilang meeting at projects na hawak ko kaya lang alam kong medyo apektado ito dahil sa nalaman ko. Even seeing my Dad makes me feel uncomfortable, too. Tuwing nagkakasalubong kami sa lobby ay pilit ko rin siyang iniiwasan. Mas nakakapag-isip ako kapag hindi ko siya nakikita pero kasabay nun ay ang pag-iisip ko rin ng kung ano-ano. What I have learned made me a bit distant to him. May mga oras na gusto ko siyang makausap kaya lang mas pinipili ng isipan ko na lumayo muna kay Dad. Alam kong hindi pa naman napapatunayan lahat ng nalaman ko. I don’t know if Vince Poblacion is even my half-brother and a part of me doesn’t believe it but it made me confused and this issue stuck in my head now. I have been looking forward to this day because I will meet the investigator. Magkikita kami sa isang malapit na resto sa office at dahil sa pag
Ngunit malaki ang posibilidad ng sinabi ni Alicia. Something has been off with Vince. He's confident enough to pissed me off. Hindi naman siya mapo-protektahan ng mga Almarez in case na lumaban ako sa kanya. Ito ang nasa isip ko kung bakit malakas ang loob niya na hamunin ako dahil kung totoo ang sinabi ni Alicia, malamang magkapatid kami. At iyon pa ay kung totoo na anak nga siya ni Realyn Mondez - ang dating sekretarya ni Papa na nahuli kong nahalikan niya.Nasapo ko ang noo ko. Sumakit ang ulo ko dahil sa mga nalaman ko at wala man lang naging epekto ang alak sa katawan ko.["Kasama mo si Leo kanina?"]Humilig ako sa headboard at hinilot ang sentido ko. Sayna is my everything and I can't lose her dahil lang sa paghihinala ko kay Vince. Wala siyang alam sa nangyayari sa ginawa ng kaibigan niya at gusto ko siyang protektahan."Yeah. Pero hindi ko na siya kasamang umuwi dahil bigla na lang siyang nawala," sinubukan kong pagaanin ang atmosphere sa usapan naming dalawa. I want to bring
Enver’s POV (Part I) NAGING abala ako sa trabaho at madalang na lang din ang pag-uusap namin ni Sayna kahit pa may nakalaan na kaming oras para makapag-usap. Minsan talaga ay hindi na kinakaya kaya naman lumilipas ang araw na hindi ko man lang naririnig ang kanyang boses. “Bakit tayo nandito?” malakas na tanong ni Leo at luminga sa paligid. Kailangan niyang lakasan ang boses niya para magkarinigan kaming dalawa. Nasa isang bar kami ngayon. Pinaalam ko naman ito kay Sayna at pumayag naman siya na pumunta ako dito at kasama ko naman din si Leo. Wala rin naman akong balak na gumawa ng kalokohan. Kailangan ko lang ng pampainit sa aking lalamunan dahil lamig na lamig na ang katawan ko para sa asawa ko. “Marami lang akong iniisip at gusto ko lang munang umalis sa bahay.” Wala rin naman si Sayna doon. “Bakit naman?” Kinuha niya ang isang beer at nilagok ito bago muling nagsalita. “Alam ba ito ni Sayna? Ayokong madawit sa away mag-asawa.” “Alam niya. Nagpaalam ako.” Tila nakahinga ng m
Enver's POV (Part 2)“Bakit? Hindi ko hahayaan na ginawa niya iyon sa iyo. He’s the mastermind. Makukulong siya at-”“Gusto ko rin iyon, ‘Pa. Gusto ko siyang makita sa loob ng rehas dahil alam kong siya ang mastermind sa aksidente ko.” Hinawi ko ang aking buhok papunta sa likod. “Kanina nung nakita ko siya gusto ko siyang saktan pero hindi pa ngayon. I was bothered that he wasn’t bustling about it. Para may iba pa siyang plano kaya alam ko kung sasabihin natin ngayon makakalusot siya at isa pa, illegal racing iyon, ‘Pa. Malamang nasa isip niya na kahit sabihin natin sa mga pulis, mahihirapan tayong i-justify ang totoo. Lahat pwedeng mangyari sa race.”Tumango si Papa kahit hindi naman niya gusto ang sinabi ko. But somehow he looks pleased and proud. “You grew up, Enver. I’m proud of you.”“This is for Sayna,” maagap kong sagot. Napaayos ng upo si Dad. Sumingkit ang kanyang mata sa akin. “We’re trying to make our relationship work for real, ‘Pa,” dugtong ko pa. Nagulat siya pero mabil