Hindi sanay si Zimon walang marinig na sermon galing sa mga magulang .Laking himala sa kanya dahil tahimik ang mga ito.
'' tama ba ang nalaman namin magpapagawa ka ng greenhouse sa farm ?" hindi na siya nagtaka na mabilis kumalap ng impormasyon ang kanyang ama . '' yes at isang hectarya ang kailangan ko tutal may lupa doon na wala naman tanim dad '' hindi natataniman dahil hindi gaano healthy ang lupa kaya gawin niyang greenhouse para malagyan ng organicsoil para maging bago ang lupa nito . '' maganda ah sasama ako sayo bukas para makapag bigay din ako ng ideya '' papayag na sana siya para naman may kasama siya doon magplano pero bigla niyang naalala ang sinabi ng isang dalagita kanina .Napangiti siya habang naalala ang mukha nitong napaka inosente. '' kaya ko na ito at baka hindi makatrabaho ng maayos ang mga tao doon kung meron kayo'' baka mamaya takot ang mga tao habang nagtatrabaho dahil meron ang kanyang ama .Hindi pa naman niya gusto ang makitang may napapagalitan sa kanyang harapan . Dahil sa narinig hindi agad nakapag salita si Ben dahil naging slow ang kanyang isip habang iniintindi ang mga sinabi ni Zimon. '' ano pinagsasabi mo Zimon ?" inis niyang saad . '' ..I mean dad kaya ko na at hindi na kailangan ng tulong niyo .Akala ko ba gusto niyo akong matuto ?" hindi niya maintindihan walang araw na hindi sila nanermon tapos ngayon gusto niyang gumalaw para sa hacienda mangingialam sila . Nagpaalam na muna siya dahil may tumawag sa kanyang cellphone hindi na niya hinintay ang ibang sasabihin ng kanyang ama dahil tumatawag ang kanyang assistant. ''hayaan muna ngayon at mukhang may oras na sa hacienda ang anak natin . Magfocus ka nalang sa kompanya ang problema tungkol sa shipment ng mga product natin papuntang ibang bansa '' ito ang malaking problema sa kanilang kompanya kailangan dahil million ang halaga ng produktong iyon kung hindi nila ma ship sa bansa ng buyer . '' ewan ko ba kung ano ang pinaggagawa ni Bernard bakit hinayaan niyang ma pending ang pag ship sa mga producto . Tumawag na ang mga buyer kailangan na nila ang produkto natin dahil demand ito sa kanilang bansa '' ito ang may trabaho sa shipment abroad pero pinabayaan at mukhang magkakaproblema ang kanilang financial kung masasayang ang mga produktong iyon . ''pagsabihan mo ang kapatid mo Ben dahil malaking perwisyo ang kapalpakan niya '' kung pagsasabihan na naman niya mag away na naman sila dahil napaka tigas ng ulo ng kanyang kapatid . '' tumawag na ako kay papa at siya na daw ang bahala '' ito nalang ang pag asa nila para maayos ang gusot . '' okey kung ganun '' walang nagawa si Mabele kundi sumang ayon nalang sa gusto ng kanyang asawa .Medyo dismayado siya kay Ben dahil wala man lang pagkukusa para ayusin ang gusot .Ang byenan niya lagi ang nakakaayos paano nila makuha ang simpatya ng mga board members at shareholders kung laging nakaasa sila sa ama nito . Kumatok muna si Pilar ng tatlong beses bago may narinig siyang isang tinig ng binata mula loob .Napapailing siya dahil sa edad na bente kwatro ng binata ay umiinom na ito ng alak . ''señiorito ito na po ang yelo '' inilapag niya ang isang bowl na puno ng yelong durug . Dahil kanina pa inaalala ni Zimon ang mukha ng dalagita parang gusto niyang makilala ito ng lubusan . '' may kailangan paba kayo señiorito?" medyo natatakot na tanong ni Pilar sa binata. '' manang diba nakatira ka sa hacienda kilala mo ba ang dalagitang nagngangalang Sofia ?" napamulagat si Pilar sa tanong ng binata .Nagtataka siya bakit tinatanong nito ang kanyang anak . '' anak ko po siya señiorito '' walang alinlangan niyang sagot .Ang anak lang naman nila ang may pangalang Sofia sa hacienda.Dalawang buwan na sila doon at wala pang pasok ang mga bata dahil susunod pa ng linggo ang magiging pasok ng mga ito kaya alam nyang pumasyal na naman ang mga ito sa kamalig para maglaro . '' what ?" hindi inaasahan ni Zimon na anak ni Pilar ang dalagitang iyon . Tinitigan niya ang ginang ni isang hulma walang nakuha ang dalagita na nasa hacienda. '' kung hindi po kayo naniniwala sige po at aalis na ako kung wala na kayong kailangan señiorito '' medyo natakot siya sa titig ng binata alam niyang hindi ito naniniwala tulad ng iba . '' teka manang kinakausap pa kita gusto mo ata matanggal sa trabaho ?" hindi niya gusto ang tinatalikuran siya .Hanggat hindi pa niya pinapaalis ito sa kanyang harapan hindi pwedeng talikuran siya . '' pasensya na po señiorito akala ko po kasi wala na kayong sasabihin pa '' hindi pwedeng matanggal siya sa mansion dahil medyo mataas ang sahod kumpara sa hacienda. ''then paano mo siya naging anak ?'' may namumuong kuryosidad ang kanyang isip sa katulong nila . Hindi siya naniniwala na anak nila ang dalagita dahil sobrang malayo ang itsura nito sa ginang . '' pinaglihi ko siya sa isang manika señiorito kaya naiiba ang itsura niya sa amin '' ang kaba ni Pilar ay hindi na mabilang dahil sa bilis nito . Kinakabahan siya at baka makahalata ang binata tungkol kay Sofia . '' pwede ba iyon mangyari?" nagisip pa si Zimon kung may ganun bang pangyayari .Naniniwala siya kung may genes ang mga ito na maputi at may ibang lahi .Pero kahit ganun wala na siyang pakialam . '' para sa amin sa probinsya señiorito pwede po na ganun ang paniniwala namin dahil noong buntis ako manika lagi ang gusto kong kausap '' bahala na kung maniwala siya o hindi . ''ahh eh sige manang pwede na kayong umalis .'' napakamot nalang siya dahil mas nadagdagan pa ang kanyang isip sa sinabi ng katulong .Gusto niyang matawa pero huwag nalang dahil baka ganun ang paniniwala ng pamilya nila .Buntong hininga siyang tumayo at pumunta sa terrace ng kanyang kwarto .Naiinis siya sa kanyang sarili dahil hindi niya makalimutan ang mukha ng dalagita . GAbi nang nakauwi si Pilar dahil hinintay pa nila ang driver ng closevan para sunduin sila dahil kapitbahay lang nila ang driver at dala nito ang sasakyan papunta sa kompanya ng mga Morgan . '' mukhang pagod na pagod kayon dyan sa mansion a '' asawa ng driver ang isa sa kasama niyang katulong sa mansion ng mga Morgan .May mga stay in pero mga kaanak na ng mayordoma ang naroon sila na may tirahan sa hacienda ay pinapatawag lang sila tuwing apat na araw .Kung wala sila trabaho sa mansion tumutulong sila sa hacienda para pumitas ng mga prutas . ''madami silang pinalaba sa amin ni ate Pilar . '' kiniwento pa ni Rosenda ang lahat ng kanilang ginawa sa mansion .Habang siya tahimik na nakatingin sa madilim na daan iniisip si Sofia at ang sinabi ng binatang Morgan . Balita niya playboy ang binata at ibat ibang babae ang nakakaniig nito .Natatakot siya na baka isali nito si Sofia sa magiging koleksyon niya sa mga babae . Masyado na siyang advance mag isip bata pa ang kanilang anak kaya impossible na magustuhan ni Zimon ang kanilang dalagita . Baka naintriga lang ito dahil si Sofia ang naiibang itsura sa hacienda kung hindi lang ito nakatira sa hacienda baka mapagkamalan na anak mayaman ito .Pero sa isip niya baka mayaman nga ang mga magulang ni Sofia .Kung ibabalik naman niya sino ang mag aalalaga gayong namatay na lahat ng kaanak nito sa aksidente at tanging si Sofia lang ang nakaligtas . Hindi pwedeng mawala sa kanila si Sofia dahil nagkaroon silang mag asawa ng pag asa para mabuhay ng matagal .Hindi mahirap ang pag alis agad nila Sophia sa kanilang bahay .May sumundo sa kanilang itim na sasakyan at nagpakilalang boss nila si Martin .Dahil gusto niya ng kumpirmasyon tinawagan niya si Martin at totoo ang sinasabi ng tatlong lalaki . Nagmadali silang lumabas at binigay ang mga maleta nila . ''angkle Martin salamat sa pagtulong sa amin '' naiiyak na siya.Akala niya hindi sya matutulungan nito pero mukhang tama ang kanyang nilapitan na tao . '' walang anuman Sophia kinagagalak kong makatulong '' sobrang nagagalak siya dahil magkakasama ulit ang mga magkakapatid plus may dumagdag pang isa . Siguradong masaya na ang Don pag nakikita niya ang mga ito . '' pakiusap lang angkle huwag niyong sabihin kay Zimon ''alam niyang magagalit iyon dahil sa iba siya humingi ng tulong pero ano magagawa niya kung si Martin ang bukod tanging makakabigay agad sa kanya ng tulong ngayon . '' don't worry Sophia tayo lang ang nakaakalam nito .Masaya ako na doon mo ilalagay ang anak mo sigurad
Dahil hindi mapakali si Angela tinawagan niya ang ina ni Zimon para tanungin kung ano nga ba ang ginagawa nito sa America at hindi kasama si Zimon . ''what bakit nandyan si Sophia.Akala ko ba assistant ito ng anak ko '' kahapon lang sila meron sa bahay nila at ang buong akala niya mag hohoney moon pa ang mga ito para naman mapadali ang pagkakaroon nila ng anak at makaalis na ang babaeng iyon sa kanilang buhay . '' assistant saan tita ?" ilang minuto na ang nakalipas pero parang ang sinabi ng ina ni Zimon parin ang nasa kanyang isipan . '' ang anak ko ang bagong chairman ng kompanya ni mister Guevara at assistant nito si Sophia kaya nagtataka ako bakit nandyan ang babaeng iyan '' kung si Zimon ang bagong chairman ng kalaban nilang kompanya mas lalo siyang mahihirapan sa paglapit kay Zimon .Bakit ito ang tinalagang bagong chairman gayong taga labas at walang alam sa ganung negosyo si Zimon .'' I don't know tita according to her nabaksyon lang '' sagot nalang niya sa tnong nito .
'' mom gusto ko mamasyal sa mall '' minsan lang mag request ang anak niya kaya pagbibigyan niya ito . Gustong gusto nito sa mall dahil nakakagala ito at minsan doon nagagawa niyang pagpawisan dahil sa paglalaro sa arcade. '' sige kasi kailangan mo ng makakapal jacket habang hindi pa gaano malamig '' may pag aalala siya sa kanyang isipan . Isang buwan parang ang iksi na makasama niya ang anak nito . '' yeheyyy '' kitang kita ni Sophia ang tuwa sa kanyang anak .Kaya hinawakan niya ito sa kamay at niyakap ulit .Hindi siya magsasawang yakapin si Zilux . '' sama ka din manang para makapili ka din .Ipapaayos ko pa ang bahay para safe sa lamig '' gusto niya din ito bilhan ng maayos na winter clothes dahil may edad na si Rosenda at lalamigin na ito . Pagkarating nila sa mall nagtungo sila agad sa bilihan ng winter clothes. Habang namimili sina Rosenda at Zilux naging abala din si Sophia sa cellphone nito . ''Sophia is that you ?" napatingin siya sa taong nagsalita mula sa kanyang l
Nagulat si Rosenda habang tinitikman ang niluluto nitong ulam nila ni Zilux sa tatlong beses na nagdoorbell.Pag ganun si Sophia lang ang may ganung pag doorbell pero impossible para sa kanya dahil kausap lang niya ito kanina at kahapon . '' Zilux Look who our guest is before you open the door. I can't leave what I'm cooking behind, it might burn." ''yes lola .'' pumunta naman si Zilux habang hawak nito ang isang kuting na napulot niya lang kahapon mula sa isang creek . Naawa siya kaya inuwi ito at laking pasalamat niya dahil nagustuhan din ng kanyang lola ang kuting kaya kanina galing sila vet . Sinilip niya muna mula butas ng pintuan kung sino ang nagdoorbell at laking gulat niya ng makita ang ina nito .Agad niyang binaba ang kuting sa sahig at nagmadaling binuksan ang pintuan.'' hmmm mommy ?" Nakangiti namang tumango si Sophia.Medyo naluluha na siya dahil finally mayayakap na niya ang uniko iho nito . '' mommy ?" '' I miss you baby '' niyakap niya ito ng mahigpit at hinali
'' ayos ka lang ba namumula ang pisngi mo ''hinaplos nito ang pisngi ni Sophia ngunit umiwas lang ito sa kanya . Halatang galit na galit ang kanyang asawa sa ina niya . Alam niyang nasaktan ng mommy niya si Sophia dahil sa pamumula ng pisngi nito . '' paano sinampal ng mommy mo .Sabi ko sayo hindi na tayo pupunta dito pero matigas ang ulo mo '' kailangan hindi na muli magtagpo ng landas nila ng ina ni Zimon hindi sa ayaw niya ito pero gusto niyang makaiwas sa gulo lalo't narinig nito na may kausap siyang iba . ''ano ba kasi ang dahilan .Hindi ka sasaktan ni mommy kung walang rason ?" hindi naman niya masisisi si Zimon kung kampihan niya ang ina nito . Mas lalo pa siyang sumimangot para halatang naiinis siya . '' paano narinig niyang may kausap ako .Namali siya ng akala .Kausap ko lang naman ang anak ko namiss niya kasi ako kaya ayon naglambing .Bilang ina na malimit lang ang pagtawag ng anak ko syempre sweet akong makipag usap sa anak ko '' totoo na ang luhang lumabas sa kanyang
Maaga silang umalis sa kompanya ng Guevara dahil wala pa naman siyang gagawin doon.Inuwi nalang niya ang mga dapat pag aralan tungkol sa parte ng mga kompanya na dapat niyang matutunan bilang isang chairman.Isa itong hamon para sa kanya at tatanggapin niya ito dahil mas marami pa siyang matutunan pag oras na maging chairman siya ng kompanya . ''saan mo gusto pumunta ?" tanong nito kay Sophia na kanina pa tahimik .Mukhang iniisip nito ang tungkol sa pag aaral niya. '' ikaw kung saan mo gusto .Hindi ako gaano pamilyar dito '' tama naman na hindi siya pamilyar dahil wala siyang alam tungol sa syudad .Mas sanay pa nga siya sa america noon kaysa dito .. '' ganun ba sige dadalaw muna tayo sa hacienda'' bigla siyang natigil sa pag iisip ng marinig ang sinabi nito . Hindi siya pwedeng magpakita sa hacienda at baka makilala siya ng mga tao doon . Isa lang ang wala sa kanyang mukha ang nunal na maliit na nasa gilid ng kanyang labi . Hindi niya ito sinasadyang natalsikan noon ng mantika k