Everelle Ponferrada, lumaki sa isang mahirap na bayan, mag isang itinataguyod ang kanyang magulang na hindi na makapag trabaho at ang pamangkin nito. Ang papa niya ay na disgrasya sa trabaho habang nanay niya ay hirap na gumalaw dahil sa katandaan. Pinag aaral niya ang pamangkin habang siya ay tumigil at mas tinutukan nalang ang pagtatrabaho para maka kayod sa buhay. Isaac Kezair Kavanaugh, ang nangungunang bilyonarnayo sa bansa. Ayaw niyang maipagkasundo sa babaeng inireto sakanya ng kanyang ama kaya gumawa siya ng paraan para hindi ito matuloy. Inalok ni Isaac si Everell na magpanggap bilang kanyang asawa kapalit non ang malaking halagang pera. Pumayag si Everelle at tinanggap ito. Ngunit paano kung habang nagpapanggap silang mag asawa ay unti-unti ring nagkakaroon ng nararamdaman sa isa't isa?
Lihat lebih banyakNagbuntong hininga ako at pilit na ngumiti sa apo ng Mayor na si Isaac Kavanaugh. Nagkasakit kasi ang Lolo niya kaya siya muna ang temporary na Mayor. At kanina pa ako inuutusan! Ni hindi pa nga ako nakakakain!
“What's your name again?” he asked as he looked at the paperwork on his hands. “Everelle Ponferrada.” “Pakibigay sa chairman, pakisabi na permihan niya ‘yan,” nang-aasar niyang sabi. Pasalamat ka apo ka ni Mayor kung hindi binigwasan na kita kanina pa. Kung hindi lang siya ganito baka matagal ko na siyang nagustuhan pero hindi, ayoko sa katulad niya na magaspang ang ugali. Pogi siya at malaki ang pangangatawan, halatang inalagaan nang maayos. Sa totoo lang pwede siya maging actor sa Hollywood sa sobrang pogi but he's not my type. Geez, hell no. Umirap ako at pabalang na kinuha ang mga papers sa kamay niya. Nagawa pa nitong ilagay ang mga paa sa ibabaw ng table. “Madapa ka sana sa daan, impakto ka.” Umirap ako sa kawalan. Masamang loob akong naglakad palayo sa office at agad dumating sa office ni chairman. Lumapit ako sa kanya at inilapag sa lamesa ang papel. “Permahan mo raw.” Umupo ako sa extrang silya niya. Kanina pa ako pabalik-balik dito, sana naman last na ’to. “Stress na stress, ah?” natatawang penirmahan ni chairman ang papel na binigay ko. “Gutom na 'ko, wala ka bang pagkain dyan?” Ngumuso ako. Kanina pa kumakalam sikmura ko. Tumigil siya sa pagpirma at may binuksan sa ibabang lamesa niya. “Here,” Agad akong lumapit at kinuha sa kanya ang bread na may kung ano-anong laman. Agad kong kinagatan. Ang sarap, ha? Siya ba gumawa? Sana all. Si chairman para ko na rin tropa dahil sa tagal kong nagtatrabaho rito. “Ito tapos na.” Tumango ako at kinuha agad ang papel at patakbong lumabas sa office. Dumiretso ako sa office ng Mayor. Walang katok-katok akong pumasok at sinadyang pabagsak na ilapag ang mga papers. Kagat-kagat ko pa ang bread ay lumabas na agad ako pagkatapos ibigay sa kanya. Rinig ko pa ang halakhak niya sa loob. Simula noong siya ang pumalit pansamantala ay naging impyerno na ang bawat araw ko sa trabaho. Sinasagad niya masyado ang pasensya ko. Sa sobrang gigil ko ay sinipa ko ang nakitang trash bin. “Aray! Bwisit!” Sa mga sumunod na araw ay paulit-ulit ang nangyare. Minsan naiiyak ako sa sobrang pagod at nalilipasan na rin ng kain. Wala akong maayos na tulog dahil pagkarating ko sa bahay ay inaasikaso ko ang mga gawaing bahay. Haggard na 'ko. “Give this to him!” he shouted. Nakayuko lang akong nakatayo, hindi pinapansin ang sinasabi niya. Nahihilo ako, parang matutumba ako anytime. Wala akong tulog, may binili kasi akong gamot kagabi para kay Mama at inabot ako ng hating-gabi sa sobrang daming pila. Tapos si Papa biglang nilagnat kaya binatayan ko hanggang umaga and now here I am, bangag na nakatayo. “Are you deaf?!” “Sir, nahihil-” “I don't care! Give this to him!” Napakuyom ako ng kamao sa sobrang galit na nararamdaman. Manhid ba siya para hindi mapansin ang ginagawa niya sa ‘kin? Kunti na lang babagsak ako. “Do you want me to fire you?!” sigaw niya. Oo, gustong-gusto ko na. Sobra-sobra na itong ginagawa niya, pati pagkain niya ipapabili sa ‘kin sa sobrang layo pa at nilalakad ko yun kahit sobrang init at walang payong. “Sir, please fire me. I'm so tired, I can't even take care of myself.” Napaupo ako sa sobrang panghihina. “What?!” “Fire me! You know what! Hindi ko alam kung trabaho pa ba ang ginagawa ko! Sinasadya mo ba pahirapan ako?! Kasi suko na 'ko!” sigaw ko. “Kung pinagtitripan mo 'ko please tama na, magre-resign na 'ko.” dugtong ko pa. Nanghihina man ay tumayo at nag-angat ng tingin. Pinunasan ko ang luhang hindi napansin na tumutulo na pala. He's shocked pero agad rin nawala, para bang pinagtatakpan niya ang totoong emosyon niya. Nag-iwas siya ng tingin at umupo, inayos ang necktie. “Fine, go.” “Nakakainis talaga, bwisit siya!” Gigil kong kinurot si Janine sa sobrang inis. Ilang araw na ang lumipas pero pag naaalala ko yun bigla nalang nag-iinit ang dugo ko sa lalaking ‘yon! “Teh, naman, huhu kawawa ako, oh,” naiiyak na sabi ni Janine at hinaplos ang bandang kinurot ko. Umirap ako at ginulo ang buhok sa sobrang inis. Napakaano talaga no’ng impakto na ‘yon, akala mo kung sino. Mas naging okay pa ako no’ng nag-resign ako. Umupo ako at sumandal sa silya sa sobrang pagod. Ito ako ngayon, nagtitinda kasama ang kaibigan ko, may patimpalak sa loob ng basketball court kaya dagsa ang tao sa paligid. Nag-game na lang ako sa keypad na phone ko. May game naman siya, nakaka-enjoy naman. Wala pa kasi akong pambili ng bago, pinag-iipunan pa. “Beh,” “Oh?” “May papalapit.” “Tapos?” Hindi na sumagot si Janina kaya nagpatuloy lang ako. Dumaan ang ilang minuto, tahimik pa rin siya kaya nag-angat ako ng tingin. Biglang kumulo ang dugo ko sa nakita. “Anong ginagawa mo dito?” I looked at him. Yes, it's him! “Kung magso-sorry ka, pwes hindi kita mapapatawad,” walang prenong saad ko. Tumawa siya at kalaunan ay naging seryoso. Sinenyasan niyang umalis muna si Chairman, oo kasama niya. “Janine, pakibantayan mo na itong paninda ko, mag-uusap muna kami.” Tumango naman siya. Agad kong hinila si Isaac sa walang tao na lugar. Binitawan ko ang kamay niya at inis na tumalikod. Pinasadahan ko ang buhok. “Nandito ka na naman ba para inisin ako?” galit kong tinuran. This man, he’s too much for me to handle. He chuckled so I faced him with angrily. “Woah easy,” natatawa niyang sabi. Parang natutuwa sa reaksyon ko, para siyang tanga. I crossed my arms and raised my eyebrow. “Look, I'm not here to apologize, I don't care about what you think.” Lumapit siya sakin. “I want to offer something,” he said. Sarkastiko akong tumawa, offer something? Para saan? Nag-resign na nga ako pero hindi pa rin niya ako tinitigilan! Hindi ba siya napapagod? Kasi ako oo. “I want you to pretend to be my wife,” pangungusap niyang sabi. Hindi ko alam pero biglang kumabog puso ko. Kilig? Bakit ko ‘to nararamdaman?After namin mamasyal ay umuwi rin kami kinagabihan. Gusto ko sanang magtagal pa—gusto kong damhin pa ‘yung aliwalas ng labas, ‘yung paglalakad naming dalawa ni Isaac na tila ba walang ibang mundo kundi kami lang. Pero pinili kong tumigil na rin. Nakakahiya naman sa kanya. Baka pagod na rin siya at hindi lang niya sinasabi.Pagkarating namin, siya na agad ang nag-volunteer na magluto.“Ako na, upo ka na lang,” aniya habang tinatanggal ang relo sa pulso niya.Nag-alok naman ako. Gusto ko sanang makatulong kahit konti, pero agad siyang tumanggi. Siya na raw ang bahala.“Ayaw ko munang mapagod ka,” dagdag pa niya.Hindi ko na lang ipinilit. Nakatingin lang ako sa kanya habang abala siya sa kusina. Napaka-natural niya sa ginagawa niya, parang sanay na sanay mag-alaga ng tao.Pagkatapos niyang magluto, nilapitan niya ako.“I’ll go out for a while,” mahina niyang sabi.Tumango lang ako. “Okay.”Wala naman akong karapatang pigilan siya. Hindi ko siya asawa. Hindi ko siya boyfriend. At lalong
Hawak kamay kaming naglalakad ni Isaac sa gitna ng napakaraming tao. Tanghali na nang napagdesisyunan naming lumabas para mamili ng souvenirs—pang-regalo sa pamilya, sa ilang kaibigan, at siyempre… para sa amin din. Para may alaala.Mainit ang sikat ng araw pero malamig ang simoy ng hangin. Kontra sa init sa Pilipinas, dito parang kahit maghapon kang maglakad, hindi ka pawisan.Habang naglalakad, napansin kong madalas kaming tingnan ng mga tao. Lalo na ‘yung matatanda, para bang ini-scan kami mula ulo hanggang paa. Pero hindi ako nainis, mas naging curious ako.“Do you want to eat ramen?” tanong ni Isaac habang nakatingin sa kaliwa’t kanan, tila ba may hinahanap.“Kakain na lang siguro sa hotel. Hindi ako sanay sa maraming tao,” sagot ko habang pinagmamasdan ang paligid—ang mga taong busy sa kani-kanilang buhay, sa kani-kanilang chismisan.Napansin ko, bihira akong makakita ng mga bata. Halos lahat ay may edad na. Bigla kong naalala ang nabasa ko—na sa Japan, mas marami na raw ang mat
I woke up feeling drained. Parang tumakbo ako ng ilang araw sa sobrang pagod ng katawan ko. Kahit isang daliri ko, hindi ko maigalaw nang maayos.Napapikit ako ng mariin.Kagabi…“Bwisit,” bulong ko sa sarili ko habang sinisikap alalahanin ang lahat.Agad kong tiningnan ang sarili ko. I'm completely naked. Tanging comforter lang ang nakabalot sa katawan ko—at pati na rin sa natitirang dignidad ko.Sumubok akong umupo pero—“Shit!” Napakapit ako bigla sa comforter nang maramdaman ko ang matinding kirot sa pagitan ng mga hita ko. Para bang pinunit ako mula loob hanggang labas.He's a damn monster.Literal na hindi ako makakalakad, gaya ng babala niya. And the worst part? My virginity is gone. I'm no longer the same. Hindi na ako inosente.Humugot ako ng malalim na buntong-hininga. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakahiya—ang nangyari kagabi o ang totoo: Ginusto ko rin naman.At sa tuwing babalik sa isip ko kung paano siya naging mapangahas, mapaglaro, at sobra sa pagiging dominante—nam
“I’ll be gentle, don’t you scream.”Bumilis ang pintig ng puso ko. Parang sasabog. Parang may malakas na sigawan sa loob ng dibdib ko pero sa labas ay tahimik ako—nanginginig lang, takot, sabik, nalilito.Muli niya akong hinalikan, this time, mas mabagal. Mas banayad. Hindi na kagaya kanina na parang mauubos niya ang hangin ko. Ngayon ay para bang sinasamba niya ako sa bawat dampi ng kanyang labi.Isaac’s touch wasn’t rushed this time. It felt like he was trying to memorize me, like he was exploring parts of me he’d been curious about for too long but never dared to touch—until now.Huminga ako nang malalim habang pilit na pinapakalma ang sarili ko. Hindi ko alam kung saan ko gustong dalhin ‘to, pero hindi ko rin kayang tumanggi. Hindi ko kayang sabihing huwag habang ang katawan ko ay nagsusumigaw ng oo.Naramdaman kong unti-unti niyang tinataas ang damit ko, pero nang umabot na iyon sa dibdib ko ay bigla akong napapikit.“Wait,” mahina kong sabi.Huminto siya. Lumingon siya sa akin,
Nakarating kami sa hotel kung saan kami tutuloy ni Isaac at ang masasabi ko lang at sobrang ganda ng napilitan niya. Isa ito sa mga pinaka-mamahaling hotel sa Japan–located at ‘The Ritz-Carlton, Tokyo’ Currently nasa 53rd floor kami.I look around while fixing my clothes and his. This hotel screams luxurious. Tila ba ginawa ito para lang sa mga mayayaman.Nakakapagtaka, sobrang yaman naman nila Isaac para ma-afford ‘to. Umiling ako. Hindi ko na dapat pang isipin pa ‘yon.Nag-unat ako pagkatapos at huminga ng malalim.Okay lang naman 'yung room. Malinis at maayos naman. Maganda 'yung view sa labas, kita mo 'yung city. Comfortable 'yung kama, mukhang malambot. Simple lang 'yung design, pero elegante. Okay na okay na rin 'yung size ng kwarto. Pwede na. Actually, ang luwag pa nga para sa aming dalawa.“Eve?” Isaac called from the kitchen.Dumating kami pero gabi na, obviously he's making the dinner. Guilty tuloy ako. I pout. I act like a baby, tsk.Dali-dali akong pumunta sa kusina a
Nanlaki ang mata ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Literal akong napalunok ng laway. Ang daming gustong itanong ng isip ko pero parang nalunod ang lahat ng salita."Isaac..."Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay. “Don’t say anything. I’m not asking you to love me back. Hindi ko hinihingi ‘yon.”Napapikit ako. Ang init ng kamay niya sa balat ko. Ang bawat hawak niya, bawat salita niya—parang sumisiksik sa pader na itinayo ko."Ayokong kamuhian mo ako. Pero ayokong pilitin ka rin."Nagbukas ako ng bibig, pero wala akong masabi. Tiningnan ko lang siya. Pilit kong hinahanap kung saan ko siya ilalagay sa puso ko. Pero paano kung sa tuwing tinitingnan ko siya, pakiramdam ko andun na siya?Bumaba ang tingin niya sa labi ko."Pwede ba?" tanong niya.Natigilan ako. Hindi ko na kailangan tanungin kung ano ang tinutukoy niya. Hindi rin ako sigurado kung ano ang isasagot ko. Pero hindi ako umiwas.Tumango ako—mahina lang.Dahan-dahan siyang yumuko. Hindi siya nagmad
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen