MasukAlas otso na ng nagtungo si Zimon sa hacienda ang una niyang pinuntahan ay ang kamalig kung saan naroon ang dapat niyang suriin . Kailangan niyang tignan kung tama ba ang temperatura ng kamalig para sa mga bagong harvest at itaatanim na mga butil .
"señiorito nandito na ang mga kailangan mong tignan " sinuri niya ang mga butil na itatanim bukas maayos naman at walang sira .Kahit papaano may mga alam siya tingkol sa hacienda dahil noong bata palang siya laging nakabuntot siya sa kanyang lolo para sumama sa hacienda at tinuturuan siya tungkol sa hacienda tanging ang mga magulang niya lang ang walang tiwala sa kanya .Kahit nasa bente kwarto anyos palang siya marami na siyang alam tungkol sa negosyo dahil kahit wala siya sa loob ng kanilang kompanya alam niya sa sarili na may something sa budget at mukhang nangangailangan ng financing ang kompanya at ayaw niya iyon mapunta sa kanya .Kung gusot nila gawan nila ng paraan dahil iyon ang utos ng kanyang lolo .Huwag muna siya papasok doon hanggat wala itong sinasabi . "bakit ito lang ba ang mga butil para sa mga pipino?" isang balde lang at mukhang hindi sasapat . "pa summer ngayon señiorito hindi pwede magtanim ng pipino lalo't mainit ang panahon .Kaya kaunti lang ang butil dahil sayang kung masira lang dahil sa panahon!" sang ayon naman siya dahil mainit ang lugar nila lalo na kung summer at walang ulan . Pero kailangan nilang magproduce ng maraming pipino dahil gawin itong juice at mga herbal .Ito ang bago niyang ipapasang produkto sa kompanya ang gumawa sila ng cucumber juice. Nailatag na rin niya ang proposal sa kanyang ama ngunit mukhang wala pa itong sagot dahil masama parin ang loob nila sa kanya .. "aba gawan ng paraan hindi mo ba alam na demand ang pipino ngayong pa summer .Kung kailangan maglagay ng green house para maalagaan ng maayos gawin niyo '' alam niyang magagawan ng paraan dahil kailangan niyang mag produce ng cucumber juice para approbahan ang kanyang proposal sa kompanya .Pero sinabi niya sa kanyang ama na itago muna ang pagkakakilanlan na galing sa kanya ang produktong magagawa palang at pumayag naman ito . Kailangan niya lang pag aralan ang farm ng hacienda para mabantayan niya ng maayos mga gagawing produkto . '' sige sir '' Palabas na sana si Koko nang makita niya ang mga anak ng mga farmer .Mukhang naghahanap ng mapaglalaruang mga puno ang mga ito at kasama pa nila ang bagong salta na anak ni Asyong . ''uyy mga bata huwag kayong maglaro dyan '' delikado masyado kung aakyak sila sa puno lalo't medyo mataas ito at baka mahulog sila '' bata paba ang isa mukhang dalaga na '' saad ni Zimon .Napahanga siya sa anak ng mga farmer dahil kahit mahirap ang mga ito may nagmumukha paring anak mayaman .Kakaiba ang kutis ng batang babae at mukha nito sa mga kalaro niyang kapwa bata . '' naku sir dalagita palang yan kinse anyos ..Matured lang kasi matangkad at matalinong bata '' nakasama na nila ito ng ilang araw ,madaldal si Fia at bibong bata minsan ito pa ang nag bibigay sa kanila ng tubig na malamig pag abala sila sa pagpili ng magandang produkto ng mga prutas na madeliver sa factory. '' ohh I see !!'' hindi na siya nagulat dahil mga bata ang kasama nito at galaw palang ay may pagka isip bata na. Parang gusto niyang matawa sa sarili dahil kaninang unang kita niya sa dalagita ay parang bigla siyang na startruck sa ganda na meron ito . '' pakitawag nga sila dito '' gusto niyang makita ng malapitan ang dalagitang kahit malayo sa kanya kitang kita ang ganda na meron at puti ang dalagita . '' punta kayo dito at ipapakilala kayo namin kay señiorito '' bigla naman natakot si Sofia .Hindi dahil baka pagalitan sila kundi anak ito ng taong naririnig niyang nagsusungit sa mga tao sa farm at nanakit sa nanay Pilar niya . .Parang nakakatakot din itong lapitan . '' punta tayo doon ate Fia para makilala mo ang anak ng amo natin '' '' ayaw ko natatakot ako '' totoong ayaw niyang lumapit dahil nakaramdam siya ng takot . ''huwag kang matakot mabait yan tulad ng lolo niya .Ang mga magulang niya lang ang hindi '' '' talaga ?'' naniniwala naman siya sa sinasabi ng mga ito dahil kung masama din ang ugali ng lalaki baka tulad niya takot din ang mga kasama niya sa lalaki . Magkahawak kamay pa silang nagtungo sa kinaroroonan ng anak nang kanilang amo .Halos hindi siya makakurap sa hiya dahil sa kanya pala nakatingin ang lalaki . Bigla siyang nahiya dahil ito ang kauna unahang may tumititig sa kanya at lalaki pa . '' tay koko ano po pala sasabihin niyo sa amin ?" saad ng isang batang babae na nasa edad na sampo .Nanatili paring nakatingin si Zimon kay Sofia pero ang dalagita nakayuko na at nakatingin kay Princess na kahawak kamay niya . '' Sofia ito pala si señiorito,Zimon Morgan ang anak nila senyora at senyor '' tumango lang si Sofia at nanatili paring nakayuko . Napansin naman ni Zimon ang pagiging mahiyain ng dalagita at mukhang takot sa kanya . Napangisi siya dahil mukha ata siyang monster sa itsura nya ngayon .Kahit nasa bente kwatro palang ang edad niya hinayaan niyang tumubo ang kanyang balbas at lagi siyang umiinom ng alak kaya nagmukha na siyang matanda . '' huwag kang matakot hindi ako nangangain ng tao '' pabiro nitong saad . '' baka kasi kagaya kayo ng mga magulang niyo '' kagat labi nalang si Koko sa narinig na katwiran ni Sofia '' bakit ano ginagawa ng mga magulang ko sa inyo?" nalungkot siya dahil umuwi ang kanyang ina na may pasa sa braso at narinig niyang naitulak ng senyora ang kanyang nanay Pilar kaya naitama ang braso nito sa kabinet . '' pasensya na sir sa kadaldalan ni Sofia '' '' totoo naman tatay koko masama ugali ng mga magulang ni señiorito '' napakamot nalang si Koko at nag isip ng maayos .Ayaw niyang pagalitan ang dalagita dahil may katotohanan naman ang mga pinagsasabi nito pero anak ng kanilang amo ang lalaking kaharap ni Sofia at baka magsumbong ito sa mga magulang niya . '' hmmm Fia mali yan '' bulong nito . '' hayaan mo siya Koko ganyan ang mga bata '' humanga siya sa katapangan ni Sofia .Ito palang ang batang nakilala niyang matapang at walang preno kung magsalita basta may katotohanan ang mga sasabihin . '' sige alis na kayo at kailangan niyo ng matulog dahil magtatangghali na para lumaki pa kayo lalo '' baka kung patagalin pa niya ang mga ito may masabi na naman si Sofia at baka mainis na si Zimon . '' sige po '' '' pasensya na sir sa mga sinabi ni Sofia ang batang yon kasi kung ano ang nasa isip sinasabi nito '' '' ganyan talaga mga bata .Ikaw na bahala dito bukas babalik ako para ipagawa ang greenhouse para sa mga itatanim natin .Ang kailangan mong ipagawa ngayon kailangan mo ng gumawa ng punlaan para sa mga buto para madali lang itanim pag maayos na ang green house'' '' sige sir '' umalis na ito at dumeretso sa sasakyan . Kailangan na niyang umuwi dahil uutusan pa niya ang kanyang assistant para kumuha ng contractor para sa gagawin niyang greenhouse.Kailangan niya ng mabilisang galaw dahil itatanim na ang mga butil at ilang araw ang pwede na itong itanim sa mas malawak na espasyo .Isang hectarya lang ang gusto niyang gawing greenhouse dahil kahit winter or summer magagamit ang mga ito para sa mga halaman na sensitive sa panahon .Nagulat si Stephen ng biglang hilain siya ni Saphire sa madilim na bahagi ng hallway .Para sa kanya bilang lalaki nakakagulat ang ginawa ng dalaga pero may nagsasabi sa kanyang isipan na gusto niya ang ginagawa nito . ''hmmm anong ginagawa mo ?" kahit anong iwas ni Stephen sa paghalik sa kanya ni Saphire ay lalo siyang nag iinit dahil patuloy parin itong humahalik sa kanya . '' gusto kong matikman ang sinasabi nilang langit '' nakapikit na sagot ng dalaga .Nahirapan si Stephen magpigil dahil sa ginagawa sa kanya ni Saphire. Kailangan niyang magpigil dahil lasing ang dalaga . Kaya agad niyang hinubad ang suot nitong tuxedo at pinasuot kay Saphire. Ilang sandali pa ay nawalan na ng malay ang dalaga kaya agad niya itong binuhat upang dalhin sa parking lot . Pagkarating nila sa parking lot ay agad niyang tinawagan si Sophia . '' what ???bakit nasayo si Saphire?" tila nagulat si Sophia sa tinawag ni Stephen.Kanina pa sila naghihintay bumalik si Saphire ngunit wala na silang mahint
Nagpasya munang lumabas si Sophia dahil nababagot siya sa loob . Habang nagpapahangin siya ay doon naman lumabas si Zimon dahil nakita niya kaninang lumabas si Sophia.''bakit mag isa ka ngayon dito ?" tila nagulat si Sophia sa biglaang pagsulpot ng taong kinakainisan niya mula sa kanyang likuran .Tumingin siya na parang wala lang sa kanya ang presensya ng dati niyang asawa . '' Zimon ?" hindi niya pinahalata ang pagkagulat nito sa dati niyang asawa . Nagtaka lang siya dahil iniwan nito ang fiance niyang peke . Medyo nasaktan si Zimon sa pinakitang reaksyon ni Sophia para sa kanya ang lamig ng tingin ni Sophia na parang wala lang ito na nilapitan niya . Pero kahit ganun sobra niyang namiss ang dati niyang asawa . '' ako nga my ex wife ..kamusta ka at kamusta si Zilux ?" may hawak na wine glass si Zimon at puno ito mukhang nabored sa loob kaya lumabas tulad niya na gusto niyang magpahangin .Nainis si Sophia sa kanyang loob loob dahil may gana pang mangamusta ang ex husband niya
Pagdating nila Sophia sa venue ay nauna munang pumasok sina Saphire at Alona dahil biglang tumawag ang kanyang anak . Kinausap niya ito saglit sa video call at natuwa naman si Zilux dahil sa sobrang ganda ng kanyang ina . Natuwa naman si Sophia sa papuri ni Zilux sa kanya at binola pa niya ito na maghahanap siya ng ibang daddy . '' mom only daddy '' nadulas na sinabi ni Zilux ngunit binawi niya ito na hindi niya gusto ng bagong daddy . Natawa nalang din si Sophia dahil kitang kita niya sa mukha ni Zilux ang pagkabigla sa sinabi nito . Nagpaalam na siya sa kanyang anak matapos ang kanilang usapan . Pagpasok niya sa loob lahat ng mata ay nakatingin sa kanya na para bang siya ang pinakahuling dumating na bisita sa venue .Nang makapasok siya ay sakto naman nagsara na rin ang malaking pintuan at nasa gitna na siya ngayon .Lahat ng kalalakihan ay nakatingin lang sa kanya na para bang napahanga sila sa kanyang kagandahan . '' ohhh look hot '' saad ng isang lalaki na nasa tabi ni Zimon .
Dahil may event na kailangan puntahan sila Sophia at Saphire maaga silang nag ayos para maagang maakalis dahil inaalala nila ang trafic .Ang pupuntahan nilang event ay isang organization kung saan isa sa kompanya nila ang sponsor kaya inanyayahan si Saphire at Martin .Dahil abala si Martin si Sophia ang dinala ni Saphire para maging kasama nito papunta doon sa event na dadaluhan . Dahil tapos na si Saphire ayusan ng make up artist na kanilang kinuha nagpasya siyang pumunta sa kwarto ni Sophia kung tapos naba ito . Hindi naman sa nagmamadali siya kundi iniisip niya lang ang traffic sa daan lalo't ang venue na kanilang pupuntahan ay madadaanan ang daan kung saan matraffic . Pagkapasok niya sa kwarto ay laking gulat niya ng makita si Sophia sa ayos nito .'' ang ganda mo ate para kang barbie dyan sa pagkakaayos sayo '' '' see I told you ma'am maganda kang ayusan '' saad naman ng baklang make up artist.Napahawak siya sa kanyang mukha .Pulido at simple pero may dating nga ang kany
''Sophia ikaw nga bakit ngayon ka lang '' masayang sinalubong ng matandang naninirahan sa bahay nila Sophia.Ngumiti lang siya at umupo sa sofa na kahoy .May takip parin itong puting kurtina pero ang pagkakaiba lang ay maayos na ang kanilang bahay, Pumunta siya sa may kabinet at kinuha ang larawan ng buo niyang pamilya . Niyakap niya ito ng mahigpit . '' manong ,,alam mo ba kung bakit nandito ako ngayon '' nanginginig niyang boses habang nanlalabo ang mga mata niya dahil sa luhang kusang kumalas Hindi naman umimik ang matanda at mukhang handa itong makinig . '' ito ang araw na namatay ang tiyahin at mga kapatid ..durog na durog ang puso ko nung nalaman kong wala na sila .Inaasahan ko pa naman na makakasama ko sila pero kasamaang palad wala pala ako madadatnan dito ,wala na pala sila tulad nila mama at papa at ganun din ang dalawa kong kapatid na kasama kong nalunod noon'' wala siyang pakialam kung puno na ng luha ang kanyang mukha .Ang importante mailabas niya ang sakit na n
Isang linggo ang nakalipas naging maayos naman na ang lagay ng bata . Bumalik si Antoinette sa hospital para kunin ang resulta ng lab test ng kanyang anak . Kailangan siya ang unang makaalam tungkol sa kalagayan ng kanyang anak bago ang iba . '' dok ano ibig sabihin nito bakit ganito ang rate ng tibok ng puso ng anak ko ?" nawindang siya sa resulta dahil bukod sa mababa ng hemoglobin ng kanyang anak mababa din ang tibok ng puso ng kanyang anak . '' yan ang gusto naming ipaliwanag sa inyo misis.May sakit sa puso ang anak mo '' halos manghina siya sa narinig .Kung ganun namana ng anak niya ang sakit ng kanyang ina .Ito ang sakit ng mama niya at isa niyang kapatid.Bigla siyang nanlumo sa nalaman , '' no !!! hindi pwede ito .anong sakit sa puso ?" hindi siya naniniwala baka nagkamali lang ang doktor . '' mababa ang tibok nito dahil may nakabarang ugat at kailangan ng agarang operation habang maaga pa .'' tuluyan na siyang nanghina at napaupo sa sofa . Ang bata pa ng kanyang ana







