CHAPTER 6
Ilang linggo matapos nilang maghiwalay, nagkalat na sa telebisyon at mga pahayagan na engage na si Sebastian kay Lolita.
Habang nagpapakapagod siya magtrabaho para may ipon siya sa panganganak, ang dalawang iyon ay palaging nakikita ng media na magkasama.
Hindi malayong mangyari ang sinabi ni Stephanie dahil kilala niya si Lolita.
The woman is a she-devil.
Kung siya nga ay binu-bully nito noon na umabot pa sa pagkakakulong niya sa storage room buong gabi, paano pa kaya sa anak niya.
“Mommy, give ko raw po sa ‘yo sabi ni Teacher,” wika ni Sevi nang iwinagayway ang papel na kinuha nito sa bag. “Puntahan mo raw po siya paghatid mo sa akin sa school.”
“Bakit daw po?” Kinuha niya ang papel kahit may kutob na siya kung ano na naman iyon. “Gawa ka nang assignment mo.”
“Tapos ko na po, Mommy. Gusto ko iyong science book ko.”
Nakalabing itinuro ni Sevi ang tatlong makakapal na advance science book na nasa mesa.
Memoryado na yata ng anak niya ang nilalaman pero inuulit-ulit pa rin nitong basahin. Hinihigpitan niya at kailangan pa siya nitong lambingin para mabasa ulit dahil gusto niyang maging bata muna ito.
“Baby Sevi, sleep ka na lang. Hmn…”
Aware naman siya na hindi normal kumpara sa ibang bata ang anak niya. Mataas ang IQ nito, accelerated na sa grade one sa edad na lima.
Matagal na siyang kinukumbinse ng teacher at principal ng King Royale School na i-enroll ang anak niya sa eskwelahan ng mga henyong bata.
Katulad na lang ngayon, pinadalhan na naman siya ng flyers at ilang papel na nagsasabing may non-government organization ang nago-offer na sasagutin ang lahat ng gastusin ni Sevi hanggang doctorate degree kung papayagan niya itong mag-aral sa Germany.
Hindi niya nga kinakaya na hindi ito makita ng isang araw, pag-aralin pa kaya sa Germany? Kaya niya naman pag-aralin ang anak niya sa normal na eskwelahan. Hahayaan niya itong maging bata at pupunuin niya ng pagmamahal.
Umungot si Sevirious at kumandong sa kanya. “Hindi pa po ako antok.”
“Pikit mo na lang ang mata. Yakap ka ni Mommy. You like that?”
“Yakap mo ako tapos hiram po ng cellphone.”
“Bakit?”
“I remember po na sabi sa akin ni Teacher nasa Y ouTube po ang pagpe-play ko ng violin. Tawag mo na po si Mama-Ninang. Let’s tell her to watch me play violin.”
Nabanggit nga iyon sa kanya ni Heather. Ito pa ang unang nakaalam na nasa internet ang video ni Sevi.
Most of the viewers love Sevi’s performance.
May ilan pa nga na nagtatanong kung interesado raw ba ang bata na sumali sa mga talent show sa telebisyon.
“Ang galing-galing talaga ng baby ko na ‘yan,” puri niya. Nag-iinit ang gilid ng kanyang mga mata sa pagka-proud dito.
Sevi playing the violin like a pro. Nakapikit pa at talagang dinadama ang bawat tono na ng instrument.
“Mana po ako sa ‘yo.”
“Oo naman.”
“Saka kay Tita Steph.”
“Syempre.”
“Saka kay Mama-Ninang, Lolo and Lola.”
“Very mana.”
“Kay Daddy pa.”
Nawala ang ngiti niya.
“Sa daddy ko pa, Mommy?” inosenteng tanong ni Sevi habang kumukurap-kurap ang mga matang nakatingin sa kanya.
“Mana ka kay Mommy lahat.”
“Wala po akong daddy? Pero paano po mabubuo ang baby if walang daddy. Daddy will give sperm to Mommy para mabuo ang baby.”
“Blessing ka sa akin ni God.”
“Magic?” nakalabi na si Sevirious, halatang hindi naniniwala sa kanya.
“Yes, Baby.”
“But science said wala pong magic.”
“Meron, Baby Sevi ko.”
“You’re lying, Mommy. Why po?”
“He’s dead. Patay na siya. Nandito naman ako di ba? I’m your mommy and daddy. Saka sina Tita Steph, si Mama-Ninang, sina Lolo at Lola. We all love you.”
Hindi naman na nangulit pa si Sevi kahit alam niyang marami pa itong gustong itanong sa kanya. Ibinalik na lang nito ang atensyon sa pinapanood.
Kaya lang ay napanguso ito nang naputol ang video dahil may tumatawag.
“Thank you,” she mouthed at him and answered the phone call.
“Ms. Mijares.”
Hindi agad siya nakasagot dahil nakita niyang pupungay-pungay na ang baby niya. “Tulog ka na? Goodnight na. Kiss me na.”
Masunurin naman ang batang lumapit sa kanya. Yumakap sa kanyang leeg bago matunog siyang hinalikan ng dalawang beses sa pisngi.
“Love you,” she murmured softly and kissed him on his forehead.
“Miss Mijares!” bulyaw ni Sebastian sa kabilang linya. Nailayo niya ang cellphone sa kanyang tainga sa lakas ng boses nito. Nagsasalubong ang mga kilay na lumabas siya sa silid nila ni Sevi.
“Bakit ba, Boss?” sarkastiko niyang sagot dito.
“I am talking to you yet you’re ignoring me.”
“Boss, gabing-gabi na po. Hindi na office hours.”
“Sinong kasama mo?”
‘Iyong batang gusto mong p atayin na gago ka!’ gusto niya sanang isagot kaya lang ay baka pumunta ito ng wala sa oras sa bahay niya at sakalin si Sevi.
“I don’t think that’s your concern, Sir.”
“I don’t want another problem, Ms. Mijares. Kapag napahamak ka at nawalan ako ng sekretarya, dagdag sakit ng ulo na naman iyan. Kaya umuwi ka na.”
Tumirik ang kanyang mga mata sa pagka-inis. “Nasa bahay na po ako, Sir.”
“Damn it!”
Problema ng lalaking ‘to? Nang sinabing nasa bahay na siya, nagmumura pa rin. Ang gulo talaga.
“Kasama mo ba ang boyfriend mo? Iyong Arnaiz?”
“Lasing ka ba?” hindi niya napigilang tanong. Kung anu-ano na kasing pinagtatanong ng lalaking ito.
“Answer my d amn question, Mijares. I heard you saying I love you to some—”
P inatay niya ang tawag. Bastos na kung bastos pero kung bubulabugin lang naman siya nito sa gitna ng gabi para mag-tantrums na parang bata, mas mabuti pang huwag na siya nitong kausapin.
Hindi niya ito responsibilidad. Dinaig pa ni Sevi na mabilis makaintindi. Isang sabi niya agad ay susunod na sa kanya.
Ni-off niya ang kanyang cellphone nang makitang tumatawag na naman ito.
Kinaumagahan, isinama niya si Sevirious sa SM Naga City para bilhan ito ng inuungot nitong bagong violin. Reward ng bata kahit normal naman na, na perfect nito palagi ang lahat ng exam.
It’s one of her ways to show him that she appreciates him being a good kid.
Nagpaalam sa kanya si Sevi na titingin-tingin muna raw ito ng iba pang music instrument. Pinayagan niya na dahil kilala naman sila ng mga staff roon. Pati na rin ang gwardiya ay kabiruan na ni Sevirious sa ilang beses nilang pagpapabalik-balik doon.
Matapos makapagbayad at makipagkwentuhan ng ilang sandali sa cashier ay hinanap niya na si Sevirous sa store. Tinuro ng dalawang teenager ang dulong bahagi nang itanong niya kung nakita ng mga ito ang kanyang anak.
Madali niya naman nakita ang baby niya. Tatawagin niya sana nang mapansing may kausap ito. Pamilyar ang mukha ng dalawang taong may edad na.
“Bili na po ako ni Mommy ng violin. Thank you.”
“Honey, look at his eyes,” wika ni Mrs. Rocc sa asawa.
Buhay na buhay pa ang babaeng nahulog sa hagdan. Kahit papano ay nawala ang guilt sa kanyang dibd ib nang malamang hindi nga ito natuluyan.
Kung hindi na lang kasi siya nakipagtalo at nagpahila na lang dito palabas ay hindi ito maghi-histerekal na ikinahulog nito sa hagdan.
“Are you sure you don’t want anything? You're a good boy. You deserve a reward.”
Mabait na umiling si Sevi. “Sabi po kasi ni Mommy ko, kapag hindi po sa akin, huwag kong kunin. Hindi naman po sa akin ang wallet.”
Ngumiti ang ama ni Sebastian bago naaaliw na ginulo nito ang buhok ng kanyang anak.
“Sevi,” tawag niya sa baby niya at lumapit na sa mga ito.
Kumaway naman sa kanya ang bata. “Mommy po.”
She smiled at her kid and held his hand, not minding the stares of the Rocc’s.
“Mommy, meet ko po sila,” maligayang wika ng bata.
Nilingon niya ang mag-asawang Rocc at binigyan ng pilit na tipid na ngiti. Titig na titig sa kanya ang dalawa na parang nakakita ng multo.
Muli niyang ibinalik ang tingin sa anak at inabot dito ang violin. “Let’s go na. Kakain pa tayo ng favorite mo di ba?”
Sunod-sunod itong tumango. Ito na mismo ang humila sa kanya paalis.
Narinig niya pa ang pagbanggit ni Mrs. Rocc ng kanyang pangalan ngunit hindi na siya nag-abalang lumingon pa.
CHAPTER 7 “Mommy, hindi po ikaw nag-say ng hi sa lolo and lola. Rude po,” wika ni Sevi at nginusuan pa siya nang mai-upo niya ito sa loob ng restaurant. “Gutom na kasi si Mommy, Anak. Nagustuhan mo ba ang violin?” “Yes, Mommy.” Pero hindi pa pala tapos si Sevi sa pagdaldal nito tungkol sa dalawang matanda. “Pulot ko po kasi ang wallet ng lola. I’m kind daw po tapos bibili niya ako ng reward. Sabi ko; no, thank you po.” Ngiti ang isinagot niya sa anak. Kahit ang totoo ay hindi niya gusto ang nangyayari lalo pa’t nakita niya ang pagpasok ng mag-asawang Rocc sa bukana ng restaurant. Nakatingin ang dalawa sa kanila—kay Sevi. Gusto niyang itago ang anak. Hilahin paalis si Sevirious at lumayas na sa mall para huwag na silang masundan. Pero kapag ginawa niya iyon, mas magiging mukhang may itinatago siya. Ang mga ito ang may kasalanan sa kanya. Wala siyang ginawang mali kaya bakit siya ang aalis. “Hello po, Lola.” Maligayang kumaway si Sevi kay Florence Rocc nang lumapit ang
CHAPTER 8 “What is it, Mom?” kaswal na tanong ni Sebastian sa ina nang mapansing pasilip-silip ito sa kanya na parang may gustong sabihin. His dad cleared his throat and put down his fork. “What’s your plan, Sebastian?” “Wala akong plano.” Sa pagkakataong iyon ay nagsisimula na naman bumalik ang init ng ulo niya. Kaninang umaga pa, dahil kay Neshara. “You bought a company that’s near bankruptcy.” “I’m now the CEO of Rocc’s Corporation. I know what I am doing.” “Hindi iyon ang ibig sabihin ng daddy mo, Anak,” malumanay na saway sa kanya ng ina. Alam nitong mainitin pareho ang ulo nila ni Roman Rocc. “Then, what?” “You don’t need to stay here. Poseidon is available. Pagala-gala lang naman ang batang iyon. Pwedeng siya ang ipahawak mo sa MedBrain. Rocc’s Corporation is waiting for you at Manila.” Nawalan siya ng gana kahit wala pa siyang naisusubo. Naubos ang oras niya sa paghiwa ng steak sa gigil na paraan. “I want to fix the MedBrain. Ako ang nagdisisyon na bi
CHAPTER 9 (PART 1) “Miss, hindi pa po ba magsisimula?” “I’m sorry po, wala pa kasi si Sir,” hingi niya ng paumanhin sa aplikante na nagtanong. “May inasikaso lang siyang importante. He’s on his way here.” “Sige po. Kahapon pa kasi kami naghihintay.” Awkward na nginitian niya ang mga aplikante na nakahilera sa waiting area Nakapagdahilan nga siyang masakit ang tiyan nang pinapasama siya ni Sebastian sa lunch pero ininis naman siya kinahapunan. Nagdagsaan ang mga aplikante ngayong araw dahil napilitan siyang pauwiin ang mga ito kahapon. Mabuti na lang at dumating na kahapon si Heather mula sa ibang bansa kaya napawi ang pagkabwisit niya. “Sir, nasaan na po kayo?” bungad niya nang sagutin ang tawag nito. “We’re going to Manila, Ms. Mijares. Get yourself ready in ten minutes.” “Po? Sir, maraming aplikante na rito.” “Pauwiin mo na.” “Ako na lang ang magi-interview sa kanila.” Narinig niya ang pag-tsk nito sa kabilang linya. “I instructed the HR to give them ten
CHAPTER 9 (PART 2) “Okay na po kayo, Ma’am?” “Opo. Pero iyong boss natin, siguradong hindi pa okay. Ang arogante ng bwisit.” Hindi siya natakot na baka isumbong siya nito kay Sebastian dahil tumawa ang lalaki at inalalayan siya pababa. Bawat madaanan niyang pasilyo ay may logo ng kompanya. Pitong beses yata ang laki ng nilalakaran niyang mga opisina kumpara sa MedBrain. Siguradong maliligaw siya kapag sinubukan niyang umeskapo para lang makaiwas na sumakay ulit sila sa helicopter pabalik ng Bicol. Nakita niya agad si Sebastian sa dulo ng mahabang mesa nang makapasok sila sa conference room. Prenteng naka-upo ito sa malaking swivel chair habang suot ang reading glasses. Ang seryoso nitong mga mata ay nananatiling nakatingin sa papel na nasa harapan nito. Hindi bababa sa sampu ang nasa loob ng conference room. Hula niya ay tungkol sa financial reports ng korporasyon ang pinapaliwanag sa unahan. Natigilan siya sa paghakbang nang ma-realize niya kung saan siya igin
CHAPTER 9 (PART 3) “S-Sa conference po.” “I’m not old, Neshara Fil.” Gulat na itinuro niya ang sarili. “Kilala niyo po ako?” “Come on, I’ll buy you a drink. Sebastian doesn’t know how to keep you.” Hinayaan niya itong hilahin siya sa elevator. Mukha namang harmless ang lalaki kahit nakaka-intimida ang presensya nito. Maangas ang dating. Lalo na ang guhit sa kaliwang kilay nito na natural na makapal, maitim at mistulang iginuhit sa perpektong linya niyon. “I’m Zech Leon,” wika nito nang inilapag ang isang tasa ng kape sa kanyang harapan. Napangiwi siya nang makitang black roasted iyon. “Neshara Fil. Secretary po ni Sir Seb sa MedBrain.” “Secretary,” he murmured like it was the most stupid word he ever heard. Inanggulo pa nito ang ulo bago ngumisi. “Secretary, my ass.” Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Baka tingin din nito sa kanya ay kabit siya ni Sebastian. Mukhang alam nito na may nakaraan sila ng lalaki. “Aalis din po ako sa MedBrain.” Kabadong sumimsim
CHAPTER 10 (PART 1) Kiming nginitian ni Neshara ang tatlong sekretarya ni Sebastian na nag-aantay rito nang makabalik sila sa opisina nito. Ang matangkad na lalaking nasa gitna ang unang lumapit sa kanila. May ipinakita kay CEO Rocc sa hawak-hawak nitong iPad. “Gayle, show Ms. Mijares the documents for MedBrain,” utos ni Sebastian habang hindi nito inaalis ang mata sa gadget. Lumapit sa kaniya ang babaeng maliit na may salamin sa mata. “Tara po, Ma’am?” Ibinigay nito ang hawak-hawak na folder sa isa pang lalaki. Pasimple pang nagsenyasan ang dalawa bago siya tuluyang hinila ng babae. “Pasensya ka na. Si Sir kasi ang sungit-sungit,” wika nito sa kanya nang makalayo sila. “Kanina pa kami naghihintay sa dami ng papapirmahan sa kanya. Hindi namin maistorbo pagkatapos ng meeting kasi magkakasalubong na ang kilay nang muli siyang lumabas ng office niya.” Ipinakita nito sa kanya ang listahan ng mga ospital sa Camarines Sur at mga karatig pang probinsya, na su-suply-an nila
CHAPTER 10 (PART 2) Hindi sumagot si Sebastian kaya hinila niya na ang kamay niya. “Sa labas ko na lang kayo hihintayin, Sir.” Marahas itong bumuga ng hangin at inunahan siya sa paglabas. Parang batang nagdadabog pa. Mabilis naman siyang sumunod dito papasok sa malaking front door. Awtomatikong nailayo niya ang bag nang akmang kukunin iyon ng lumapit na maid. “Ako na po ang magdadala, Ma’am.” “Hindi na kailangan, Ate,” tanggi niya at lumayu-layo dala ng gulat dito. Inutos ni Sebastian na ihanda ang guest room. “You came on time, Seb. Dinner is almost ready,” malambing ang boses ni Mrs. Rocc nang sumulpot ito sa living room. Nawala ang ngiti nito nang makita siya. “What is she doing here?” Disgusto ang boses ni Mrs. Rocc. “She’s my secretary, Mom. I have tons of work from the office. Don’t mess tonight.” “What?!” hindi makapaniwalang bulalas ni Florence sa anak. “I don’t like where is this going, Sebastian.” “Hindi ko po babalikan ang anak niyo kung i
CHAPTER 11 (PART 1) Inagaw niya ang cellphone kay Sebastian. Lihim siyang napausal ng pasasalamat nang makitang hindi iyon video call. Nanginginig na ni-off niya ang loud speaker button. “Nasaan ang mommy mo?” Tumalikod siya kay Sebastian at nagkunwaring busy. “Pinakialaman mo na naman ba ang phone niya?” “Mommy ko, ikaw po ang mommy ko. Gulo ka naman,” sagot ni Sevi sa kabilang linya. Hindi niya man nakikita, alam niyang kumakamot na naman ito saulo. “Sino po iyong sumagot? Guy? His voice is familiar po.” “Akala mo lang ‘yon. Hmn…” Natahimik ng ilang segundo si Sevi bago suminghap na parang may naalala. Mangiyak-ngiyak na ang boses nito nang muling magsalita. “Mommy, I said I don’t want you to have a boyfriend.” Her lips parted when Sevirious sobbed. “I don’t want you to have a boyfriend. Ako lang ang baby mo po, Mommy ko.” Pumikit siya at sinapo ang ulo. Narinig niya ang boses ni Heather na tinatanong kung bakit umiiyak si Sevirious. Hihikbi-hikbi na